Chapter 2

1442 Words
After my last song lumapit sa akin ang waiter at may dalang mga request from the audience. "Thank you sa mga nag request at may mga tip pa ang bongga, I will try to sing few songs hindi ko kasi alam ang iba dito guys sensya na po." I checked every paper na binigay sa akin mga more than 10 ang mga ito. At parang alam ng audience ang pinagdadaanan ko at napili ko ang isang request na saktong sakto para sa akin. Kaya ko to. Etong eto yun eh. Eto na naman ako lulunurin na naman ang sarili ko sa lungkot, pag heartbroken ka talaga bawat linya ng kanta damang dama talaga. Na para bang ginawa ito para lang sayo. Pero pinili ko ang song request na ito, coz it reminds me of a lot of happy memories with my ex. "The next song is dedicated to Althea Marie, sabi ni Kuya Edgar. Dedicate ko daw itong kanta na ito para sayo ate. He just want you to know that magkahiwalay man daw kayo ikaw pa rin daw ang nilalaman ng puso at damdamin niya" Narinig ko ang tilian sa malapit na table sa harap ko. Mukhang hinahanap nila ang lalaking nag request ng song. Echosero tong si Kuya Edgar. Mga lalaki talaga, bakit mo hihiwalayan kong mahal mo pa. Dapat ipaglaban niya diba? "Oh siya kahit labag sa damdamin ko na kantahin tong kantang to. Dahil walang forever!" pagpatawa ko sa audience, pero deep inside totoo yan noh. Walang forever. "Bakit naman Miss Ganda nasabi mo na walang forever?" narinig kong sigaw ng isa sa mga audience. "Kakabreak lang namin kaya walang forever kuya. Okay!" mataray na sagot ko pero nakasmile pa din ako. Biglang nag-ingay ang audience. Ang dami kong narinig na from our male audience. "Ako na lang ang tutupad ng forever mo." "I will prove you girl that there is forever. Give me your number." Nakakaloka diba? Ganyan ang mga lalaki, papaasahin ka na may Forever! Bakit kasi naimbento pa yang salita na yan hindi naman totoo yan. Madami lang umaasa diyan. "Okay guys, hope you will like my next song. Again Althea Marie this is for you." 4 years din kami, pero ngayon daig ko pa namatayan! Nagluluksa ako Naghihinagpis Babe!!! Why ohhh why!!! Tagos na tagos sa puso hanggang bituka eh. I remember this song i'm singing sikat ito way back sa college days ko. He learned how to play this in his guitar naalala ko pa na pag lunch break namin we will go sa paborito naming tambayan ang pinakamatanda na puno sa school. I will sing this while he's playing his guitar. Yung tipong dadami na lang ang tao na nakapaligid sa amin, at makikinig sa amin. A lot of my schoolmates envy us. Way back kasi we look like an almost perfect couple. Minus mo na doon kaya almost lang dahil ako isang hamak na scholar lang kaya ako nakapasok sa Unibersidad na yun kung saan kami nagkakilala samantalang siya. Isang sikat na basketball player, may magandang kotse, libre ako lagi ng pagkain dahil sobrang laki ng allowance niya everyday. Parang ang baon niya for a day parang baon ko na for 2 weeks. "I love you babe, walang iwanan ah. Kahit anong pagsubok kayanin natin ah?" I still remember what he told me, kabisado ko pa ang mga sinabi niya sa akin after akong ipahiya ng Mommy niya when I attended his birthday party. That was his last birthday I spent with him. After kung umiyak ng isang balde that day, he made sure na kakalma ako. He brought me sa paborito kong kainan kung saan tuwing gabi madaming mga street foods na pwedeng kainin. Nagutom kasi ako sa sobrang kakaiyak ko kanina, ni hindi nga ako masyadong nakakain sa party niya dahil nga umpisa pa lang pinahiya na ako ng Mama niya. He bought me balot, ang favorite ko sa mga street foods pumangalawa ang fish balls at kikiam. Ang pagsama niya sa akin at umalis sa party niya ay isa ng napakalaking sakripisyo na nagawa niya sa akin. And he proved me talagang mahal niya ako. That he chose me over his parents. Naramdaman ko yun sa 4 years na magkasama kami. Na minahal niya ako. Damang dama ko hanggang 3rd layer ng balat ko eh, minsan nga tumatagos pa ang kilig ko up to my bone marrow. Hindi ko namalayan tapos na pala ang kanta sa sobrang pag-mumuni ko. Hindi ako sure If nakanta ko ba ng tama or nasa tono ba ako. Basta ang alam ko lang ang daming pumalakpak. So feeling ko nagawa ko naman ng tama. Sarap sarap balikan kasi ng masasayang alaala namin. Ng ex ko, ni Mateo. Kinuha ko ulit ang papel na inabot sa akin ng waiter, nagulat ako ng may kalakip itong 1000 pesos. "Oh we have a galante jammer tonight may pa 1kiyaw. Come to the stage na Mr Brandon Aleman. Where are you na?" tinignan ko kung nasan ba tong jammer na to, ayun may tinutulak patayo na lalaki sa medyo dulong table. Sa totoo lng hihinga muna ako kaya ung audience muna ang pakakantahin ko. "Pre pinahamak niyo ako ah" inis na sabi ko ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag nitong supladang singer na ito. "Friend sige na maganda naman boses mo eh" ginatungan pa nitong si Salve ang girlfriend ng friend ko na si Eddie. "C'mon Brandon the stage is waiting for you." pang asar pa nitong singer na to. Napapahiya na nga ako eh. Lagot sa akin itong si Eddie, malamang siya ang may kagagawan nito kaya ako mapapakanta ng wala sa oras. "Go Go Go Brandon!" Nagsigawan pa ang crowd, lalo akong napasubo. Ininom ko ng straight ang bote ng alak ko pampadagdag ng lakas ng loob. Wala na ako nagawa pumunta na akong stage "Oh Hi Brandon, You are with who pala?" eto ung nakabanggaan ko kanina sa labas ng restroom, singer pala siya dito. "Yah yung mga friends kong pahamak, lalong lalo na ang friend kong si Eddie na may pakana nito" I never joined a band before para maki-jam it's my first time. Bihira lang ako kumanta, hindi ko kasi hilig. Mahilig ang mga friends ko mag videoke pero hindi ko talaga hilig ang kumanta. "Hahaha! Hello sa mga friends ni Brandon, kaway kaway naman kayo diyan!" I looked at her na kasalukuyang hinahanap ang mga kasama ko, she smiled when she saw Salve and Eddie waving at us. Nakasimangot lang ako at nakakunot ang noo samantalang ang katabi ko ang hyper-hyper bigla.. Parang kanina lang ang lungkot ng mga mata niya habang kumakanta. Kulang na lang umiyak siya. "So Brandon what your gonna sing for us?" "Dapat ang tanong, what are we gonna sing?" I asked her and smirked. Pwede bang ako lang ang kakanta, niyaya niya ako dito dapat samahan niya ako noh. "Ow okay kasama pala ako okay. What do you want?" tanong niya sa akin. "Thinking out loud na lang." walang ganang sabi ko. "Okay one moment, hindi ko pa kasi kabisado I'm just gonna look for the lyrics alright." She started to turn pages sa music book sa tapat namin when she finally saw it she looked at me, at nag thumbs up. "Ok I'm ready guys, let's all give a round of applause to our jammer Brandon" wala na akong choice kundi ang makipag-jamming. Ako ang unang kumanta ng first part. Pagdating ng Chorus nagsesecond voice lang siya sa akin. I can't help but to glanced at her once in a while. She's swaying her body na tipong sumasabay sa tempo ng musika. Nagulat ako ng biglang dumami ang tao sa baba at nagsisimulang sumayaw, mga lovers siguro. "Okay Brandon it's my turn." She whispered ng instrumental na. Her eyes were closed while singing her verse. And all those time I'm just looking at her, she has a very beautiful voice na tipong kahit anong kantahin niya bumabagay sa kanya. When the last line before the chorus was about to end I made sure that she will never caught me staring at her. Naghihiyawan ang mga audience lalo na ang mga nagsasayaw sa dance floor when our song ended. I can say that our voice blended well. Nadala niya ako sa magandang boses niya, kaya lumabas ang golden voice ko. "Thank you so much Brandon you have a nice voice huh" pacute niya na sabi sa akin. I was stunned for a moment when our eyes met and I saw her sweet smile. "Ah Okay!" walang ka energy energy na sabi ko then I walked back to our table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD