“Bitiwan mo ’ko.” Hindi ako gumalaw kahit sinabi ko iyon. Nakatayo siya sa harap ko, kamay niya nasa gilid ng mukha ko, hindi marahas pero hindi rin umaatras. Hindi ako kumurap. Hindi rin ako umiwas. “Hindi pa,” sagot niya, mababa ang boses. Tinanggal ko ang kamay niya. Dahan dahan. Hindi padalos dalos. Hindi galit. Kontrolado. “Then learn when to stop.” Tahimik siya. Mas mabigat. Pero umatras siya ng kalahating hakbang. Hindi sapat para mawala ang presensya. Pero sapat para gumalaw ako. Kinuha ko ang phone ko sa mesa. Hindi ko siya tinignan. Hindi ko siya kinilala. Nag type ako. Isang pangalan. Isang tawag. Hindi ko inangat ang tingin ko habang nag ring. Pero nararamdaman ko siya sa harap ko. Hindi umaalis. Hindi rin nagsasalita. Sinagot ang tawag. “Speak.” Di

