Creizler's Untold Part Maraming nangangarap na sana may kambal rin sila. Ano iyong pakiramdam na may kamukhang kamukha ka. Iyong para kalang nananalamin. How does it feel having a perfect twin brother, Creizler? Iyon palagi ang tanong sa akin. Kung sila ay natutuwa, ako hindi. Araw araw ay palagi akong nakukumpara sa kambal ko. Chester is a perfect son. Mataas palagi ang marka noong elementaray palang kami. Siya palagi ang nangunguna sa klase habang ako naman ang kabaliktaran. Palagi akong natutulog, walang ganang mag-aral dahil sa tuwing nakakakuha ako ng marka at hindi napapantayan ang kapatid ko ay nakukumpara na naman kami. Magkamukha lamang pero lamang daw ito. Paulit-ulit iyon na nakakarindi ring pakinggan. Kahit sa bahay, ganoon rin. "What are you doing with your life, Creizl

