Crazy Over You: Chapter 6 : Kaye is in da house! 2

627 Words
Chapter 6 Kaye's POV Nandito ako ngayon sa bahay ng mga estranghero o mga di ko naman gaanong kilala pa, yet they treat me better than anyone i deeply know. This is the family i am dreaming of. I never thought i will experience this kind of dinner. Pakiramdam ko belong ako. Yung nanay nya na mainit ang pag tanggap sa akin, yung kapatid nyang makulit. Nang dumating ang tatay ni Soya lalo akong nanibago dahil sobrang bait ng pakikitungo niya. "Andito nako!" Bati ng tatay ni Soya. " Andito na din po ako." Bati naman din ng kapatid niyang nakababata sa kanya. Napahinto at nagulat sila nang nakita nilang may bisita pala sila. Nang maka upo naman ay nanghihinayang nitong sinambit, "Uy may bisita pala tayo ma, sana sinabi mo para naka bili ako ng dagdag na makakain, sayang naman." Wika niya. "Okay lang yan pa may nabili naman akong pasalubong e HAHAHA. " Wika ng kapatid niya sabay labas ng wine sa kanyang bag. " San naman galing yan bata ka? Hindi ka naman umiinom ah." Pag tataka ng kanyang ina. "E nanalo po kasi ako sa promo don sa kasal na inattendan ko." Tugon naman nito. Sabay iniabot ang kanyang kamay sa akin. "Sergio, uhm gio nalang po." Pagpapakilala nito. Nakipag kamay naman ako. "Keanna Suarez, Kaye nalang". "Oonga pala hahaha hindi pa kami nakakapag pa kilala sayo. Ako nga pala si Señorita, Seña nalang, at ito naman ang asawa ko si Darius." Pagpapakilala ng kanyang ina. " Uhm señorita po ma'am? Grabe hindi ko alam na mayaman pala tong si Soya hahaha" wika ko. Biglang napa tighim si Gio at muntik pang mabulunan dahil sa kanyang narinig. " Nako may humor din pala to si ate Kaye HAHAHHA" aniya. "Ha? Nako sorry curious lang hahahah" wika ko. " Nako ano ka ba nak, pangalan lang talaga yun! To naman, ni wala nga kaming kisame e HAHAHAHA tsaka wag mo na kong tawaging ma'am, tita nalang, o kung gusto mo mama nalang." Wika naman ni tita. "Mama namann?!" Wika ni Soya habang punong puno ang bibig ng pagkain. " Soya,saka kana mag react kapag nalunok mo na laman ng bibig mo nakakahiya sa partner mo. " Wika naman ng papa niya na si tito Darius. " Papa?!!! Ano ba kayo, tinali nyo na agad sakin tong si Kaye, nakakahiya po. ". Gigil naman ni Soya. "Ahh sorry nak, Kaye, akala ko naman partner ka ng anak ko. Nakakagulat lang ma may dinala syang dito bukod kay Scia." Paliwanag naman sa akin ni tito. "Okay lang po." Nahihiya kong tugon. "Ilang taon kana nga pala ate Kaye." Tanong ni Gio. Sabay nguso ni Soya sa kanya at sinamaan ng tingin. " Ikaw bata ka bat kailangan mong interbyuhin, pinepressure mo sya e" pag kontra ni Soya. " Nako hindi okay lang hahahha. Anyways 25 na ako" sagot ko. "O naks isang taon lang pala agwat nyo ni ate e, pwede pwede." Panunudyo ni Gio. "Ikaww!" Yamot na sabi ni Soya sa kapatid at akmang kukurutin ito. "Tama na kayo nako nakakahiya na sa bisita mga ginagawa nyo. Anyways, hija kamusta naman ang parents mo. Ikumusta mo nalang kami bilang parents ng bago mong kaibigan. " Wika ni tito. "Uhm, susubukan ko po." Sagot ko. " Aba e bakit naman, kamusta ba sila? O asan na ba sila?" Pag uusisa ni tito. "Papa naman chismoso??" Sabat naman ni Soya. " Hindi okay lang, actually-" naputol na ang sasabihin ko nang biglang may nabasag na kung ano sa labas na ikinagulay ng lahat. Kanina ko pa din na napansin na may tao sa may pinto kanina at pamilyar ang kanyang mukha. Hinintay ko itong tumuloy ngunit bigla itong umalis matapos may mabasag na kung ano sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD