Chapter 2
Soya's POV
Bago ang espesyal na araw na una kong masilayan ang aking pantasya, hating gabi nanaman at hindi nanaman ako makatulog dahil sa mga gumugulo sa aking isipan. Hindi ko kayang palampasin ang mga paksa na maaari kong idagdag sa aking sinusulat na libro na akin namang iniaupload sa isang online website. Naging mistulang diary ko ang aking mga akda dahil doon ko nailalabas ang tungkol sa akin sa pamamagitan ng pag lalarawan nito gamit ang mga karakter sa aking ginawang kwento. Maging ang mga iniimagine kong mangyari o mga "sana" ko ay dito ko din inilalahad. Tulad nalamang ng aking pantasya, parang imposibleng makatagpo ako ng katulad niyang mistulang isang hardin, sa pagka green flag, pero may spicy side din. Hindi ko maisip na posibleng makakita ang dalawa kong mga mata ng Isang babaeng tugma sa aking pantasya.
Nakatungo ako nang sambitin ko ang mga salitang paulit ulit na linyahan ko sa araw araw kong duty.
"Good morning po ma'am, anong order po nila?" Sa aking pag tunghay ay nasilayan ko ang taong iyon. Pakiramdam ko ay nananaginip ako sa mga oras na iyon. Kagyat kong sinampal ang sarili.
"Aray! Sh*t". Natauhan ako sa sakit sa malakas kong pagkaka sampal sa aking mukha.
"Are you okay??" Tanong ng customer.
"Lamok." Ang tangi kong nasabi dahil sa kaba. "Pasensya na hahaha".
" I said, okay ka lang ba?" Pag uusisa niya.
"Oo naman ako pa hahahah" tugon ko.
"Namumula kasi yung buong mukha mo, uhm anyways, Lasagna", aniya.
"Ha? Pano mo nalamang fave ko yun " bigla kong nasabi nang marinig ang sinabi niya.
Mataman niya akong tinitigan na tila confused sa mga pinag sasasabi ko. "Ay sorry! Yeah, lasagna, anong drinks po pala? ".
" Soft drink nalang tsaka pasuyo na din ng tubig. Salamat" Aniya.
" Lasagna... Soft drink and water, ano pong number nyo? Este eto po yung number nyo." Nakangisi kong iniabot ang number ng table nya.
Nawalang pansamantala ang aking wisyo nang mga oras na iyon nang siyay aking makita, marahil tumutugma sa kanya ang aking pantasya. Mula sa kanyang appearance ay tunay na siya ang bida sa aking kwentong sinusulat. Mayroong pag asa sa aking isipan na nais siyang makilala ng husto at umaasang tumugma din siya pag dating sa karakter, pag uugali o attitude ng bida sa aking akda.
Kinahapunan ng araw na iyon sa aking pag mumuni muni,"Makikita ko kaya ulit sya?" Tanong ko sa aking sarili habang naka higang nakatunganga sa kisame, char wala pala kaming kisame kundi bubong lang. Kahit na takot sa butiki ay hindi ko na alintana at di ko na naisip na posibleng pumatak o malaglag ito sa aking mukha, dahil sa lalim ng aking iniisip.
"Hayyy, anong ka bonakan naman yung eksena ko kanina! Gashoong!" Ang mga kahiya hiyang pangyayari ay nanariwa sa aking isipan at ngayon lamang nag sink in sa akin ang lahat.
" No way, if magkakaron man ng chance na makita ko sya kailangan very demure na'ko, kailangan kong bumawi." Umasa akong hindi ito ang una at huli kong makikita at makakausap ang aking pantasya, ang aking crush.
Makalipas ang isang araw matapos ng aming engkwentro sa may istasyon ng tren, which is ang pangalawang beses kong nakita ang aking crush na iyon ay saka ko naman naalala ang kahihiyan nanaman na nangyari.
"Hayst! Badshot na talaga ko sa crush ko! Nakakahiya na nga kumilos ampanget ko pa hays!"
Agad kong kinuha ang make up kit sa baul na bigay sa akin ng aking lola. Matagal na panahon na ito sa cabinet namin dahil ito ay regalo sa akin ng aking lola nang ako ay sumubok mag entertain ng lalaki, which is si luke. Hindi ko ito nagamit dahil, ewan, siguro diko feel. Hindi naman kasi ako maalam sa mga ganitong bagay. Sa harap ng salamin ay nag simula akong mag eksperimento sa aking mata ngunit biglang may tao sa aking likuran, dahilan ng aking pagka gulat.
"Aray!" Daing ko nang masundot ng parang lapis ang aking mata. Agad na humagpak ng tawa ang aking best friend na si Scia.
"HAHAHHAH! Anong meron? May lagnat ka ba?" Hinila niya ako at sabay hinawakan ang aking mukha , ang aking noo at dinama niya maging ang leeg ko.
" Ano ba?! Ang kapal na nga ng mukha, perwisyo pa! " Naiinis ngunit pabiro kong sabi sa kanya. Hindi padin maayos ang lagay ng aking mata na aking kinukusot kaya naman hinawakan niya ang aking mukha at hinipan ang aking mata.
"Ano, nakunsensya ka ding dimunyo ka!" Dagdag ko.
"Sorry na! May good news kasi ako, gusto lang kita i surprise at icongrats ." Aniya.
Nang marinig kong may magandang balita ay agad kong hinila si Scia at iniupo sa aking kama este katre.
" Ah ganon ba? Teka maupo ka muna, mangangalay ka dyan kakatayo e. Inumin? Anong gusto mo? Softdrink, intayin moko uutang muna ko sa tindahan ni aling-" pinutol niya ang aking sasabihin nang tumayo siya at sabihing,
"buntis ako Soya, and congrats kasi Ninang ka na!".
Tinulak ko siya nang bahagya at yamot na yamot kong sambit ay " Gag* ka ba? Ni wala ka ngang jowa, bayut ka pa!"
Sasakalin ko na sana siya nang biglang sinabi niyang, "Soya sandali! Full time kana daw! Congrats promoted kana! "
Natigilan naman ako sa sinabi niya at maya maya ay nag tatalon sa saya kasama ang bestfriend ko.
"O ayan ah, time management sana Soya! Part timer kana nga lang dati nalelate ka pa, bawas bawasan mo na yang bisyo mo ah." Aniya.
"Grabe ka naman sa bisyo!, libangan lang no." Tugon ko.
"Libangan, e halos hindi ka makatulog kakasulat ng story mo." Pinutol ko na ang usapan namin dahil puro sermon lang ang maririnig ko sa babaeng to na feeling nanay ko.
Sa sobrang saya ko e hinatak ko si Scia palabas ng bahay para kumain kami ng street foods sa kanto. At syempre dahil ako ang bagong promote, ako nanaman ang taya.