PROLOGO
There was a secret island that lay in another city. It was called the city of Reiffton. People can’t come into this place without permission from the inside because of tight security. It was developed for the powerful and important people of the country. The Reiffton City was divided into four different sectarians wherein the classification of living can be known — the Northon, Eastron, Wardron, and Seldron.
The Northon is sometimes called an Alpha [Α] sector because of being dominant at all places of the city. It is the front face of the city. All legal transactions happened in this place because they wanted to cover up the dirt of the city. They have a well-known prestigious way of living. They control Reiffton City using their power and money. They also have devoted soldiers that will do everything for this place and leader.
When they were specifying the intelligent one, they were referring to Eastron. The Eastside is full of scholars that's why they are into education and treat it as the center of everything. It is the core of the city. Without this place, the whole city will not function well. It was also called Beta [Β] for being second in the hierarchy of the city.
Wardron is the west side part. They are famous all over Reiffton City for being notorious. Their expertise is hand-to-hand combat, gun, sword, and anything related to warfare. They can bring down the Northon if they want to, but because of the money, they didn’t meddle with any issue. Wardron is also called the Gamma [Γ] sector.
Seldron can be found in the southern part of Reiffton City. They are lacking in everything. They are too poor to have anything. This place is too mysterious, dark, and abandoned. Northon wants to overthrow it because it is the place of the famous late leader. They call it an Omega [Ω] sector for being the last Greek letter of the alphabet.
◌⑅-⑅◌
PUTING SILID, MAINGAY na paligid, mga umiinda sa sakit sa pamamagitan ng pagsigaw, samut-saring boses, at kung anu-ano pang kumusyon; iyon ang mga naririnig ni Blaze. Umiikot ang kanyang paligid kaya naman hindi siya kaagad tumayo mula sa kinahihigaan. Ipinikit niyang muli ang mga mata habang pinapakalma ang sarili. Ngunit nang ipikit niya ang mga mata, ang mukha ng dalaga kaagad ang rumehistro sa kanya.
Ganoon na lamang ang pagbalikwas niya ng tayo habang sapo ang sentido.
Iniikot niya ang tingin sa paligid habang sapo pa rin ang ulo. Napakaraming sugatan. Katulad nila, ang mga ito ay biktima rin ng huling labanan na nangyari sa pribadong isla. Ang iba sa mga ito ay nasa malalang kalagayan kaya naman may mga aparatong nakakabit sa katawan. Ang iba namang biktima ay hindi magkandaugagang gamutin ng mga doktor at nurse. Hindi na alam ng mga ito kung sino ang uunahin dahil sa pagrereklamo ng iba.
“Si Goldee…” wala sa sariling wika niya. Nasa ilalim pa siya ng gamot na itinurok sa kanya kaya naman ganito ang inaasta ng binata.
Tumayo siya sa kinahihigaan matapos na hilahin ang swerong nakakabit sa kanyang kamay. Tila matutumba pa siya nang makatayo ngunit hindi niya iyon inalintana. Kailangan niyang makita si Goldee. Matatahimik lamang siya kapag nalaman niyang ligtas ang dalaga.
Marahas niyang pinagbubuksan ang mga nakatabing na kurtina dala ng pagmamadali sa paghahanap sa dalaga. Dahil doon ay nakuha niya ang atensyon ng iba. Nagtaka ang mga ito sa ginagawa niya ngunit walang naglakas-loob na magsalita o magtanong. Halatang iniiwasan siya ng mga ito.
Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ni Goldee habang hinahanap ito. Nalibot na ng mga mata niya ang buong parte ng loob ng silid ngunit bigo siyang makita ang dalaga.
Nakasuporta ang kamay niya sa pader nang lumabas sa silid. Nanghihina pa rin ang tuhod niya. Hindi na iyon nakakapagtaka. Ilang araw silang nasa labanan sa isla. Nabugbog ang katawan nila at ito ang resulta.
Nadaanan niya pa ang isang salamin sa pasilyo. Pinagmasdan niya ang sarili. Sapat na ang nakikita ng kanyang mga matang galos, gauze pad at mga sugat upang hindi magtaka sa sakit ng katawan na nararamdaman niya ngayon.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa railings upang hindi tuluyang matumba. Nararamdaman niya pa rin ang pag-ikot ng paningin kaya naman ipinilig niyang muli ang kanyang ulo. Malakas ang naging paghawi ng binata sa sumunod na pinto na naging dahilan upang makuha niya ang atensyon ng mga naroon.
Wala roon ang kanyang mga kaibigan ngunit namumukhaan niya ang ibang nasa silid. Galing din ang mga ito sa isla. Nakalaban pa nila ang karamihan. Walang sabi-sabi na umalis siya roon upang ipagpatuloy ang paghahanap nang nagmamadali.
“Blaze!” tawag sa kanya ni Diezel. Ang kaibigan na naging malapit sa kanya sa isla. “Saan ka pupunta? Hindi ka pa pwedeng maglakad. Bubuka ang sugat mo!”
Napahinto nang panandalian si Blaze. Saka niya na naalala ang sugat niya sa tiyan. Bunga iyon ng pagsalag niya sa isang patalim na patungo sa kanyang kaibigan.
“S-si Goldee?” tanong niya rito matapos na humarap sa kaibigan.
“Blaze, kailangan mo ng bumalik sa kwarto—”
“Si Goldee, Diezel?” ulit niyang muli.
“Bumalik ka muna sa kwarto mo—”
“Nandito siya ‘di ba? Sumabay lang siya sa ibang helicopter,” pangungumbinsi niya sa kaibigan.
Naging masama ang kutob niya dahil sa hilatsa ng mukha ni Diezel.
“Sabihin mo, ayos lang siya ‘di ba, Diezel?” dahan-dahan siyang lumapit dito. “Sabihin mo!” marahas niyang kinwelyuhan ang kaibigan. Pilit niya itong pinagsasalita.
“W-wala si Goldee… hindi namin siya makita sa mga naunang batch—”
Hindi na naman natapos ni Diezel ang sasabihin nang marahas niya itong bitawan. Ang pader na nasa kanyang tagiliran ang napagbuntungan ni Blaze ng galit. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya roon.
“Nasaan si Gable?” tanong niyang muli kay Diezel.
“Ninenerbyos naman ako sa ‘yo. Ano na namang binabalak mo?” hindi mapakaling tanong ni Diezel.
“Nasaan siya?”
“Diezel, sabi ng bantayan mo si Blaze!”
Naging matalim ang paraan ng pagtingin ni Blaze sa isa pang kaibigan matapos na lingunin ito. Mabilis ang naging paglalakad niya papalapit dito. Nang makalapit, marahas ang naging paglipad ng kanyang kamao sa mukha ni Gable.
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Pinunasan nito ang dugo sa labi nang nagtataka. Nagtangka itong magpaliwanag ngunit kalaunan ay pinigilan din ang sarili.
Naging mabilis ang pagtalikod niya nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Alam niya na ang nangyari sa dalaga. Sapat na ang reaksyon ng mga ito kahit hindi man sinasabi sa kanya ang totoo.
Wala na ang dalaga…
Hindi ito kasama sa mga umalis ng isla. Hindi ito nakaligtas sa pagsabog…
Kasabay ng pag-agos ng luha sa kanyang pisngi ang panghihina ng mga tuhod niya. Bumagsak siya sa sahig nang lumuluha. Marami siyang pagkakasala sa dalaga. Hindi pa siya nakakabawi rito. Hindi man lamang niya naipakita ang totoong nararamdaman dito. Ngayon, puno siya ng pagsisisi…