MAHAHALATA ANG LUNGKOT sa kanilang mga mata habang tinititigan ang sanggol na nakabaliktad. Muli itong pinalo ni Goldee sa pwetan ngunit wala silang narinig na pag-iyak. Binaliktad nitong muli ang bata at sinubukang bigyan ng CPR. Ilang ulit niya niya iyong ginawa. Pilit niyang sinasabi sa sarili na huwag mawawalan ng pag-asa kahit hindi na iyon ang nararamdaman niya. Tinitigan ng dalaga ang mga kasama. Ang iba sa mga ito ay umiiyak na at hindi gumagalaw sa pwestong kinalalagyan. Nanginginig ang mga kamay ni Goldee ng mga sandaling iyon ngunit kailangan niyang pakalmahin ang sarili dahil hawak niya ang baby ni Pink. Pakiramdam ng dalaga na iyon ang pinakamabagal na sandali ng buhay niya. Kahit paghinga ay nakalimutan niya habang naririnig ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. "I wi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


