##### Chapter 8 We meet again
*****Yoko's House*****
A few weeks passed when Yoko was able to return to her job. Magaling na rin ang pananakit ng balakang n'ya dahil sa malakas na pagkakatulak sa kanya.
Kasabay n'yang umuwi sa bahay ang bestfriend n'yang si Freen and decided to have a sleepover at Yoko's house. Umuwi kasi si Nanay Perla sa probinsya kaya wala s'yang kasama sa bahay, nag-aalala si Freen para sa kanya.
" Yho, what if I stay here at your house for a while? Nag-aalala kasi ako sa 'yo. Lalo na't pati ikaw ay binabantaan na ng mga pinagkakautangan ng Daddy mo, " sabi ni Freen, habang inaayos ang mga pinamili nilang pagkain sa fastfood. Nag-take out na lang sila para sa bahay na kumain.
" Huwag mo na akong alalahanin, okay lang ako, saka kasama ko naman si Sunny dito sa bahay."
" Nag-aalala pa rin ako. "
" Tigilan mo na 'yang pag-aalala mo, maghain ka na nga lang d'yan at nagugutom na ako. "
Mabilis naman s'yang sinunod ni Freen dahil nagugutom na rin ito.
Bigla naman ang pag-ring ng cellphone ni Yho, nang tingnan n'ya ang number hindi ito naka-save sa phonebook n'ya. Isa itong unknown number.
" Sino kaya 'to? " Yoko's thought.
" Bakit, sino 'yan? "
" Ah, wait lang huh, sasagutin ko lang 'to, " sabi ni Yoko. Pumunta s'ya sa sala ng bahay para sagutin ang telepono n'ya.
" Hello, who's this? "
" Yho. "
" S-sino ka? "
" I don't know how to start, but if you remember me, we're high school classmates. "
" Highschool classmates? I'm sorry pero sa dami kong naging kaibigan noong highschool hindi ko na maaala, saka medyo matagal na rin kasi 'yon. "
" You're right, it's been a long time so it's hard to remember. Paano ko ba maipapaalaa sa'yo. Ganito na lang, ako 'yong makulit na manliligaw mo noong highschool na binusted mo. "
" W-wait, ikaw ba si Mikael? "
" See, naalala mo kaagad, hindi ba? "
" Ikaw nga talaga s'ya ?"
" Oo, ako nga. "
" Kamusta ka na? Pagkatapos ng graduation natin, hindi na kita nakita. Saan kana nagpunta? "
" After our graduation, I studied abroad so that I could move on because of your rejection of my love. "
" I-im sorry to hear that. "
" It's okay, matagal na nangyari 'yon, don't worry I've moved on. I came back to our place to take over the work left by my Dad, because from now on I will be in charge of it. "
" Well, I'm happy for you. "
" Ah, pwede ba kitang yayaing mag-dinner bukas? Para na rin sana makapagkwentuhan tayo. Matagal rin akong nawala dito sa lugar natin, marami na akong mga nakalimutan na lugar at hindi nalalaman. Baka pwede mo akong samahang mag-dinner? "
" A-ano kasi eh- "
" Kung hindi pwede, okay lang naman baka busy ka rin. "
" Ah o-okay lang naman, sige. "
" Really? "
" Oo naman. "
" Sige, aasahan ko yan huh. Maraming salamat, Yoko. "
Pagkatapos ay ang tunog ng off ng cellphone ang narinig n'ya mula sa kabilang linya. Bumalik na rin s'ya sa kusina upang puntahan si Freen na kumain na.
" Kumain na tayo, nagugutom na ako. "
" Oo gutom na rin ako. "
" Sino ba kasi 'yang tumawag? " dugtong na sabi pa na Freen.
" Do you remember Mikael Mondragon, 'yong classmate natin no'ng highschool? Naalala mo s'ya? "
" Wait, 'yan ba 'yong payatot na makulit na manliligaw mo dati? "
" Oo, s'ya nga. "
" Oh my gosh, s'ya ba 'yong tumawag? "
" Oo. "
" Naalala ko sobrang crush ka n'ya dati eh, nakakatakot na nga s'ya. Naging stalker mo pa, hindi ba? Kahit anong gawin mo at kahit saan ka magpunta ay palagi s'yang nando'n. "
" Muka namang nagbago na s'ya, maayos ko s'yang nakausap. Saka ang sabi pa n'ya, naka-move on na s'ya sa'kin, pagkatapos ng graduation natin no'ng highschool sa abroad na s'ya nag-aral. After no'n, ngayon lang ulit s'ya bumalik para i-turn over ang business ng Daddy n'ya. "
" Really? Edi ang ibig sabihin n'yan, s'ya na ang magiging Mayor? At tatakbong gobernador sa susunod na election. "
" Mayor? " clueless na ulit ni Yoko sa sinabi ni Freen.
" Ay ewan ko sa'yo, para ka kamong nanggaling sa ibang mundo. Pasalamat ka at bestfriend kita, puro ka kasi aral at trabaho kaya wala ka nang alam sa lugar natin pati nga si Ms. Faye eh hindi mo kilala. "
" Kilala ko s'ya, ngunit sa mga kwento nga lang. "
Kinuha ni Freen ang cellphone n'ya, nag-search s'ya ng pangalan at ipinakita ito sa kanya.
" Tignan mo, ang laki na pala ng ipinagbago ni Mikael, ang gwapo na n'ya ngayon at napaka-macho pa, " gulat na gulat na sabi ni Freen . Ang Mikael kasi na nakilala nila noon ay payatot at lampa, ngunit ngayon ay hindi na ito makilala dahil sa glow-up.
Ang sinunod naman ni Freen na i-search ay si Faye, muli n'yang ipinakita ito kay Yoko.
May ilang minuto itong tinitigan ni Yoko, namamangha s'ya dahil sa angking kagandahan ni Faye. Kakaiba kasi ito lalo na ang mga mata n'ya, attracted kasi si Yoko sa may magandang mata at dahil dito nakuha ni Faye ang atensyon n'ya.
" Hoy! Mas natulala ka pa sa kagandahan ni Ms. Faye, sa 'kin 'yan baka agawan mo pa 'ko. "
" Tigilan mo nga ako Freen, naalala ko lang ang ginawa n'ya sa 'kin. Maganda nga s'ya, ngunit pangit naman ang ugali. Hindi ko makakalimutan ang ginawa n'ya sa 'kin. "
" Alin, 'yong pagtulak ba n'ya sa 'yo? Nagawa n'ya lang naman yo'n dahil sa pag-aalala sa kapatid n'ya. "
" Best friend ba talaga kita? Bakit mas s'ya pa ang kinakampihan mo kaysa sa akin? "
" Crush ko kasi s'ya, " patawa-tawang sagot ni Freen.
" Ewan ko sa'yo. "
**********
##### Fast Forward .........
*****Malisorn Hotel and Restaurant*****
Muling tumawag si Mikael kay Yoko para sa dinner nila, at ang napiling lugar ay ang Malisorn Hotel and Restaurant. Isa kasi ito sa pinakasikat sa Bulah Village at malapit na rin kung saan nagtatrabaho si Yoko. Napakaganda at napakasarap ng mga pagkain dito na binabalik-balikan ng mga tao lalo na ng mga turista.
Minabuti ni Yoko na magpunta muna sa washroom bago puntahan si Mikael Nag-retouch na rin s'ya dahil medyo oily na ang mukha n'ya. Nag-commute lang kasi s'ya papunta rito sa napiling lugar para mag-dinner at isa pa wala naman s'yang kotse at hindi rin s'ya marunong mag-drive.
Nang matapos na ay iniangat ni Yoko ang paningin n'ya, ngunit laking gulat n'ya ng makita kung sino ang nasa reflection ng salamin.
" Ms. Faye, " bigla n'yang naibulong sa sarili.
Hindi n'ya alam kung gaano na ito katagal nakatayo sa likuran n'ya. Nakatingin lang ito sa kanya kaya naman hindi n'ya maiwasan na titigan ang magagandang mga mata nito.
" Ano? Tutulala ka na lang ba d'yan? Kanina pa ako naghihintay dito? " sarcasm na sabi nito, kaya naman ay bigla s'yang nataranta.
" S-sorry. "
Tumabi s'ya para makapaghugas ng kamay si Faye, hindi n'ya alam pero bigla na lang s'yang may weird feelings na naramdaman. Kakaiba at panay pa ang kabog ng dibdib n'ya.
Lalo lang nanlaki ang mata n'ya nang lumapit ito sa kanya, halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Nakatitig lang ito sa kanya kaya naman sobrang naiilang na s'ya at pinagpapawisan dahil dito.
" W-why? " sabi n'ya na nauutal habang nakailang lunok na s'ya dahil sa nerbyos.
" Nakaharang ka. Kukuha ako ng tissue, tumabi ka, " cold na sagot nito.
" Ah, o-okay. "
Tumabi ng kaunti si Yoko para makakuha ng tissue si Faye habang sige pa rin sa malakas na pagkabog ang dibdib n'ya. Nakahinga lang nang maluwag nang tuluyan nang nakalabas ng washroom ito, pagkatapos ay nakailang hithit buga s'ya ng hangin bago tuluyang lumabas at pinuntahan na si Mikael.
*****
" Yoko! " tawag ni Mikael sa kanya. Napansin kasi nito na palinga-linga s'ya, alam n'yang hinahanap s'ya nito.
Kaagad naman s'yang nakita nito, pagkatapos ay lumapit na sa kanya. Tumayo si Mikael upang iurong ang upuan at paupuin si Yoko.
Sinenyasan naman ni Mikael ang waiter upang maka-order na sila ng makakain, pagkaalis nito ay kaagad na nagsalita ito upang umpisahan ang conversation nila. Kanina pa kasi napakatahimik ng paligid.
" You look so gorgeous, Yho, " manghang sabi ni Mikael. Naka-light pink dress kasi si Yoko na above knee ang haba. Hinayaan n'ya lang din na nakalugay ang kanyang natural light brown at medyo kulot na buhok. Naka-skin tone heels din s'ya na 3 inches lang ang taas na lalong bumagay sa kaputian n'ya, kaya naman napatulala sa kanya si Mikael.
" T-thank you, " ilang na sagot ni Yoko.
" Wala ka pa ring pinagbago, napakaganda mo pa rin hanggang ngayon. "
" S-salamat Mikael, and I'm happy that you're much better now, ibang-ibang ka na ngayon. "
" Salamat naman at napansin mo ako. Marami na kasing nagbago eh, saka huwag ka sanang mailang sa 'kin. Ayaw ko na maalala mo ko bilang 'yong makulit na manliligaw mo dati. Nandito ako para maging kaibigan mo. "
" Natutuwa ako kung gan'on. By the way Mikael, sa susunod na magkita ulit tayo ipapakilala ko sa 'yo ang boyfriend ko. "
" M-may boyfriend ka na pala. "
" Yes, si Max, isa rin s'yang doctor sa hospital na pinagtatrabahuan ko. How about you? May girlfriend ka na ba? "
" Sa ngayon, kailangan kong mag-focus sa business namin. Saka na siguro 'yang love na 'yan, pero mayro'n akong gustong tao at alam kong mapapasakin din s'ya sa tamang panahon. "
" Kung gan'on, goodluck. Sana magkatuluyan kayo. Nakikita ko naman sa'yo na malaki na ang ipinagbago mo, isa kang mabuting tao. "
" Salamat Yoko, sinisigurado na mapapasakin ang babaeng ninanais ko. Magiging sa 'kin s'ya, " anas ni Mikael na may kakaibang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan si Yoko mula ulo hanggang paa.
*****