Silent Takeover (Ysabel’s POV)

1563 Words
“Simula ngayon, walang galaw sa Montoya Jewels na hindi ko alam.” Tumigil sa paghinga ang buong conference room. Hindi dahil sumigaw ako. Kundi dahil sa paraan ko ito sinabi—malamig, diretso, walang kahit katiting na pag-aalinlangan. Tumitig sa’kin ang labing-apat na senior executives. Mga taong mas matanda pa sa’kin, mas matagal sa kompanya, mas sanay sa corporate wars. Pero sa sandaling iyon, ako ang hawak ang leeg nila. “At malinaw ba?” dagdag ko, dahan-dahan. “Opo, Miss Ysabel,” sagot ng sabay-sabay. Miss Ysabel. Hindi Luna. Hindi future Mrs. Cortez. Hindi dekorasyon sa tabi ng lalaking balak akong gamitin. Ako. Tumayo ako, pinindot ang remote, at lumitaw sa screen ang internal structure ng Montoya Jewels—ang buong imperyo na itinayo ng tatay ko sa loob ng tatlong dekada. At sa gitna nito, parang gagamba sa gitna ng sapot— Mateo Cortez. Ang fiancé ko. Ang lalaking minahal ko mula high school. Ang lalaking akala ko’y dahilan kung bakit sulit mabuhay. Ngayon, siya ang unang target ko. “Sa loob ng tatlong linggo,” sabi ko, “sisiguraduhin kong mawawala ang impluwensiya ni Mateo Cortez sa bawat departamento.” Nag-angat ng kamay ang CFO. “Miss Ysabel, may legal authority si Mr. Cortez—” “May fiancé privileges siya,” putol ko, “hindi CEO authority.” Tahimik. “Kung may magle-leak ng kahit isang detalye sa kaniya,” dagdag ko, “lalabas kayo sa pinto na ‘yan na walang separation pay.” Mabigat ang hangin. Pero walang tumutol. At doon ko unang naramdaman ang kakaibang saya. Hindi dahil nananakit ako. Kundi dahil… nagigising ako. “Baliw ka na ba?” bulong ni Cassey habang naglalakad kami sa glass corridor. “Alam mo bang kapag nalaman ni Mateo ‘to—” “Hindi niya malalaman,” sagot ko, diretso. “Ys—” “Si Henry ang nag-set ng blind channels. Walang data trail. Walang pangalan. Walang fingerprint. Kahit i-hack pa niya ang buong sistema, wala siyang mahuhukay.” Huminto si Cassey. “Hindi ka na ‘yung Ysabel na kilala ko.” Ngumiti ako. Hindi masaya. Hindi rin malungkot. “Good.” Sa loob ng executive floor, tahimik na umiikot ang makina. Inilipat ko ang tatlong department heads. Pinutol ko ang dalawang shell companies na ginagamit ni Mateo para sa “consulting fees.” At inilagay ko sa critical positions ang mga taong tapat sa apelyidong Montoya—hindi sa fiancé ng tagapagmana. Pero hindi sapat ang galaw sa itaas. Kailangan ko ng ebidensiya. Matibay. Hindi emosyon. Hindi hinala. Katotohanan. “Miss Ysabel, we have something.” Nakatayo sa harap ko ang head ng internal audit, pawisan, nanginginig. “Speak.” Inilapag niya ang tablet sa mesa ko. Transaction logs. Offshore transfers. Layered accounts. Shell corporations. “Within eighteen months,” sabi niya, “Mr. Cortez has rerouted approximately two hundred forty million dollars through dummy procurement contracts.” Parang may sumuntok sa dibdib ko. Hindi ako huminga. Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang ang mga numero. Mga pirma. Mga code. Mga account na hindi sa Montoya Jewels. “Gaano katagal niyo nang alam?” tanong ko. “Tatlong linggo.” “Bakit ngayon lang?” “Because…” nag-atubili siya, “we needed confirmation. At dahil takot sila.” Sino sila, hindi na kailangang itanong. Mga taong nakita kung paano sinisiraan ni Mateo ang sinumang humadlang sa kaniya. Kahit ako. “Salamat,” sabi ko sa wakas. “At simula ngayon, direkta kayong mag-uulat sa akin.” “Opo, Miss Ysabel.” Nang mag-isa na ako, doon ko pinayagan ang sarili kong manginig. Mateo. Iyong kamay na minsang humawak sa akin habang umiiyak ako sa library noong seventeen ako— iyon din ang kamay na kumamkam sa pera ng pamilya ko. “Ang galing mo,” bulong ko sa kawalan. “Ang galing mo talagang umarte.” Pinunasan ko ang mata ko. Walang oras para sa luha. May digmaang sisimulan. “Bakit parang bigla kang naging CEO?” tanong ni Cynthia sa hapunan. Nakataas ang kilay niya, kunwaring inosente. Pero kilala ko na ang titig na ‘yon. Naghahanap ng butas. “Dahil CEO ako,” sagot ko. “Hindi pa,” singit ng nanay namin. “Hanggang wala kang anak—” “Hindi ibig sabihin noon,” putol ko, “na wala akong karapatang protektahan ang kompanya.” Tahimik si Mateo sa tabi ko. Masyadong tahimik. At doon ako kinabahan. “May problema ba?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya. “Wala, mahal. Iniisip ko lang na baka napapagod ka na. Masyado kang nagwo-work.” Hinawakan niya ang kamay ko. At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, kinilabutan ako sa dampi niya. “Okay lang ako,” sagot ko, dahan-dahan kong inaalis ang kamay ko. “Hindi mo na kailangang mag-alala.” Sumulyap si Cynthia sa’kin. May kung anong kumislap sa mata niya. At alam kong nagsisimula na rin siyang magduda. “Hindi lang si Mateo ang problema mo,” sabi ni Henry sa encrypted call namin. “Si Cynthia ay mas matalino kaysa sa inaakala mo.” “Alam ko.” “Then move faster.” Huminga ako ng malalim. “May audit na. May records na.” “Good. But paper doesn’t destroy men like him.” “Then what does?” “Control.” Napangiti ako, mabagal. “Then let’s take everything.” Sa loob ng dalawang linggo, sinimulan ko ang tahimik na pag-ikot ng narrative. Hindi sa press. Hindi sa tabloids. Kundi sa social media ecosystem. Mga influencer. Mga business analysts. Mga fashion executives. Mga diamond investors. Unti-unting kumalat ang imaheng ito: Ysabel Montoya. Not a heiress. A force. Every photo curated. Every caption strategic. Every interview hinting at independence, leadership, and vision. At si Mateo? Unti-unting nabura sa frame. Hindi lantaran. Hindi biglaan. Kundi marahan. Parang anino na nawawala sa sikat ng araw. “Napansin mo ba,” sabi ni Cassey habang magkasama kaming nagkakape, “na parang nababawasan na ang tag ng pangalan ni Mateo sa brand?” “Oo.” “Sinadya mo?” “Hindi,” sagot ko, diretso sa mata niya. “Pero hindi ko rin pinigilan.” Ngumiti siya ng bahagya. “Scary ka na.” “Good.” “May pakialam ka pa ba sa akin?” tanong ni Mateo isang gabi. Nakatayo siya sa pinto ng silid ko, hindi pumasok. Parang estrangherong humihingi ng pahintulot. “Bakit mo tinatanong?” “Dahil pakiramdam ko… tinutulak mo ako palabas.” Hindi ako sumagot agad. Tinitigan ko siya. At doon ko nakita—hindi na siya ang lalaking minahal ko. Isa na siyang estratehista. At ako na ang larangan. “Mateo,” sabi ko sa wakas, “kung talagang mahal mo ako, matutuwa ka sa lakas ko.” Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nagalit. Ngumisi lang siya nang bahagya. “Then let’s make it official.” “Ang alin?” “Ang kasal natin.” Nanlamig ang dugo ko. “Ang bilis naman,” sagot ko. “Hindi,” sabi niya, dahan-dahan lumalapit. “Tamang panahon.” At sa likod niya, sa salamin, nakita ko ang repleksiyon ni Cynthia. Nakatayo sa dulo ng corridor. Nanonood. Nakikinig. At nakangiti. “May plano siya,” bulong ni Henry kinabukasan. “Wedding acceleration. Pressure tactic. If you marry him, he gains legal leverage.” “Alam ko.” “So what’s your move?” “Let him push.” “Dangerous.” “Exactly.” “Hindi ka ba natatakot?” tanong ni Cassey habang pinapanood akong magsuot ng engagement gown para sa public event. “Natatakot,” sagot ko. “Pero mas natatakot akong manatiling biktima.” Sa event na iyon, kitang-kita ko ang galaw ni Cynthia. Mga palihim na tawag. Mga sulyap. Mga bulungan. At nang subukan niyang sirain ang speech ko sa pamamagitan ng pag-cut ng audio system— naagapan ko. Backup line. Live broadcast. Mas lumakas pa ang dating ng mensahe ko. Ang saya ng ngiti niya nang mabigo siya? Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot— o matuwa. Nang matapos ang event, hinila ako ni Mateo sa gilid. “Pinapahiya mo ako,” bulong niya, mahigpit ang hawak sa braso ko. “Bitawan mo ako.” “Hindi hanggang hindi mo ipinapaliwanag kung ano ang nangyayari sa’yo.” Tumitig ako sa mata niya. “At kung hindi ko ipaliwanag?” Humigpit ang hawak niya. “Then I’ll remind you kung sino ka.” Doon ako natawa. Mahina. Mapanganib. “Subukan mo.” Nagulat siya. At sa unang pagkakataon, umatras. Sa loob ng kotse pauwi, nanginginig ang kamay ko. Hindi sa takot. Kundi sa galit. At sa kakaibang excitement. Dahil sa wakas— nakikita na niya ako. Pagdating ko sa mansion, may naghihintay sa akin. Cynthia. Nakatayo sa paanan ng hagdan. Mag-isa. Madilim ang paligid. “At kailan mo balak ipaalam sa akin,” tanong niya, matamis ang ngiti, “na nilalaro mo na pala ang laro ng kapangyarihan?” Tumigil ako. “Anong gusto mo?” Lumapit siya. Dahan-dahan. “Gusto kong malaman kung hanggang saan ka handang pumunta.” Tumitig ako sa kaniya. “At ikaw?” tanong ko. Ngumiti siya, malamig. “Hanggang sa dulo.” Humakbang siya palapit. At sa pagitan naming dalawa, ramdam ko ang paparating na digmaan. “Sigurado ka bang kaya mong tapusin ang sinimulan mo, Ysabel?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD