Weak After that sweet candlelight dinner, we end up on my room cuddling with each other while watching a movie. It's almost 11:00 pm. "Bakit kaya may mga lalakeng nagagawang magcheat 'no? Hindi ba talaga nila minahal yung isa, o hindi sila nakontento kaya naghahanap sila ng iba?" Komento ko sa pinapanood namin. Humahagulhol na yung babae dahil nalaman niyang may relasyon ang bestfriend at boyfriend niya while she was busy with her work. It's a cliche story pero nangyayari rin naman talaga iyan sa totoong buhay. "Hmm... siguro natukso." sagot niya naman. Nakahiga ako sa braso niya habang pinaglalaruan niya ang buhok ko. Marahan niya iyong pinapasadahan ng haplos gamit ang mga daliri niya. My brows furrowed. "Kung loyal siya sa babae, hindi siya matutukso." "Lalake lang siya." Mabili

