Kaye's POV
Nag usisa ang kapatid ni Soya na si Gio at dali daling pinuntahan ang pinag mulan ng ingay sa labas ngunit wala naman siyang nakitang tao. Hininalang pusa ito dahil nandoon din namataan ang alagang pusa ng kapit bahay. Hindi na lamang ako nag salita kung ano o sino ang aking nakita ngunit natitiyak kong ito yung crew sa kinakainan kong resto. Bakit nga ba nandito siya o bakit nga ba hindi siya tumuloy. Is there something going on between her and Soya?
"Ah hija gabi na din naman kaya mabuti pa dito kana matulog ha. " Pag aalala ni tito Darius.
" Hala nako nakakahiya naman po nakikain na nga po ako dito makikitulog pa." Wika ko.
"Nakoo nak wag kanang mahiya at mas nakakahiya yung ginawa sayo ni Soya." Wika ni tita.
"Ginawa ni Soya?" Tanong ni tito.
"E kaya andito yang batang yan e dahil nasugatan daw ni Soya" Pagkukwento ni tita.
" Aksidente po ang nangyari, hindi po namin sinasadya na magkabanggaan kanina while hawak ko yung baso and then ayun nangyari na, actually im worried about her too dahil malakas yung impact ng salpokan namin kanina" Pagsasalaysay ko.
Habang tumatango naman si Soya. " Okay lang ako, sus, dumito ka na nga lang matulog at konsensya ko nanaman kapag napano ka sa daan" Aniya.
Matapos ang aming hapunan ay hinila naman ako ni Soya papunta sa kanyang kwarto. Simple lang ang kwarto ni Soya maaliwalas naman ito kahit papaano at may study table na may mga libro at laptop sa ibabaw, mayroon ding malit na lamp at may maliit ma artificial na halaman. Ang cute lang kasi naimagine ko si Soya na busy sa maliit na espasyo niyang iyon.
"O heto, i hope kasya sayo. Toothbrush nga pala, bago yan ah o naka packaging pa, teka nag susuot ka ba ng sando? Baka kasi banasin ka dito. Electric fan lang kasi meron ako , kakarag karag pa, minsan hindi umaandar hanggat hindi pinupush o iniikot yung elesi HAHAHA" wika niya.
"Nah, it's fine. By the way, salamat ah" pasasalamat ko.
"Wow andami ko na agad nakitang side mo ah, kanina ang sungit sungit mo, sunod may pagka bully side ka, tapos kanina sa hapag apaka bait moo, totoo ba yon ah? Pakitang tao ka lang ata kina mama e HAHAHHAHA" Pang aasar niya.
"Hays ingay ingay mo gabi na." Reklamo ko.
"Sige na, mag linis kana ng katawan don para makapag palit kana din ng damit." Aniya.
Pagdating ko sa kwarto niya matapos kong maglinis ng katawan ay nabigla siya at napahinto at maya maya ay biglang tingin sa sahig, nababakas sa kanyang mukha ang pagkailang sa akin at namumula ang kanyang tainga.
"Ba- bagay din pala sayo yung ganyan, nakalugay. At walang salamin. Mas, mas hot ka dyan haha" she awkwardly said that.
I didn't know how to react kaya tumawa nalang ako at nag biro. "Ikaw din ang hot mo, imean ang banas mo tingnan, naligo ka ba? hahahha".
Nahihiyang lumayo ng bahagya sa akin si Soya at nanahimik.
"Nah c'mon , i was just kidding but i think you need to wash na din kasi nataponan kita kanina ng softdrink diba?" Pag bawi ko sa aking biro.
Tumango naman siya at dali daling nag punta sa banyo.
Magkatabing nakahiga ngunit may distansya sa aming gitna maya maya pa ay nauwi sa kwentohan ang mga tagpo.
" About sa tanong ni papa, would you mind na mag kwento about that?" Aniya.
"Wow ah matapos mong sabihang chismoso sarili mong ama, heto ka at iniisyoso mo ang magiging sagot ko." Panunudyo ko.
"Ayy sorry akala ko kasi close na tayo hahaha" aniya.
"Well, close naman na tayo mga 3 inch apart, and nakilala ko naman parents mo so, about sa fam ko, actually, wala ako akong kasama dito sa pinas. Sina mama at papa nasa ibang bansa pero magka hiwalay sila. Bata pa lamang ako hiwalay na sila pero mas nauna si papa sa ibang bansa, doon na din sya nangaliwa and nag palpak na din pag sustento niya and then dahil dun naisip ni mama na kumayod sa ibang bansa para sakin. Don na sya nag ka second fam and nag papadala padin naman sya sakin gang sa nakatapos ako sa college and now nag wowork nako as Software engineer, im on my own now." Pagsasalaysay ko.
"Im sorry" wika niya.
"Baliw wala ka namang kasalanan bakit ka nag sosorry." Wika ko sa kanya habang humarap ako sa kanya nang naka tagilid.
" I don't know. Hmn , salamat sa pag oopen mo sakin. Sa tiwala mo sakin. Sumama ka sakin dito and nag bahagi ka ng parte ng buhay mo. Anyways san ka ba naka tira?" Wika niya.
"Ahm sa condo dyan sa malapit lang, alam mo na yun. Nadadaanan yun pag punta dito sa bahay nyo e." Sagot ko.
"Ayy shalaaa, naka condo. Pasensya na dito sa kwarto ko ah, for sure may kisame kwarto mong yon." Sambit niya habang nakatulala sa kisame.
" Did i ever told you na, crush kita?" Pag amin niya.
"Uhm, at this moment siguro? " Wika ko.
" I really don't want to take advantage of you kaya sinabi ko right now. Baka later mo pa malaman isipin mo pang tisnansingan lang kita sa mga panahon na nandito ka sa bahay namin, sa kwarto ko. So if you're not comfortable with it, na magkatabi tayo didistansya ako" seryoso niyang sinabi habang nakatitig sa mga mata ko.
" HAHAHHA. Halata naman kasing trip moko una palang, natatanga ka kaya kung ano ano sinasabi mo, sa tingin mo hindi ko narinig o diko napapansin. Hindi ko alam pero tiwala naman ako sayo. Subukan mo lang ako gawan ng masama kaya kitang ibalibang, liit mong yan HAHAHAH" pang aasar ko sa kanya.
She pout her lips and then tumalikod sa akin.
" Alam mo yung nakakainis, di ka man lang naka ramdam ng ilang or what, halatang hindi moko kayang i crush back hmf!" Aniya.
Napatawa nalamang ako sa kanyang sinabi. Maya maya pa ay tinamaan na ako ng antok at di namalayan ang aking pagtulog.