“Sigurado ka na ba dito?” Hindi ako agad sumagot. Nakatayo ako sa gitna ng conference room, nakaharap sa mahahabang mesa na punong puno ng dokumento. Sa harap ko, nakaayos ang mga papel na pipirmahan ko. Sa kaliwa ko, tahimik na nakatayo ang dalawang lalaki na naka-barong pero halatang hindi lang sila basta legal team. Sa kanan ko, si Cassey, nakapamewang, nakatitig sa akin na parang hinihintay lang akong gumalaw. Huminga ako nang mababaw, saka ko hinawakan ang isang papel. “Kung hindi ako sigurado,” sagot ko, malamig ang boses, “hindi ako pupunta dito.” Narinig ko ang bahagyang paggalaw ng isa sa mga lalaki. Lumapit siya ng konti, inilapag ang isa pang folder sa harap ko. “Miss Montoya, once you sign this,” sabi niya, diretso, walang paligoy, “lahat ng evidence ay legally authorized

