“Ready na ang press?” Hawak ko ang mic sa backstage, katawan ko nanginginig pero kailangan kong itago. Mateo nakatayo sa tabi ko, kamay niya nakasuong sa aking balikat, hawak niya ang aking braso sa paraang hindi halata pero malinaw. Alam kong gusto niyang kontrolin ang bawat galaw ko. Pinilit kong ngumiti, pinilit kong magmukhang composed kahit ang sikmura ko ay kumikirot sa kakaibang pananabik at kaba. “Ysabel, are you okay?” tanong ni Cassey sa tabi ko, mahigpit ang hawak sa aking kamay. Alam niyang may nararamdaman ako na hindi basta-basta. Alam niyang may lihim ako na alam lang namin ni Henry at ngayon ay kailangan kong panatilihin sa loob ng apat na mata. “Yes, just a little anxious,” sagot ko, tinatanggal ang lahat ng kaba sa tinig ko. Pinilit kong maging matatag. Kailangan kong

