Maybe "Ba't mo ako dinala rito? Minor ba talaga ang tingin mo sakin?" Pinaningkitan ko ng mata si Exe nang tumambad sa akin ang playground sa isang park. "Malapit na kaya akong mag 18!" nakanguso kong sigaw. Nagkibit lamang siya ng balikat. Nakapameywang at gwapong gwapo sa suot niyang white tshirt, faded jeans at sapatos sa ibaba. His well fixed hair is bragging his forehead. Nakakasilaw ang kagwapuhan niya na gusto mo nalang titigan ito ng matagal. "Just to cheer you up. Ice-cream?" tanong niya na ikinanguso ko at napangiti rin kalaunan. Oo na. Madali akong nabobola sa ice-cream at sa mga bata na nandito. Bumili siya ng ice-cream sa akin habang ako naman ay nakikipaglaro sa mga bata. Tawang tawa ako lalo na't pinapaligiran ako nilang lahat habang bumubuo sila ng bilog at

