Segi na pumunta kana , kahit ayaw ko pero Hindi kita pwedeng pigilan dahil nanay mo pa rin siya. Nabalitaan ni Brent na nasa hospital ang mama nito, walang malinaw na dahilan kung bakit nasa hospital pero Hindi na inalam ni Amelia ang totoo. Gusto niyang lumuwas ng maynila si Brent upang alamin ang kalagayan ng nanay nito. Kahit Hindi sila okay ng mama ni Brent, pero Umaasa si Amelia na okay ang mama nito at walang malubhang sakit. Itong asawa niya halos ipagtulakan na niya, upang puntahan ang mama nito. Hindi ganon kasamang tao si Amelia upang pigilan ang lalaki.
“Pero iniisip ko ang mararamdaman mo, at si Karina, kahit ilang araw lang ako mawawala ngayon palang namimiss ko na kayo” Malungkot na saad ng lalaki.
“Wag kang mag alala mag uusap tayo palagi. Kahit Hindi kami magkasundo ng mama mo nag aalala ako sa kalagayan niya.”
“I’m so lucky to have you Amelia, you’re so understanding, kaya mahal na mahal ko kayo, kahit anong mangyari babalikan ko kayo, Kahit nasa malayo ako kayo lang ang nasa puso ko.”
“Artista ka talaga Brent.” Nattawang saad ni Amelia.
“Why are you laughing at me, Wife?”
“Kasi naman, the way na magsalita ka para kang pupunta ng abroad, halos dalawang oras lang naman ang biyahe papuntang maynila”
“Kung Hindi man ako agad makakabalik dito, sa ayaw at sa gusto niyo, kayo ang pupunta sa akin okay.”
“Okay fine, pagsuko nalang ni Amelia.
Kinabukasan maaga palang umalis na si Brent sa bahay nila Amelia. Tulog pa ang anak nila kaya siguradong pag gising nito hahanapin si Brent.
“Mommy, si daddy po,,?”
“May pinuntahan lang anak, babalik din siya. Tatawag mamaya si daddy mo.” Nakangiting hinaplos ni Amelia ang buhok ng anak habang kandong ito. Malungkot siya pero ayaw niyang ipakita sa anak ang totoong emotion.
“Okay po mommy, miss ko na po siya.”
Ouch! Naawa si Amelia sa anak. Sa murang edad tila Hindi sapat ang atensyon ng ama.
“Oh, speaking tumatawag ang lalaki. Malawak ang ngiting sinagot ni Amelia.
“My princess!” Abot tengang ngiti ng lalaki mula sa kabilang linya.
Hello po daddy, I miss you po”
“I miss you too, both of you”
I will come back soon and hug you guys tight.”
“Kamusta ang byahe mo Brent?
Not really good, dahil miss ko kayong dalawa sana sinama ko nalang kayo.”
“Okay lang, wag mo kaming isipin ngayon, kailangan ka ng mama mo sana maayos lang ang lagay niya.”
“Diretso narin ako ng hospital”
Okay mag ingat ka sa pagmamaneho, tawagan mo nalang kami kapag Hindi kana busy.
“Sure, I love you both”
We love you too, daddy.! End call na.
Are you happy Anak?
“Yes po mommy.”
“Sabi ko sayo, kaya wag na muna natin disturbuhin ang daddy mo dahil may trabaho siya okay,?
“Okay po mommy.”
Dalawang araw ng walang tawag si Brent kaya nag aalala na ako sa kanya. Hindi magagawa ni Brent na Hindi mag message or tumawag man lang kahit saglit. Kaya naisipan kong puntahan nalang sa manila Baka sakaling may kasagutan sa mga katanungan ko. Nag leave muna ako ng isang linggo sa pagtuturo. Hindi ko na isasama si Karina Baka saglit lang ako.
“Kayo na po muna bahala kay Karina Nay.” Bilin ko sa aking ina habang malungkot na nagpapaalam. Nasa sala ang anak ko naglalaro. Ipinaliwanag ko na sa kanya ang pag Alis ko at sa awa ng diyos naintindihan ako.
Okay lang anak, mag ingat ka sa biyahe, sana okay lang si Brent pati ako Hindi maiwasan mag alala sa asawa mo, kilala ko ang batang yon Hindi magagawang Hindi magparamdam sa Inyo. Oh, siya umalis kana Baka maiwanan kapa ng flight mo.
“Maraming salamat, Nay.”
Dalawat kalahating oras lang nasa Manila na si Amelia. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa condo ni Brent dating tirahan nilang pamilya.
Tinawagan niya muli ang number ng asawa ngunit out of coverage parin.
Makalipas pa ang ilang sandali dumating na siya sa condo unit ni Brent pero walang katao-tao tila matagal na panahon walang nakatira dahil ganun parin ang ayos ng mga gamit sa loob.
Kaya Naisip ni Amelia puntahan si Brent sa bahay nila Baka sakaling nandon ang lalaki. Titiisin nalang niya ang galit ng mama ni Brent ang mahalaga makita niya ang asawa at malaman na okay lang Ito.