Crazy Over you: Chapter 3 : Scia Vs. Book Character

917 Words
Chapter 3 Scia's POV Mga ganap sa unang araw ng pagkikita ng aking bestfriend at ng aking karibal sa kanya. Ako ang pinaka naaasahan ng manager sa kainan na pinag tatrabahohan ko at maaga akong pumapasok dahil masipag ako. Syempre mag bubuhat nako ng bangko. Mahangin man akong tao atleast may isang taong tanggap pa rin ako. My best friend, Soya, my best friend na late nanaman ata. Mayat maya kong sinisilayan ang labas dahil hinihintay ko siya ngunit naagaw ang aking atensyon ng babaeng unang customer namin na ang tagal nang nakatambay sa resto. Habang hinihigop ang kape na inorder ay nakatitig ito sa kanyang laptop. Naka messy bun sya , naka salamin at naka hoodie. Sabay kaming napalingon nang bumukas na ang pinto ng resto. "Good morning frenny!!" Hiyaw ni Soya nang makita ako sa counter. Agad ko naman siyang sinaway dahil sa ingay na ginawa nito. "Shh! Aga aga e." Pag rereklamo ko sa kanya. Agad namang dumeretso si Soya sa counter upang humalili sa akin. " Hindi nga late pero mukang sabog naman, napuyat ka nanaman siguro sa kaka sulat mo." Sita ko sa kanya ngunit parang wala syang naririnig marahil iniiwasan nanaman niya ang mga sermon ko. Napansin ko namang kagyat na tumayo ang customer na pumukaw sa atensyon ko kanina lang. Dagdag na rason para mapansin ko siya ay alam kong may pagkakahawig ito sa deskripsyon ng bidang karakter sa kwento ng bestfriend ko. I wonder if makikita din ng bestfriend ko kung anong napansin ko sa customer na yon, napaisip ako anong magiging reaction ng kaibigan ko kapag nakita sya and as i expected, ang Oa kong kaibigan ay gumawa ng eksena. Hindi naman sa pagiging nega pero mabigat ang loob ko sa taong yon. Misteryoso sya base sa pagkakakilatis ng instinct ko pfft. Basta ayoko lang sigurong malunod ang bestfriend ko sa mga hindi makatotohanang bagay. Sana hindi na sya mabuhay sa mundong gawa gawa nya lamang. Nais kong makita nya anong meron sya sa totoong buhay, sa realidad. Kahit naman hindi ako yung katulad ng pantasya nya alam ko sa sarili ko kung pano ko sya pinahalagahan. Hindi ko din alam kung bakit ko kinukumpara ang sarili ko sa karakter na hindi naman totoo. Ano ba naman to?! Ang weird na yung karibal ko sa bestfriend ko ay nabubuhay lamang sa libro. Dumadalas yung pag bisita ng customer na yon sa aming resto, halos dalawang linggo na rin mula yung unang araw na nagka engkwentro ang dalawa at ayokong madagdagan pa iyon. Kaya't pinalipat ko ang kaibigan ko ng gawain nya sa kitchen. Palagi din naman niyang tinatanong kung dumadating ang kakaibang customer na yon. "Psst! Frenny! Andyan ba sya?" Tanong niya. "Kakaalis lang." Tugon ko. Nakangusong tumalikod sa akin si Soya dahil na disappoint sya na palagi nalang siyang nahuhuli kapag dumadating sya. Nag sinungaling ako, ang totoo ay ilang oras din ang itinatagal ng customer na iyon.Masaya ako na maging mailap ang kanilang pag tatagpo, selfish na kung selfish pero hindi pa man ako umaamin kay Soya ay mahirap kung magkakaroon ako agad ng kaagaw sa kanya. Isang araw ay umorder nanaman ang enemy ko, " lasagna and- ". Hindi ko na pinatapos ng sasabihin ang customer na iyon, " unavailable." Tugon ko. Nag sinungaling nanaman ako. Nasa mood ako ngayon ng pag seselos bagamat wala akong karapatan, this is the least i can do to feel satisfied. I felt bad for lying kaya naman tinry kong pagserbisyohan padin siya. " But uhm we have macaroni salad tsaka i think you'd love to try our cucumber juice ". Macaroni salad at cucumber na alam kong ayaw na ayaw kainin ni Soya kaya siyang inioffer ko sa customer. " No, im good, Carbonara nalang tsaka softdrink.", pag tanggi niya sa alok ko. " O-okay po ma'am, heres your number", pag tanggap ko sa kanyang order bagamat hindi umayon sa aking plano. Ayos lang naman at magaan gaan ang loob kong day off si Soya kaya naman malabong magkatagpo ang dalawa. Habang ako naman ay busy sa counter ay may narinig akong kaguluhan sa may pinto ng resto. Nakita ko na lamang ang tapon ng softdrink at basag na baso sa sahig. Ang aking karibal na naka luhod tangan ang kanyang kamay na nag durugo. At narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Si Soya, na humihingi ng pasensya. " Sorry po! Naku! Anong gagawin ko?!" Aniya. "Soya?!" Pag tawag ko sa kanya na hindi na niya manlang napakinggan dahil sa panic. Hinatak niya palabas ng resto ang customer na iyon. Wala akong nagawa kundi ipag patuloy ang trabaho at linisin ang naging kalat na idinulot ng dalawa. Kahit anong gawin ko siguro, kung itinadhanang magkatagpo ang dalawa ay wala akong magagawa, since i have realized that, nanlamig at bumigat ang dibdib ko. Hahayaan ko na nga lang ba ang tadhana o ako ang gagawa. Kailangan ko na nga bang kumilos o mag sawalang bahala na lamang. Hindi ko pa alam anong halaga ko sa aking kaibigan, marahil hanggang kaibigan nga lamang. Kahit kailan ay hindi ako magiging katulad ng kanyang pinapantasya. Hindi ako magiging katulad ng taong iyon na ngayon ay kanyang kasama. Hindi ako makafocus sa aking ginagawa kaya naman minabuti kong mag paalam muna sa trabaho. Nakatulala ako sa aking cellphone, iniisip kung ipapa alam ko ba sa kanya, ngunit baka mag taka sya at mag alala. Alam niyang hindi ko gawain ang lumiban sa trabaho. "Ahhhh!! Nakakabaliw, Soya anong gagawin ko?" Sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD