Chapter 4
Soya's POV
"Hay! Amboring naman." Bulong ko sa sarili habang naka titig sa aking laptop.
Wala akong ganang kibuin ito o gumawa ng susunod na mga kabanata sa aking ginagawang istorya. Marahil wala akong motibasyon para gawin ito. Ni hindi ko man lang ulit nasilayan ang taong iyon at ang tagal ko nang curious sa pangalan niya. Kung bibigyan ako ng pagkakataong makita siya ay gagawa ako ng paraan para malaman ko manlang ang pangalan niya.
"Ano kayang pangalan nya?! Yung ganung hilatsa ng mukha siguro apaka bango ng pangalan. Unlike mine, like the heck? Soraieana Alvarez !? Apaka bantot. Feel ko pinulot yon ng lola ko sa arinola nya." Sambit ko habang naka titig ako sa salamin na aktong nasusuka sa mga narinig mula sa sarili.
"Pero atleast hindi ako si Simplicia Cruz! " Panunukso ko sa aking bestfriend kahit na wala ito ay nililibak ko siya o binabackstab atleast hindi sa ibang tao kundi sa sarili ko parin, sa harap ng salamin.
"Speaking of Simplicia! What if sorpresahin ko amferson?" Tanong ko sa aking sarili. Ang puntahan si Scia sa trabaho lamang ang aking naisip na gawin dahil sa sobrang pagka bagot. Kaya naman dali dali akong naligo at nag handa upang puntahan siya sa trabaho.
Nang pagkabukas ng pinto at makailang hakbang lang nang biglang, "Ahh! " Sigaw ko.
Narinig ko naman ang biglang paglagabog ng isang babasaging bagay. Namalayan ko na lamang na nakaupo ako sa sahig habang mayroong isang tao na naka luhod na iniimis ang mga bubog.
" Sorry po! Naku! Anong gagawin ko?!" Hiyaw ko sa aking pagkataranta.
Nanlalaki ang aking mga mata nang makita kong mayroong umaagos na dugo mula sa kamay ng tao na iyon. Marahil bugso ng aking adrenaline ay nagawa ko siyang hilahin palabas ng resto upang dalhin sa malapit na hospital.
"Ahh! sakit, sandali!"Narinig ko ang kanyang daing dahilan ng pagbalik ko sa aking katinuan.
Nahawakan ko pala ang sugat sa kamay niya. At doon ko narealize na ang taong iyon ay ang matagal ko nang inasam na makilala ng lubos. Nang mag tama ang aming mga mata ay tila nawala nanaman ako sa wisyo at napatulala nalamang. Para bang tahimik ang paligid at dibdib ko lamang ang aking naririnig.
Nabasag ang nakakabinging katahimikan nang bigla siyang nag usisa," s- san mo bako dadalhin?".
"Dadalhin kita... sa'king palasyo, dadalhin hanggang langit ay manibago." Tugon ko nang pabulong habang nakatitig ako sa mukha niyang confuse.
"Ano?, bago??". Muli niyang pag uusisa.
"I mean bago ka pa maubusan ng dugo dyan, dadalhin na kita sa ospital." Tugon ko.
"Ospital?? Teka miss ah, malayo to sa bituka." Nakangiti niyang sambit.
"Kung... Mamarapatin mo, a-ako nalang ang mag linis ng sugat mo?" Pang hihikayat ko sa kanya.
" Ah, No thanks baka lalo pang lumala yung sugat ko." Sambit nya sa nang aasar na tono.
" Ay si OA. Sige na please makabawi man lang ako sa paulit ulit kong perwisyo sayo. Palagi nalang tayong nagsasalpukan e." Pagmamaka awa ko.
"Sige na o, kung hindi mo ako payagan na bumawi, hindi nako makakatulog ng maayos dahil kakainin ako ng konsensya ko. Ikaw pa maging dahilan ng aking pagka balisa at kawalan ng gana sa lahat." Dagdag ko.
" Nang guiltrip pa, nang gaslight, at nang manipula pa gusto mo lang akong iuwi e." Pagsusungit niya. "Fine, ano pa ba magagawa ko. Dapat mo lang naman nga talaga pag silbihan moko. May pagkain ba sa inyo?" Wika niya.
"Ayunn!! Finally maiiuwi na din kita." Biglang lumabas sa aking bibig sa sobrang pagla excited na siya namang biglang lingon niya sa akin at titig ng masama.
" Yeah maiiuwi na din kita sa wakas kasi ang tagal na nating nakatayo dito no. Arte kasi e, dami pang sinasabi." Pang aasar ko sa kanya.
Sa aking excitement ay nahila ko siya kaya naman bigla niyang inusisa, " teka nga lang close ba tayo para hila hilahin moko ng ganyan. Sabi na nga ba lalala lang talaga yung sakit ng sugat ko sa ginagawa mo. Ni hindi pa tayo pormal na mag kakilala ganyan kana tumrato.".
Napahinto ako sa mga narinig ko at naalala ko ang una kong goal ay talagang malaman ang pangalan niya.
" Uhm, hi ako si Soraieana Alvarez, Soya nalang ako, i mean Soya nalang itawag mo sakin. Ikaw ba?". Pagpapakilala ko sa kanya.
"Kaye, Keanna Suarez." Aniya.
"Hala ang cute halos magkatugma name natin!". Pagkokompara ko.
"Uhmm okay, naisip mo pa talaga yon?" Pagkamangha niya.
" Ano baaa? Gagamotin mo pa ba ko, andaming commercial e!" Reklamo niya.
Agad akong pumara ng tricycle papunta sa istasyon ng tren para maiuwi ko na si Kaye. Hindi ko ineexpect na ganito ang biyayang ibibigay sa akin ng Panginoon. Hinangad ko na makilala siya kahit sa pangalan ngunit ang ibinigay ay higit pa. maiiuwi ko siya sa aming bahay. Masaya ako kahit na sa ganitong paraan kami magkakakilanlan, naisangkalan ang aking kahihiyan.