Till death "She's going to be fine, Rence." Tinapik ni Alex ang aking balikat. Alam ko namang magiging okay lang siya. She's a strong woman. Simula pa noon. "Alam mong mahina ang puso ng asawa mo hinayaan mo pang mabuntis." Si Rico, walang preno na naman ang bibig. "Every baby is a blessing, Rico. Nakadalawa nga kayo." Ngumisi si Dwight sa kapatid naming masyadong seryoso. Kahit papaano ay nabibigyan ako ng pag-asa. Ayoko namang sabihin ito sa anak ko na mahina ang puso ng kanyang ina. Ayokong mamuhay siya sa takot. Masayahin ang batang iyon. "Hindi ako nagsisisi na nabuntis ko ulit si Shayne. Nabiyayaan kami ng isang sanggol sa kabila ng kalagayan niya. Bumubuo kami ng pamilya namin. Sinisikap niyang lumaban araw araw kaya yun rin ang gagawin ko." sagot ko na ikinatahimik nila.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


