Under your Name

2628 Words
"MISS, closed na kami." Narinig ni Chloey ang sinabi sa kanya ng waitress sa isang bar kung nasaan siya ngayon ngunit nanatili pa din siyang nakasubsob sa lamesa at nakapikit. Minabuti muna niyang magpalipas ng kalasingan sa bar bago umuwi. Isa lang iyon maliit na bar na tamang chill lang at hindi maingay. Malapit lang iyon sa apartment kung saan siya kasalukuyang nakatira. How many days has passed since the engagement? Thirty days? Chloey couldn't remember anymore. Pero sa thirty days na iyon ay parang katumbas na ng isang taon. She only remember the pain and the heartbreak. Noong araw na sinundo siya ni Alice sa condo ay doon na nagsimula tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Chloey. She stayed at Alice place for almost a week then she decided to move to new apartment when can she can be alone. Iniiwas niya ang sarili niya pati sa mga kaibigan niya. Hindi alam ng mga ito kung saan ang bagong aparment niya. Alam niyang mali ngunit ginawa niya ang bagay na iyon para matulungan niya ang sarili niya to move forward. Hindi na din pumasok si Chloey sa work niya as executive secretary ni Michael. Hindi pa niya kayang makita ang binata. Masyado pa din masakit sa kanya ang pangyayari. Nang muli siyang kinalabit ng waitress ay nagkusa na siyang tumayo sa lamesa. Lasing siya pero kaya pa naman niyang umuwi. Paglabas niya ng pub ay bumungad sa kanya ang malamig na hangin hamihan. Ber months na kaya ganoon kalamig ang hangin ngayon kahit sa Metro Manila. Maya-maya ay nag-decide si Chloey na maglakad pauwi sa apartment niya na nasa loob ng isang hindi kalakihan na Village. Fifteen minutes lang naman ang layo ng pub sa tinutuluyan niya kaya naman agad siyang nakarating. Pero imbes na tumuloy siya sa aparment niya ay dinala siya ng mga paa niya sa playground at umupo sa swing. Chloey closed her eyes. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal naka upo but suddenly she felt relaxed at the moment. Sa loob ng thirty days marami siyang na realize sa buhay niya. Pinili niyang maging mundo ang isang lalaki na sa huli pala ay iiwan siya naka-hang sa ere kaya naman ng mawala ang mundo na iyon ay halos hindi na niya kayang huminga. She sighed. Hanggang kailan siya ganito kamiserable? Maya-maya ay naramdaman niya ang pagpatak ng ulan pero nanatili pa din si Chloey sa pagkaka-upo. Wala pakialam ang dalaga kung mabasa man siya ng mga oras na iyon. Sa totoo lang, feeling niya sa bawat hakbang niya ay nasa likod lang niya si Michael. Nababaliw na ba talaga siya? Siguro nga. Ilang sandali lang ay nag-decide na ang dalaga na tumayo sa swing at umuwi na. Pero dahil medyo lasing siya ay nakaramdam si Chloey ng pagkahilo habang umaakyat ng hagdanan kaya napakapit siya ng husto sa railings. Nasa second floor kasi ang aparment niya. Pinili muna niyang pumikit habang paakyat ng hagdan. Maya-maya ay nasa tapat na siya ng unit niya at habang pilit na pinapasok ang susi nya sa door knob. "Hindi talaga magbubukas yan, Miss." Agad na dinilat ni Chloey ang mga mata niya ng marinig niya ang tinig sa likuran niya. "That's not your apartment." Bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki na papalapit sa kinatatayuan niya. Kahit na medyo may tama siya ang napansin pa din niya ang histura nito ng mga oras na iyon. Long hair, matangkad at maganda ang pangangatawan. Halatang alaga sa gym ang katawan nito. Doon lang din napansin ni Chloey na katabing unit pala ang binubuksan niya. Nalagpasan na pala niya ang unit niya. Walang kibo na pumunta siya sa unit niya ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi pa din niya masuksok ang susi sa doorknob. Dahil nahihilo ay inilapat na lang ni Chloey ang noo sa pintuan. "Let me help you." ani ng lalaki sa kanya at kinuha ang susi sa kamay niya. Binuksan nito ang apartment niya. "Go get some rest, Miss. Mukhang napadami ka yata ng inom." ani nito sabay kuha sa kamay niya at nilagay sa lapad niya ang susi. "Good night." Pumasok siya sa unit niya at isinara ang pintuan ng walang salitang sinasabi. Dumiretso siya sa kama niya at nahiga. Chloey just closed her eyes and fell asleep. Pagkagising ni Chloey ay sakit ng ulo at hang-over agad ang una niyang naramdaman. Halos fifteen minutes din siyang nanatiling nakahiga sa kama at nakatingin lang sa kisame. Maya-maya ay nag-decide na siyang tumayo. She needs to eat. Kumain siya ng tinapay to ease her hunger. After kumain ay tinignan ni Chloey ang hitsura ng aparment niya then she frowned. Sobrang gulo at kalat ng tinutuluyan niya ngayon. Malayong-malayo sa Chloey na organized at malinis sa gamit. That day, she decided to take a little step. Naglinis siya ng apartment at inilagay sa trashbag ang lahat ng kalat na nakita niya. After an hour ng makuntento si Chloey ay sinimulan din niyang ilagay sa trash bag ang mga bote ng soju na iniinom niya kapag wala siya sa pub na lagi niyang pinupuntahan. Chloey, can we move on now? She sighed. Sana ganoon kadali lang gawin ang lahat. Binuhat na niya ang apat na trashbags para itapon. Isasarado na niya ang pintuan ng apartment niya ng may magsalita. "I can help you with that." Napalingon ang dalaga sa nag-salita at bumungad sa kanya ang lalaki. Doon niya naalala na ito ang tumulong sa kanya kagabi na makapasok sa unit niya. Umiling si Chloey. "I can manage." ani niya sabay buhat sa apat na trashbag na puno ng basura. "No, I insist." sabi ng binata sabay kuha ng mga trashbags niya. Pagkabuhat nito ay nagsitunugan ang mga basyo ng bote ng alak. Napangisi ito. "Mukhang may kapit-bahay ako na hindi nag-aaya ng inuman lagi ha." Wala nang nagawa si Chloey kundi hayaan na lang ang lalaki sa pagtulong sa kanya magbuhat. "Kelan ka pa lumipat dito?" Natawa ito. "Halatang hindi ka talaga nag-iinvite ng kapitbahay no?" Nagkibit-balikat lang si Chloey. Simula kasi nang tumira siya sa apartment niya ay never pa siyang nakipag-salamuha sa mga kapit-bahay niya. Habang naglalakad sila papunta sa trash area ng village ay madami ng bumabati sa binata. Halatang kilalang-kilala ang binata sa buong village. Nang makarating sila ay agad na tinapo ng binata ang mga trashbags niya. Maya-maya ay nilingon siya nito at inilahad ang kamay nito sa kanya. "I'm Van." ani nito. Pinagmasdan lang niya ito. Unlike nung gabi na first time niyang nakita ang lalaki ay mas lalo niyang na distinguish ang hitsura nito. Singkit na mata, maputi, long-hair at matangkad. Halata din sa aura nito na palabiro. "Opps, sorry hindi ko pala napunansan ang kamay ko." nakangising sabi nito sa kanya nang hindi niya tinanggap ang kamay. After punasan ni Van ang kamay ay hindi na nito inilahad ang kanang kamay kundi kusa na nitong kinuha ang kamay niya at nakipag hand-shake gamit ang dalawang kamay nito. "Chloe Ocampo." Napansin niyang nagliwanag ang mukha ng lalaki pagkarinig ng pangalan niya. "Nice to meet you, Chloey." Pagkarinig niya sa sinabi nito ay natigilan siya. Si Michael lang ang tumatawag sa kanya sa ganong pangalan. "It's Chloe." Nagkibit-balikan si Van. "I want to call you that way." nang-aasar na sabi nito sa kanya. "Chloey.." Imbes na sumagot ay tinalikuran na lang niya si Van. Ayaw niyang may ibang tatawag sa kanya ng Chloey. "Hey, Chloey! Hindi ka ba mag-t-thank you sakin?" ani ni Van sabay habol sa kanya. Nanatili pa din siyang walang kibo habang mabilis na naglalakad. "Okay, fine." sabi ni Van. "Nice to meet you, Chloe-" Awtomatikong huminto siya at hinarap ito. "That's better." "Chloey-" nakangiting pang-aasar nito. Tatalikuran na sana niya ulit si Van ng bigla nitong hablutin ang kamay niya. Walang babala na hinila siya nito. "What are you doing?" Hiningal na tanong niya dito. Wala na siyang nagawa sa gusto ng binata at nakita na lamang niya ang sarili niya na nasa park ng Village. Inaya siya ng binata sa naglalako ng ice cream. "Treat me, Chloey." Napakunot siya ng noo. "For what? And don't call me Chloey." "One, tinulungan kita kagabi na makapasok ng unit mo. Remember? Nagkamali ka pa nga ng apartment na pinapasok. Number two, ako nagtapon ng basura mo." nakangising sabi ni sa kanya. "Kaya treat mo ko ng ice cream ni Kuya." sabay turo nito sa mangsosobertes. Umiling si Chloey. "Thank you so much, Van for your help. Unfortunately, I didn't bring any money so wala akong pang-treat sayo." "May GCASH si Kuya. Di ba kuya? High-tech yan eh." "Oo naman, Ma'am! Si Sir kaya ang nagturo sakin," sagot naman ni manong sa kanila. "Wala akong GCASH." "Hala, low tech yata si Ma'am Ganda eh." patuloy pa nito. Napapitlag siya nang bigla siyang akbayan ni Van. "May PayaMaya din yan si Manong. Pay it." Siniko ni Chloey si Van sa tagiliran. "Wala din ako PayMaya." ani niya. "Ser Van, kailangan mo yatang turuan maging HiTech si Ma'am." tukso pa ng dalawa sa kanya. "Huwag ka mag-alala, Manong. Mag-one on one kami nyan mamaya." nakangising sabi ni Van sa kanya habang nakatingin. Inirapan niya ang binata. "Wala nga akong pera dito." "Where's your phone?" "I throw it." Pero imbes na matinag si Van ay na-shock niya sa ginawa nito. "Kids, manlilibre daw si Ate Chloey niyo!" Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya. "What?" Pagkarinig sa sinabi ni Van ay mabilis pa sa ala-syete nagsipuntahan ang mga bata na naglalaro sa playground ng mga oras na iyon. Wala nang nagawa si Chloey kundi umiling-iling na lamang habang pinagmamasdan ang mga bata na tuwang-tuwa na pumipili ng flavor ng sorbetes. Hindi mapigilan ni Chloey na mapangiti. Simula ng naghiwalay sila ni Michael ay ito ang unang beses na ngumiti siya. Maya-maya ay may kumakalabit sa kanya. "Thank you, Ate Chloey." ani ng batang babae na sa tingin niya ay nasa limang taong gulang. Pumantay si Chloey sa mukha ng batang babae at pinunasan ang ice cream nito sa labi. "What's your name, little girl?" "Ysabel." "You like it?" Tumango-tango ito. "Yes, i like it. Lagi kami nililibre ni Kuya Van ng ice cream ni Manong. Everyday." Tumayo siya sabay tingin sa binata. Iiling-iling siya habang nakikita niya na yung nakakalokong ngiti ni Van. Mukhang naisahan siya ng binata. "Don't worry, Kids. Kapag hindi niyo ako nakita katukin niyo lang si Ate Chloey niyo sa unit 202." Hinampas niya sa braso si Van. "Shut up." Binulungan siya nito. "Don't say bad words sa sarap ng kid, Chloey." Pinanlakihan niya ito ng mata. "It's Chloe." madiing bigkas niya dito. "Abonohan mo muna yung nakuha sa ice cream. i'll pay you pag-akyat ko ng unit." "Okay." natatawang sabi ni Van sa kanya. Doon niya masasabing energetic and joker din si Van. Hindi din niya akalain na sa maikling pagkakakilala niya sa binata ay may mga ganitong pangyayari na sa kanila. Well, sa loob naman ng thirty days na magkakahiwalay nila ni Michael ay para na din siyang robot lang na kailangan icharge para mabuhay. "Quite famous here ha." "What can you expect for someone so handsome as me. Kahit si Dingdong Dantes hindi papantay sakin." nakakalokong sabi ni Van. "Parang hindi naman totoo yan." "Ganon? Tandaan mo malaki ang utang mo sakin. Mataas ako magpatong." She chuckled. Agad siyang napahinto. Did she laughed? "Let's go. Para mabayaran mo na ko baka hindi ako makatulog eh." Naiiling na sumunod na lamang si Chloey sa lalaki. Nang nasa harap na siya ng unit at nabuksan ang pinto ay agad-agad na pumasok si Van sa loob kahit hindi niya inaaya na pumasok. "Feeling at home?" Nagkibit-balikat si Van. "Ano food mo?" bagkus ay tanong nito sa kanya. "Pancit Canton." "Lutuan mo ko samahan mo ng itlog gusto ko yung malasado." Tinignan niya ng masama si Van na tatawa-tawa lang at halatang hindi ito apektado sa tingin niya. "Joke only, Chloey. Huwag ka masyadong serious." ani nito sabay punta sa kusina niya. "What are you doing, Van?" Bago sumagot ang binata ay hinanap muna nito sa cupboard niya ang pancit canton. Kumuha ito ng tatlo at nag prepare ng mainit na tubig. "I like it when you're calling me my name, Chloey." sabi nito na ikinatigil niya. Hindi siya kumibo at umupo na lang sa maliit na dining table niya na pang dalawahan lang. "So, Chloey-" "Chloe." "Paano ka napunta dito sa munting village natin?" "I'm lost." maiksing sagot niya kay Van. "Hmm. Lost in love?" Ilang saglit siyang hindi kumibo. "Yes." Hindi kumibo ang binata sa sinabi niya na para bang naging malalim ang iniisip nito. Maya-maya ay naihain na ni Van ang pancit canton na may nilagang itlog. "Ganito ba yung pinapakain mo sa bisita mo?" "Hindi ka bisita." "Kahit na. Dapat lechon manok." She rolled her eyes. Sinimulan na din niyang kumain ng makita na nag e-enjoy ang binata sa pancit canton na ito mismo ang nagluto. "Ayan na yung bayad ko sa utang ko sayo." "Grabe ka naman, Chloey. Lugi ako don ha." "Where do you work?" tanong niya sa pagitan ng pagkain. He smirked at her. "Mukhang interesado kana sakin." "Stop it." "Wala akong work." "So tambay ka?" "Hmmm. Sabihin na natin ganon na nga. Complicated. Hayaan mo kapag inaaya mo ko mamaya uminom kwento ko buhay ko sayo." natatawang sabi nito. Inirapan niya yung binata. "Hindi na ako iinom." ani niya. "Di nga?" panunukso nito sa kanya. "Baka mamaya nasa pub ka ulit niyan." "Wait, stalker ba kita?" bintang niya. "Hello sa gwapo kong ito, Chloey. Stalker?" sabi nito sa pagitan ng pag-nguya ng itlog. Aminin man niya o hindi, nakakaramdam siya ng kaunting enjoyment sa conversation nila. Para kasing walang dull moment. "Eh paano mo nga nalaman na nasa pub ako?" "Hula lang yun, Chloey. Masyado ka naman nagpapahalata. Ayain mo kasi ako, lagi naman ako available para sayo. Kahit nasa gitna ako ng meeting pupuntahan kita." "Meeting? Akala ko ba wala kang work?" "Oo nga pala." tatawa-tawang sabi ni Van sa kanya. "Anyway, magkakaroon pala yung village ng Trick or Treat bukas. Join ka. " "Sorry, not interested." "Si Ysabel ayaw din umattend pero pupunta kasi pinilit ng nanay niya." Tinaasan niya ng kilay si Van. "So?" "Ikaw need mo umattend kasi pipilitin kita pero hindi kita anak." "Van, ayoko." Inilapag nito ang tinidor sa mangkok na walang laman. "Chloey-" "Chloe." "Chloey." "Chloe." madiing sab niya dito. "Fine, Chloey-" "Get out." "May utang ka pa sakin." "Bayad na ng pancit canton ko." Tumayo siya at hinawakan ang braso ni Van para ihatid sa pintuan niya. "Get out." Ngunit parang wala lang kay Van yung ginawa niya dahil tatawa-tawa pa din ang binata habang papalabas. "Uy, Chloey-" "Shut up." aniya na habang sinasabi ay pilit niyang sinasara ang pintuan niya ngunit pilit naman hinaharang ni Van ang sarili nito para hindi niya na tuluyang masara. "Bukas na yung Halloween party-" "Not interested." ani niya bago tuluyang isarado ang pintuan niya. Narinig niyang sumigaw si Van. "Aray naipit ako!" Agad niyang binuksan ang pintuan. Mag-aalala na sana siya dito na baka nasaktan niya ang binata ngunit nagbago ang isip niya nang makita na tatawa-tawa lang. "Van!" sigaw niya dito. "Joke! Ikaw naman masyadong serious. Bukas-" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng binata ay sinarado na agad ni Chloey ang pintuan. "I'll fetch you tomorrow, Chloey!" "No!" sigaw niya sa pagitan ng pintuan.Tanging tawa lang ang sagot ng binata sa kanya. "I'm happy to meet you, Chloe!!" -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- My Dear Chloey, Good morning! :) I have so much to offer you and I have been holding the feelings deep inside my heart. You were my armour and stood by me when no one else would and I knew that precise moment that you were meant to be mine. Chloey, my beloved Chloey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD