bc

Nang Dahil Sa Utang (Completed)

book_age12+
2.1K
FOLLOW
8.3K
READ
contract marriage
arrogant
boss
humorous
office/work place
like
intro-logo
Blurb

First love never dies but true love can bury it alive. Will the second woman that will come along his way will prove this right?

©Shairaluane 05.24.15

chap-preview
Free preview
Chapter 1
♪Where do broken hearts go Can they find their way home Back to the open arms Of a love that's waiting there And if somebody loves you Won't they always love you I look in your eyes And I know that you still care, for me♪ Kung magrereklamo lang ang player ko dahil paulit-ulit ko siya pinapatugtug, malamang sisigawan na niya ako. Halos nakakailang charge na ako ng mp3 player ko kakapaulit ng kantang yan. Baka kasi andito ang sagot? Where do broken hearts go? Saan nga ba ito papunta? Hindi ko na kasi alam paano pa hilumin tong durog kong puso. "Waaaaahhhhhhhhh!" sumigaw ako at nagpapapadyak sa kama habang sinasabunutan ang buhok ko. Nababaliw na ako!. Bakit ka kasi umalis? Alam ko ako padin. Pero bakit hanggang ngayon wala ka pa din? "Waaaah!!" I shouted once more. Gusto ko na talaga maloka, maging si Sisa at hanapin na lang si Crispin at Basilio. Naudlot ang page-emo ko ng tumunog ang cellphone ko. "Ready ka na ba? May pasok pa tayo.!" text ng bestfriend kong si Nadine na officemate ko din. Tinignan ko ang time, kaya pala nagtext na to' 6pm na pala. "Hindi pa eh, tinatamad ako pumasok. Parang gusto kong pumasok na lang sa bar." Reply ko sa kanya, officemate ko si Nadine sa full-time job ko. Sa isang callcenter sa Alabang. Then pag restday ko rumaraket ako sa pagkanta sa isang Bar and Resto. "Uy sumosobra ka na ah, naka ilang emotional leave ka na baka matanggal ka na nyan! Sinasabi ko sayo Velvet baka mawalan ka na ng trabaho!!!" ang daming exclamation point meaning galit na siya, maya-maya lang tatawag na yan. Sabi na eh, ayan na nagriring na ang cellphone ko. Matagal ko bago ito sinagot. "Hoy Velvet Santino anong petsa na? Pumasok ka na para malibang ka naman at makalimutan mo yang ex jowa mo?" ganyan siya pag galit na saken buong pangalan ko talaga ang binabanggit niya daig pa ang nanay ko kung magalit. "Friend alam kong concern ka sa akin pero..." hindi pa ako tapos eh, eto na siya nagsasalita na. "Walang pero pero pero. Hindi ka naman mag kakapera diyan sa kakamukmok mo diyan ano" may point naman si Nadine, pero madali kasing sabihin eh. Pero ang hirap gawin, ang hirap sundin. Ilang araw na kasi ako naka Emotional Leave, take note. Hindi Vacation Leave ang tawag sa ginagawa ko dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa ginagawa ko at hindi naman ako nag-out of town. At lalong hindi ito Sick Leave dahil wala naman akong sakit, masakit lang puso ko pero yun lang. Hindi naman ito pwede i-pacheckup eh paano ako hihingi ng medical certificate sa doctor baka batukan lang ako ng doctor ko at sabihin pa sa akin na sa Mandaluyong sa Mental ako dapat pumunta hays! Two weeks na ako nakaleave sa trabaho since makita ko ang f******k ng ex-boyfriend ko at mukhang masaya sa new girlfriend niya. Six months na kaming wala but still I'm hoping that time will come na he will come back to me then he will say sorry, na he can't live without me. But I guess! Nakamove-on na siya ako na lang ang hindi. Dahil hindi pa rin talaga ako makausad! Nasa step 1 pa din ako. "Friend sorry last na talaga to gusto ko lng gawin yung pinakagusto ko pag down ako." I said sadly, eto na naman ako trying to escape from the reality. Na kailangan kong magbanat ng buto dahil ako na lang ang inaasahan ng Mama pero I chose to help myself first. Kailangan ko muna gawin ang makakapag-pagaan ng loob ko kahit papaano. Ayun ang pagkanta, na kahit man lang ilang oras na pagpeperform ko sa harap ng mga audience ay nakakawala ng aalahanin. Dahil naibubuhos ko lahat ang sakit na nararamdaman ko everytime that I'm singing. "Ok fine, ano pa ba magagawa ko. Basta sa susunod na araw papasok ka na ah?" Sa araw-araw na ginawa ng diyos si Nadine ang alarm ko, nagpapaalala na gumising na ako sa katotohanan na wala na! It's over, were done. Na I need to go back to the reality, na kailangan ko na ulit magtrabaho, hindi niya talaga ako tinatantanan. Para lang siyang si Mike Enriquez eh. Hindi kita tatantanan!. Natapos na ang phone call namen, tinext ko kaagad si Caleb ang may ari ng bar kung saan ako part time singer at hindi ako nabigo pumayag siya na mag 2 sets ako. Ang normal schedule ko kasi is every weekends but since I'm on Emotional Leave kahit weekday ngayon pumayag na siya. Makaligo na nga. Sakto ng papasok na ako sa cr siyang katok sa pinto ko ni Mama. "Nak papasok ka na ba?" magiliw na tanong niya sa akin, napasinghap ako. Ito na naman magsisinungaling na naman ako sa kanya. Halos araw-araw niya ako tinatanong if papasok na ba ako dahil alam niya kung ano ang kalagayan ko ngayon. I'm trying to be okay sa harap ni Mama ayaw ko kasi na mag-aalala pa siya at mastress sa akin. Kung hindi lang ako bread winner, baka nag full time na lang ako sa pag kanta ko at part time sa call center. Mas gusto ko pa ang kumanta kesa magpuyat kausap ng mga foreigner. Nakakaloka sila kausap, mga irate pa. Halos araw-araw mo mariring ang It doesn't make sense, It's ridiculous at ang pinakagasgas na linya nila I wanna speak with your manager. Pag ganon na ang peg nila naku tuwang tuwa ako. Ganito lagi ang sagot ko. "Sureness Madam, it's my pleasure and I really love to transfer you to my manager." Oh diba. Pangasar lang, akala mo kasi lagi silang tama. Tatawag tawag hindi naman naniniwala pag sinagot. Oh siya doon ka sa manager ko pareho lang naman kami ng product training non. Bumalik ako sa ulirat ng kalabitin ako ni Mama, masyado akong nadala sa pagmumuni-muni ko. "Ma, opo papasok po ako. Ligo lang po muna ako" iniwanan na ako ni Mama. Pumunta muna ako sa tokador ko at namili ng susuotin ko after that naligo na din ako. Naka fitted black jeans and white shirt lang ako, dun na kasi ako nagpapalit sa bar ng susuotin ko syempre dapat medyo formal at sexy at ayaw ko mag commute ng nakaganun na suot na kagad. Takot kasi ako mabastos. "Hays!" Naisigaw ko sa sarili ko pagtapat ko sa salamin, hindi ko naiwasan. Ano ba kasing mali sa itsura ko? Maganda naman ako sabi nila at ng Mama, maganda ang mahabang wavy na buhok ko. Flawless naman ako, hindi nga lang ganoon kaputi. Pero mahirap ako, siguro ayun ang naging hadlang sa amin. Pero diba dapat pantay naman ang estado sa buhay pag puso na ang pinaguusapan. Siguro nga mali lang ako. Malaking kinalaman ang estado ng buhay pag ikaw nagmahal, siguro ang mayaman para sa mayaman. At kaming mahirap para lang sa mahihirap. "Nak ayos ka lang ba?" muntik na akong mapatalon ng biglang sumulpot ulit si Mama. "Ma ayos lang po. May dumaan lang na ipis" niyaya ko na si Mama na bumaba sa kwarto ko ng makaalis na din ako. "Ma, pakisara na lang po tong pinto ako na lang po mag bubukas ng pinto paguwi ko" I kissed her and give her a quick hug bago ako lumabas ng bahay. @SHOUT OUT LOUD BAR Ang daming tao ah, pero sa pag kakaalam ko eh today is Wednesday at sobrang bihira ang mapuno ang bar ng ganitong araw. Kinabahan pa ako bigla. , , Sana hindi ako sumablay. 2 sets pa naman yun. 2 sets meaning mga 7 songs per set yun. "Velvet, dito ka na pala. Salang ka na ng mga 11pm ah. " sinalubong ako ni Caleb na kasalukuyang nasa bar counter, he kissed me on my cheeks. "Ok Leb, no problem" nagpaalam muna ako sa kanya at dumeretso ako sa dressing room. Ano ba to ang dami boys nakaharang sa daan. Medyo masikip kasi ang daanan dito madadaanan ko kasi ang restroom bago ako makarating sa dressing room ko. "Phewww!" grabe 5mins ang tinagal ko dun para lang makarating dito sa dressing room. Nagmake up lang ako ng light at ng blower ng buhok , since natural na kulot buhok ko kakatamad mag plantsa ok na to. I just wear a white short short at white short sleeve printed shirt. Time check: 10:55pm. Bumukas ang pintuan ng dressing room ko. "Ready ka na ba Vet?" Si Cita ang assistant ni Caleb. They call me Vet for short. "Yes po, lalabas na" I glanced at myself in the mirror to double check if I look great. Pwede na, lumabas na ako ng dressing room at naglakad na papuntang backstage. Paglabas ko biglang my bumanga saken. "Ouch ang sakit" bukod sa nabangga niya ako natapakan pa nya ako, then na out of balance ako kaya napaupo tuloy ako sa sahig. "Sorry miss, di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" inis na sabi niya sa akin. Wow lang, ako pa talaga ang hindi tumitingin siya itong hindi tumitingin at nakatingin lang sa cellphone niya. "Sorry mister ah, sa pagkakaalam ko nakatingin ako ng straight sa daan ikaw itong bigla na lang susulpot na parang kabute" sarkastikong sabi ko siya pa may ganang magalit sa akin. "Eh di sana umiwas ka, ikaw tong nakatingin pala ng straight. Kasalanan mo yan." "Wow iba ka rin ah! Tapos ito napaupo na ako dito hindi mo man lang ako tulungan makatayo ay iba talaga!" inis na inis na sabi ko. "Kaya mo na yan, malaki ka na eh." anito sabay nilayasan ako. "Argghhh! Kapal ng mukha mo, madapa ka sana!" Tumayo na ako at pinagpag ang pwet ko, nakakaloka! May mga lalaki palang ganon walang modo. Dumiretso na ako sa stage at kinalma ang sarili ko. "Hi guys hope your having fun tonight, let's just mellow down a bit after your high energy dance kanina" kasi puro love song lang lahat ng kakantahin ko wala ako sa mood for a happy song tonight. "If you have some request or greetings don't hesitate to give it to me I will try my best to sing all of it" kumumpas na ako sa banda ko and in a split second nagsimula ng tumugtog ang mga ito. While singing my first song, hindi ko maiwasan na maalala siya. He's my first boyfriend, my first love. We've been for four years, I still can't understand how come he just wasted the time we spent together. Na gaanon lang kadali na iwanan ako at kalimutan. Natapos ang first song ko na puro ang exboyfriend ko lang ang naiisip ko, madami na ang nagbigay sakin ng request at greetings nila. Unang kanta palang gusto na sumabog ng damdamin ko. I wanna know when I'm gonna have my one LAST Cry for him. Dahil sobrang tagal na hindi pa rin nauubos ang luha ko para sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

NINONG II

read
619.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook