"Oh we have a galante jammer tonight may pa 1kiyaw. Come to the stage na Mr Brandon Aleman. Where are you na?" Since nagbigay ng napakalaking tip kung sino man ito kaya I called him to join us here. Most of the time I called an audience naman to jam with us with or without a tip.
Pero hindi ko expected na ang tinuturo ng audience kung sino ang jammer ay walang iba kung ang walang modo na lalaki na bumangga sa akin . Pinigil kong sumingkit ang mga mata ko ng makita ko sino ito.
Yung lalaki na yun na bukod sa antipatiko hindi na nag sorry pinalabas pa niya na ako may kasalanan. Siya pa talaga may ganang magalit sa akin diba? Sino ang matutuwa aber?
Grr!
Tignan mo mukhang ayaw pa niya lumapit dito at nakabusangot pa ang mukha niya sa mga friends niya.
"C'mon Brandon the stage is waiting for you. " inasar ko pa siya para wala na siyang choice kundi pumunta dito sa stage. Napangiti ako ng lihim ng pati ang mga audience ay nakisali na din sa akin sa pang-aasar sa kanya. Naghihiyawan na din sila na pumunta na siya dito. Buti nga!
Ayan tumayo na siya.
Papunta na dito.
Ngayon na lng ako natuwa ulit. Ang sarap humagalpak ng tawa dahil halata naman na ayaw niya talaga pumunta dito sa stage.
Infairness, . . He made me smile secretly.
Wala lang to naiinis kasi ako dito sa lalaking to.
Kala mo kung sino kagwapuhan. Hmmp!
"Oh Hi Brandon. You are with who pala?" hmm, I glimpsed at him for few seconds, hindi ko kasi maatim siya tignan kanina when he bumped me. Naasar kasi ako.
Pero infairness, pwede na!
Matangkad siya, medyo maputi, hmm maganda hugis ng mukha niya His nose hmm matangos naman. His kinda chinito. And hays! Ano ka ba Velvet! Naamoy ko siya. Mabango rin siya infairness.
"Yah yung mga friends kong pahamak, lalong lalo na ang friend kong si Eddie na my pakana nito" mukhang napilitan nga lang siya.
"Hahaha! Hello sa mga friends ni Brandon, kaway kaway naman kayo diyan!" I asked him what he's gonna sing for us.
"So Brandon what your gonna sing for us?" I asked him politely
"Dapat ang tanong what are we gonna sing?" wow, medyo sarkastiko tong lalaking to ah. Akala ko naman makakapagpahinga ako ng slight gusto niya pala na ka duet ako.
"Ow okay kasama pala ako okay. What do you want?" I asked
"Thinking out loud na lang." he said emotionless.
Nagpaalam ako ng saglit dahil hindi ko kabisado tong kanta na ito, kahit pa pambansang kanta ito ng Pilipinas akalain mo ako lang ang hindi kabisado ang kanta na ito.
"Ok I'm ready guys, let's all give a round of applause to our jammer Brandon." nagpalakpakan ang mga audience the moment our band started the song.
He started to sing the first verse, napasinghap ako. He have a so masculine voice na sumakto ang boses niya sa kanta. I touched my arms para kasing tumatayo ang balahibo ko. Every line he's singing it, paran may goosebumps sa balat ko. Para naman malibang ang nakakalokang pakiramdam ko I tried to dance a bit na lang baka sakaling mawala itong pakiramdam ko.
When it's my turn I chose to closed my eyes, coz I saw him looking at me. Baka mamaya hindi pa ako makakanta ng maayos buti na lang at kabisado ko ang second verse.
After my verse I already open my eyes and saw a lot of couples in front of us. Na tipong inlove na inlove sa isa't isa at mas lalo pa silang nainlove sa song.
"Thank you so much Brandon, you have a nice voice huh" papuri ko sa kanya. Maganda naman talaga boses niya eh.
"Ah Okay!" sarkastikong sabi nito sa akin. With matching sama ng tingin pa. Wow lang at sabay walk out.
Wow na wow talaga! Ang lakas maka bad vibes ng isang to.!
Antipatiko, sarcastic, masama ang ugali. Ang panget mo!
Parang ang laki ng kasalanan ko na pinakanta ko siya dito sa stage.
Nagpaalam muna ako it's the end of my first set. I will have my 30 minutes break. I need to breathe kung hindi bubuga na ako ng apoy dito sa sobrang inis.
"Pre ang galing mo talaga, first time mo to ah" agad na pang-aasar sa akin ni Eddie. I glared at him at sabay padabog na umupo.
Ewan ko ba at napakanta ako ng wala sa oras. Tama first time ko nga to. At masaya pala, feeling ko ng concert ako lalo na yung moment na madami ang biglang pumunta sa dance floor at nagsayaw.
"Pre pakiss nga" sabi ni Eddie habang nakanguso sa akin, nilamutak ko nga ang mukha niya at itinulak. Tawa naman ng tawa sa amin si Salve.
"Baliw! Umorder pa nga tayo, nawala ang tama ng ininom ko kanina" tinawag nila ang waitress, paglapit nito sa amin ay mukhang kinikilig pa at nakatitig sa akin.
"Sir.. A-ano po.. ang o-order niyo ..po?" ano daw? May sakit ba tong waitress na to at utal utal mgsalita?
"Yan tama diyan mo kunin ang order siya ang mgbabayad" turo ni Eddie sa akin.
"Saka ano daw name nung singer, yung maganda na sexy?" nagpahabol pa ang loko.
"Salve ohh si Eddie, harap harapan kung manloko oh, type mo noh?" pang-aasar ko sa girlfriend niya, selosa pa naman si Salve.
"Uy hindi ah, para sayo yun kaya ko tinatanong kunyari ka pa. Kung makatingin ka nga kanina kulang na lang matunaw si ganda." Pinanlakihan ko nga siya ng mata, darn nakita niya pala yun.
"Eto miss yung combo 5 niyo" binaling ko na lang sa waitress ang atensiyon ko para tumigil na si Eddie.
"Ay siya nga pala sir si Velvet po yung kumakanta kanina" bumalik pa talaga ang waitress after niyang kunin ang order namin just to answer Eddie's question.
Yung babae na yun na nakabanggaan ko kanina.
Na parang wala man lang pakialam na nakabunggo niya ako.
l
Kung ibang babae lang yun baka kinilig na dahil nagdikit ang mga balat namen. Pero siya! Ang suplada pa.
Dumilim na ang stage at nawala na sila ng banda niya. Pinagpatuloy namin nila Eddie ang pag-inom.
Parang pinagsisihan ko pa tuloy bakit sumama pa ako sa dalawa na to, iniingit lang ako ng mga ito. Para silang walang kasama kung maglampungan parang wala ako dito. Hays!
Sumagi na naman sa isip ko si Cham.
Wala eh talagang basted na ako sa kanya, kahit ilang beses kong sabihin nararamdaman ko talagang kaibigan lang ang turing niya sa akin.
Nakatitig lang ako sa stage nagulat ako ng biglang lumiwanag ulit at nakita ko ulit siya. Mukhang may second set pa siya, she changed her clothes I looked at her from head to toe. Simple lang siya, she have a beautiful curly hair, may hubog naman ang katawan niya kahit simpleng shirt lang ang suot niya. Her legs are firm at flawless.
She started to sing along with her pianist.
"Pre pabukas nga ako ng isa pang beer" utos ko kay Eddie, she caught me staring at her. I dunno if she saw me but I saw her looked at me. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko.
"Grabe ang galing niya noh mahal" papuri ni Salve kay Velvet.
"Oo nga eh, kinikilig nga ang friend ko eh tignan mo kanina pa yan nakatitig." pang aasar ni Eddie na naman sa akin.
"Anong nakakakilig dun?" sabay tungga ko, nakalahati ko ang bote ng sanmig light kaagad.
"Eh bakit sumisilay ang ngiti sa mga labi mo pinipigil mo lang." tinignan ko si Eddie at napakamot na lang ako sa batok ko, kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagfacebook. Nakinig na lang ako hindi na ako ulit tumingin sa kanya. Baka kung anong pang-aasar na naman ang makuha ko kay Eddie.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang buong set niya. Narinig ko na lang ang mga lively music at madilim na ulit ang stage. Wala na siya.
Yung mag boyfriend umalis at nagsayaw sa dance floor.
At ako na lang mag-isa dito.
Eto ang disadvantage ng walang girlfriend.
Alone. .
I closed my eyes and saw Cham.
"Nrab, sorry if hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal mo sa akin, hanggang kaibagan lang talaga ang kaya kong ibigay. I'm already inlove with someone else, i'm sure makakahanap ka din ng para sayo."
Hindi ko alam if makakahanap ba ako ng isang katulad ni Cham, she's my dream girl my first love.