“Post mo na. Ngayon.”
Diretso ang boses ko habang nakatitig sa screen ng laptop ko, fingers hovering sa touchpad, ramdam ang panginginig ng laman ko hindi sa takot—kundi sa adrenaline. Sa likod ko, tahimik na nakatayo si Cassey, hawak ang tablet na puno ng analytics, projections, at social media heat maps.
“Once this goes live,” sabi niya, mababa ang tinig, “hindi na natin mababawi.”
“Hindi ko balak bawiin,” sagot ko. “Gusto kong sumabog.”
Isang hinga.
Isang tap.
At binitiwan ko sa mundo ang unang bala.
Sa loob ng limang minuto, nagliyab ang internet.
Ang litrato ko—nakasuot ng tailored white blazer, diretso ang titig sa camera, walang ngiti, walang paghingi ng pahintulot—kasabay ng caption:
I’m not here to be chosen. I’m here to lead.
Hashtags. Mentions. Shares.
Tumunog nang tuloy-tuloy ang notifications ko, parang alarma ng digmaan.
“Trending ka,” sabi ni Cassey, halos pabulong. “Top one. Global.”
Tumayo ako, lumapit sa floor-to-ceiling window ng penthouse office ko. Kita ko ang lungsod—liwanag, galaw, kapangyarihan. Parang isang higanteng chessboard na handa kong galawin.
“Simula pa lang ‘to,” sabi ko.
“Anong kalokohan ‘to, Ysabel?!”
Bagsak ang pinto ng opisina ko nang pasukin ako ni Cynthia, walang pasintabi, walang paalam. Halatang galit. Halatang takot.
“Hindi ka na nga nagpapaalam sa mga galaw mo,” singhal niya, “ngayon ginagawan mo pa ng sarili mong narrative ang buong mundo?”
“Kung gusto mong marinig ang sarili mong pangalan sa headlines,” sagot ko, kalmado, “pwede mo namang subukan.”
Napasinghap siya. “Pinapalabas mong ikaw lang ang may karapatang mamuno.”
“Hindi ko pinapalabas,” sagot ko. “Ipinapaalala ko.”
Lumapit siya sa mesa ko, dinukot ang phone ko.
“Gagawin kitang mukhang baliw,” bulong niya. “Isang leak lang—”
“Try,” putol ko, sabay hawak sa pulso niya. Hindi ko hinigpitan, pero sapat para ipaalala kung sino ang may kontrol. “Tingnan natin kung sino ang mas mabilis masira.”
Nagkatinginan kami.
At sa mga mata niya, nakita ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap.
Takot.
“You’re playing a dangerous game.”
Tahimik ang boses ni Henry sa linya. “But effective.”
“May galaw si Cynthia,” sagot ko. “At si Mateo, masyadong tahimik.”
“Silence is preparation,” sabi niya. “Expect retaliation.”
“Ready ako,” sagot ko.
“Good,” sagot niya. “Because I just activated the offshore shields. Kahit anong galawin nila, babalik sa wala.”
Napapikit ako sandali. “Salamat.”
“Hindi ito tulong,” sabi niya. “Investment.”
“Hindi mo ba naiintindihan kung gaano ka na ka-delusional?”
Nasa loob kami ng Montoya boardroom. Nakaupo si Mateo sa tapat ko, ang mga daliri niya nakapulupot sa braso ng upuan, pilit pinipigilan ang galit.
“Delusional?” ulit ko. “Dahil gusto kong ipaalala sa mundo na ako ang may hawak ng apelyidong Montoya?”
“Dahil ginugulo mo ang plano!” sigaw niya.
“Anong plano?” balik ko. “Ang kasal? Ang image? O ang mga lihim mong transaksyon?”
Biglang nanahimik ang silid.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya, mas mababa na ang boses.
“Alam mo kung ano,” sagot ko. “At unti-unti ko na ring nalalaman kung sino ka talaga.”
Nakita ko ang munting pagpitik ng panga niya.
Isang bitak sa maskara.
“She’s onto you.”
Si Cynthia. Sa telepono. Nanginginig ang boses.
“Ano na naman?” tanong ni Mateo.
“Mas mabilis siya kaysa inaasahan ko,” sagot niya. “At mas malakas.”
“Then sabotage her,” utos niya.
“I tried,” bulong niya. “And I failed.”
Tahimik ang linya.
“Anong ibig mong sabihin, you failed?”
“Na-trace niya ang leak,” sagot ni Cynthia. “At bago pa man makalabas, binaliktad niya ang narrative. Ngayon, ako ang mukhang desperado.”
“You underestimated her.”
“Hindi,” sagot ni Mateo. “Ikaw ang nagkamali.”
“Mateo—”
“Kung babagsak tayo,” putol niya, “hindi kita isasama.”
Nanlamig si Cynthia.
“Ms. Montoya, may urgent alert mula sa cyber team.”
Nasa loob ako ng strategy room kasama si Cassey nang pumasok ang tech lead namin.
“May attempted breach sa social media accounts mo,” sabi niya. “High-level. Targeted.”
“Pinanggalingan?” tanong ko.
“Proxy servers,” sagot niya. “Pero may digital fingerprint.”
“Kanino?” tanong ni Cassey.
Ngumiti ang tech lead. “Kay Cynthia Sandino.”
Hindi ako nagulat.
“Contain it,” sabi ko. “Then leak the attempt.”
“Ma’am?” gulat niya.
“Gusto kong makita ng mundo kung sino ang gustong manira,” dagdag ko.
Sa loob ng isang oras, lumabas ang balita.
Failed sabotage attempt exposed: Montoya heiress targeted by insider attack.
Sumabog ang social media.
Sympathy.
Support.
Rage.
At sa gitna ng lahat, lalo akong umangat.
“Anong ginawa mo?!”
Muling sumugod si Cynthia sa harap ko, umiiyak na, nanginginig ang buong katawan.
“Ginawa ko lang ang sinubukan mong gawin sa akin,” sagot ko. “Naunahan lang kita.”
“Sinira mo ako,” singhal niya.
“Hindi,” sagot ko. “Ipinakita ko lang kung sino ka.”
“You’re winning.”
Bulong iyon ni Cassey habang magkatabi kaming nakatayo sa harap ng media wall, pinapanood ang pagtaas ng stock value ng Montoya Jewels.
“Hindi pa,” sagot ko. “Pero papunta na.”
“This isn’t over.”
Boses ni Mateo sa likod ko. Hindi ko siya hinarap.
“Hindi nga,” sagot ko. “Pero ako na ang may hawak ng oras.”
Kinagabihan, mag-isa akong nakaupo sa terrace ng penthouse, hawak ang baso ng alak, pinapanood ang ilaw ng lungsod.
Tumunog ang phone ko.
HENRY: They’re cornered. Expect a desperate move. Are you ready for the fallout?
Tumingin ako sa malayo.
Sa lahat ng digmaang hinarap ko, ito ang pinaka-personal.
ME: Let them come.
Makalipas ang ilang segundo, tumunog ulit ang phone ko—isang bagong mensahe, mula sa hindi naka-save na numero.
UNKNOWN: You think you’ve won. You haven’t. Choose your next move carefully, Ysabel. Because I’m done playing fair.
Napahigpit ang hawak ko sa baso.
At sa tahimik na hangin ng gabi, bumulong ako—
“Then show me what you’ve got.