Crazy Over You: Chapter 8: Friends

960 Words
Chapter 8 Soya's POV Ako at ang aking crush na hindi ko pa gaanong kilala ay magkatabi ngayon sa higaan. Nakaharap siya sa akin ngunit tumalikod ako sa kanya. Marahil naiilang ako sapagkat hindi ko inaasahan na mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ito o ikabahala. Balak ko sana siyang kausapin pa upang lumalim pa ang koneksyon naming dalawa at mag simulang maging opisyal na mag kaibigan ngunit sa aking pag harap ay napagtanto ko na ang aking kanina lamang na kausap ay nahihimbing na ang pagtulog. Sana nga ay naging komportable sya kahit na hindi gaanong kalambotan ang aking higaan hindi katulad ng higaan niya sa kanyang condo. Agad ko naman siyang kinumutan nang mapansin kong nilalamig na siya. Kinaumagahan ay maaga akong nagising o halos hindi na din ako nakatulog ng mahimbing sa pag aalala na baka kung ano nang mangyari kapag tulog ako at bigla siyang magising char! Sadyang ang excitement na naramdaman ko is the reason why i can't sleep tight the whole night. Hindi pa man sumisilip si haring araw ay naisip ko nang bumangon nang dahan dahan sa aking hinihigaan upang hindi siya maalimpungatan. Ang mga kalantog ng mga kaldero, kawali o kung ano ano pang gamit ko sa pag luluto ang nakapang gising sa aking ina. "Himala ba ito? O may kung sinong masipag na espiritu ang sumapi sa anak ko?! O baka naman dinapuan na sya ng sakit?" Pag tataka ni mama. "Mama?!, shhh wag kang maingay, magigising ang totoong Soya" sambit ko sa aking ina habang dahan dahang lumingon sa kanya ng nakangiti in a creepy way. Agad naman akong natuktokan ng aking ina nang madampot niya ang plato, marahil sa naging epektibo ang pananakot ko sa kanya. "Agay! Mama naman, di na to mabiro!" Hawak hawak ang aking bunbunan. "Iprank mo na ako ng kung ano man wag lang ganyan sa ganitong oras, pasalamat ka plastic na plato lang nahawakan ko at hindi yung takip ng kaldero." Aniya. "Kayo kasi kala nyo naman imposible na agad tong ginagawa ko, e kayang kaya ko naman kayong ipag luto ng agahan. Wala lang masyadong time and energy. Nakalimutan nyo na bang masarap ako mag luto?" Pagmamalaki ko. "Suss, adobo yung specialty mo kasi yun lang naman ang alam mong lutuin bukod sa mga pinipritong kung ano" Pang aasar pa niya. " E bakit ba ang aga mo ma? Sleep ka pa dun, ako nang bahala dito" Lambing ko sa kanya. "E pano ba naman ang ingay ingay mo. Akala ko naman kung sino nang nakapasok na mag nanakaw" Aniya. Bumalik na muli sa pag tulog ang aking ina. Maya maya, habang abala ako sa pag gagayat o pag hihiwa ng manok ay nagulat ako sa isang kalabit mula sa aking batok nang pagka lingon ko naman ay mas nabigla ako sa aking nakita. "Uhm Good morning Soya, maybe i should go before the sun rise up, have many things to do pa. Paki sabi kina tita na maraming maraming salamat. Here," iniabot niya sa akin ang kapirasong papel na kung saan ay naka lista ang contact details niya. Tinitigan ko siya nang may pag uusisa. "C'mon, hindi kana din iba sakin kasi ikaw lang ang tumanggap sakin ng ganon ganon lang haha, so call me when you needed or maybe kapag kailangan mo ng kausap." Paliwanag niya. "Nah, dami mo namang sinabi. Di mo pako dineretso na friends na tayo nyan. Nahiya ka pang kunin yung number ko ng deretso huh?" Wika ko." Hays sayang naman, pinag luto pa naman kita ng specialty ko. Ikaw lang nga talaga yung iba kong dinala dito sa bahay bukod dun sa bestfriend ko." "Okay lang yan, madami pang next time." She said that while patting my head gently. Matapos iyon ay inihatid ko siya sa aming gate, kahiy papaano ay nag liliwanag na din ang kapaligiran. "O sya, una nako Soya, maraming salamat. Salamat sa pamilya mo." Pag papa alam niya at matapos niyon ay naglakad na siya palalayo. "Ingat ka! Seee youu!!" Wika ko habang ikinakaway ang mga kamay. Matapos akong mag luto ay nagising na din ang lahat. "Whoa, ang tagal na din na panahon ang nakalipas mula nung nag luto ka ng specialty mo ah? Na miss ko to ate, for real!" Wika ng aking kapatid na si Gio. "Onga naman anak, anong meron? Tsaka, napasarap ata yung tulog ng bisita natin, mabuti naman at komportable sya." Wika ng aking ama. "Umalis na po Pa e. Madami daw syang gagawin. Ni hindi ko na din sya naalok mag kape e." Paliwanag ko "Sayang naman anak, siya yung dahilan ng mga himala, ibig kong sabihin e siya ang dahilan ng pag gising mo ng maaga at paghahanda ng agahan." Pang aasar ng aking ina. "Di po no, sadyang hindi ako makatulog ng maayos at nagising din ng maaga kaya naisip ko lang mag luto." Pag papalusot ko. "Asus, deny ka pa anak. Hindi bat inamin mo sa akin na crush mo sya?" Gatong pa nito. "Mama? Mababaw lang naman yon no, nakikita ko lang talaga sa kanya yung mga characteristics ng bida sa ginagawa kong story." Paliwanag ko. "Sinabi na nga ba at may kakaiba sa dalawang yan, lalo na kay Soya. Hindi mo maitago anak yon at nag mana ka ata sakin na showy." Wika ng aking ama habang yumakap sa aking ina. "Asus, isa pa to. Clingy ka lang talaga Asawa." Wika ng aking ina. "Kapangilabot naman tong umagang to, kaka cringe kayo ah" Pang aasar ko sa aking mga magulang habang humihigop ng kape. "PDA talaga kayo ma, pa. Hahahah." Gatong ni Gio. "Pasasaan pa at mamaya makita nalang namin bigla kayo sa kalsada may kalampungan nako humanda kayo samin." Banta ng aking ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD