Meaningless

2138 Words
"CHLOE." Tawag sa kanya ni Alice pero hindi niya inaalis ang atensyon niya sa binabasang lecture. Nasa garden kasi sila ng University nila at kasalukuyang nag-aaral for the finals. Need kasi ni Chloey na mag double time sa pagre-review dahil matatanggalan siya ng scholar kapag may back subject siya. Nang hindi niya pa din pinansin ang kaibigan niya ay iniharang nito ang kamay sa ibabaw ng book na hawak niya. "Ano yun?" Nanlalaking mata na sabi niya sa kaibigan. Ngumisi lang ito sa kanya sabay nguso sa may di kalayuan na bench sa kanan. "Future boyfriend mo nasa paligid lang." Pagkasabi ni Alice ay awtomatikong napalingon siya. Hindi napigilan ni Chloey ang mapangiti nang makita kung sino ang tinutukoy ng kaibigan. Si Michael Bueno.. Classmate nila ang binata sa tatlong subjects nila. Hindi naman niya kinakaila kay Alice na matindi ang crush na nararamdaman niya dito. Actually, hindi naman siya mahilig sa mga crush na yan kahit noong high school siya hanggang sa mag college. Mas importante kasi para sa kanya na makapagtapos siya ng pag-aaral. Pero iba ang nararamdaman niya ng unang araw na makita niya si Michael Bueno. Kung love at first sight ba ang tawag, walang siyang idea dahil hindi familiar ang feelings na yun para kay Chloey. But she really liked Michael so much. Ang problema lang para may sariling mundo lagi ang lalaki at puro pag-aaral lang ang ginagawa nito. Ilang beses na din niyang sinubukan i-appraoch ang binata ngunit hindi pa din tumatalab kaya naman labis na tinutukso siya nina Alice at Nina. Unrequited love story daw ang mangyayari sa kanilamg dalawa ni Michael. "Ano na naman ang gimik mo para pansinin kana ni UL mo?" Pang-aasar ni Nina sa kanya. UL- unrequited love daw ang meaning non. Napasimangot siya sa kaibigan. Nawawalan na siya ng ideya para lang mapansin siya ng binata. Nanghiram siya ng ballpen, nagpatulong sa math problems kahit alam naman niya ang sagot, nanghiram ng payong kahit hindi naman umuulan. Ano pa bang hindi niya nagagawa para lang mapansin siya ng bunata? Kung maghingi kaya siya ng piso dito? "Alam mo Chloe, diretso mo na lang hingin yung number ni Michael wag kana magpaligoy pa." Suggestion ni Alice. "Hatid mo na lang kaya sa bahay nila." Nakangising sabi ni Nina. "Matic kayo na non." Natatawang sabi nito. Sa kanilang tatlong magkakaibigan kasi ay si Nina ang pilya. Sa loob ng isang taon nila sa college ay naka apat na boyfriend na ito. Katwirin ng huli ay gusto lang nila i-enjoy ang buhay pagkadalaga. Malalim na nag-isip si Chloey. Kailangan niyang maging creative kung paano niya i-approach si Michael. Hindi dapat matapos ang araw na yun na walang movement sa kanila ng binata. Bahala na.. "Uy tatayo na si ate girl." Naghahagikgikan na sabi ng mga kaibigan niya. Chloey just rolled her eyes. Wala talagang duda na kaibigan niya ang mga ito. Mga mapang-asar. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago lakas loob na tumayo at lumapit kay Michael. Habang papalapit ay ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Easy, heart. Easy.. aniya sa isip niya. Agad na umupo si Chloey sa harap ni Michael. Saglit na napatulala siya habang nakatingin sa binata na abala sa pagbabasa ng book. Sadyang para sa kanya ay napaka gwapo ni Michael sa paningin niya. Singkit na mga mata, makapal at itim na itim na kilay na bagay na bagay sa suot nitong salamin. Medyo may pagkakulot din buhok nito na kahit hindi masuklay ay gwapo pa din tignan sa binata. Mapula din ang lips ni Michael na halatang walang bisyo. Masarap kayang humalik ang binata? Umayos ka, Chloey! Wala ka pa nga kayo sa unang stage halik na agad iniisip mo.. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ni Michael. "Pabili ng papel." Kahit siya ay nagulat sa sinabi niya. Pabili ng papel? Sinong matalinong babae ang bibili ng papel sa crush nito? Seryosong tumingin sa kanya ang binata. "Excuse me?" Inilabas niya ang five pesos coin niya at inilapag niya sa ibabaw ng libro ng binata. "Pabili ako kako ng papel." Ani niya na pinanindigan ang sinabi. "Wala akong papel." Hindi na kumibo si Chloey at lakas loob na kinuha ang notebook ni Michael sabay punit ng isang piraso. Binitawan ng binata ang binabasang libro at tuluyan ng ibinigay nito ang atensyon sa ginagawa niya. "What are you doing?" Kumuha si Chloey ng ballpen sumulat sa papel na galing sa binata. Maya-maya lang ay gumawa siya origami. "Alam mo bang may pamahiin dito ang school natin? Na kapag may gumawa sayo ng origami habang nag re-review makakapasa ka daw sa finals." Ani ni Chloey sa binata. Nang matapos niya ang origami ay ipinatong niya iyon sa bahay nito. "I never heard of that myth, Chloe." Napatingin siya agad dito. Grabe reaksyon ng puso niya pagkarinig ng pagtawag nito da pangalan niya. At alam ni Chloey na namula ng husto ang mukha niya. She cleared her throat. "Pero matutupad lang daw ang superstition na yun kapag naging magkaibigan kayo ng nagbigay ng origami." Sabi niya dito. "Nandyan yung number ko." Turo ni Chloey sa ginawang origami. "Text me para matupad at makapasa ka." Tinignan lang siya ni Michael ngunit hindi pa din niya mabasa ang iniisip nito. Did she get his attention? Ilang sandali lang ay tumayo nansi Chloey sa kinauupuan. Hindi na din kasi niya alam kung ano pang pwedeng sabihin sa binata. Inilahad niya ang kamay niya sa harap nito sabay sabing ; "Sukli ko?" Imbes na suklian ay ibinulsa ni Michael ang five pesos coin niya. "Mahal ang papel ngayon. No change." Napangiti siya. Chloey couldn't believe it. They finally talk to each other! Maya-maya lang ay sumenyas siya kay Michael. "Call me." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at agad siyang pumunta sa mga kaibigan niya na naghahagikgikan habang pinapanood silang dalawa ng binata. Pagkaupo niya ay agad siyang tumingin sa binata. She smiled nang mapansin niya na nakatingin pa din sa kanya si Michael. Muli ay sumenyas siya dito at bumulong ng call me na naging rason para tuksuhin siya ng dalawa niyang kaibigan pero hindi na niya yun alintana. Ang mahalaga sa kanya ay ang conversation nilang dalawa ng binata. HINDI alam ni Chloey kung paano siya nakauwi ng condo galing sa bahay nila Anthon. Ang tanging laman lang isipan niya ang eksena ni Michael at Hailey sa engagement ng mga ito. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang kamay niya sa mga pangyayari. Hindi niya halos akalain na magagawa sa kanya ni Michael ang bagay na yun. They have been together for almost eight years. Akala niya siya lang ang babae sa buhay ni Michael. And she was sure na malaki ang kinalaman ni Anthon sa mga pangyayaring iyon. Pero dahil mahal na mahal niya si Michael mag hihintay pa din siya sa condo nila. She texted Michael saying that she will patiently wait to his explanation. Maghihintay siya ng paliwanag nito kung bakit ginawa iyon ng binata sa kanya. Dahil sa totoo lang, umaasa pa din siya na hindi totoo ang lahat at palabas lamang ang engagement na iyon. Na siya ang mahal at pipiliin ni Michael. Chloey waited patiently but no avail, walang Michael na dumating. Doon palang ay unti-unti ng dumidilim ang mundo ni Chloey. Mawawala na ba ng tuluyan sa kanya si Michael? Hawak ang picture frame nila ng binata ay patuloy pa din ang paghagulgol niya. Sa picture na iyon ay nakayakap sa kanya sa kanya ang binata mula sa likuran. First year anniversary nila ni Michael ang larawan na iyon at halatang mahal na mahal nila ang isa't isa. But those memories is now meaningless one. Pwede pa lang maging isang bangungot ang mga magagandang ala-ala. Humiga siya sa sofa habang may luha sa mga mata until she felt asleep. A deep sleep that turns into nightmare. Nagising na lamang si Chloey nang marinig niya ang sunod-sunod na doorbell sa pintuan. She frowned. Alam niyang hindi si Michael ang nasa labas. Tumingin muna siya sa wall clock. 10AM na din pala at halos tatlong oras din siyang nakatulog. Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya si Alice. Halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kanya. Agad siya nitong niyakap ng mahigpit. Napahagulgol ulit ng malakas si Chloey habang yakap-yakap ng kaibigan. "Alice, si Michael." Ani niya sa pagitan ng pag-iyak. Malumanay na hinaplos ni Alice ang likuran niya. "I know, Chloe. I know what happened." Nang medyo kumalma na siya sa pag-iyak ay inilalayan siya ng kaibigan sa sofa. "You look like a mess right now, Chloey." Ani ni Alice habang binibigay sa kanyan ang tissue. "I don't know what happened,Alice. Walang explanation sakin si Michael. I don't know what to do anymore. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko buong gabi din ako maghintay." "Bakit hindi ka muna magpalamig, Chloe? Umalis ka muna sa condo niya I'm sure kapag nalaman niyang umalis ka na dito hahanapin ka agad ni Michael. Sa akin ka muna mag stay. Ang mahalaga makaalis ka muna dito." Umiiling iling siya. "No, Alice. I will stay here. Hihintayin ko si Michael. Hihintayin ko ang paliwanang niya. Hindi magagawa ni Michael na tiisin ako." "Alam ko na alam niyang nakita niya ako kagabi sa engagement nila ni Hailey kaya alam ko na pupuntahan niya ako dito. I will wait for him." Wala nang nagawa si Alice kundi tignan na lamang siya. Alam nito na hindi nito mababago ang desisyon niya. "Okay." Hinawakan nito ang kamay niya. "I'll give you two days. Kung wala pa din Michael na magpapakita sayo, eempake ko na ang gamit mo wheather you like it or not aalis ka sa condo na'to. Are we clear on this?" Malungkot na tinignan niya sa mukha ang kaibigan. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya kaya nito ginagawa iyon. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa gusto ni Alice. Bago umalis ang kaibigan ay pinagprepare muna siya nito ng pagkain. Hindi rin ito umalis ng hindi siya nakakakain ngunit wala pa din gana si Chloey. Hindi niya alam kung paano ang naging takbo ng oras niya. Mabagal at masakit. Every hour ay hindi pwedeng hindi siya iiyak. Halos mawalan na siya ng gana mabuhay. Kapag nakakatulog siya ay parang sirang plaka na paulit ulit na nag rereplay sa utak niya ang gabi ng engagement party nila Michael. Yung pag-asa na maaayos pa ni Michael ang sitwasyon nasan silang dalawa ng binata ay unti-unting nawawala kay Chloey sa bawat oras na lumilipas na walang Michael na nagpapakita sa kanya. Katumbas din iyon nang pagbigat ng dibdib niya. Hanggang ang isang gabi ay naging isang araw. Na ang araw ay naging tatlong gabi. Tatlong gabi na walang Michael na nagpapakita sa harapan niya. Tatlong gabi na halos feeling niya ilang beses siyang pinapatay nito. Pag-asa na parang bulang nawala na lamang sa kanya. Acceptance. Ang bagay na hindi pa kayang gawin ni Chloey. Kahit nanghihina ay pinilit ni Chloey na mag empake. She received a text message from Alice. According to her ay anytim of the day susunduin siya ng kaibigan. She replied saying that she was ready and all of her things are packed already. Bago umalis dala ang maleta ni Chloey ay muli niyang sinulyapan ang condo kung saan ang lugar na ito ang isa sa naging piping saksi ng pagmamahalan nila ni Michael. At naging saksi din kung gaanong kasakit ang pinagdadaanan niya ng ilang araw na pagkalugmok. Chloey touched her ring. Bigay sa kanya ito nia Michael last two years kasabay ng pangako na siya lang ang mamahalin nito. Tinaggal niya ang ring at binulsa. Every promises can be broken sometimes. And nothing can replicate what she is feeling right now. Muling pinunasan ni Chloey ang luha sa pisngi niya. Hoping that someday, pain will be bearable. Someday. —————————————————————————— My Dear Chloey, Did you know the poem written by Mega Sood? It's like this one: "Your love is turned me into poet but my words are lost to you." What a lovely poem, right Chloey? This what my love for you, my dear. You turned me into what I am right now. I can't even imagine my life without you. Called it cliche but you are every air that i want to breathe. Sunlight in my darkest days. A fire to a cold and crazy storms. I want to express my feelings for you everyday I can. Thank you for smiling at me again, my sunshine. See you again tomorrow. ——————————————————————————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD