Soya's POV
Nandito kami ngayon sa istasyon ng tren kung saan ang padalawang beses naming nagkita. Matyagang nakatayo habang hawak hawak niya ang kanyang nagdurugong kamay na pansamantalang binalotan niya ng kanyang panyo. Hindi ko alam kung bakit ang malas kapag nag tatagpo kami ng aking crush. Palaging may kaganapan na hindi kaaya aya or embarrassing moments. Na gi-guilty akong masaya ako sa kabila ng nangyaring eskandalo at sakit na naramdaman nya na dahilan ay ako.
Dumating na ang tren na aming sinakyan at nag mamadali kaming pumasok dahil sa dami ng tao ngunit wala padin kaming naupoan at walang choice kundi tumayo. Bigla namang umandar na ang tren ngunit wala pa akong nakakapitan. Muntik na akong magtihaya sa tren ngunit may bahagyang hila mula sa mga bisig na sumakop sa aking bewang na dahilan naman ng pag dikit ng aming mga katawan. Kinilig ako ng bahagya at sana ay hindi niya mahalata ang aking pamumula.
" Hey, may atraso ka pa sakin, nadagdagan nanaman utang mo sakin." , bulong niya.
Hindi agad sa akin nag sink in ang mga sinabi niya dahil dama ko ang hininga niya sa aking tenga na nag dulot ng pag hina ng aking mga tuhod at para bang may mga paro parong naglalaro sa aking sikmura. Ang tinig niya, ang init ng hininga niya, at ang thought na siya ang aking pinantasya. Kung palagi siyang didikit ng ganito ay tuluyan na ang aking pagka hulog sa kanya.
Nahimasmasan ako at napa atras. "Oo na, sorry okay, andami dami ko na ngang utang sayo na atraso. Hindi mo talaga nakalimutan yung nagkabangga tayo don sa istasyon ng tren no?". Pag uusisa ko habang abot tenga ang ngiti.
"Oo, syempre kakasura ka kaya. Bakit parang ansaya mo pa sa ginawa mo ah?"aniya.
Napatango nalang ako habang naka ngiti. Kinilig nanaman ako sa thought na inisip nya ako, naaalala at hindi nakalimutan. In a negative way man pero atleast tumakbo din pala ako sa isip nya.
Nang makarating naman sa bahay ay nadatnan ko ang aking ina na nag luluto ng hapunan. " Ma, dito na po ako." Pag bati ko sa kanya.
"Hapon na ah, san ka nanaman galing bata ka." Usisa niya.
"E pinuntahan ko lang po sana si Scia kaso..." Naputol ang salita ko nang bigla niyang sinambit ang mga nakakapanindig balahibong salita,
"Kayo ah, kailan ba kayo aamin samin. Matagal na siguro kayo, ang tagal ko nang napapansin ah." Mataman niya akong tinitigan habang nag iintay ng sagot ko.
"Mama naman! Kadiri. Para na kaming mag kapatid nun no. Anyway may kasama ko." Pagpapa alam ko sa kanya.
"Si Scia nanaman yan, sus nag paalam ka pa e para nalang naman syang kabute sa bahay na to. Bigla bigla nalang sumusulpot." Wika niya.
"No ma, si Kaye. Crush ko." Nakangiti kong sambit sa aking ina.
"Aba e nasan siya bakit mo naman iniwan sa sala." Tanong niya.
"Ma, e kasi nasugatan ko sya kaya sige na please turo mo na sakin san mo nilagay yung med kit." Pakiusap ko sa kanya.
"Jusme, nakakahiya ka anak! Sige na bilisan mo, andon sa kabinet, padalawang hila. Tsk tsk tsk!".
Dali dali kong tinungo ang kinalalagyan ng mga pang gamot at nang makarating ako sa sala ay nakita kong hawak niya ang frame ng aking litrato nung akoy bata pa.
" Hey" bati ko, na siyang dahilan ng pagka gulat niya.
" Sana all may pic nung bata hahaha." Aniya.
"How are you so sure na ako talaga yung bata?" Tanong ko sa kanya.
"Uhmm e kasi, kuhang kuha pagkapanget mo." Pang aasar niya.
"Hala close na ba tayo para ganyanin moko. Pero okay na din yon kesa tulad nung nakaraan na apaka attitude mo." Tugon ko habang hawak ko ang kanyang nasugatang kamay at dahan dahan kong nilinis.
"Haba pala ng mga daliri mo. " Paglalarawan ko na bahagyang may ngiti.
"Ikaw ah, ano naman naisip mong babae ka. Paghawak mo palang sa kamay ko parang andumi dumi ko na hahaha." Wika niya.
"Grabe ka! Si oa? Hindi no, wala akong inisip na madumi no. Anyways pano mo alam na...?". Tanong ko.
"Halata namang bading ka." Sagot niya.
"Ahh so kompirmd nga na bading ka din kasi alam mo." Wika ko.
"So ibig sabihin jinudge mo na din agad ako nung una na bading din talaga ko? hahahahah."pag uusisa niya.
"Basta alam na natin yung mga ganong bagay. Amoy natin ang isat isa." Sagot ko.
" Ano naman daw amoy ko aber?" Pamimilosopo niya.
" Actually you smell good." Seryoso kong sagot.
Biglang sumingit ang awkward na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nabasag lamang ang katahimikan nang dumating si mama at binati ang bisita.
" Hello, ikaw pala yung Kaye?. Yung kraa-" Sambit niya na bigla kong pinutol dahil kung ano ano na ang lalabas sa bibig ni mama.
" Ah, Ma Ano ba?! Ang, ang sarap ng amoy ng niluto mo. Tara na kain na tayo. Ano pang hinihintay natin." Wika ko.
"Ah, sumabay kana ng hapunan Kaye, pasensya kana na ha sa anak ko. O sya sige na maupo na kayo dito." Pag aya sa kanya ni mama.
" Nako ma'am, okay lang po ako maliit lang naman po talaga to. Malayo sa bituka." Wika ni Kaye habang hinimas ang kanyang tyan nang bigla nalamang tumunog ito dahil sa gutom.
Agad namang tumawa nang malakas ang aking ina. "HAHAHAHA hindi sang ayon yung bituka mo nak, sige na kain na kayo. Mag sisidating na din naman ang Ama ni Soya at kapatid nya." Wika ni mama.
Ipinag hain ko naman ng makakain si Kaye at maya maya pa ay dumating si papa at ang nakababata kong kapatid.