##### Chapter 7 Mikael Mondragon
Faye was just sitting in a long sofa while just stunned into nothingness. How many weeks have passed since Andrew was imprisoned for the crime he committed. Justice has been served for the farmer's death. And as Faye's ordered, Andrew's parents support the farmer's family. In addition, Andrew's entire family also apologized to the farmer's family.
Faye is wearing an all black dress and it's backless. She's also wearing 3 inches high heels that are also black. She doesn't need to wear it because she's already tall. She also just let his hair hang loose.
" Gov. , sigurado ka bang okay lang na hindi muna kita samahan sa lakad mo ngayon? " tanong ni Lux sa nakatulalang si Faye.
Tumango naman s'ya bilang sagot habang nakatulala pa rin. May importanteng lalakarin kasi si Lux kaya nagpaalam ito na hindi muna s'ya masasamahan.
" Okay ka lang ba? "
" I'm fine, medyo puyat lang sumasakit tuloy ang ulo ko. "
" Dahil ba sa bangungot? "
" Yes, every night I'm always visited by nightmares. Nightmares about how I saw my parents being killed in front of me that I couldn't do anything about. "
" Nag-aalala tuloy kami sa 'yo dahil d'yan sa bangungot mo. Simula nang mamatay ang mga magulang mo palagi ka nang binabangungot. "
" I will not stop, until I find the person who betrayed my parents. "
Nagbuntonghininga na lang si Lux bilang sagot.
" Paano, alis ko na ako. By the way, you look so gorgeous. Palagi naman eh, kung hindi nga lang kita best friend baka pinormahan na kita eh, " nakangiting sabi ni Lux habang nakatingin sa kanya.
" Hay nako Lux, tigilan mo ako sa mga biro mo na ganyan. Hindi ako katulad n'yo nila Ize at Becca. "
" Huwag kang magsalita ng tapos kapag 'yang puso mo nakahanap ng magpapatibok baka hindi mo mapigilan. Wala namang gender sa pag-ibig eh, hindi importante kung anong kasarian ang mahalaga kung gaano mo kamahal ang isang tao. "
" Lux, tumahimik ka na. Umalis ka na nga! " pagtataboy n'ya rito.
" Isipin mo, kailan ka ba huling na inlove? Sa tagal nating magkasama, ni hindi pa kita nakitang kinilig or nagkagusto man lang kahit kanino. "
" Isa, Lux! Lumayas ka na nga! "
" Imagine, sa tagal ng panahon wala pa ring nagpapatibok ng puso mo. "
" Dalawa! "
" Buksan mo rin kasi 'yang puso mo- "
" Tat- "
" Ito na, aalis na hahah, " natatawang turan ni Lux, pagkatapos ay tumakbong palabas ng hacienda.
Muli na namang napatulala si Faye, tama naman si Lux kahit kailan hindi pa n'ya naramdaman ang magmahal at mahalin.
" Teka, ilang linggo na rin pala ang lumipas. Nakabalik na kaya sa trabaho ang doktor na 'yon? " aniya sa sarili, nang bigla naman ang malakas na pagkabog ng puso n'ya na hindi n'ya maintindihan kung bakit.
" May sakit na ba ako sa puso? Magpa-check up kaya ako. "
Sa isipin iyon ay lalo lamang lumakas ang kabog ng dibdib n'ya, na-imagine n'ya kasi ang mukha ng cute na matapang na doktor habang chinechek-up s'ya.
Muling nagbuntonghininga si Faye, kinuha n'ya ang cellphone n'ya pagkatapos ay tinype ang number ni Ize para tawagan.
Naka ilang ring pa ang kabilang linya bago ito sagutin.
" Hello Ize, free ka ba today? "
" May lakad kami ni Marissa ngayon, bakit? "
" We're going somewhere. I'm going to your house now. "
" Huh? What! Teka, hindi ako pwede! "
" You can't refuse me, Ize. I'll be at your house in 20 minutes. I don't want to be kept waiting. When I get there, we will leave. "
" Wai- "
Hindi na nakasagot pa si Ize dahil pinatay na ni Faye ang cellphone n'ya. A few minutes passed at natupad nga ang gusto n'ya, pagkadating n'ya sa bahay ni Ize ay kaagad silang umalis.
" Saan ba kasi tayo pupunta? " tanong nito habang nakasakay na sila sa kotse. Si Faye na ang nagpresinta na mag-drive.
" Sa Casino Mondragon tayo pupunta. "
" What! "
" I want to talk to Mayor Felipe about Andrew. "
" Mukhang nangangamoy gulo na naman ito ah. I don't have a gun here or any weapon na pwede nating magamit in case na magkagulo. "
" Huwag ka ngang mag-over react d'yan. I'm not going to cause trouble there, kakausapin ko lang sila. "
" Really huh, kinakabahan ako sa mga salita mong ganyan eh. "
Two hours later, they arrived at the Casino Mondragon. They were able to get inside quickly because of Faye. It was difficult to get inside because a VIP card was required for the gate pass.
" I want to talk to Mayor Felipe right now, " utos ni Faye sa isa sa mga tauhan ng mga Mondragon. Mabilis naman itong sumunod sa kanya at dinala sila ni Ize sa isang VIP room.
" Ize, I need to go to the bathroom, mabilis lang ako, " bulong ni Faye kay Ice.
" Okay sige, basta bilisan mo lang baka kasi biglang dumating si Mayor Felipe, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. "
" Oo, saglit lang ako. "
Mabilis namang lumabas si Faye sa VIP room para magpunta ng bathroom, but even before she got to the bathroom, she heard loud voices not far away.
Faye was curious to what was going on, because the voices were coming from a room. May kaunting uwang ang kwarto kaya naman sumilip s'ya rito. Kitang-kita n'ya mula sa maliit na siwang ng pinto ang isang matandang lalaki na nakaluhod habang nagmamakaawa.
" Pakiusap, bigyan n'yo pa ako ng kaunting oras para makabayad ng utang ko, " pagmamakaawa nito.
" Hindi biro ang utang mo, lalo ka lang nabaon dahil nalulong ka na sa kakasugal. At ano ang sabi mo? Bigyan ka ng kaunting oras para mabayaran ang utang mo? Milyon ang babayaran mo, hindi ito kaya ng kaunting oras lamang, " sabi naman ng isang lalaki na naka-tuxedo, mukhang bata pa ito at ka-edaran lamang ni Faye.
" I-ito, ito ang titulo ng lupa namin. Sapat na ba itong pang bawas ng utang ko. "
Nagpapatawa ka ba? Seventy million ang total ng lahat ng utang mo sa casino, ni wala pa sa 1/4 ang sinasabi mong titulo ng lupa n'yo, " sagot ng lalaking naka-tuxedo. Nakangisi ito at para bang may itinatagong kakaiba sa pagkatao kaya naman unang kita pa lang ni Faye ay hindi na n'ya nagustuhan ang pagkatao nito.
May hawak rin s'yang isang puting folder, habang binabasa n'ya ito ay nakangisi s'ya.
" Magpasalamat ka at naging anak mo si Yoko, " sabi nito
" S-si Yoko, bakit mo s'ya kilala? "
" Alam mo bang noong highschool pa lamang kami ay malaki na ang pagkakagusto ko sa kanya? Ang masakit lang dito ay binusted n'ya ako. Kahihiyan ito para sa akin pero dahil mahal ko s'ya ay hinayaan ko na lamang s'ya, nag-abroad ako at doon na nagtapos ng pag-aaral, " mahabang paliwanag ng lalaki.
" Yoko Apasra, isa ka nang successful na doktor ngayon, " dugtong pa nito habang maykakaibang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan ang larawan sa kinuhang puting folder.
Bigla namang nag-sink in sa isip ni Faye ang binanggit na pangalan ng lalaki. Hindi s'ya pwedeng magkamali, ang pangalan na ito ay ang doktor na nagsagip sa buhay ni Becca.
" Hindi na masama kung hilingin ko na bilang kabayaran sa utang mo na 70 million ay si Yoko. Tutal, espesyal naman s'ya sa akin. Isa pa, matutupad na rin ang pangarap ko. Ang pangarap ko na mapasaakin s'ya. "
" Pakiusap! Huwag si Yoko, huwag ang anak ko. Wala s'yang kinalaman dito! Napakarami kong kasalanan sa kanya. Ayaw ko na madamay pa s'ya. B-bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, babayaran ko ang lahat ng utang ko. Huwag lang ang anak ko. "
" Okay sige, pagbibigyan kita. Bibigyan kita ng isang linggo, kapag hindi mo naibigay ang 70 million sa loob ng isang linggo, si Yoko ang magiging kabayaran. Mapapasakin ang anak mo, " sabi ng lalaki na animoy para bang naka-jackpot sa lotto. Dahil alam n'ya naman na hindi magagawa ng matandang lalaki ang gusto n'ya.
Nagbuntonghininga na lang si Faye habang naiiling dahil sa mga narinig n'ya. Nag-iisip kung dapat ba n'yang tulungan ang doktor dahil may utang na loob s'ya rito o hayaan na lang ito dahil hindi n'ya naman ito kaano-ano at labas s'ya sa problema ng pamilya nito. Ngunit sa isang banda ng puso n'ya, para bang itinutulak s'ya na huwag hayaan na mapahamak ito.
*****
" Faye, bakit ang tagal mo, saan ka ba nagpunta? " tanong ni Ize, pagkabalik n'ya sa VIP room ngunit hindi s'ya sumagot sa tanong nito. Naupo lang s'ya sa katabing sofa at nag-cross legs.
" Hindi pa rin ba dumarating si Mayor? " pag-iiba ng usapan ni Faye.
" Hindi pa nga eh. "
" Ayaw ko sa lahat ay ang nasasayang ang oras ko, " nakasimagot na sabi n'ya.
Napalingon silang dalawa dahil sa biglang pagbukas ng pinto, pumasok ang isang lalaki kasunod ng dalawang alalay pa nito.
" Sorry for keeping you waiting so long Ms. Faye. I was just taking care of some business, " sabi ng lalaki. Napakunot noo si Faye dahil ito ang lalaking kanina lang ay nasa loob ng isang kwarto kasama ang isang matandang nagmamakaawa sa harapan n'ya.
Biglang s'yang napa-poker face dahil dito. Kanina lang ay wala itong awa at ubod ng sakim dahil sa kagustuhan na makuha ang puso ng isang babae.
Ginawa n'ya pang dahilan ang malaking utang ng Daddy nito para makuha ang pansariling kagustuhan n'ya. Ngayon naman ay mukha itong maamong tupa na akala mo ay hindi gagawa ng masama.
" And who are you? I came here to talk to Mayor Felipe. "
" I'm his son, I'm Mikael Mondragon."
" And so? Ano naman kung anak ka n'ya? I want to talk to Mayor, not you. "
" Ms. Faye, I want you to know that from now on I will be taking my Dad's place. I'm sorry if we told you too late. "
" Where is Mayor Felipe. Saka, bakit ngayon lang kita nakita rito sa Bulah village? "
" Because I studied and grew up abroad, if you are asking where my Daddy is, he's now in abroad recovering from an accident. That's why, I will temporarily replace him while his condition is not well. "
Biglang napasip si Faye dahil sa sinabi n'ya, wala naman kasi s'yang nababalitaan na naaksidente si Mayor Felipe. At ano? Nasa abroad na ito kaagad, ang bilis naman ng mga pangyayari.
Sigurado s'yang nagtatago lang ito dahil sa ginawa n'yang kasalanan sa pagtatago kay Andrew, kinasabwat pa n'ya ang anak n'yang mukhang nasa loob naman ang kulo.
" Well okay, I'm not interested in what's going on in your family. I will direct to the point, I'm here to warn you. I know you are only hiding your father because of the sin he committed. Kung akala n'ya na uubra ka sa 'kin, nagkakamali s'ya. Hindi ako madaling kalabanin Mr. Mikael Mondragon, sabihin mo 'yan sa Daddy mo. Kapag nalaman ko na may kinalaman s'ya sa pagtatago kay Andrew, hindi ko s'ya mapapatawad. Magbabayad s'ya sa kasalanan n'ya, " sabi ni Faye pagkatapos ay tumayo na.
" Let's go, Ize, " dugtong na sabi pa ni Faye, pagkatapos ay lumapit pa kay Mikael at nginitian ito na para bang nang-iinsulto, pagkatapos ay tuluyan nang umalis.
" Ahhhhhh! " sigaw ni Mikael pagkalabas nila, sabay kuha ng baso na nasa ibabaw ng lamesa at malakas n'ya itong ibinato.
" Sino ba s'ya sa akala n'ya! " galit na galit na sigaw nito. Ang kaninang maamo na mukha ay bigla na lang parang naging demonyo dahil sa galit n'ya.
" Binalaan na kayo ng Daddy n'yo Sir, hindi ito magiging madali lalo na ang kalabanin si Ms. Faye."
" Hindi n'ya tayo mapipigilan. Tuloy ang transaksyon natin mamayang gabi sa pampang, doon idadaan ang mga cocaine. Siguraduhin n'yo lang na malinis ang magiging trabaho n'yo. Ayaw ko ng palpak, ayaw kong mapahiya sa Daddy ko. "
" Yes, Sir! " sabi ng dalawang alalay n'ya pagkatapos ay yumuko upang magbigay ng galang at umalis na rin sila.
Nagbuntonghininga si Mikael pagkalabas nila. Inilabas n'ya ang isang folder at binuksan ito, tumambad ang details ng isang babae at ang isang larawan nito na nakangiti.
" Yoko, mapapasakin ka rin, malapit na. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sayo. I want my Daddy to be proud of me, I will follow all his orders. In return for this is you, he will let me love the woman I want. He will not force me to marry someone else. Yoko, I only want you. "
Pagkatapos ay para bang nahihibang na hinalikan n'ya ang larawan ng babaeng pinapantasya n'ya.
********