Chapter 22: Rain

1472 Words

KATULAD NG MGA nauna nilang dinaanan ay muli silang bumwelo upang umakyat sa mga bato. Buti na lamang ay may mga palapag ito upang pansamantala silang makapagpahinga. Ang mga patak ng ulan ang ginagamit nilang inumin upang mapunan ang kanilang uhaw sa walang patid na pag-akyat. Kailangan lang nila ng matinding pag-iingat dahil may mga parte ng batuhan na nilulumot na. Hangga’t maaari, gusto ni Blaze na siya ang nauuna sa pag-akyat dahil hindi sanay sa mga ganitong gawain si Diezel. Mga bata pa lamang sila nila Sage, ito na ang pangkaraniwan nilang ginagawa habang si Diezel ay kailan lamang nailantad sa ganitong gawain at iyon ang mga panahon na nasa isla sila kasama ng ibang mga grupo. May mga pagkakataon pang ginagawa nilang tuntungan ang isa't isa upang makaakyat sa matataas na parte.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD