Debt Payment Chapter 6

2017 Words
##### Chapter 6 Justice " Ito na yong rest house, Gov, " sabi ni Lux pagkahinto nila sa isang beach resort. Bumaba naman si Faye sa kotse. " Are you sure they hid Andrew here? Sa pagkakaalam ko kasi pagmamay-ari ito ng mga Mondragon, " sabi ni Faye, pagkatapos ay inilibot ang paningin sa buong paligid. " Hindi ako pwedeng magkamali. I remember, it was aired in TV news the other day, kay Mayor Mondragon ito, " dugtong pa n'ya. " Ibig sabihin ba nito, nagsasabwatan ang dalawang pamilya sa krimeng ginawa ni Andrew? " tanong ni Lux. " Maybe, we're not sure about that. Mas makabubuti kung ang Mondragon Family ang mismong tatanungin ko pero sa ngayon hayaan na muna natin 'to. Ang mahalaga ay makuha natin si Andrew. " Tumango na lang si Lux sa sinabi ni Faye bilang sagot. " Give me your gun, Lux ." " Huh? Don't you have your own gun? Every time we have an operation, you grab my gun, " reklamo ni Lux. " Ang dami mo pang sinasabi, ibigay mo na lang. " Hindi na n'ya hinintay na iabot sa kanya ang baril, hinablot n'ya na lang ito sa tagilirian ni Lux. Naunang pumasok si Faye sa main entrance ng resort habang hawak ang baril na nilalaro-laro pa n'ya. Kampante lang s'ya at walang anumang reaksyon na makikita sa mukha n'ya. Pagdating sa mga bantay ay bigla n'ya na lang sinipa ang isa sa mga security guard na nasa main entrance.Tumalsik ito sa sahig dahil sa lakas ng sipa. Itinaas n'ya ang hawak na baril at pinaputok ng sunod-sunod. " Nasaan si Andrew? Ilabas n'yo! " sigaw ni Faye. Dahil sa mga putok ng baril ay nataranta ang lahat ng mga tao sa loob. Kilala ang beach na ito, pinupuntahan ng maraming mga turista at ginagawang bakasyunan kaya naman nang marinig ang mga putok ng baril ay nagkagulo ang mga tao sa loob. Ang mga staffs naman ng beach resort ay pilit pinapakalma si Faye. " Ms. Faye, parang awa mo na po huwag kang gumawa ng gulo dito. Natatakot na ang mga guess namin, " awat ng isang staff sa kanya. Medyo kumalma naman s'ya dahil nakikita n'ya ang bakas ng takot sa mukha ng mga kasamahan ng umaawat sa kanya. Lahat kasi sila ay nakapalibot na sa kanya. " Where is your manager? I have something to say. " " Y-yes po, Ms. Faye. T-tatawagin ko na po si Sir, please po kumalma ka muna. " " Tell him, he should be in front of me in two minutes. I don't want to be kept waiting. " " O-opo Ms. Faye, " sagot ng staff na kausap n'ya, pagkatapos ay mabilis na itong tumakbo paalis. Dinala sila ng mga staffs sa isang private room habang hinihintay na dumating ang manager ng resort. Binigyan muna sila ng pineapple juice habang naghihintay ngunit hindi naman ito ininom ni Faye dahil wala s'yang hilig dito. " The time is u- " " Ms. Faye! " Naputol ang sasabihin sana n'ya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na may salamin sa mata, mataas ang grado nito at pawis na pawis dahil sa pagtakbo. Medyo may katandaan na rin ito. " Ikaw ba 'yong manager? " " 0-oo, ako nga. " " Fix yourself first before you sit in front of me. " Mabilis namang nagpunas ng pawis ang manager at inayos ang sarili n'ya bago s'ya naupo sa katapat na upuan. Sa gitna nila ay may lamesang babasagin. "I will direct to the point, I want to tell you and I know that you also have an idea why I'm here. " Umayos ng pagkakaupo si Faye, naka-cross legs s'ya at naka-cross arms. Seryoso itong nakatigtig sa kausap. " Ibigay mo sa akin si Andrew, kung ayaw mong magkagulo rito sa resort. Hindi ako nakikiusap sa'yo, inuutusan kita, " mariing sabi n'ya. Habang si Lux naman ay nakikinig lang. " P-pero Ms. Faye w-wala rito si Andrew. Hindi naman s'ya nagpupunta rito. " " Sa tingin mo ba sasayangin ko ang oras ko na magpunta sa lugar na ito na hindi sigurado kung nandito nga ba ang hinahanap ko? " " P-pero- " " Sshhhhh, " pigil ni Faye sa sasabihin n'ya. Tinakpan pa n'ya ang bibig n'ya upang ipakita na tumahimik s'ya. Itinaas ni Faye ang tatlong daliri n'ya at inumpisahan na magbilang. " Isa... " " Ms. Faye, baka po anong-" " Dalawa! " " Paano kapag- " " Tat- " " Oo! Dito nila dinala si Andrew! " malakas na sigaw ng manager na natataranta na dahil sa kaba at takot. " Nasan si Andrew? " " N-nasa VIP room. " Sumenyas si Faye kay Lux pagkatapos ay lumabas na ito. Naiwan naman ang manager na tulala. Sigurado kasi s'yang matatanggal s'ya sa trabaho. Kabilin-bilinan pa naman na kahit anong mangyari ay huwag s'yang aamin na dito itinago si Andrew. Nakakatakot ang pamilya ni Andrew ngunit mas natakot s'ya kay Faye, para kasing may kapangyarihan itong mapaamin ang lahat sa loob lamang ng tatlong segundo. ********** " Ano ba! Sino ba kayo! " sigaw ni Andrew, sapilitan kasi s'yang kinuha ni Lux. Itinali at pagkatapos ay piniringan ang mata upang di n'ya makita ang daan. Isinakay s'ya sa kotse nilang dala at dinala sa bodega sa likod ng hacienda ni Faye. " Tanggalin mo na ang piring n'ya sa mata. " " M-ms. Faye !" gulat na gulat na sabi ni Andrew. " Why do you all react like that, every time you see me? I'm not a demon to scare you like that, " sabi ni Faye na pailing-iling pa. "Ganito na lang, I will give you a fair fight para hindi naman maging unfair sa'yo, " dugtong pa na sabi n'ya pagkatapos ay lumapit kay Andrew. Inutusan n'ya si Lux na kalagan ito at pagkatapos ay hayaan s'ya sa gusto n'yang gawin. Tumabi naman sa gilid si Lux at naupo sila sa gilid. " Uyyy, anong mayr'on? " Pumasok si Ize at Marissa sa bodega nagtataka kung ano ang nangyayari. Kanina pa kasi nila hinahanap ang mga tao sa loob ng hacienda ngunit wala silang makita kaya napagpasyahan nilang magpunta sa bodega. Hindi nga sila nagkamali nandito ang mga hinahanap nila. Kagagaling lamang ni Ize sa bakasyon kasama ang girlfriend nitong si Marissa. Si Ize at Marissa ay parehong babae, open naman sila sa mga ganitong relasyon dahil maging si Becca at Lux ay kapwa na attracted din sa magagandang babae katulad nila. " Nakabalik na pala kayo, maupo muna kayo. Mukhang may magandang laban na magaganap, " anas ni Lux sa kanila. Lumapit naman ang dalawa at naupo sa tabi n'ya. " Anong magandang laban d'yan? Mabubugbog lang naman 'yang bata, " sagot ni Ize. " Anong malay natin, baka naman may ibubuga 'yang si Andrew. " " Hay naku Lux, ikaw nga walang laban kay Faye eh, black belter ka pa naman sa taekwondo at champion pa huh. Wala pang nakakatalo sa 'yo pero noong naglaban kayo ni Faye ay nabugbog ka ng husto. " " Tsk! Huwag mo na ngang ipaalala Ize, naiinsulto ang buong pagkatao ko, " sagot ni Lux na napapakamot na lang sa ulo n'ya. Nag-focus na lang ulit sila sa panonood sa laban nina Faye at Andrew. " Hindi ba matapang ka? Ilabas mo ang tapang mo ngayon, " sabi ni Faye kay Andrew. " What do you need from me? Do you know what you're doing is kidnapping? When my parents find out, you might regret it. I'm sure you'll take responsibility for what you did! " " Ohh, I'm scared, " sagot ni Faye na naka-poker face pa, kaya naman lalong nainis si Andrew. " If there's anyone to be afraid of, it's your family. Kinunsinti ka na nga sa krimen na ginawa mo pagkatapos ay itinago ka pa, " dugtong pa na sabi ni Faye. At dahil sa sinabi n'ya ay nanlaki ang mga mata ni Andrew. " How did I know? Are you still asking that? I'm Faye Malisorn, lahat ng gusto ko ay magagawa ko. Kaya naman kung ako sa 'yo gagawin ko ang lahat upang makalaban ka sa 'kin. At least, you fight eventhough you knew I would just beat you up. " " Masyado kang mayabang, akala mo kung sino ka! " sigaw ni Andrew, pagkatapos ay sinugod n'ya si Faye. He gave all his strength with strong punches and kicks but all of these only hit the air. That's why, he was even more annoyed and angry. All the attacks he was doing were only avoided by Faye which is why Andrew felt his entire being was filled with shame. He just stopped when he was tired, his strength was exhausted because no matter what punches and kicks he used and even if he used too much force, it still didn't work on Faye. It's just hanging around or just blocking his attacks. That's why he was impressed by Faye's strength eventhough she was a girl. Now he knows why Faye is feared because she is not just a woman, she is strong and can protect the entire village. Now he no longer wonders why Faye's became the governor of Bulah Village. " Hanggang d'yan lang ba ang kaya mo? Mahina ka naman pala, " sabi ni Faye sabay binigyan s'ya ng isang malakas na suntok sa sikmura. Pakiramdam ni Andrew ay isususuka na n'ya maging ang bituka n'ya dahil sa lakas ng suntok nito. Napaluhod s'ya sa sobrang sakit, ngunit hindi pa nakunteto si Faye. Sinabunutan s'ya nito pagkatapos ay pinagsusuntok ang mukha n'ya. Hindi na madama ni Andrew ang sakit parang namamanhid na ang buong katawan n'ya at ano mang oras ay malalagutan na s'ya ng hininga. Ngunit si Faye hindi pa rin nakuntento. Nang bitawan n'ya si Andrew, bumagsak ito sa sahig na para bang lantang gulay na pero pinagtatadyakan pa rin n'ya ito. Tumakbo sina Lux at Ize papunta kay Faye para awatin na ito sa samantalang si Marissa naman natatakot na nanunuod lang sa kanila. Pumwesto pa si Lux sa likod n'ya at para yakapin si Faye sa magkabilang balikat upang maawat ito. Samantalang si Ize naman ay pumagitna na para tumigil na sa ginagawa n'ya si Faye. Tinignan ni Ize ang kalagayan ni Andrew. Nangingisay na kasi ito dahil sa ginawa ni Faye, naliiligo na rin sa sarili n'yang dugo. " Faye, Tama na! Papatayin mo ba si Andrew! " sigaw ni Ize. " Kung hindi n'yo ko pinigilan, baka nga napatay ko na 'yan! Buhay ang kinuha n'ya, dapat buhay n'ya rin ang maging kapalit! " " Hayaan mo na ang batas ang maningil sa kasalanan n'ya, " sabi ni Lux, ako nang bahala. " Dapat lang talaga! Dahil kung hindi makukulong ang hayop na 'yan, mas mabuti pang patayin ko na lang s'ya. " " Please kumalma ka na, Faye." pagpapakalma sa kanya ni Ize. Kinuha ni Faye ang cellphone n'ya, pagkatapos ay kinuhaan ng picture si Andrew. " Gusto ko ipaskil n'yo sa buong village ang picture na 'to bilang paalala sa lahat ng mga kabataan dito sa atin at upang hindi na rin tularan ng iba pa. " " Yes, Gov. , ako na ang bahala, " sagot ni Lux. " Ako na ang bahala kay Andrew, Gov. Magpahinga ka na muna, sinisigurado ko sa'yo na makukulong s'ya at pagbabayaran n'ya ang kasalanan na ginawa, " dugtong pa na sabi ni Lux. " Pati ang mga magulang n'ya ay kailangan rin na managot. Gusto kong manghingi sila ng tawad doon sa pamilya ng magsasaka. Bigyan nila ng hanapbuhay at supply na makakain dahil s'ya lang nagtatrabaho para sa pamilya n'ya. Ngayong patay na ang kaisa-isang nagtatrabaho para sa kanila. Obligasyon ng mga Nakahara na bigyan sila ng hanapbuhay. " " Ako na ang bahala do'n, " sagot ni Lux. Tumango lang si Faye bilang sagot. " Tara Faye, magpahinga ka na muna, " sabi ni Ize pagkatapos ay inakay na n'ya si Faye pabalik sa hacienda. Tumango lang si Lux sa kanila bago sila tuluyang umalis. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD