Babae sa babae Suot ang regalo niyang dress sa akin, nakangiti kong pinasadahan ang sarili ko sa salamin. I woke up early just for this special day. Hindi ko kasi siya binati kagabi. Nagpanggap akong walang alam sa magiging okasyon ngayon. Kaya siguro umuwi ng disoras ng gabi nang magising ko. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil ayokong bumuo ng haka haka sa aking isipan na ikakaparanoid ko lang. Kahit ano ano na ang naiimagine ko. God! Nababaliw narin talaga ako sa lalakeng iyon! Dala ang isang cake at ang panggising ko sa kanyang party popper, suot ko pa ang isang birthday hat bilang props ko at ang tatlong ballons na kulay asul at may isang puti. Ang paborito naming kulay. Ang malawak na karagatan at ang kalangitan. Alam ko ang passcode ng condo niya kaya inenter ko nalang iyon. K

