Perfect Performance (Ysabel's POV)

1062 Words
Tama,” sabi ni Mateo. “Katulad mo.” Sa ilalim ng mesa, naramdaman kong gumalaw ang kamay niya—hindi sa akin, kundi palayo. Alam kong hinahanap niya si Cynthia. Humigpit ang hawak ko sa tinidor. “Mateo,” tawag ko, banayad. “Pwede mo bang ipasa ang asin?” Parang nabigla siya. “Ah—oo, sorry.” Iniabot niya. Nakita kong bahagyang namula ang tenga niya. Hindi dahil sa hiya—kundi dahil sa kaba na baka may napansin ako. At doon ko unang sinimulang baluktutin ang sitwasyon pabor sa akin. “Kumain ka pa, love,” sabi ko, sinandukan siya ng paborito niyang ulam. “Mukha kang pagod.” Napatingin siya sa akin. “Salamat.” Hinawakan ko ang kamay niya, marahan, sapat lang para makita ni Mama at ni Cynthia. Sapat para ipaalam na akin siya sa paningin ng mundo. Ngumiti si Cynthia. Pero nakita ko ang mabilis na pagkipot ng mata niya. Power shift. Hindi nila alam, pero sa mismong sandaling iyon, binawi ko ang kontrol sa mesa. “Bel,” sabi ni Mama matapos ang hapunan, “gusto kong mag-usap tayo sandali.” Tumango ako. “Sure.” Tumayo si Mateo para sundan ako, pero hinawakan ko ang braso niya. “Sa room lang ni Mama. Saglit lang.” “Okay,” sagot niya. Habang papalayo ako, naramdaman ko ang bigat ng tingin ni Cynthia sa likod ko. Hindi ako lumingon. Sa loob ng silid ni Mama, isinara niya ang pinto. Umupo siya sa gilid ng kama, tinapik ang espasyo sa tabi niya. “Anak,” sabi niya, “may sasabihin sana ako.” Umupo ako. “Ano po?” “Sigurado ka ba kay Mateo?” Diretso ang tanong. Walang paligoy. Walang pasakalye. Saglit akong natahimik. Sa loob-loob ko, gusto kong tumawa. Gusto kong sumigaw. Gusto kong itanong kung sigurado rin ba siya sa anak niya si Cynthia. Pero ngumiti lang ako. “Oo, Ma. Bakit mo natanong?” “Wala,” sagot niya. “Bilang ina, gusto ko lang siguraduhin na magiging masaya ka.” “Masaya ako,” sagot ko. “Hindi mo ba nararamdaman na parang nagmamadali ang lahat?” “Ang oras ang kalaban ko, Ma,” sabi ko. “Alam mo ‘yan.” Tumango siya. “Oo. Alam ko.” Tumayo ako. “Kung wala na po kayong ibang sasabihin, babalik na ako.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Bel…” Napatingin ako sa kanya. “Anuman ang mangyari,” sabi niya, “huwag mong pababayaan ang sarili mo.” Napangiti ako. “Hindi ko po gagawin.” Paglabas ko ng silid, nadatnan ko si Cynthia sa hallway. Nakasandal sa pader, nakangiti. “Ate,” sabi niya, “ang saya ng dinner, ‘di ba?” “Oo,” sagot ko. “Nakakapagod pero masaya.” “Bagay kayo ni Mateo,” dagdag niya. “Parang wala nang makakapaghiwalay sa inyo.” “Parang,” ulit ko. “Pero hindi mo masasabi.” Tumigil ang ngiti niya. “Anong ibig mong sabihin?” “Tao lang tayo,” sagot ko. “Maraming nagbabago.” Tumahimik siya. Kita ko ang bahagyang pagpitik ng panga niya. “Good night, Cynthia,” sabi ko. “Good night, ate.” Paglingon ko, nakita kong papalapit si Mateo. Hinalikan niya ako sa noo. “Ready ka na bang umuwi?” “Oo.” Sa paglalakad namin palabas, hindi ko na kinailangang lumingon para maramdaman ang tensyon sa likod namin. Sa loob ng sasakyan, tahimik kami. Nakatingin ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na dumadausdos sa salamin. “Bel,” biglang sabi ni Mateo, “kanina pa kita gustong tanungin…” “Ano ‘yon?” “Okay ka lang ba talaga?” “Oo,” sagot ko. “Parang may iba,” sabi niya. “Parang may tinatago ka.” Napatingin ako sa kanya. “Bakit? Hindi ba normal lang na mapagod?” “Hindi ko alam,” sagot niya. “Pakiramdam ko… may kakaiba sayo.” Ngumiti ako. “Kung may binabago man ako, siguro ang ikakabuti ng sarili ko. Para sa atin.” Tumango siya. “Kung para sa atin, susuportahan kita.” Pinisil ko ang kamay niya. “Salamat.” At sa sandaling iyon, pinangako ko sa sarili ko na hahayaan ko pa silang maniwala. Pagdating sa condo, agad akong dumiretso sa kwarto. Naupo ako sa gilid ng kama, pinakiramdaman ang katahimikan. Ilang segundo lang, pumasok ang mensahe sa phone ko. Galing kay Cassey. Cassey: Kumusta ang dinner? Me: Perfect performance. Cassey: Proud of you. Me: This is just the beginning. Ibinaba ko ang phone at humiga. Nakapikit, pero gising ang isipan. Bumalik sa akin ang eksena sa hapag—ang mga titig, ang mga galaw sa ilalim ng mesa, ang mga salitang puno ng kasinungalingan. At doon ko tuluyang naunawaan ang isang bagay: Hindi sapat ang malaman ang katotohanan. Kailangan kong gawing sandata ang katotohanang iyon. Kinabukasan, pumasok ako sa opisina na parang walang nangyari. Nakangiti, magaan, kalmado. Sa conference room, nagdesisyon ako sa ilang bagay na dati’y pinag-iisipan ko pa. “Freeze all discretionary budgets,” utos ko sa finance team. “At i-review ang lahat ng contracts na pinasok ni Mateo nitong nakaraang anim na buwan.” Nagkatinginan sila. “Is there a problem, Miss Montoya?” tanong ng CFO. “Just standard risk assessment,” sagot ko. “I want control.” Tumango sila. “Yes, ma’am.” Isa pang hakbang. Isa pang piraso ng kapangyarihan. Pag-uwi ko ng gabing iyon, nadatnan ko si Mateo sa sala, may hawak na wine. “Para sa’yo,” sabi niya. “Welcome back.” “Thank you,” sagot ko, tinanggap ang baso. “Gusto kong bumawi,” dugtong niya. “Alam kong naging busy ako.” “Okay lang,” sabi ko. “May mga bagay tayong kailangang pag-usapan sa tamang oras.” “About what?” “Future,” sagot ko. Ngumiti siya. “Excited ako diyan.” Ako rin. Pero hindi sa parehong dahilan. Bago ako matulog, nakatanggap ako ng panibagong mensahe. Galing kay Henry. Henry: The timeline is secured. Prepare for the next phase. Pinisil ko ang phone ko. At sa harap ng salamin, binigkas ko ang mga salitang alam kong magiging simula ng katapusan nila... “Maghanda kayo… dahil sa oras na tapos na akong magpanggap, wala nang makakaligtas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD