"OW, OW, ow..." reklamo ni Tazmania habang walang pakundangang binubuhusan ni Oreo ng alcohol ang mga gasgas niya sa braso. Thankfully, he didn't break his arm from the fall earlier. Pero inani naman niya ang galit ni Odie.
Hindi naman nasaktan si Odie sa pagsemplang nila kanina dahil niyakap niya ito bago sila bumagsak sa damuhan, at inunan niya ang sariling braso sa ulo ng dalaga. Pero mukhang hindi iyon sapat para patawarin siya ni Odie dahil pagtayong-pagtayo nila, galit na itinulak at nilagpasan siya nito.
Hinabol ni Tazmania si Odie na nagmartsa pabalik sa Tee House, habang tinatanong kung nasaktan ito. Pero hindi siya sinagot ng dalaga at sa halip ay pinagsarhan siya ng pinto. She locked the door and ignored his pleas.
Hindi naman mapilit na tao si Tazmania kaya binigyan niya muna ng espasyo si Odie habang nagpapalamig ito ng ulo. So he just called a taxi and went to Oreo's place to treat his wounds.
"Alam mo, mas mauuna ka pang mamatay kaysa kay Odie," iiling-iling na sabi ni Oreo, saka binitawan ang braso niya bago muling sinubo ang lollipop nito. "Ikaw ang parating nai-injure kapag nililigtas mo siya, eh."
Tazmania looked at the little scars on his forearm and frowned. Mahapdi iyon, pero hindi naman ganoon kasakit. "This is for the greater good."
"Kailangan mo nang magpalit ng strategy, pare," iiling-iling na sabi ni Oreo. "Kapag namatay ka, wala nang makakapigil sa balak ni Odie."
Tumango-tango si Tazmania, saka ipinakita kay Oreo ang ginagawa niya sa kanyang cell phone habang ginagamot siya kanina. "Naisip ko na rin 'yan, Oreo. Tingnan mo 'to."
"Ini-stalk mo ang f*******: account ni Odie?"
"Sort of. Gusto kong malaman kung sino-sino ang malalapit na kaibigan niya. Balak kong gumawa ng mini-reunion nila. Baka sakaling matauhan 'yang si Odie kapag nakita at nakausap ang mga kaibigan niya."
"That's actually a good idea. Nilayo ni Odie ang sarili niya sa lahat mula nang mamatay si Pluto, and everyone gave her the space she needed. Maybe it's high time she reconnected with her friends. Pati ang stepsister ko, nag-aalala na sa kanya."
Sinulyapan niya si Oreo. "Kaibigan ng stepsister mo si Odie?" Kilala niya ang kapatid ni Oreo—si Kisa Concepcion. Artist kasi ng Devlin Films si Kisa na isang artista.
"Yes," sagot ni Oreo. "Pero kahit si Kisa, walang alam sa nangyayari kay Odie ngayon."
"Oh. May iba ka pa bang kadikit sa mga kaibigan ni Odie para madali nating ma-contact?"
Napapiksi si Oreo, saka nag-iwas ng tingin. "Wala masyado. Si Garfield ang kadikit ko sa Serrano twins, hindi si Odie."
Hindi na nagtanong si Tazmania dahil mukhang may iniiwasan si Oreo. Naalala niyang galing din sa Sunray University ang babaeng nang-iwan sa kaibigan noon, kaya siguro umiiwas itong mapag-usapan ang tungkol sa mga kaibigan ni Odie. Maybe the girl Oreo had been looking for yet avoiding at the same time was one of Odie's friends. Maipapaliwanag niyon kung bakit ilang taong lumayo si Oreo sa mga Serrano. Binuhay lang nito ang koneksiyon sa kambal ng hingin niya ang tulong nito para ma-contact si Odie noon.
Siya na lang ang nagkusang tumingin sa listahan ng "friends list" sa f*******: account ni Odie. Tumaas ang isang kilay niya. "She's friends with high-profile people, huh? And these are all legit accounts."
"Of course. Their family owns a huge architectural firm," tila paalala sa kanya ni Oreo.
"Snap Tolentino, the PBA star. Stone Alex Marasigan, also a PBA star. Cloudie Almeria, the scriptwriter," pag-iisa-isa ni Tazmania sa mga kilalang tao na nasa friend's list ng account ni Odie. Legit ang mga account dahil mutual friends nila ang ilan sa listahan. "s**t, is this Monique Baltazar, the country's number one female model?"
"Yeah. Odie's best friend, well, kung tama pagkakaalala ko," tila inaantok na sagot ni Oreo.
Nagulat si Tazmania. Kilala sa fashion industry si Monique, bago ito nagbakasyon at nawala sa fashion scene ilang buwan na ang nakararaan. Madalas niyang makita ang magandang dalaga sa mga social event, pero hindi niya ito malapitan dahil parati nitong kasama ang nobyo noon. Too bad she was already taken, because he had the hots for Monique. Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sa napakagandang si Monique? She looked like a goddess!
Nang mapunta si Tazmania sa timeline ng f*******: account ni Odie. Pulos post ni Monique ang nabasa niya, at iisa lang ang mensahe ng dalaga sa kaibigan: "I miss you, Odie."
"Mukhang kahit sa best friend niya, nilayo ni Odie ang sarili niya," naiiling na komento ni Tazmania.
"That actually makes sense. Kung may plano siyang magpakamatay, natural lang na lumayo siya sa mga kaibigan niya, lalo na sa best friend niya. Una, para walang makahalata sa balak niya. Pangalawa, para siguro walang masyadong masaktan sa pagkamatay niya," hinuha ni Oreo.
"The more she needs to see and talk to her friends," desisyon ni Tazmania, saka tinapik sa balikat si Oreo. "Tulungan mo 'kong contact-in ang mga kaibigan ni Odie, lalo na si Monique."
Oreo scoffed. "Gusto mo bang magkita sina Odie at Monique? O gusto mo lang personal na makilala si Monique?"
"What?" natatawang tanong ni Tazmania.
Umiling-iling si Oreo. "Taz, it's obvious. Gusto mo si Monique."
Ngumisi lang si Tazmania. Hindi niya maitatanggi na hanggang ngayon, interesado pa rin siya kay Monique. "So what? It's like hitting two birds with one stone. Natutulungan ko na si Odie na makabalik sa mga kaibigan niya, makikilala ko pa nang personal si Monique Baltazar. Siguro reward sa 'kin 'to ni Lord dahil napakabuti kong tao para iligtas ang estrangherang gaya ni Odie."
"Dinamay mo pa si Lord sa kalandian mo."
"Shut up, lollipop boy."
***
SA PAMPANGA niyaya si Tazmania ni Odie para diumano sa journey nito. Doon daw kasi ito madalas dalhin ni Pluto noon dahil mahilig daw ang dalawa sa outdoor activities.
Sa totoo lang, buong biyahe nila ay tahimik lang si Odie. Mukhang hindi pa rin nakakalimutan ng dalaga ang pagpapasemplang niya sa bisikleta nito kahapon. But she was kind enough to let him in when he came home that night. Gayunman, hindi lumabas ng kuwarto si Odie kahit niyaya niya itong maghapunan.
Kaninang umaga naman, ginising siya ni Odie at sinabihang magbihis ng damit na akma sa paggawa ng outdoor activities dahil may pupuntahan sila. Sinabi lang nito kung saan noong nasa biyahe na sila.
This time he was driving.
"Huwag ka ngang mag-text habang nagda-drive," saway kay Tazmania ni Odie.
"Sorry," mabilis na dispensa ni Tazmania, saka ibinulsa ang kanyang cell phone. Tinext niya kay Oreo ang address ng pupuntahan nila ni Odie para mapasunod niya roon ang mga "bisita" nila na hindi alam ng dalaga.
Kahapon ay natawagan na niya ang mga kaibigan ni Odie sa tulong ni Oreo. Ang ilan ay tumanggi at sinabing walang oras, pero may ilan namang talagang gustong makita si Odie. Kahit busy ang mga ito, walang pag-aatubiling pumayag agad na makita ang dalaga. He realized she had a wonderful set of friends.
Sana lang, hindi siya mapatay ni Odie dahil sa ginawa at gagawin pa niya.
Sa isang adventure park nakarating sina Tazmania at Odie. Pagkatapos magbayad at inihanda ang mga sarili, natagpuan na lang niya ang sarili na nakatingin sa malalaking "obstacle" na maaari nilang gawin ng dalaga.
"Holy s**t," bulong ni Tazmania sa sarili. "Tinitingnan ko pa lang, pinagpapawisan na ako."
Nakangiting itinuro ni Odie ang Aerial Walk Challenge kung saan, well, may lubid at magkakahiwalay na piraso ng kahoy na nagsisilbing hagdan sa ere. "Let's try that first."
Nagulat si Tazmania nang kumislap ang excitement sa mga mata ni Odie. "Hindi ka na ba galit sa 'kin kahit ako ang dahilan ng pagsemplang natin sa bike?"
Tumalim ang tingin ni Odie. "Kalilimutan ko na 'yon, pero huwag mo nang uulitin." Bumaba ang tingin nito sa braso niya kung saan namumula pa rin ang mga gasgas na kanyang natamo. "At sana sinabi mo agad sa 'kin na nasaktan ka pala. Kung hindi pa 'ko tinawagan ni Oreo, hindi ko malalaman."
"Tinawagan ka ni Oreo?"
"Oo. Ang sabi niya sa 'kin, patawarin na kita at papasukin sa Tee House dahil injured ka raw. I'm sorry."
Patay ka sa 'kin mamaya, Oreo. "Wala 'yon, Odie. Pasensiya ka na rin kay Oreo. Hindi ko alam na tatawagan ka niya." Talagang patay ka sa 'kin, lollipop boy. Pinagmukha mo 'kong sumbungero sa paningin ni Odie, ha!
Inilahad ni Odie ang kamay sa kanya. "Ceasefire?"
Tumabingi ang ngiti ni Tazmania. Magbabati pa lang si Odie, pero may nagawa na siyang kasalanan habang nakatalikod ito. He suddenly felt guilty.
Ginalaw ni Odie ang nakalahad na kamay. "Ayaw mo ba?"
Nag-aalangan man, tinanggap na ni Tazmania ang pakikipagkamay ng dalaga. "Ceasefire."
Ngumiti si Odie at pinisil ang kamay ni Tazmania bago iyon binitawan, saka naglakad papunta sa Aerial Walk Challenge Station.
Habang si Tazmania naman, naiwang nakatingin sa kamay na hinawakan ni Odie. Her hand was so soft and warm. He had missed the feel of her skin against his. Ang mas masama pa, hindi maalis ang init ng balat ni Odie na tila gumapang sa buong katawan niya.
Shit, s**t, s**t, saway ni Tazmania sa sarili. Odie's off-limits. She's miserable. She hasn't moved on yet. And she's too good for you. Kaya hindi mo siya puwedeng makita bilang babae. Isipin mo na lang na... na unan siya.
Kahit kakatwa ang "mantra" ni Tazmania sa isipan, umepekto naman iyon para mapatay niya ang atraksiyon kay Odie. Gaya ng madalas niya ipaalala sa sarili, hindi siya ang tipo ng lalaki na magtitiyagang makuha ang interes ng isang babaeng hindi interesado sa kanya. When his mind was clear—and his libido at bay—he followed Odie.
Tuluyan nang nawala ang init ng katawan ni Tazmania matapos nilang makabitan ng harness si Odie, at tumulay na sila sa lubid sa ere.
Mahilig din si Tazmania sa outdoor activities pero mula nang naging busy siya sa kompanya, hanggang pagdyi-gym na lang ang nagagawa niya para mapanatiling maganda at malusog ang pangangatawan niya. And of course, s*x was also good for his health and stamina. His active s****l life made up for his lack of time spent outdoors.
Bumaba ang tingin ni Tazmania sa ibabang bahagi ng katawan ni Odie na nasa harap niya, at dahan-dahan, pero mabilis na tumatawid sa lubid. Man, she had a nice, round butt he would love to squeeze...
Unan si Odie at hindi babae. Unan. Unan. Unan, parang mantra na sabi ni Tazmania sa isipan, saka pinuwersa sa itaas na bahagi na katawan ng dalaga ang tingin niya.
Pero lalo lang nasubok ang pagtitimpi ni Tazmania nang makita ang maputi at pawisang leeg ni Odie. She had done up her hair in a messy bun, and now, some of the strands that had fallen on her beautiful white neck were soaked with sweat.
God, it only made her look hot. Hotter than the blazing sun above them.
Concentrate, Tazmanian Devlin Fortunate. Unan lang 'yan, saway niya sa sarili. Sa pagkakataong iyon, nagtagumpay na siya sa pag-iisip ng kung ano-ano tungkol kay Odie. One more thing, he didn't want to have a hard-on while in the middle of the aerial walk. That would be really embarrassing. And pathetic.
"Whew! That was good," nakangiting sabi ni Odie matapos tanggalin ang mga harness nila dahil natapos na nila ang Aerial Walk Challenge.
Tumango si Tazmania, nakangiti, at magaan ang pakiramdam kahit pawis na pawis siya. He had really enjoyed himself. "Ngayon lang uli ako pinagpawisan nang ganito dahil sa outdoor activity. This is fun. Paano mo nalaman ang tungkol sa lugar na 'to? This is actually cool."
Sumenyas si Odie na parang iginuguhit sa hangin ang camera niya. "Magkukuwento ako sa harap ng camera."
"Oh, okay. Wait a sec," sabi ni Tazmania, saka bumalik sa kotse niya para kunin ang camera na naiwan niya sa loob. Binalikan niya si Odie at nakita niya itong nakaupo na sa isa sa mga nakakalat na upuang gawa sa kahoy, kung sana may nakapagitan na kahoy na mesa sa dalawang bangko.
Umupo si Tazmania sa katapat na bangko, at tinutok ang camera kay Odie na pinupunasan ng bimpo ang mukha. s**t, sobrang hot talaga ng unan na 'to. "So, Miss Odie Serrano, ano'ng significance ng outdoor activities sa inyo ni Pluto?"
Awtomatiko ang naging pagngiti ni Odie nang marinig ang pangalan ni Pluto. "Pluto loved activities like this. Noon, parati kaming nagwo-wall climbing. It was like therapy to him. Ako naman, I just enjoyed the things he loved."
Natigilan si Tazmania habang pinapanood at pinapakinggan si Odie. Heto na naman ang purong pagmamahal na nakikita niya sa mga mata ng dalaga tuwing nagkukuwento ito tungkol sa namatay na kasintahan. The beautiful love she had for her dead fiancé always left him stunned, and made him wonder if he would ever find a woman with feelings as genuine as Odie had. Nakakatawang isipin iyon, para sa tulad niyang takot sa responsibilidad.
Naging malayo ang tingin ni Odie, pero hindi nawala ang maganda nitong ngiti. "Whenever I do the things I used to do with him, I feel like he's still with me."
Napahigpit ang hawak ni Tazmania sa camera nang gumuhit ang sakit sa mga mata ni Odie. She was hurting. Again. At wala siyang magawa para sa dalaga kundi ang kaawaan ito.
"Pero kapag bagsak na ang katawan ko sa pagod, kapag humihiga ako, doon ako bumabalik sa realidad. A reality where he's already gone, where I am all alone," halos pabulong na sabi ni Odie. Mukhang nakalimutan nito ang presensiya ni Tazmania, at sarili na ang kausap.
"You're not alone, Odie," giit ni Tazmania. Nagulat din siya sa nahimigang pag-aalala sa boses niya. Noon lang din niya namalayan na naibaba na pala niya ang hawak na camera.
Humarap si Odie sa kanya, halatang nagulat sa sinabi niya. Tinitigan siya ng dalaga na para bang pinag-aaralan siya. Pagkatapos ay nag-iwas ito ng tingin at tumayo. "Let's go. Marami pa 'kong gustong subukang activities dito. Kung gusto mong mag-ATV ride, let's check it out."
Bigla ay natauhan si Tazmania. Ngayon lang uli siya nakaramdam ng pagkapahiya, kaya napahawak siya sa kanyang batok. "Okay."
They spent the next few hours with an awkward silence between them.
Si Tazmania lang ang sumakay sa ATV o all-terrain vehicle, at nagsabi naman si Odie na magzi-zipline lang. Noong nag-ATV ride siya sa Mayon Volcano noon, nag-enjoy talaga siya at sumisigaw pa siya tuwing napapadaan siya sa lubak. Pero nang mga sandaling iyon, wala siyang ibang inisip kundi si Odie, at kung bakit nasabi niyang hindi ito nag-iisa na para bang ipinapahiwatig niya sa dalaga na nandoon lang siya sa tabi nito.
Siguro dahil awang-awa siya kay Odie at gusto niyang may magawa para tulungan ito. Pero ano naman ang magagawa niya para dito? She felt alone because a huge part of her also died when Pluto died. Walang kahit sino ang makakapagbalik sa dalaga ng nawala rito.
Oh, what the hell, Tazmanian Devlin Fortunate? naiinis na saway niya sa sarili. Hindi pa ba sapat na inilalagay mo na sa panganib ang buhay mo tuwing inililigtas mo si Odie? Do you still have to concern yourself with her damned issues?
Pero hindi rin naman hiniling ni Odie na tulungan niya ito. Nagkakawanggawa lang siya dahil hindi niya kayang magbulag-bulagan gayong alam niyang may buhay nang nakasalalay sa mga kamay niya ngayon.
Why not just tell her family, dammit!
Ilang beses na rin niya iyong natanong sa kanyang sarili. Pero sa huli, parati pa rin siyang nagdedesisyon na akuin ang responsibilidad sa pagsasagip sa buhay ni Odie. May pakiramdam kasi siyang tatakbo ang dalaga kapag nalaman nitong alam ng pamilya ni Odie ang plano nitong pagpapakamatay.
Pagkatapos ng ATV ride ni Tazmania, hinanap agad niya si Odie. Nakita niya ang dalaga na nakatayo lang sa isang tabi, habang nakatingin sa five-storey tower kung saan may mga nagra-rappel, nagwo-wall climbing at nagzi-zipline. Mukhang doon galing ang dalaga kanina dahil ang sabi nito, magzi-zipline ito.
"Hey," bati ni Tazmania kay Odie, para kahit paano ay mawala na ang tensiyon sa pagitan nila ng dalaga.
Bumaba ang tingin ni Odie sa kanya. "Hey."
Sinulyapan niya ang tinitingnan nito, bago niya binalingan ang dalaga. "Ano'ng tinitingnan mo d'yan?"
Odie pointed at the tower. "Gusto kong subukan ang free-fall jump nila."
Biglang napaderetso ng tayo si Tazmania. Naalala niya na kasama sa listahan ng "Dumb Ways to Die" ni Odie ang pagtalon sa kung saang mataas na lugar. Balak ba nitong mag-"free-fall jump" nang hindi nagsusuot ng harness? Alam niyang may bantay sa itaas kaya mahihirapan ang dalaga sa binabalak nito, pero hindi rin niya puwedeng maliitin ang puwede nitong gawin. Kung talagang determinado itong tumalon do'n para magpakamatay, sigurado siyang hahanap at hahanap ito ng paraan para magawa iyon.
"Don't do that, Odie," pakiusap ni Tazmania sa desperadong boses.
Binalingan siya ni Odie, may gulat sa mukha. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Pumagitna na naman ang katahimikan. Habang si Tazmania, minumura ang sarili sa isipan. Kanina pa siya sabi ng sabi ng mga bagay na hindi niya alam kung saan galing. Kaya nang tumunog ang cell phone niya, nagpasalamat siya sa distraction.
"Yes, Oreo?" mabilis na pagsagot ni Tazmania sa tawag.
"We're here, pare," imporma ni Oreo.
Biglang nakaramdam ng kaba si Tazmania. He shifted uncomfortably on his feet, and ended the call. Pagkatapos ay binalingan niya si Odie na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. "Uhm, Odie Serrano..."
"Ano'ng problema, Tazmanian Devlin Fortunate?"
"Your friends are here." Pilit na ngumiti si Tazmania nang biglang namutla si Odie. "Surprise!"