Perfect Couple ( Ysabel's Pov)

1273 Words
“Mateo, kiss the bride! Kiss the bride!” Sigaw ng press. Narinig ko ang mga tawa at tili ng press sa paligid, pero sa loob ng ulo ko, isang bulong ang paulit-ulit: bastard, puro palabas lang ang charm mo. Tumayo ako sa tabi ni Mateo sa stage, naka-smile at nakatingin sa audience, habang ang ilaw ng spotlight ay naglalaro sa kanyang perpektong profile. Hawak niya ang kamay ko, marahan ngunit may hawak na kontrol, ang uri ng paghawak na nagpaparamdam na sa harap ng lahat, siya ang bida at ako ang reyna niya. “Ysabel Montoya, Mateo Cortez, a perfect couple! Tell us, what’s the secret behind your love?” Tanong ng host, hawak ang mic na parang prying eyes sa tunay na relasyon namin. “Ah, simple lang,” sagot ko, ngumingiti, “we trust each other. And of course, we respect and support one another.” Ngumiti si Mateo, niyakap ako sa harap ng mga kamera. “And I can honestly say,” dagdag niya, may halong drama, “that Ysabel is the most precious person I have ever cherished in my life. Our love… is perfect.” Kumikinang ang mata ng press. Tumili at nag-applause ang audience. May ilan pang humaplos ng kilikili ng kilig. Ngunit sa gilid ng mata ko, nakita ko siya. Cynthia. Nakapuwesto sa press area, nakasuot ng all-black ensemble, mukha’y naglalagablab ang selos. Halos makalimutan ng mga tao ang interview dahil sa init ng titig niya. “Game na game siya,” bulong ko sa sarili ko habang napansin ang bahagyang pagngiti ni Mateo. “This asshole… akala niya hawak niya na ang lahat.” At syempre, alam ko ang kasunod. Halik. Mateo turned toward me, pinisil ang mukha ko ng marahan, at humalik ng matamis sa harap ng lahat. Kumikinang ang camera, kumikislap ang spotlight, at sa loob ko, isang apoy ang sumiklab. Nasusuklam ako. Pinilit kong ngumiti, iniwas ang galit na parang may maliit na halik lang na nagpapalambot ng puso ko sa panlabas. Pero sa loob-loob ko, isang pangakong matibay ang nabuo: Hindi mo ako matatangay nang ganito nang walang kapalit. “Ysabel, Mateo,” singit ng host, “talagang mukhang kayo ang pinaka-perfect na couple ever! May next plans ba kayo, after ng wedding, babies?” “Soon,” sagot ko, medyo mabilis, para agad maputol ang tanong. Si Mateo, naka-smile, niyakap ko sa likod, parang binibigyan ng silent signal: Play along. Muli binigyan niya ko ng halik sa harap ng press, at muling nakita ko ang pagkirot sa mata ni Cynthia. Ramdam ko ang tensyon na umuusbong. Pagkatapos ng interview, habang ang mga camera crew ay nagta-type ng captions at tweets, humarap ako kay Mateo sa backstage. “Kaya mo ‘to,” bulong ko, hawak ang kanyang braso. Ngumiti siya, at tila walang pakialam sa galit ng iba. “Let's have lunch sa paborito nating resto?” “Fine,” sagot ko, matamis sa boses pero may patalim. “Pwede bang umalis na tayo…” pinisil ko ang kamay niya nang marahan, “…ayaw mong magutom ang bridee mo diba?.” Tumango siya, may bahagyang tensyon sa kanyang mga mata, pero ngumiti. Of course not, I want to pamper you today my love..i'll play my role.” “Role?” tinanong ko, pilit na may kuryosidad pero may halong paninibugho. “Fiancée act,” sagot niya, hawak ang kamay ko. “Perfect fiance and your perfect husband.” Huminga ako nang malalim. Alam kong hindi lang ito tungkol sa media. Ito ay tungkol sa kanila—Mateo at Cynthia. Sa bawat halik niya, sa bawat titig ng mga camera, ako ay naglalaro sa ilalim ng kanilang ilaw, pinapayagan silang madama ang tagumpay. Ngunit sa loob ko, isang plano ang mas matindi kaysa kahit anong halik o kilig. Ang sorpresa na handa kong ibigay sa takdang panahon ay magpapabagsak sa kanilang ilusyon ng kontrol. Pagkatapos ng interview, sinamahan ako ng PR team sa isang maliit na waiting area. Nakaupo ako, pinagmamasdan si Mateo habang nakikipag-chat sa mga reporter, halakhak, at pagngiti, lahat ay parte ng maskara. Napangiti ako, pero hindi ng saya—ngunit ng determinasyon. “Sige lang. Kaya kong sabayan ang trip nyong laro,” bulong ko sa sarili ko. Tumayo si Mateo, dumaan sa harap ko, at pinisil ang balikat ko. “Aren’t you proud?” “Very proud,” sagot ko, nakangiti, pilit na magaan. At doon, nakita ko si Cynthia, bahagyang nakatayo sa gilid, nanonood, parang naputol ang hininga niya sa bawat galaw ng mga kamay namin, sa bawat halik na para bang exclusive lang sa akin ang mundo ni Mateo. Huminga ako nang malalim. Alam kong nasusukat niya ang bawat galaw ko. Alam kong galit, selos, at pagkamuhi ang pumapaloob sa katawan niya. Ngunit sa ilalim ng maskara kong iyon, isang lihim na ngiti ang pumalit sa galit: Ang oras ay sa akin. Paglabas namin sa studio, sinalubong kami ng mga fans. Ang mga selfie, video, at live updates ay tila apoy sa social media. Mateo, game sa lahat, nagpakilig sa bawat isa, pero ramdam ko ang bahagyang tensyon sa pagitan namin sa tuwing tumingin siya kay Cynthia. “Bel, okay ka lang?” tanong niya, marahan. “Oo,” sagot ko, nakangiti. “Laging game sa lahat diba?” Tumawa siya, pero ramdam ko ang kaliitan ng duda sa kanyang mata. “Yes. Pero alam mo ba, this is exhausting?” “Perfect act requires perfect patience,” tugon ko, bahagyang teasing. “Kaya mo ‘yan.” At sa bawat hakbang namin palabas ng studio, nakatingin ako sa mata ni Cynthia. Napansin ko ang pagtaas ng kilay, ang mabilis na pagpitik ng mata niya. Alam kong na-frustrate siya sa nakitang eksena—isang pagpapakita ng pag-ibig na sa loob-loob niya ay hindi totoo. “Let them enjoy the illusion,” bulong ko sa sarili ko, hawak ang kanyang braso. “But soon… they won’t know what hit them.” Napatingin siya sa akin, may bahagyang ngiti na parang may nakikita sa mata niya. “I'm very lucky to have you, I can't wait to make you officially mine, love.” “I'm excited” sagot ko, malamig ngunit may halong excitement. “Exactly.” Pag-uwi namin sa condo, nag-settle kami sa sala. Si Mateo, parang bata sa tuwa, nakaupo sa tabi ko, hawak ang baso ng wine. “Bel,” sabi niya, “nakakatawa. Lahat ng tao, pati media, parangkinikilig sa atin.” Ngumiti ako, pinisil ang braso niya. " Mas lalo na silang makikilig sa araw ng kasal natin, ako rin kinikilig na malapit na ang big day natin." Pero sa loob-loob ko, may mas malalim na laro tayong hinihintay. Sa kabilang banda, alam ko rin, ang bawat galaw niya, ang bawat titig niya sa akin, ay nagpapakita ng kanyang pagiging confident sa pag-arte. Pero sa likod ng confidence na iyon ay isang maliit na crack—isang butas na puwede kong samantalahin sa tamang panahon. Tumango ako sa sarili ko. “Yes. Tamang panahon .” Bago ako natulog, tiningnan ko ang social media. Ang interview, halik, at kilig ni Mateo sa akin ay viral. Lahat ay nag-share at nag-comment. Pero may isang comment na tumigil sa akin: Cynthia S.: Ate, mukhang perfect couple. Sana alam niyo rin kung sino talaga ang bida sa dulo. Ngumisi ako. Ito na ang simula. Humiga ako, nakapikit pero alerto. Ramdam ko ang damdamin na hindi lang excitement, kundi galit, takot, at determinasyon—lahat ng ito ay pwersa na gagamitin ko sa tamang oras. At bago tuluyang nakatulog, bulong ko sa sarili ko: “Soon… you’ll see who really controls the game.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD