HINDI pinansin ni Chloey ang kumakatok sa unit niya ng mga oras na iyon. For sure naman na si Van lang iyon at mangungulit na umattend siya ng Halloween Party ng buong Village. Actually, nakatatlong balik na si Van sa unit niya ngunit matindi ang pagtanggi niya.
Ano naman ang gagawin niya sa party? At saka isa pa, wala siya sa mood makipag-socialize. Chloey wants to be alone again. Sinumpong na naman kasi siya ng depression at lungkot ng mga oras na iyon. She just wants to be alone at that moment. Patay ang ilaw, nakasarado ang mga bintana. She doesn't eat.
Binalot na naman ng kalunkutan ang buong pagkatao niya.
Chloey, you need to move forward. Please, help yourself.
Paalala niya sa sarili. What can she do right now? Hindi siya makahanap nang dahilan to move forward. Inisip na lang na siguro pagbigyan na lang ulit niya ang sarili niya ngayon. Baka kasi bukas may lakas ng loon na siyang tumayo na mula sa pagkakadapa.
Tinakpan ni Chloey ang mukha nang non-stop pa din ang pagkatok sa pintuan niya. Nang hindi pa din siya makatiis dahil nga naiingayan na siya ay padabog siyang tumayo para pagbuksan si Van. Makakatikim na talaga ng salita sa kanya si Van. Hindi naman porket nagkaka-usap na sila nila ay feeling close na agad sa kanya ang binata.
She wants to be alone for Pete's sake.
"What the f**k do you want?" pasigaw na bungad niya kay Van.
But to her shock, hindi si Van ang nabungaran niya. Kundi si Ysabel kasama ang isang babae na sa tingin niya ay mother nito.
Alanganin na ngumiti sa kanya ang kasama ng bata at bago magsalita ito ay tinakpan muna nito ang dalawang tenga ng anak. Baka kasi may bad words pa siyang sasabihin.
"Pinapatawag ka ni Van." ani nito sa kanya.
"Mommy, diba bad words tung f**k?"
Nanlaki ang mata niya sa hiya.
"Sorry, akala ko kasi si Van." pahingi ng paumanhin niya.
Nilapitan niya si Ysabel at marahang hinaplos ang buhok nito. "I'm sorry, Ysa. You shouldn't hear that kind of word. It's bad."
"I will not accept it."
Kinalabit ng mommy nito ang bata para patigilin sa pagsasalita. "Pasensya kana sa anak ko alam mo naman ang mga bata ngayon, straight forward. By the way, I'm Eliza Buemas." ani nito sabay lahad ng kamay sa harapan niya.
"Chloey Ocampo. Again, pasensya na sa nasabi ko sa harap ng anak mo."
"No, it's okay. No worries, Chloe."
"You're not yet forgiven, Ate Chloey."
"Ysabel, stop it."
"Mommy, Ate Chloey looks like she hasn't taken a bath for days now."
Imbes na mainis sa sinabi ng bata ay natawa pa si Chloey. Totoo naman kasi na hindi pa siya naliligo ngayon araw.
"Do I smile bad, Ysabel?" tanong niya sa bata.
"No." lumapit si Ysabel sa kanya sabay hila sa kamay niya papasok sa loob ng unit. "I will forgive Ate Chloey Mommy if she will listen to my advice."
She chuckled. "What's your advice, sweetheart?"
"Take a bath and join us at the Halloween party. Can you not see my dress?" ani ni Ysabel sabay hawak sa magkabilang gilid ng dress nito. Ngayon lang din niya napansin na naka Rapunsel costume ang bata. "I'm a princess!"
"Sweetheart, kahit hindi ka naka dress. You're still a princess."
Saglit na nag-isip ang bata sa sinabi niya. "I know. But you need to take a bath, Ate Chloey. Baka malate na tayo sa party." ani ng bata sa kanya sabay hila sa restroom.
Wala ng nagawa si Chloey kundi sumunod na lang siya. Ayaw niyang masira ang mood ng bata dahil lang sa pagtanggi niya. Maaga na lang siya mag-e-exit sa party, tutal wala naman siyang kakilala doon.
Paglabas niya sa CR ay nakita niya na may buhat-buhat si Chloey na isang malaking fried chicken na halatang costume. Sa laki non ay halos maharangan na ang bata.
"I thought you were a princess." medyo kabadong sabi niya sa bata.
"It's your costume, Ate Chloey." ani nito sabay abot sa kanya. "Kuya Van told me to gave you this."
Kumunot ng husto ang noo niya. Sinasabi na nga ba niya ang kagagawan ng magaling na lalaking iyon ang nangyayari ngayon. Lagot talaga sa kanya si Van mamaya pagnakita niya ito.
"Sorry, sweatheart. I cannot wear that thing."
Sa sinabi niya ay napansin niyang para nangingilid ang luha nito. Agad na inalo ni Eliza ang anak nito.
"Chloe, I hate to say this pero medyo mahirap patigilin si Ysabel once na umiyak siya. Please just this one, please? Pagbigyan na natin ang gusto ng bata." pakiusap ni Eliza sa kanya.
She sighed. A sign of defeat.
Kinuha ni Chloey ang costume niya para isuot.
"Yehey!" tuwang-tuwang sabi ni Ysabel sa kanya sabay yakap. "You look like my favorite food."
"Hmm, let me guess. Is it fried chicken? "
Napansin na lang niya na halatang pinipigilan ni Eliza ang pag tawa sa kanya.
Wala nang nagawa si Chloey kundi sumunod na lang sa agos ng mga pangyayari. Maya-maya lang ay nasa club house na sila ng village. Halos lahat nang nakakasalubong niya ay binabati siya ng tawa.
Malilintikan talaga si Van sa ginawa nito sa kanya ngayon. Ginala niya ang paningin niya para hanapin ang lalaki sa buong club house.
"Ho-ho-ho. Where are you, my chicken?"
Agad na napalingon si Chloey pagkarining niya ng pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Van.
"Have you seen my chicken?"
Umugong ng tawanan at kantyawan lahat ng tao na kasali sa Halloween party na iyon. Bakit nga ba hindi magtatawanan? Ang costume lang naman ng binata ay mala Colonel Harland David Sanders!
"Here you go, my Chicken!" ani ni Van na tinuro pa siya ng hawak ng tungkod.
Hindi alam ni Chloey kung saan magtatago ng mga oras na iyon. Parang gusto na lang niyang magtago sa ilalim ng lamesa sa mga ginagawa ng lalaking ito.
Pagkalapit ni Van ay agad niyang sinuntok ng mahina ang tyan nito. "What are you doing?" gigil na sabi niya dito,
Ngi-ngisi na tiwanan lang siya ng binata. "Common, Chloey. Just for one. Once a year lang naman to."
"I'll make sure that you will pay for this." naasar na sabi niya dito.
Imbes na ma-threaten sa sinabi niya ay inakbayan lang siya nito sabay sigaw na halos ikinatawa ng mga tao. "I have found my favorite chicken!!!"
Malakas na siniko niya ang binata sa tagiliran. "Shut up!"
"Don't be such a kill-joy, Chloey. Katuwaaan lang. Kita mo naman ang mood ng mga tao."
Inirapan niya ito. "Lintik lang walang ganti, Van."
Tumawa ng malakas ang binata sabay tingin sa kanya. "I'll wait for it, Chloey. With open arms." ani nito sabay pisil sa chin niya.
Wala na siyang nagawa kundi magpatangay na lang sa mga pangyayari. Mukhang need na niyang aminin na natalo na naman siya ni Van.
Pero hindi nga ba at naghahanap siya ng way to move forward? Sa dalawang araw na nagkakilala sila ni Van ay may mga kaganapan na sa buhay niya. Tulad na lang ngayon na halos hindi niya aakalain na may mangyayari sa araw niya na ang tanging gusto lang naman niya ay magkulong sa loob ng unit niya.
She sighed.
Siguro enjoy-in na lang ni Chloey ang party para naman kahit papaano ay malayo ang isipan niya kay Michael. Maigsi lang naman ang halloween party at nakafocus lang talaga para sa mga bata na nasa loob ng village. Before matapos ang program ay nag-annouce ng best costumes ang host. Nagulat na lamang si Chloey ng marinig niya ang pangalan nilang dalawa ni Van.
"What the heck." usal niya.
"Yes, yes! Nanalo tayo, Chloey." parang batang tuwang-tuwa si Van samantalang siya ay inis ng mga oras na iyon.
Gusto na nga niyang matapos ang eksena na ito tapos ngayon kailangan pa niyang pumunta sa unahan?
"For Pete's sake, Van. Puro ka kalokan."
Hinawakan ng binata ang kamay niya sabay aya sa unahan ng stage. "Come on, patapos na naman ang program. Let's enjoy this moment."
"Ho-ho-ho. Me and my chicken is the final winner."
Sa sinabi ni Van ay nagsimula na naman ang tawanan. Nakita na lamang niya ang sarili niya na nasa stage habang kasama si Van. Hawak pa din nito ng mahigpit ang kamay niya. May mga pagkakataon din na pinipisil ng binata ang kamay niya.
Hindi niya alam pero may iba siyang nararamdaman sa paraan ng paghawak nito ng kamay niya. Para bang pinaparamdam nito ang assurance na okay lang siya kapag ito ang kasama niya.
But Chloey decided to ignore that feeling.
Habang nasa stage ay parang artista sila na pinagkakaguluhan dahil na din sa costume na suot nilang dalawa ni Van. May nagpapicture at madalas na tinutusok ng mga bata ang chicken na suot niya.
Nang matapos din ang lahat ng kaganapan ay nag decide si Chloey na umalis na sa club house at magpunta sa playground. Doon na
niya tinanggal ang costume niya.
"Nag-enjoy ka ba, Chloey?"
Nang marinig niya ang boses ni Van sa likuran niya ay awtomatikong gumalaw ang mga kamay niya. Binato niya ang hawak-hawak na chicken costume niya sa binata.
"What do you think?" sarkastikong tanong niya dito.
Natatawa lang na lumapit ito sa kanya. Hinawakan nito ang makabilang braso niya at iginiya siya papunta sa swing para umupo.
"Relax, Chloey. I just want you to feel at home in our village. Mababait ang mga nakatira dito kahit na medyo maliit lang tayo."
Habang sinasabi ni Van ang bagay na iyon ay umupo ito sa isang swing na malapit sa kanya.
"Saka buong araw ka ng nakakulong. It's time to move forward."
Natahimik ang dalaga sa sinabi ni Van. Ilang minuto din tumahimik si Chloey na para bang pinag-iisipan ang susunod na sasabihin niya.
"Anong gagawin mo kapag nawala yung tao na naging mundo mo na?" hindi mapigilan tanong ni Chloey sa binata.
"Hmm." ani ng binata. "I will create another world."
"What if kahit na anong create mo ng bagong mundo, hindi ka pa din masaya?"
Tiningnan siya ni Van na para bang pilit nitong binabasa kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya.
"Okay lang na hindi na ako maging masaya. Ang importante sakin, maging masaya siya sa bagong mundong pinili niya."
"Mararamdaman mo naman yan kung panahon na para mag-step forward sa isang sitwasyon kung saan stuck ka ngayon. Huwan mo pilitin ang sarili mo na bumangon agad kasi baka madapa ka lalo. Make sense, right?"
"Mas magiging matataga ka kung aaminin mo sa sarili mo na nasasaktan ka. Kasi kapag nasasaktan ang isang tao, mas tumitibay siya. Saka alam mo ba, mas malalaman mo yung mga totoong tao na nasa paligid mo sa oras na down ka."
Chloey remains silent.
Hindi dahil sa hindi niya sang-ayon sa binata kundi may punto ang bawat katagang lumalabas dito. Actually, mas magaan sana kung hindi niya binigay ang lahat sa isang lalaki. Baka may pagkakataon na hindi masyadong masakit. Baka may change na wala siya sa lugar na iyon. Baka may pagkakataon na hindi na siya umiiyak ngayon. O baka may pagkakataon nakahanap na agad siya ng bagong mundo kung saan yung pain wala na.
"Don't worry, Chloey. Everything will be alright. Just trust the process. Masakit ba? Sige lang. Masaktan ka hanggat kaya mo pa pero sana huwag mo masyado patagalin. Paano na ako nyan."
Nilingon niya ang binata na. Expected niya na nagloloko na naman ito habang sinasabi ang bagay na iyon pero nanatiling seryoso ito.
"Isa lang naman ang tanong mo ang dami mo ng sinagot." aniya ni Chloey.
"Well, anong magagawa ng isang poging tulad ko? Matalino pa at full of wisdom."
"Baka full of kalokohan kako."
Chloey rolled her eyes. Naalala na naman niya yung nangyari sa Halloween party.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ng binata na agad naman sinagot ni Van.
"Pre, wrong timing ka lagi. May kasama akong chicks dito. Istorbo ka."
Nang tinignan niya ng masama ang binata ay tatawa tawa lang ito.
"Hindi ako pwede umakyat ng bundok bukas eh. I have to pass, pre. Mas mahalaga sakin si Chloey."
Tumayo siya at hinampas niya sa braso si Van. Kitang-kita sa mukha ng binata na natutuwa ito kapag naasar siya. Maya-maya ang binaba na ni Van ang tawag.
"Ayan, tumanggi ako sa isang lakad."
"Pakialam ko."
"Sayo may pakialam ako."
"Saan bang bundok yan?" curious niyang tanong sa binata.
"Dyan lang."
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Saan nga?"
"Sa may tanay lang. Two days hike. Pang-beginners. Sama ka?"
"Hindi na baka mapatay pa kita don."
"Okay." ani ng binata. "6AM bukas. Sunduin n lang kita sa unit mo."
Inirapan niya ito. "Hindi nga ako sasama."
NAKITA na lang ni Chloey ang sarili niya na nasa harap ng pintuan ni Van ng mga oras na iyon. Hindi niya alam ngunit parang may humihila sa mga paa niya na sumama dito na mamundok.
Diba need mo ng outlet to move forward? Ito na yun, Chloey.
Ngunit ilang minuto na din siyang nakatayo pero hindi pa din niya makuhang katukin si Van. Baka kasi isipin ng binata na wala siyang isang salita. Tumanggi na siyang sumama hindi ba?
She sighed. Babalik na nga lang siya sa unit niya.
"Naputol na ba ang kamay mo?"
Napapitlag siya biglang lumabas si Van sa unit. Nilingon niya ang binata.
"Kanina mo pa ba alam na nasa harapan ako ng unit mo?"
Ngumisi-ngisi lang ang binata sa kanya. Maya-maya ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Dri-fit, jogging pants, rubber shoes and mini back pack." ani nito. "May kulang."
Kumunot ang noo niya. "What?"
"Ako."
Van winked at her. Inirapan lang niya ang binata. "Let's go."
Tatawa-tawang inaya na siya ni Van. Pumunta na sila sa harapan ng gate ng village para sumakay sa van na susundo sa kanilang dalawa.
"Pare." agad na bati ni Van sa isang matabang lalaki na kalbo.
"Good morning." bati niya sa kaibigan ni Van.
"Hello. Good morning. I'm Tom pala, Miss?" sabi nito sabay lahad ng kamay sa kanya.
"Chloe-"
Aabutin na sana niya ngunit tinapik ni Van ang kamay nito. "Ako ang type ni Chloey kaya tigilan mo na yan."
Tumawa lang ng malakas ang kaibigan nito. "Pasensya kana kay Van, Chloe. May sapi yan madalas."
"Obvious naman. Buti nga magkaibigan pa kayo."
Naghalakhakan lang ang dalawa. Halatang closed ang mga ito. Ilang sandali lang ay sakay na sila ng van patungong Tanay kung saan sila aakyat ng bundok. Dahil madaling araw pa lang ay wala pang two hours nakarating na sila sa Brgy Daraitan kung saan nila i-me-meet ang tour guide nilang tatlo nila Van.
Nagdecide muna silang kumain sa isang lomihan bago sumabak sa hiking. Una daw nilang pupuntahan ang Tinipak River bago umakyat sa Mt. Daraitan. First time niyang umakyat ng bundok kaya naman excited siya sa bagong experience. Never kasi silang nag try ng mga ganitong activities ni Michael dahil sobrang busy ng binata sa company. Every weekends naman ay lagi lang sila nasa condo o kaya ay dinner date sa restaurants. Masaya na si Chloey don dahil ang importante lang naman ay kasama niya ang binata.
Napatigil siya sa pagkain ng narinig niya ang balita sa tv.
"Kasal pala ngayon ni Hailey Kim at non-showbiz boyfriend niya."
Pagkarinig ng salita na iyon ay parang na-blangko ang buong mundo niya. Dinig na dinig niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya ng mga oras na iyon.
Yumuko si Chloey para pigilan ang kung anumang emosyon na nararamdaman niya.
Ngayon ang kasal ni Michael!
Ikakasal na ang binata nang wala man lang kahit na anong isang word na galing dito. She felt betrayed.
"Chloey.."
Pagkarinig ng pangalan niya ay tumingin siya kay Van. Hindi niya alam kung ano ang ekspresyon ng mukha niya ng mga oras na iyon ngunit halata sa kislap ng mga mata ng binata ang pag-aalala sa kanya.
Minabuti na lamang ni Chloey na lumabas. She felt suffocated at that right moment. Mariin niyang hinawakan ang dibdib niya baka sa pamamagitan na iyon ay kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
Nagsimula na silang mag hike papunta sa Tinipak River. Dahil siguro sa nararamdaman niyang pain and frustrations ay walang tigil ang paglalakad niya. Para kasing hindi niya ramdam ang pagod. Gusto lang niyang maglakad ng maglakad baka sa pamamagitan niyon ay maibsan man lang ang frustrations and pain niya.
Habang naglalakad ay paulit-ulit nag p-play sa isipan niya si Michael na naglalakad sa altar pero hindi siya ang hinihintay nito kundi ibang babae. Yung matagal na niyang pinapangarap sa ibang babae nito tinupad. Yung pinangarap niyang pamilya kasama ito ay parang bulang unti-unting naglalaho.
Yung kaliit liitan na pag-asa na nasa puso niya tuluyan ng nawala ng araw na iyon.
Ilang oras din silang nag hike papuntang bundok. Halata ni Van ang mood niya ng mga oras na iyon kaya hindi rin nag sasalita ang binata o inaasar siya. Inaalalayan lang siya nito kapag may mga daan na nahihirapan siya. Hindi rin alintana ni Chloey ang pagod ng mga oras na iyon. Tanging nasa isip lang niya si Michael.
"We're here at the peak of Mt Daranak."
Narinig niyang sabi ng tour guide nila. Ramdam na ramdam ni Chloey ang lamig ng hangin na dumadampo sa balat niya. Magandang ang view sa tuktok ng Mt. Daranak ngunit hindi niya magawang ma-appreciate ang bagay na iyon.
Chloey suddenly felt that she wanted to burst out. Hindi na niya kaya.
She sobbed.
Yumuko lang siya hanggang sa naramdaman niya na lang na tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha niya. Hanggang kailan ba siya magiging miserable? Hanggang kailan ba niya dapat maramdaman ang bagay na ito? Hanggang kailan ba siya masasadlak sa ganitong sitwasyon? Makakabangon pa kaya siya? Makaka- move forward kaya siya?
Parang huminto ang buong mundo niya ng mga oras na iyon. Lahat ng tao na nasa peak ay masaya pero tanging siya lang ang parang tangang umiiyak. Parang siya lang ang tanging tao na huminto ang mundo nang mawala sa kanya si Michael.
Maya-maya ay naramdaman na lamang ni Chloey na itinalukbong ni Van ang Jacket nito sa ulo niya. Para marahil ay matakpan ang pag-iyak niya.
"Van.." tawag niya sa pangalan ng binata.
Alam niyang nakatingin sa kanya ito dahil ramdam niya ang pagpisil nito sa balikan niya.
"I'm in so much pain.." she said while sobbing.
She felt helpless.
She felt betrayed.
She felt like everything has to end.
"I can't take it anymore."
----------------------------------------------------------------
My Dear Chloey,
I never believe in soulmates until I looked at your eyes. I always remember the first time I laid my eyes on you. You caught me helpless. When you look at me, I lost in your eyes.
I hope that we can be together. I never believe in the word 'forever', my dear. But I will make sure that I can see your smiles forever.
You are my home. Wherever you are, I am home.