Chapter 1: Fake Love

2771 Words
UMALINGAWNGAW ANG SIGAW at putok ng baril na maririnig sa loob ng buong mall. Wala pa ring tigil sa pang-aamok ang isang lalaki habang nakatutok sa sentido ng asawa nito ang isang 1911 best 45 caliber pistol. Nanlalaki ang mata nito sa galit habang paulit-ulit na iniikot ang tingin sa paligid upang hanapin ang naging kabit ng asawa. "Mas makati ka pa sa higad na haliparot ka!" nanggigigil sa galit na hinila nito ang buhok ng babae. Makikita ang takot sa mga mata ng babae habang nagmamakaawang hiwalayan na ng asawa. "Bakit hindi lumabas ngayon lumabas iyang kabit mo? Nababahag na nga ang buntot niya!" halos pumutok na ang ugat nito sa leeg dahil sa kasisigaw habang mahigpit na hawak pa rin ang buhok ng kasintahan sa kaliwa at baril naman sa kanan. Nadagdagan pa ang galit ng lalaki noong sinubukan ng isang security guard na hulihin ang nang-aamok na lalaki. Napailing si Blaze. Bakit naman kase tusok-tusok lang ng stick ang pag-inspeksyon sa mga pumapasok ng mall ng guwardya? Malaking problema tuloy ngayon ang nangyayari. Hindi man lamang din nito naisipang kalkalan ang suspek. Alam ng hindi gumana kanina ang metal detector ng mall matapos na magkaroon ng panandaliang power interruption. “Wala ba silang back up? Nakakapagtaka,” napailing nang bahagya si Blaze. "Tang!na! Hindi ako magkakamaling pasabugin ang bungo ng babaeng kiri na ito kapag hindi ka pa lumabas na walang hiya ka!" pasaring nitong muli sa kabit ng asawa na hindi naman lumalabas kahit anong gawing sigaw nito. Sapol ang kawawang tuhod ng sekyu at humihiyaw ngayon sa sakit dahil sa tumamang bala matapos na tangkaing muling lumapit sa kaguluhan. Umalingawngaw na naman ang putok ng baril sa paligid nang mapikon ang lalaki. Lalong nadagdagan ang takot ng mga naroon. Hindi na magkumahog sa pagyuko ang mga ito. Ang iba ay nanginginig na sa takot at walang magawa kung hindi ang umiyak sa isang sulok. "Bibilang lang ako ng tatlo. Lumabas ka ng hayop ka kung mahal mo ang babaeng kiri na ito! Isa—" hindi na nito naituloy pa ang pagbibilang nang mahawi ang gitnang bahagi ng mga tao. Hindi niya na kayang manood pa. Kailangan niya ng makialam. "You talk like a useless nonsense airhead idiot. If you want to kill her, just pull the trigger. No need too much talking. We all die anyway, why make it slower?” seryosong tanong ng binata. Muli niyang ibinalik sa bibig ang lollipop, at dumikwatro sa upuang nakita matapos makaupo. Ang mga nasa unang palapag ay nanginginig na sa takot matapos makitang wala ng buhay ang dalawang sekyu na pinagbabaril kanina ng lalaki. Nasa loob sila kanina ng isang bake shop nang marinig ang magkakasunod na putok ng baril at tilian. Dahil natural na ususero ang kaibigan niyang si Diezel, hindi nito napigilang puntahan ang kaguluhang iyon. Dali-daling lumabas ng mall ang mga nasa unang palapag nang umakyat sa escalator ang lalaki upang habulin ang asawa kanina. Dito nito nahaltak ang buhok ng babae at hindi na pinakawalan upang gawing hostage. "At sino ka namang lalaki ka?" Lumingon siya sa likuran kung saan naroon ang kaibigan. "Is he talking to me, Diezel?" "Are you talking to me, Blaze?" balik tanong naman ng kaibigan niya sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin. Dahil wala namang pakialam, nagkibit-balikat lamang si Blaze. Ikinagalit naman iyon ng lalaking may hawak na baril at nagsisigaw habang nagpapaputok muli. Ngunit nang yakapin ng babae ang tuhod ng lalaki, at magmakaawa ay bahagyang kumalma. "Parang-awa mo na. Pakawalan mo na ako—sakal na sakal na ako sa iyo!" Humahagulgol na pakiusap habang bakas sa mukha nito ang samut-saring emosyon. "Hindi na ako masaya sa relasyong ito! Araw-araw takot na lang ang nararamdaman ko nang magsama tayo. Hindi ganitong buhay ang ipinangako mo…" "Yata? Ikaw lang naman ang umaagaw sa eksena niya, Blaze," sagot ng kaibigan niya habang kumakain pa ng popcorn at nakikinig sa mag-asawa. Pakiramdam siguro nito ay nasa isang shooting ng pelikula at nakikinood ng live. "Malaki ka na, par. Ikaw na bahala riyan sa dalawa." Napailing na lamang si Blaze. Binigyan na naman siya ng sakit sa ulo ni Diezel. Ito na nga lang break na mayroon siya dahil sa tuloy-tuloy na pagtatrabaho sa loob ng ilang taon, mapupurnada pa. Simpleng tanawin na lang ito para sa kanila kung ikukumpara sa dating magulong buhay na iniwan nila. Sa tinagal-tagal nila sa isla ay hindi ganitong bagay ang dapat nilang katakutan. "Set you free... do you hear yourself? I sacrifice my life just to give you anything! Just support you in everything.” Umiiyak na wika ng lalaki habang pinupunasan ang luha ng kamay na may hawak na baril. "Maniwala ka! Sinubukan ko. Pero, hindi iyon sapat! Giving your everything to someone cannot define how much you love that person. If you cannot love yourself at the first place, that will be worthless," sagot ng babae sa asawa habang wala pa ring tigil sa paghagulgol. “Paano ka magbibigay sa iba kung hindi ka buo?” Makikita ang matinding gulat sa lalaki nang sabihin iyon ng asawa. Kalaunan ay gumuhit ang matinding galit dito. "Hindi pa ba pwedeng i-cut na ni direk?" kakamot-kamot sa baba na wika ng kaibigan niya. “Sakit sa heart ng batuhan ng linya. Pangteleserye.” Hindi na pinansin ni Blaze si Diezel at itinuon ang atensyon sa hostage taker, "just put down the gun, and let's talk about this," walang kaabog-abog na wika niya. "Hindi ako hangal!" sarkastikong pahayag ng hostage taker. Hindi niya alam kung anong pinagdadaanan nito. Mukhang galing sa may kayang pamilya ang mag-asawa kaya nagtataka siya kung bakit umabot sa ganitong senaryo ang dalawa. "Sundin mo na lang siya lalaki. Huwag kang gumawa ng sarili mong hukay, kaibigan. Kiligin ka na rin. Alam mo bang hindi pala-salita iyang si Blaze? Share ko lang,” saad naman ni Diezel at muling sumubo ng popcorn. "Pare, galingan mo naman sa sagutan para ganahan akong manood. Wala ng thrill! Paano dadami ang viewers natin niyan kung si ate lang ang may hugot?" Walang ganang itinapon ni Blaze ang lollipop na nakapasak sa bibig. Naglakad ito sa gitna patungo sa lalaki habang nasa magkabilaang bulsa ang mga kamay. "Littering iyan, Par! Bawal ‘yan." Umiiling na pahayag ni Diezel. "Huwag ka sabing lalapit!" muling banta ng hostage taker at tila nalilito sa gagawin. Hindi nito alam kung itututok sa asawa ang baril o sa kaibigan niya. "Bitawan mo na ako!" galit na sigaw ng babae sa asawa nito bago kagatin ang kamay na may hawak ng buhok nito. Sa gulat ng lalaki at nabitawan nito ang asawa. Nang makabawi ay dali-daling hinabol ang babae at iniuntog sa railings na naging dahilan para tumama ang noo nito roon. Dahil sa matinding pagkauntog ay nawalan ng malay ang babae. Nahintatakutan man ang lalaki ay muling nakabawi. Sunod-sunod na pinaputok nito ang ang hawak na baril sa ere na lalong ikinatakot ng mga naroon. Sumisigaw ito na tila isang baliw habang sinasabunutan ang sarili at muling magpapaputok. "Intense! Ganyan dapat ang acting," komentong muli ni Diezel at sunod-sunod na nagsubo ng popcorn. Kulang na lang ay pumalakpak ang taynga nito sa nakikitang eksena. "Wala na. Finish na. Advance akong mag-isip." Napailing na lang si Blaze. Kahit kailan talaga ay hindi marunong magseryoso si Diezel. Minsan, kinekwestyon ni Blaze ang sarili kung bakit siya nagkaroon ng kaibigan na baliw. Wala talaga parati ito sa hulog. Iyon lang ang pagkakataong hinihintay ni Blaze—ang maubos ang bala ng baril ng hostage taker. Hindi siya basta-bastang makakalapit dito dahil sa maraming sibilyang nasa paligid. Hindi rin naman ito magtatangkang saktan ang mga naroon dahil kung iyon ang nasa isipan nito, kanina pa sana nito ginawa. Ang habol lang talaga ng lalaki ay mahuli ang kabit ng asawa nito. Itinutok ng lalaki ang baril kay Blaze. Makikita ang matinding pagkataranta rito, “ipuputok ko ito!” saad ng lalaki nang may pagbabanta. “Go,” walang kaabog-abog na saad ni Blaze. “Tagal naman. Iputok na!” saad naman ni Diezel. “Go na raw oh. Bakit ayaw pa?” Nagpalipat-lipat ang tingin ng hostage taker sa hawak na baril at sa kanila. Sa pagkataranta nito ay kinalabit nga ang gatilyo ng baril ngunit ganoon na lamang ang gulat, at takot nito nang malamang wala na iyong bala. Hindi na nagdalawang-isip pa si Blaze na pilipitin ang kamay ng lalaki at patalikod na lagyan ng posas. Inginudngod niya pa ang lalaki kaya lalo nitong nahalikan ang sahig. Nagtatalon naman sa tuwa si Diezel na parang nanalo sa kung saang palaro. "Kami ang detective na hindi pagagapi sa kasamaan! Taglay namin ang kakaibang kagwapuhan. Sa ngalan ng kapangyarihan ng buwan, kayo ay aming parurusahan!" bigay todong itinaas nito ang popcorn na hawak habang nagpo-pose na parang isang superhero. "Hindi man lang ako pinagpawisan—aray!" Nahinto sa pagsasalita si Diezel nang makatanggap ng isang malakas na pagbatok. Sa lakas niyon ay hmuntikan pa itong mawalan ng balanse mula sa pagkakatayo. Tumilapon pa ang hawak-hawak na popcorn dahil sa gulat nito. "Anak ng tokneneng naman ng nangbabatok! Kala mo hindi masakit. Harapin mo ako! Suntukan na lang tayo. Tignan natin ang tibay ng katawan mo kapag binasag ko iyang mukha—ikaw pala, Ate Pink!" tila nabuhusan ito ng malamig na tubig at umurong ang dila nang makilala kung sino ang nangbatok dito. "Bida-bida ka na naman, Diezel. Hanggang sa ibaba ng mall, dinig ko iyang boses mo! Inagawan mo pa ng eksena iyong hostage taker. Kulang ka ba sa buwan noong ipinanganak ka o nahulog ka sa kuna dahil sa kalikutan mo?" sabay halukipkip ni Pink. Ngumiti lang si Diezel nang pilit at ipinakita ang magagandang ngipin kay Pink. Nag-peace sign pa ito dahil sa takot. "Kamusta naman ang maganda kong ate?" sabay yakap dito. "Nasaan ang magaling mong asawa at pinabayaan ka na naman? Ganyan ba ang ulirang asawa hindi ka sinasamahan? Dapat diyan hinihiwalay na—aray na naman ha! Ano bang problema niyo?" Kaltok naman ang inabot ng kawawang si Diezel sa bayaw nito. Sinaman nito ng tingin ang lalaki ngunit ngumiti ring muli nang makita kung sino iyon. "Kuya Patrick, I miss you so much—" hindi na naman naituloy ng pobreng kaibigan niya ang sasabihin nang lamukusin ni Patrick ang bibig nito. Dumating na ang pinakamaaga sa lahat sa tuwing nagkakaroon ng aksyon—ang mga pulis. Kasunod nito ang isang ambulansya. Nanfg makarating, maagap na inalalayan ang babaeng nawalan ng malay kanina at inilagay sa isang stretcher. Sumunod naman ang mga ito sa kanya palabas ng mall habang hawak-hawak ang balikat ng salarin sa pang-aamok. Nakaposas na ang kamay nito patalikod at hindi makapaniwalang makukulong nang hindi nakikita ang kabit ng asawa. "Hanggang ngayon ay kinekwestyon ko pa rin si daddy kung bakit ka niya inampon. Kung pwede lang siyang gisingin sa hukay, ginawa ko na," naniningkit ang mga mata ni Patrick. Sinuklian lang ng nahihiyang pagngiti ni Diezel iyon, “pangit mag-joke ni Kuya Patrick. Hindi pang-award winning.” "Paano ka tumatagal sa isang ito, Blaze?" Nagkibit-balikat lang si Blaze sa naging tanong ni Patrick na lalong ikinasimangot ni Diezel. "Wala rin siyang choice ‘no! Ako lang din naman ang tumatagal sa ugali niyang garapal na pangkupal kaya kwits lang kami!" mayabang na komento ni Diezel. "Tss..." lalong naningkit ang mata ni Blaze. "Sige maiwan na namin kayo. Bantayan mo ang isang iyan, Blaze. Nakikipag-usap iyan sa refrigerator. Mamaya makita mo naman iyan sa oven section," natatawang wika ni Patrick at pumasok muli sa loob ng mall upang bumili ng mga kakailanganin ng bata. "Lahat na lang sila, sinasabing layuan kita," pang-aasar ni Blaze sa kaibigan. "Gawin ko na ba?" "Susunod ka naman? Parang kaya mo naman akong mawala—yiiiee!" sabay akbay ni Diezel sa kanya na ikinatawa ni Blaze. "Why would I?" Nanlaki ang mga mata ni Diezel nang makitang tumawa siya. "Swimming seahorse flying unicorns, beautiful fairies, humping whales, moving elephants, and twinkling stars you can take me now! I can die peacefully. Come and get me!" hinalikan pa nito ang sahig at muling tumayo saka itinaas ang kamay na tila nagpapasalamat sa itaas. "Alien," mas lalong ikinatawa ni Blaze ang ginagawa ni Diezel. Muli silang pumasok sa loob ng mall upang ituloy ang naantalang pagbili kanina. Makikita ang aftershock sa ibang naroon na nakasaksi sa nangyaring hostage taking. Ang iba ay umiiyak pa sa isang gilid habang ang iba naman sa mga ito ay pinili na lamang na umuwi. May mga pulis pa rin sa paligid at inaalam ang pangyayari. Isa sila sa mga pwedeng interview-hin ngunit hindi ginawa ng mga ito dahil nasa break sila ngayon. Pupunta na lamang sila mamaya sa presinto upang magbigay ng pahayag. Tinanaw pa ni Blaze kung nakarating na sa ikatlong palapag sila Pink. Makikitang hirap na ito sa paglalakad dahil sa papalapit na kabuwanan. Hindi pa man nagtatagal ang tingin ni Blaze roon ay kaagad na dumako ang atensyon niya sa kanang bahagi ng mga salamin ng mall. Dito niya namataan ang isang helicopter na matatanaw ngayon sa labas. Noong una ay wala siya roong pakialam. Ngunit mayamaya’y kumunot ang noo ni Blaze nang unti-unti iyong lumalapit. Ganoon na lamang ang gulat niya nang pagbabarilin ng helicopter ang salamin sa itaas na bahagi bago sapilitang pumasok sa loob ng mall. Sabay silang nagkatinginan ni Diezel at tinakbo ang escalator. Sa dami ng taong natataranta na naman ay nahihirapan silang makasingit sa mga ito. Hindi pa man sila tuluyan nakakaakyat ni Diezel nang may sumulpot namang mga lalaking de-unipormeng itim at sapilitang kinukuha ngayon si Pink. Bago pa subukang gumalaw ni Patrick mula sa kinatatayuan ay isang syringe na ang bumaon sa likuran nito malapit sa batok. Nasa kalahati na sila ng escalator sa ikalawang palapag nang madakip si Pink. Hindi na ito makalaban dahil sa laki ng tyan. Isa pa’y maselan ang pagbubuntis nito kaya alam niyang pinili nitong protektahan ang anak na nasa sinapupunan kaysa lumaban. Mabilis na naisakay ng mga lalaking armado si Pink sa helicopter bago pa sila makarating sa itaas na bahagi. Naparalisa si Patrick kaya naman sinabi niya pa kanina sa mga staff na bantayan ito. Nang umikot papalabas ang helicopter mula sa binasag na salaming bahagi ng mall ay walang pagdadalawang-isip na sumampa si Blaze sa barindelya dekorasyon ng mall. Tinalon ang pagitan ng helicopter na hindi pa bahagyang nakalalayo. Tagumpay na nakahawak si Blaze sa paanan ng helikoptero. Hindi na siya papayag na may mawala pang parte ng pamilya sa kanila. Delikado ang lagay niya nang tapakan ang kamay niya habang tinitimbang ang sarili sa helikoptero. Hindi siya pwedeng bumitaw. Nakasalalay sa kanya ang buhay ni Pink at ng anak nito. Bumalik muli sa ikalawang palapag si Diezel na natanaw niya pa. Hinila nito ang mga palamuting tela ng mall. Napaigik siya sa sakit nang mas diinan pa ng kalaban ang pagkakatapak sa kamay niya. Sinubukan niyang makaakyat ngunit nang makatikim ng suntok sa mukha ay bahagyang nandilim ang paningin niya. Paulit-ulit ang naging pagpilig ni Blaze ng ulo upang labanan iyon. Ramdam niyang malapit na siyang makabitaw sa sakit ng pagkakatapak sa dalawa niyang kamay ngunit kailangan niyang magtiis. Huwag lang magku-krus ang landas nila ng lalaking nakangisi ngayon habang naghihirap siya sa pagkakakapit. Hindi niya alam ang magagawa niya rito. "Blaze, bumitaw ka na!" pangungumbinsi ni Diezel. "Gagawa tayo ng paraan para mabawi si Ate Pink! Sige na. Bitaw na, Blaze!” Wala siyang balak na sundin ang kaibigan. Plano niyang pigilan ang mga kalaban sa abot ng makakaya kaya naman pilit pa rin siyang nanlalaban sa kabila ng paghihirap. Nang magpaputok ang mga naka-unipormeng lalake, nagdadalawang-isip man, walang ibang mapagpipilian si Blaze kung hindi bumitaw. Hindi niya maililigtas si Pink kung nasa hukay na siya. Dalawang beses na sumubok si Diezel sa tulungan siyang matumpay na makababa. Iniipit ni Blaze sa kanyang hita ang telang pilit iniaabot ni Diezel. Ipinulupot niya iyon sa ilalim habang binibigyang suporta ng kanyang paa. Nang makasigurado si Blaze na nakaipit nang mabuti ang tela, walang pagdadalawang-isip siyang bumitaw. Bumwelo siya upang mahawakan iyong mabuti. Makatutulong din iyon upang hindi kaagad siya bumulusok pababa. Dahil sa haba ng tela, nakarating siya kaagad sa unang palapag ng mall sa pinakamabilis na paraan. Dumating na ang araw na ikinababahala niya. Bumalik na ang mga kalaban nila… Ilang segundong natulala si Blaze. Bakit hindi niya nakita ang mga senyales ng pagbabalik ng kanilang mga kalaban? Hindi niya ininda ang kamay na nagdurugo nang maalala ang kapatid na naiwan sa bahay. Kaagad siyang tumakbo sa parking lot para kunin ang sasakyan. Guguho ang mundo niya kung may mangyaring masama rito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD