Chapter 12

2294 Words
Andito na ako sa kwarto ko, need ko matulog at mamaya may set pa ako sa bar. Tinabi ko na ang mga gamit ko at kinuha ang cellphone ko. May nagtext pala. "Thank you for letting me spend time with you, I'll fetch you later I want to watch you performing. See yah. Sweetdreams!" Si Hampton. Napabuntong hininga na lang ako lalo na ng maalala ko ang eksena kanina, ang hirap lang. I can sense his sincerity pero I really can't accept his feelings for me. Nahiga na ako at sinimulan ng magpa-antok. Nagising ako sa sunod-sunod na katok, hinanap ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Alas siyete na pala ng gabi. Latang-lata akong tumayo at binuksan ang pintuan. "Anak gising na, may bisita ka" tumango lang ako kay Mama. Nagunat-unat muna ako at naghilamos muna bago bumaba. Bakit kaya andito si Brandon? Buong araw siyang hindi nagparamdam tapos pupunta siya dito. Diba sabi ko sa kanya wag na wag na siyang magpakita. Pagbaba ko hindi pala si Brandon ang bisita ko. Si Hampton bakit ba kasi si Brandon ang inisip ko kaagad?. Assuming lang! Sareh... "Hi Vet, sorry nagising ka na tuloy ang aga ko yata dumating. Sensya na" pagpapaumanhin niya ng makita ako na pababa na sa hagdanan, hala may dala pa siyang flowers. Baka ano isipin ni Mama dalawang lalake ang dumadalaw dito sa bahay. Naku naman! "Thanks" inabot niya sa akin ang bulaklak at inamoy yun. Pumunta muna ako kusina para ilagay sa vase. Agad kong tinignan ang mesa kong may nakahain na pagkain, gutom na kasi ako. "Sensya na anak hindi ako nakaluto, akala ko wala kang pasok magdelata ka na lang, ay nakalimutan ko meron ka nga palang pasok sa bar, iho hindi na kita mayaya kumain hindi ako nakapagluto." sabi ni Mama sa amin. Kilala niya si Hampton na classmate ko noong college, nagpupunta rin naman siya dito dati. "Ok lang po Tita sa labas na lang po kami kakain ni Velvet." then he smiled at us. "Nakakahiya naman" sabi ko sa kanya. "It's ok ikaw pa." "Sige maliligo lang ako ah, nood ka muna ng tv diyan" nagpaalam na ako at umakyat na ako sa kwarto nagayos ako ng mga dadalhin ko. Naiinis ako sa sarili ko pagkagising ko pa lang kasi bakit ko ba inisip na si Brandon ang bisita ko hindi nga siya nagpaparamdam eh. Buti na lang talaga. Tapos na siguro ang deal namin hindi na siguro matutuloy. After 30 mins bumaba na ako, nakakahiya naman if paghintayin ko pa siya ng matagal. Naka-jeans lang ako at sleeveless, as usual sa bar na ako magpapalit. Kinuha niya ang dala ko na bag at nagpaalam na kami kay Mama. Inalalayan niya ako makasakay sa kotse niya. "Saan mo pala gusto kumain" tanong niya. "Kahit saan alam mo naman na hindi ako mapili" kahit nga sa turo turo lang keri na. Sa isang Filipino restaurant niya ako dinala malapit lang ito sa Bar. Ang dami niyang inorder. Tumagal kami ng mga isang oras don. After that dumeretso na kami sa bar. Ang daming tao ngayon sabado kasi iniwan ko muna si Hampton at pumasok ako sa dressing room at nagpalit ng damit sasalang na kasi ako after 30mins lumabas ako at nakasalubong ko si Jane. "Vet, andiyan yung jammer mo noong nakaraan ah kanina pa andito hinihintay ka siguro" si Brandon ba ang tinutukoy niya? Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil tinawag na siya ang dami kasing order. Naglakad na ako papunta sa backstage. Pag-akyat ko ng stage agad kong nakita si Hampton na nakaupo sa katapat na mesa nakangiti siya sa akin. Hinanap ko si Brandon sa audience wala naman eh. Sabagay malabo ang mata ko baka nasa sulok siya at madilim pati. "Good evening everyone welcome to my first set, you may start giving me your request and greetings" nagsimula na akong kumanta, kitang kita ko si Hampton na enjoy na enjoy siya sa performance ko kahit mag-isa lang siya sa mesa niya. Naka siyam na ako na kanta nagpaalam na ako na end of my first set na. Bumaba na ako sa stage at pumunta sa mesa ni Hampton he grabbed a chair at maingat na pinaupo ako dito. He ordered me a drink. "Lalong gumanda ang boses mo ngayon... Lalo akong nai-inlove sayo" maingay man ang paligid narinig ko padin ang sinabi niya. "Ganon! Salamat kailangan ko lang talaga husayan para hindi ako mawalan ng part time job" I said while smiling at him. Dumating na ang pineapple juice na inorder niya sa akin. "Oo nga eh ang dami pang nagre-request sayo, mamaya pwede ba kantahan mo ako tapos sabihin mo para sa akin yung kanta na yun please" nilapit niya ang upuan niya sa akin at binulong ito sa akin. Inakbayan niya din ako napainom na lang ako sa juice ko. Ano ba naman tong si Hampton nakakailang. "Sure" maikiling sagot ko. Lumayo ako ng kaunti sa kanya naasiwa talaga ako. "Thanks, hihintayin pala kita hanggang matapos ang set mo then ihahatid kita sa bahay niyo." effort kung effort talaga siya. "Sure ka? Mga 2am pa siguro ako matatapos dito." Paniniguro ko sa kanya. "Oo naman. Just let me take care of you, masaya na ako." he said while looking at me straight in my eyes. "Excuse me, restroom lang ako ah." Pagtayo ko parang nahagip ng mga mata ko si Brandon. Hindi man lang niya ako nilapitan. Bahala na nga siya. Kiber ko ba kung andito siya? Baka may kasama na iba. Alam naman niya sigurong andito ako dahil kakakanta ko nga lang diba? Paglabas ko ng cr tinignan ko ulit kung saan ko nakitang nakaupo si Brandon pero wala na siya. Bumalik na lang ako sa mesa ni Hampton. Dalawa ang performer for tonight ako at isa pang banda. Sila na ang nakasalang ngayon. "Let's dance" alok ni Hampton, madami na din ang mga tao na nasa dance floor. Inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin, tinignan ko ito saglit at ibingay ko na din ang kamay ko. Medyo mellow songs ang kinanta ng banda ngayon, kaya ang daming mga couples ngayon. Para kasi sa mga inlove ang song ngayon. Andito na kami sa dance floor, hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya kasi ako na ewan. He tugs on my hand, begging me to look at him, I tilt my head and I saw a smile in his eyes. Nilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya then he wrapped his arms on my waist. While we are moving gently trying to dance slowly with the rhythm. He's staring at me like he was so afraid that any moment I might disappear. "I hope that this is not a dream Vet, I'm dancing with you right now I can't believe it na darating ang time na to. You don't know how much happy I am right now" hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Ayaw kong bigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya sa akin. Sanay kasi ako na friends lang kami. "I've been looking for someone like you, but I guess you're the only one I need. And I guess no one is the same like you." hindi ako makareact. His looking at my eyes, and down to my lips. And to my surprise hindi ako handa, he kissed me.Oh My Gulay! He kissed me on my lips. Smack lang naman, pero shocks! Natulala na lang ako! Nang matauhan ako inalis ko na ang kamay ko sa balikat niya at naglakad pabalik sa mesa namin. Sinundan niya ako at agad na hinawakan niya ang mga kamay ko. "Sorry Vet, hindi ko lang mapigilan" naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. "Hindi ko na talaga kasi kaya palagpasin tong pagkakataon na to. Ayaw ko na mawala ka pa sa akin ulit" dagdag pa niya, tinignan ko siya saglit. At bumalik sa baso ko ang tingin ko mukha naman siyang sincere. Pero naguguluhan ako. "Excuse me lang, I need to prepare for my next set." I dunno how to react nor how to respond on what he told me kaya umalis na lang ako hindi ko na kaya marinig pa ang mga sasabihin niya. Eto na naman si Jane, nakasalubong ko na naman siya. "Vet ang gwapo ng kasama mo ah new boyfriend mo na ba yun?" chismosa talaga tong isang to. "Hindi friend ko lang yun" mabilis na tanggi ko. "Friend? Eh bakit kayo nag-kiss?" hala sinasabi ko na eh. Baka madami nakakita nakakahiya. Ano na lang iisipin nila na hindi ko naman yun boyfriend. Hays! "Wala lang yun, aksidente lang yun." "Sorry naman Vet hindi ko lang maiwasan ang dami mo kasi fafa eh. Si jammer mo noong nakaraan nakalimutan ko na kasi name niya alam mo ba ang dami na niya nainom sayang nga eh kung wala lang ako shift ngayon samahan ko sana siya." Mukhang kinikilig pa siya na nakita niya ulit si Brandon. Pero bakit hindi ko siya nakita ulit? Or baka namamalikmata lang ako kanina ng makita ko siya. "Ganoon ba." ano ba irereact ko wala naman. Umalis na si Jane kumuha na ng mga order ng customer. Pumunta ako sa dressing room ko para magretouch. In 10mins ako na ulit ang sasalang. Bumalik na ako sa stage. Andon pa din si Hampton mukhang napapadami na ang inom niya ang dami na kasing bote sa mesa niya. Nagstart na ako sa second set ko, ang daming request and greetings puno padin ang bar kahit 1am na. May jammer din ako naka siyam na kanta ako para sa last set ko. Nakalimutan ko na yung request ni Hampton naalala ko ng last song ko na. Next time na lang. Nagpalit na ako ng damit ko, nag jeans na ulit ako. Inabangan ako ni Hampton sa labas ng dressing room, kinuha niya kaagad ang bag na dala ko. Gentleman si Hampton talaga kahit noong nasa college pa lang kami. Wala ka ng hihilingin sa kanya. Mabait, gwapo, may kaya rin sa buhay. Pero kilala siyang babaero noong college pati ngayon. Walang tumatagal na babae sa kanya. Kaya hindi ko alam bakit ako pa. Ang dami naman niyang naging girlfriend noon na super ganda at mayaman. Eh ako? Simple lang mahirap pa. "Gusto mo ba mag-coffee saglit?" alok ko sa kanya mukha kasing tipsy na siya. Baka maapano pa kami mahirap magdrive ng nakainom. "Sure, para makasama pa kita ng kahit saglit" lumabas na kami ng bar at nagpunta sa parking lot. Habang naglalakad kami feeling ko may nakatingin sa amin. Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao mga ilang sasakyan pa ang andito. Sumakay na ako ng kotse niya at pumunta kami sa malapit na coffee shop. "Upo ka na lang dyan Ton, it's my treat ok. Wag ka na aangal" utos ko sa kanya, pumunta na ako sa counter. Nakakahiya naman kasi pinakain na niya ako kanina hatid sundo pa ako ano ba naman tong kape ilibre ko na siya. "Bakit kasi ang dami mong ininom eto black coffee ang inorder ko sayo para mahimasmasan ka naman" sabi ko sa kanya ng bumalik ako sa upuan ko. "Natatakot kasi ako eh" sabi niya sabay higop sa kape niya. "Huh?" naguguluhan na tanong ko. "Natatakot ako na, na iwasan mo na naman ako after this night. Sorry talaga, mahal lang kasi kita. Natatakot akong mawala ka." ah yun pala. Kasi nga last time he confessed about his feelings for me hindi ko na talaga siya pinansin. Tapos kanina he kissed me pa. Ano ba iexpect niya matuwa ako? "Ton don't worry I won't do that anymore pero please lang ayaw ko na maulit yun ah." Sana lang magets niya what I mean. "Gusto ko lang naman na ipadama sayo how I feel, please let me lang. You know how long I've waited for you" hinawakan niya ang kamay ko, sobrang higpit. "But Ton let's continue what we have for the past few years, I can't give you more, ang panget kasi tignan friends kayo ni Mateo." ayaw ko siya paasahin. Lalo na alam ni Mama ang boyfriend ko si Brandon na hindi ko alam if tuloy pa ba deal namin. Tapos eto may isa na naman na lalaki na gugulo ng buhay ko. "Eh ano naman wala naman na kayo diba? hindi ka niya pinaglaban hanngang dulo." he said with his almost closed eyes. Hindi ko na sinagot ang sinabi niya, inutusan ko siya na ubusin na ang kape niya para mahatid na niya ako. Pagdating sa tapat ng bahay, agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. "Thanks Vet" bigla niya akong niyakap. Ang higpit. Naramdaman kung para umiiyak siya. What! Ano ba ginawa ko? Hiniwalay na niya ang sarili niya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "Para akong bading, sorry tears of joy lang to" ang init ng kamay niya pero nadaig to ng init ng pisngi ko. "Sobrang saya ko talaga, kahit paulit ulit kong sabihin sayo hindi ako magsasawa kung pwede nga lang pakasalan na kita ngayon para hindi ka na maagaw sa akin ng iba gagawin ko kaya lang ayaw kita madaliin. Gusto ko kusa mong maramdaman na mahal mo na din ako. And I will let you fall in love with me, I'll do everything to make you forget Mateo" palapit na ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. He kissed me on my forehead. Hayss! Ano ba to si Hampton ang lakas na tuloy ng t***k ng puso ko. "Sige umuwi ka na, sobrang late na. Ingat ka sa pagmamaneho ok?" pinaalis ko na siya, sobrang nanghihina na ang mga tuhod ko. Nakakaloka tong si Hampton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD