Masaya ako dahil bumalik na kami sa dati ni Brandon, hindi na niya ako iniiwasan nor sinusungitan. Gumaan na din ang pakiramdam ko, pero minsan hindi ko pa din maiwasan na mapaisip at mag-alangan sa kanya ang g**o niya kasi diba? Paiba-iba ng mood, minsan hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Bipolar ata tong bwiset na to eh. "Mine, can you come here please?" agad na bungad ni Brandon sa kabilang linya pag-angat ko pa lang ng landline dito sa opisina ko. Bakit kaya niya ako pinatawag? Andito ako ngayon sa office ko at busy sa mga papeles, eto na naman siya ang gambalain ako pag busy ako. Tinatanong ko siya bakit niya ako kailangan sa opisina niya ayaw naman niyang sabihin, isinalansan ko muna ang mga nagawa ko na para mamaya ay tatapusin ko na lang ang mga pending na papeles. Umakyat na

