13

1607 Words

Ikaw lang   Bumungisngis ako habang nagtatago sa malaking puno. Kakatapos lang ng klase at medyo nagkahiwalay kaming dalawa. Nilingon ko siya sa gilid at nakita itong panay linga parin. Kanina niya pa tinitingnan ang hawak na cellphone at nagkakasalubong ang kilay dahil sa hindi ko pagrereply. Gumala ang kanyang mga mata kaya mabilis akong tumayo ng tuwid at halos idikit ang sarili sa malaking puno. Kagat ko ang pang-ibabang labi at pinipigilang matawa. Nilingon ko siyang muli sa likuran ko nang hindi ko na ito makita. Napanguso ako at iginala narin ang tingin sa paligid. Hindi ko na ito matagpuan pa kaya lumabas na ako ng buo sa puno at mas iginala ang tingin. Ang bilis niya naman atang sumukong maghanap sakin? Nakasimangot kong dinungaw ang aking cellphone. Wala na siyang text doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD