Kinabukasan, nakahiga ako sa hospitall bed, nakatitig sa kisame. Masakit ang katawan ko, pero mas mabigat ang nasa loob ko.
“May balita?” tanong ko kay Cassey.
“Wala,” sagot niya. “Tahimik. Mukhang effective ang plano natin.”
Tumango ako. “Mas mabuti.”
Pumasok ang isa pang mensahe sa phone ko. Galing kay Mateo.
Mateo: Busy day. Miss you. Call you later.
Sinagot ko ng simpleng heart emoji.
“Ang galing magsinungaling,” bulong ko.
“Hindi mo ginagawa ‘to dahil gusto mo,” sabi ni Cassey. “Ginagawa mo ‘to dahil kailangan.”
“Pareho pa rin ang sakit,” sagot ko.
Sa ikalawang araw, kasalukuyan kami nasa clinic para sa follow-up. Tahimik si Henry, pero ramdam ko ang bigat ng bawat tingin niya.
“Everything is progressing well,” sabi niya.
“Ganoon ba?” tanong ko.
“Yes,” sagot niya. “And that changes everything.”
“Paano?” tanong ko.
“Because now,” mariin niyang sabi, “you’re no longer just playing defense.”
Tumayo ako. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Soon,” sagot niya, “you’ll be holding the strongest card on the table.”
Dumating ang doctor hawak ang lab results " The procedure is successful. "“Mr. and Mrs. Blackthorn, I’m pleased to inform you that the IVF procedure has been successful. The test results confirm a positive pregnancy, and the embryo has implanted well in the uterus. All current indicators show a healthy and progressing early pregnancy.
We will continue to monitor hormone levels and schedule follow-up ultrasounds to ensure proper development. For now, everything looks very promising. Congratulations — this is an excellent outcome.”
Napangiti ako nang bahagya.Halos maluha akong hinimas ang aking sinapupunan.I'm a mother now. “At hindi nila dapat malaman.Hindi pa.”
“That's the plan,” tugon niya. “And that’s exactly why we’ll win.”
Binigay ng doctor ang lahat ng instructions and prescriptions na kailangan ko para maging healthy ang pagbubuntis ko. He also set schedule for my next follow up check up which will be after a month kung walang maramdamang signs of complications.
Bago kami umalis ng Germany, tumayo ako sa harap ng bintana ng hotel. Tanaw ko ang lungsod—maliwanag, tahimik, parang walang alam sa gulong nangyayari sa loob ko.
“Bel,” sabi ni Cassey, “handa ka na bang bumalik?”
“Oo” sagot ko. “Hindi na ako malapaghintay.”
“Bakit?”
“Kasi hindi ko na halos maantay na ipamukha sa kanila na hindi ako tanga” sabi ko. “Pero kailangan nilang maramdaman na nandito lang ako. Na wala akong alam. Na sila ang may hawak ng baraha.”
“Samantalang ikaw,” dugtong niya, “tinatago mo na ang alas.”
Tumango ako.May malaking padabog ako na di nila kalimutan.
Paglapag namin sa Manila, sinalubong ako ng mensahe mula kay Mama.
Mama: Enjoyed your trip? May dinner tayo tomorrow. Bring Mateo.
Napangiti ako, mapait. “Oo, Mama. May dinner tayo.”
Sa taxi, humigpit ang hawak ko sa bag ko.
“Ready ka na?” tanong ni Cassey.
“Hindi,” sagot ko. “Pero simula ngayon, wala na akong balak umatras.”
“Bel,” marahan niyang sabi, “sa oras na malaman nila ang totoo—”
“Sa oras na malaman nila,” putol ko, “sisiguraduhin kong magsisisi sila.”
Pagdating sa condo ko, huminto ako saglit sa pinto. Huminga ako nang malalim, saka humarap kay Cassey.
“Anuman ang mangyari,” sabi ko, “huwag mo akong iiwan.”
“Hindi ko gagawin,” sagot niya.
Pumasok ako, isinara ang pinto sa likod ko, at sa unang pagkakataon mula nang makita ko ang video, may isang desisyong malinaw na malinaw sa akin.
At habang nakatitig ako sa salamin, bumulong ako sa sarili ko—
“Handa na akong maging halimaw kung ito ang kapalit ng hustisya..Nagkamali sila ng niloko”
“Ngumiti ka, Ysabel,” bulong ko sa sarili ko bago pa man bumukas ang pinto ng dining room.
“Bel! Halika na, malalamig na ang pagkain!” masiglang tawag ni Mama mula sa hapag.
Huminga ako nang malalim bago tumuloy. Sa loob ng ilang segundo, isinusuot ko ang pinakaepektibo kong maskara—ang mabait na anak, ang perpektong fiancée, ang babaeng walang kaalam-alam sa giyerang nagbabadya.
Pagpasok ko sa dining room, sinalubong ako ng paborito kong mga ulam. Kare-kare na malapot ang sarsa, crispy pata na kumikintab sa mantika, sinigang na hipon na amoy pa lang ay nagbabalik ng alaala ng pagkabata. Lahat ng comfort food ko, nakalatag sa mahabang mesa na parang handang-handa para sa isang selebrasyon.
At sa gitna ng lahat, nakaupo si Mateo.
Tumayo siya agad nang makita ako. “Hey, beautiful,” sabi niya, lumapit para yakapin ako.
Hinayaan ko. Hinayaan kong yakapin niya ako na parang wala siyang kasalanan. Hinayaan kong huminga ako sa dibdib niyang minsan kong tinuring na tahanan.
“Missed you,” bulong niya.
“Me too,” sagot ko, sapat lang ang lambing sa boses para maging kapanipaniwala.
Sa gilid ng mesa, nakita ko si Cynthia. Naka-pink na dress, simple lang pero saktong hapit sa katawan. Ngumiti siya sa akin, ‘yung ngiting punong-puno ng kunwaring lambing.
“Ate, welcome back,” sabi niya.
“Thanks,” tugon ko, malamig pero magalang.
Umupo kami. Katabi ko si Mateo. Sa dulo namin si Mama, at sa tapat ni Mateo Cynthia. Isang pamilyang buo sa paningin ng kahit sinong makakakita.
Pero sa ilalim ng mesa, naramdaman ko ang unang paglapit ng paa ni Cynthia sa binti ni Mateo.
Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagreact. Sa halip, kinuha ko ang serving spoon at nagsalin ng kare-kare sa plato ko.
“Ang payat mo na, Bel,” sabi ni Mama. “Kumain ka nang marami.”
“Jet lag lang,” sagot ko. “Pero gutom nga ako.”
Ngumiti si Mateo, agad kinuha ang plato ko. “Ako na magsandok para sa’yo.”
“Thanks,” sabi ko.
Habang abala siya sa pagsandok, ramdam kong muli ang galaw sa ilalim ng mesa. Dahan-dahan, marahan, parang sinasadyang ipaalam sa akin na naroon sila. Isang larong bastos na akala nila’y hindi ko napapansin.
Humigpit ang hawak ko ang baso ko.
“Kamusta naman ang Europe?” tanong ni Mama.
“Masaya,” sagot ko. “Nakakapagod pero worth it.”
“May nabili ka bang alahas?” singit ni Cynthia.
“Meron,” sagot ko, nakangiti. “Pero mas excited akong ipakita sa tamang oras.”
Saglit siyang napatigil. Kita ko sa mata niya ang pagtataka. Pero agad niya ring tinago.
“Kailan ang balik mo sa opisina?” tanong ni Mateo.
“Next week,” sagot ko. “Kailangan ko munang ayusin ang mga personal na bagay.”
“Tama,” sabi ni Mama. “Hindi biro ang responsibilidad na papasanin mo bilang future CEO.”
Napangiti ako. “Alam ko, Ma.”
Sa ilalim ng mesa, mas naging agresibo ang galaw. Ramdam ko kung paano gumalaw ang paa ni Cynthia, dumudulas sa binti ni Mateo, paakyat, pababa. Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng panga ni Mateo.
At doon ko unang naramdaman ang totoong hamon—hindi ang galit, hindi ang sakit—kundi ang kontrol.
Kailangan kong pigilan ang sarili ko na huwag magsalita, huwag sumabog, huwag magbunyag.
“Kumusta naman kayo ni Mateo?” tanong ni Mama.
“Okay,” sabay naming sagot.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya, hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Mainit ang palad niya. Mapang-akit. Mapagkunwari.
“Excited na ako sa kasal,” sabi niya. “Lahat ng preparasyon, halos tapos na.”
“Oo nga,” singit ni Cynthia. “Grabe, ate, parang fairy tale.”
“Fairy tale?” ulit ko, nakangiti. “Sana nga.”
“Anong theme nga ulit?” tanong ni Mama.
“Classic elegance,” sagot ko. “Simple pero grand.”