Pagkahiga ko agad kong kinuha ang cellphone ko at nagbukas ng f*******:. Makapag-status nga.
"Alam mo ba na ang tears ay mas special kesa sa smile? Bakit? Kasi ang smile pwedeng ibigay kahit kanino... Pero ang luha ay para sa taong hindi mo kayang mawala sayo #Movingon"
I scroll down to check the latest chicka sa mga friends ko dito sa f*******:. Nang may biglang nag-pm. I opened my inbox and to my shock ng makita kong sino ang nag-message.
Mateo: Musta na?
Halos lumabas ang puso ko. Sasagutin ko ba siya or ignore lang?
Sabi ng puso ko replyan ko.
Pero sabi ng utak ko ignore mo na moving on ka na diba?
Hays hindi ko napigilan.
Mateo: Eto siguro ok lang ako
Bakit ngayon lang siya nagparamdam, ang dami kong gustong itanong sa kanya
Mateo: That's good to hear
Good to hear na I'm not sure if I'm ok?
Me: Kaw kamusta na kayo ng new gf mo?
Hindi ko mapigilan itanong, ang kati ng daliri ko ang daming gustong itype eh.
Mateo: We're doing great, how about you? Do you have a new bf na ba?
Hindi ko na naman napigilan ang mainis. Tinapon ko na naman ang mga unan ko at nagwala sa kama ko. How could he ask me that? Sa tingin niya ba na ganon lang kadali palitan siya?
Me: WALA! WALA PA SA PLANO KO MAGKARON NG BOYFRIEND..
Capslock para intense. Gusto ko pumasok ngayon sa cellphone ko at lumabas sa cellphone niya. I wanna tell him that I really missed him, I wanna hug him tight. Gusto ko kami na lang ulit.
But at the back of my mind. Ganon lang talaga pala kadali mawala ang feelings niya sa akin. How sad coz I don't feel the same.
Mateo: You better try it again, baka sakaling makalimutan mo na ako.
Shocks! I can't imagine na he will tell it to me. I will never forget him. Diba first love never dies?
Nag-logout na ko sa sss. Baka kasi hindi ko na kayanin pa ang susunod na mga sasabihin niya.
Velvet!!!! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?
Puro puso mo pinapairal mo ayan nasaktan ka na naman. Sinabunutan ko ang sarili ko naiinis ako. Ang sakit sakit na naman.
Pinamimigay na niya ako! Naka-moveon na nga talaga siya ako hindi pa din.
Minsan iniisip ko sana madulas na lang ako sa c.r habang naliligo at mabagok ng slight ang ulo ko para magka-amnesia ako baka sakaling mawala na siya sa isipan ko. Kaya lang iniisip ko paano kung matuluyan ako matigok naman ako diba? Naku wag na lang, pumikit ako at nagdasal. Habang umaagos ang mga luha sa magkabilang mata ko. Ang sakit na naman kasi ng puso ko eh.
"Lord, goodgirl naman po ako diba? Pasensya na po, sa dami ng pinagdaanan ko ngayon ko lang kayo kinausap muli. Mabait naman po ako diba? Wala naman po ako tinapakan na ibang tao pero bakit po lagi akong iniiwanan ng mga mahal ko sa buhay? Una si Papa, wala siyang pasabi iniwan niya po kami ni Mama, tapos nagkaron ako ng inspirasyon pero eto iniwan niya din ako. Alam ko naman po na hindi niyo po ako bibigyan ng ganitong pagsubok para hindi ko kayanin. Pero bakit po hanggang ngayon matagal na po ang nakalipas ang sakit sakit pa din. Tulungan nyo po akong hilumin ang puso kong wasak na wasak. Bigyan niyo po ako ng sign na malapit na, na malapit na ulit mabuo ang nawasak kung puso."
Nagmo-moment ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag basta ko na lang itong sinagot.
"Hello" mahinang sagot ko.
"Hi, andito na ako sa house" ah si Brandon pala.
"Good nakauwi ka ng safe" wala sa mood na sagot ko.
"Ok ka lang ba? Umiiyak ka na naman ba?" nahalata pala niya sa boses ko na galing ako sa iyak.
"Hindi ah, nakatulog na kasi ako" pagsisinungaling ko.
"Akala ko umiyak ka. Feeling ko tuloy ako nagpaiyak sayo." Mukhang guilty na sabi niya. Bakit naman niya kaya naisip yun?
"Hindi ok lang ako. Sige magpahinga ka na. Matutulog na ako"
"Sige goodnight. Wag ka na umiyak ah." Hindi na ako sumagot, I ended the call. Matutulog na lang ako sana bukas ok na ako. Paulit-ulit na lang kasi eh. Magiging ok ako and one day hindi parang magsisimula lang ulit from scratch ng first day na ma-heartbroken ako.
Nakakasilaw!! Nakalimutan ko ibaba ang kurtina ko, Ang sakit tuloy ng mga mata ko. Maga na naman to for sure. Nag-stretching muna ako bago ako pumasok sa cr para maghilamos.
"Goodmorning Mama" masiglang bati ko sa kanya nakaupo sia sa sofa at nagbabasa ng diyaryo.
"Good morning anak, kumain na tayo may binigay si Brandon na agahan para sa atin saka may binigay din siyang flowers para sayo" Tinuro niya ang flowers na nasa vase na kasama rin nito ang bulaklak na binigay niya noong nakaraang araw. Nilapitan ko ito at inamoy-amoy ko. Ang bango. Aba may card pa.
"Goodmorning mine, I want you to cook again for me Please! I will be there at lunch time"
Ganon! Nag-abala pa talaga siya ah. Kasama ba talaga to sa pagpapanggap namin na bibigyan niya ako ng kung ano-ano? Ano to suhol?
"Hindi ka na niya pinagising, babalik na lang daw siya mamaya" pagpunta ko sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko punong-puno ang lamesa namin ng pagkain. Ang dami naman niyang pinadalang food pang isang barangay na to ah.
"Ang dami naman niyang dala, dalawa lang talaga tayo eh" tinawagan ko si Nadine para dito na siya mag-breakfast. Hinintay na lang namin siya para sabay-sabay na wala pang 10mins andito na siya.
"Ang galante naman ng jowa mo bes, ang daming food ah. Mukhang mamahalin pa to" sabi ni Nadine habang puno pa ang bibig niya.
"Ewan ko ba dun, mag-uwi ka ah hindi naman namin to mauubos sayang lang" suhestiyon ko.
"Maguuwi talaga ako, Tita take out mo ko ah, may flowers ka pa ah ang sweet pala ni Brandon kainggit." kinikilig na sabi ni Nadine. Kung alam niya lang suhol lang to'.
"Anak nagriring ata ang cellphone mo." Ani Mama, agad akong tumakbo sa kwarto ko.
"Hello" hinggal na sagot ko.
"Good morning mine, how's your breakfast? Nagustuhan mo ba?" bungad ni Brandon.
"Oo naman pero bakit ang dami? Dalawa lang talaga kami ni Mama, buti nalang tinawagan ko si Nadine para may kasama kaming umubos sayang naman kasi." Natawa siya sa sinabi ko. Ano kaya nakakatawa dun?
"Hindi ko kasi alam ang mga gusto mo na food kaya pinili ko lahat ng breakfast menu namin dito sa hotel" natawa din ako sa sinabi niya. Kaya pala.
"Kaya pala, grabe ka naman. Simple lang ako. Kahit ano kinakain ko hindi ako mapili sa pagkain" wala ako karapatan mamili ng kakainin mahirap lang kami diba? Choosy pa ba?
"Hayaan mo minsan mag-usap tayo about our likes and dislikes para naman may alam tayo sa isa't isa" may ganon na siya ngayon ah.
"Ok lang sa akin"
"Anyways nabasa mo ba yung note ko?"
"Yah, don't worry I will cook for you, what do you want ba for lunch?" buti na lang pala tumawag siya para alam ko kung ano lulutuin ko mamaya.
"Ikaw na bahala kahit ano basta luto mo." Kahit ano talaga? Hindi ko naman alam ang gusto niya. Baka lutuan ko siya ng tuyo at tinapa umayaw siya bigla.
"Hirap naman nun, hindi ko alam mga gusto mo baka ma-upset ka lang pag hindi mo pala type niluto ko, just give me any idea"
"Hmm, maybe seafood.? Kahit ano luto okay lang ako" napaisip ako kung ano kayang pwede ko lutuin.
"Ok sabi mo ah wag ka magrereklamo pag di mo nagustuhan ah."
"Don't worry I'll be there mga past 12 ok? May meeting ako 10mins from now"
"Ok bye thanks again for the food"
Nai-stress tuloy ako, ano kaya lulutuin ko?
Shrimp? Tahong? Fish? Clams? Crab? Pusit? Ahh.
Nakaka-stress lalo na mayaman ang pakakainin ko. I don't know his standard when it comes to food. Baka mapahiya ako.
Dumating ang 12 o'clock. Nagtext siya na nasa may Sucat na daw siya.
Galing pala siya sa hotel. Bakit dito pa kasi siya magta-tanghalian andon naman ang restaurant nila madaming pagkain naman don?
Narinig ko na ang kotse na. Pinagbuksan siya ni Mama ng gate.
"Good afternoon po Ma" bati niya kay mama
"Hi mine, miss me?" wow may ganon na siya ngayon ah.
"Hindi" masungit na sagot ko.
"Ay bakit naman itong gwapo kung face hindi mo man lang namiss?" Signal number 3 po ang bagyo na dumating sa bahay namin. Ang lakas pa ng hangin po. Gwapong-gwapo lang sa sarili ang peg.
"Ewan ko sayo, halika na kumain na tayo baka kailangan mo pa bumalik sa work mo" naghain na ako. Nagluto ako ng binagoongang pusit. Sana magustuhan niya.
"Wow favorite ko tong pusit, ang galing mo talaga mine ah. Mukhang you know what I like even If don't tell you" wala akong choice noh yan ang mura.
"Echosero ka talaga eh noh, kumain ka na nga lang diyan" tahimik kaming kumain. May mga dala siya fruits. Hinain ko din ito sa mesa. May dala siyang apple, watermelon, grapes at saging.
"Ang dami kung nakain, ang sarap ng luto mo salamat mine" anito habang tinutulungan niya akong magligpit.
"Walang anuman, saka bawas bawasan mo yung pagtawag ng mine nakakakilabot." lumabas si Mama, tinawag ng kumare niya at naiwan kaming dalawa. Naghugas ako ng plato si Brandon andon sa sala nanonood ng tv.
"Mas gusto ko kasi mine maikli kesa Velvet."
"Pshh pwede naman Vet diba?"
"Parang doktor naman" hays ang daming alam nitong lalaki na to.
"Bahala ka na nga kung saan ka masaya."
"Hindi ka pa ba babalik sa work mo?" tanong ko.
"Mamaya pa, first day ko sa hotel ngayon so more on training lang ako today medyo masakit sa ulo" nagsimula na pala siya mag-work sa Hotel.
"Kaya mo yan alam kong magiging successful ka din like your Dad" tahimik lang kami na nanood ng tv, Kinuha ko ang celphone ko sa kwarto at nagbukas ako ng sss. Inaad pala ako ni Brandon ngayon ko lang nakita. Salve added me yesterday kaya niya siguro nakita ang f*******: account ko.
"Ayan inacept na kita sa sss ah." Sabi ko sa kanya.
"Oo nga eh, kagabi pa yan. Ang drama pa ng post mo ah." Nabasa niya ang wall post ko kagabi, naalala ko hindi pala ako naka-private. Hindi na lang ako ngreact.
"At least you're moving on na" dagdag pa nito.
"Ewan ko sayo" I looked at him at sinamaan ko siya ng tingin. Ulitin niya pa tatamaan na talaga siya sa akin. Nilapitan niya ako at tumabi sa akin.
"Gusto mo ba tulungan kita mag-moveon?" napalunok ako ng sobrang diin. Ano bang pinagsasabi nitong kutong lupa na to? Para akong nawalan ng hangin sa katawan, I can feel my cheeks burning.
"Joke lang" he smirked nakakaloko lang ah. Lumayo siya sa akin at lumipat sa kabilang upuan. Bwiset talaga!! Pagtripan ba ako?
"Bwiset ka!" hindi ko napigilang sumigaw.
"Namumula ka na naman ah. Kinikilig ka ba? Pero kung ayaw mo ng joke gusto mo totohanin na natin. Kaya kong tulungan ka na makalimutan siya?" nakakaasar talaga tong nilalang na to ah. Bigyan ako ng baseball bat ng mapalo ko siya sa ulo niya. Nanlilisik na ang mga mata ko ng tignan ko siya. Asar to the highest level, napakagat ako sa labi ko dahil nararamdaman ko pa rin ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"Pumunta ka lang ba dito para asarin ako? Pagtripan ako huh? Wag na wag mo na ako bibigyan ng suhol sa susunod ah tapos pagtritripan mo lang ako hindi nakakatuwa" nakasimangot na sabi ko. Asar na asar na nga ako sa kanya siya nakangiti lang. Trip na trip niya talaga ako asarin.
"Asar talo ka naman eh. Joke nga lang sineseryoso mo naman kasi kaagad eh. Unless gusto mong totohanin natin diba?" tumayo ako sa tapat niya na nakapamewang.
"Umalis ka na nga, wag na wag ka ng babalik dito. Ayaw ko ng makita ang panget mo na mukha!" iniwanan ko siya at padabog na umakyat sa kwarto ko.
Sumalampak ako sa kama ko at hindi ko mapigilan ang umiyak. Narinig kung inistart na ni Brandon ang kotse niya. Bahala siya. Ginagalit niya talaga ako, Hindi magandang biro ang ginagawa niya sa akin.
Dahil nakakairita. Parang nakakahiya na makikita niya ang mga reaksyon ko lalo na kanina alam ko namumula ako dahil ang init ng pisngi ko. I'm such a cry baby, alam kong biro lang yung sinasabi niya pero naiinis ako.
Nakatulugan ko na lang ang inis ko sa bwiset na Brandon na yun.
Papasok ako sa work ngayon. I decided hindi ako mgreresign!!
Maganda ang benefits ko sa work ko paano kung hindi naman tumupad sa usapan ito si Brandon at least may work pa din ako. Buong gabi siyang hindi nagparamdam. Andito na ako sa work. At madaming bumati sa akin at masaya sila sa muling pagbabalik ko.
"Welcome back Vet" bati sa akin ng boss ko at ng mga ka-team ko.
"Miss ko na kayo ng sobra" sabay-sabay nila akong niyakap.
"Nakakahiya naman kay Velvet pumasok pa siya off din naman niya bukas magpapa-miss ka na naman?" biro ni Boss sa akin.
"Boss naman, nakapag-decide na kasi ako I need to moveon at magtra-trabaho na lang ako. At least may kita pa ako eh kung emote lang ako wala naman ako sweldo na makukuha don." unti unti ko ng nararamdaman ang pananabik sa pagbabalik sa trabaho at makasama ulit ang mga ka-team ko.
"That's good to know Vet, I'm so happy that we have the old Velvet again. Ang kilala ko na masipag at determinado." kilala na talaga ako ng boss ko, isa siya sa mga dumamay sa akin when I'm so down, a shoulder to cry on. Hindi nila ako nakilala na malungkotin dahil jolly ako, masayahin talaga akong tao. But since the time that Mateo left me everything has changed.
Nag-start na ang work ko. Medyo nahirapan ako kasi almost 3weeks akong wala. 9hrs has passed. Uwian na, ang sarap ng feeling. Ako na ulit to. Ang Velvet na motivated magwork. For my Mama.
Hindi pa ako makauwi niyaya kasi ako ng mga kateam ko na mag-breakfast. Kwentuhan, kulitan, tawanan namiss ko talaga to. Then isa isa ng nag-aalisan may mga pasok pa kasi yung iba mamaya. Naiwan na lang kami ni Nadine ang isa ko pang ka-team at ang isa sa mga Manager namin. Si Hampton.
"Bes, hindi ako makakasabay umuwi sayo may pupuntahan pa kasi ako" sabi ni Nadine. Kala ko pa naman may kasabay ako umuwi.
"Ok lang, off ako mamaya. Punta ka ba maya sa bar may gig ako?" Sabado kasi ngayon kaya may pasok ako sa bar ni Caleb.
"Try ko bes, sabay na kami ni Diana pareho kami ng way ng pupuntahan eh" nagpaalam na sila sa amin ni Hampton.
"Sige Hampton uuwi na ako." Nagpaalam na din ako sa kanya, pero hinawakan niya ang siko ko para pigilan ako.
"Ihatid na kita Vet?"alok niya. Si Hampton isa siya sa mga friends ni Mateo. Manager din siya dito sa work ko.
"Naku wag na nakakahiya, may van naman eh" tanggi ko.
"Sige na please, ngayon na nga lang kita nakita kahit mag-kwentuhan muna tayo kahit isang oras lang. Please" pagsusumamo niya, hawak niya pa din ang braso ko. Sa totoo lang naiilang kasi ako sa kanya. May sinabi kasi siya sakin dati na hindi ko nagustuhan.
♦Flashback♦
The day when Hampton found out that me and Mateo broke up. Andito kami sa park kung saan madalas kaming magpalipas ng oras ni Mateo.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, sasaktan ka lang ni Mateo eh"
Si Hampton lang naman ang tulay namin kung paano kami napalapit ni Mateo. Classmate ko si Hampton while si Mateo nag-aaral pa noon sa ibang school. At ng makilala ako ni Mateo agad siyang lumipat sa school namin ng matapos ang sem na yun.
"Alam ko naman na hindi ginusto to ni Mateo mangyari sa amin eh. Napagod lang siguro siya na ipaglaban ako" Pilit na pagtatanggol ko kay Mateo.
"Sana hindi na kita pinakilala sa kanya. Una pa lang alam ko na ito ang mangyayari. Kasalanan ko to!"
Sinuntok niya ang puno na malapit sa amin ng sobrang lakas. Nanginig ako sa takot dahil sa gulat sa ginawa niya. Napatayo ako at napasandal sa katabing puno nakagat ko ang labi ko ng sobrang diin, nagsimula na naman akong maluha.
"Doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon Vet, ang sakit-sakit makita kang umiiyak. Walang ibang nakakaalam ng sakit na to kundi ako lang! Matagal ko tong tinago na mahal kita Vet! At hanggang ngayon mahal pa rin kita. Pinaubaya kita kay Mateo dahil nakikita kong masaya ka sakanya! Makita lang kitang masaya, okay na ako."
Nilapitan niya ako at tumapat sa akin, pati pala siya ay umiiyak na din. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Si Hampton ang number 1 babaero sa kanilang magkakaibigan.
"Kahit kaninong babae ako tumingin, ikaw padin ang lagi kong nakikita. Dapat hindi na kita binigay sa kanya. Sana ako na lang. Hindi kita kaya saktan Velvet"
Biglang umurong ang dila ko wala akong masabi, pati ang mga luha ko tumigil din. Sa sobrang gulat ko sa mga naririnig ko from Hampton.
Niyakap ako ni Hampton ng sobrang higpit habang rinig na rinig ko ang hikbi niya sa tenga ko.
"Hampton hindi ako makahinga"
Yan lang ang tanging nasabi ko sa sobrang dami niyang sinabi sa akin hindi ko talaga alam kung ano ang ire-react ko, parang papatayin na niya ako sa yakap niya sobrang higpit pakiramdam ko madudurog na ang mga buto ko.
Bumalik ang diwa ko ng tinanong niya ako ulit.
"Vet, so ok na ba? Mag coffee man lang tayo please" wala na akong choice hinila na niya ako papunta sa malapit na coffee shop. Umorder na siya may kasama pang cake.
"So how are you now Vet?" I took a deep breath before I answered him.
"I'm okay now, nakapagisip na ako na it's really time to moveon" yun naman talaga ang dapat kong gawin. Hindi na siya babalik tanggap ko na.
"Mabuti naman, miss na kita Vet?" anito sabay hawak sa kamay ko. "I really want to visit you and be there for you, but I think you really need to be alone. Sobrang miss na miss na kita. And I'm so happy na nakapagdesisyon ka na, na kalimutan na siya." He squeezed my hand and look at me straight in my eyes.
"Yeah you're right, coz by the end of the day ako lang din makakatulong sa sarili ko na mag-moveon, kahit ano pang advise sabihin sakin ng iba ng mga tao sa paligid ko if ayaw ko naman sundin balewala lang. Maganda talaga yung nagkaroon ako ng space at nakapagisip ng tahimik" Ngayon ko lang narealize ang sinabi ko ay may point ako dun. Then he smiled at me..
"Sana lang din Vet, wag mo naman ako iwasan. I know its awkward to ask. Maybe when you're finally over him and I know malapit na. Sana naman give me a chance to show you that I really love you. Hindi kita mamadaliin promise, ikaw lang kasi ang tanging gusto ko Vet. Alam mo naman yun diba?"
Friend ko siya but when he confessed me about his feelings, nailang talaga ako sa kanya, Sinabi pa niya talaga noon na he followed me here sa work ko kaya lumipat siya para magkasama kami.
"You know naman diba Hampton?" pagpapaalala ko sa kanya. What I told him before, it's the same answer.
"I know it, I'm just your friend but why cant we be lovers? Why don't you give me a chance to prove to you na I can be better than Mateo?" nakita ko ang sakit sa tono ng pananalita ni Hampton.
Bakit nga ba hindi? Dahil hindi tama, me and Hampton are friends at saka Hampton and Mateo are friends too. What will other people think if maging kami? Na tinutuhog ko silang magkaibigan?
"I don't know Ton I don't want to talk about it please." hinila ko ang kamay ko na hawak ko sa kanya and sipped my coffee.
"I'm sorry Vet, but can I just have one last favor?" I nodded.
"Just let me show you how I feel for you? I kept it for so long and i want you to know and feel how much I really love you. Ayaw kong palagpasin pa tong pagkakataon na to.?"
"I really don't know Ton. I'm sorry!" teka ito na ba ang sign ni Lord? Am I going to accept it? Masakit sa bangs! "Sorry, but I want to go home na, may work pa ako later sa bar I need to get some rest" pagyayaya ko sa kanya. Hindi ko na nakain ang cheesecake na inorder niya. Pinabalot niya ito at binigay sa akin.
"Ok let's go hatid na kita" kinuha niya ang bag ko at inalalayan ako papunta sa parking lot.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe, Buti na lang walang trapik dahil gusto ko ng matulog.
"Thanks Hampton sa treat mo and sa time sa paghatid sa akin" bababa na sana ako ng kotse, pero hinila niya ako sa braso ko at hinalikan sa pisngi ko. I smiled a bit hindi ko na lang pinahalata ang pagka-gulat ko.
"Kahit araw-araw pa kitang ihatid okay lang sa akin. Thanks for letting me spend time with you, you dunno how much you made me happy"