“B-Brent,?_Ivy?
Isa-isang bigkas ni Amelia sa pangalan ng dalawa. Magulo ang isip niya habang pinagmamasdan ang dalawa. Si Ivy sinusubuan ng pagkain ang asawa nito na nasa Wheelchair may bandage ang ulo nito.
Wala ni isang reaksyon sa mukha ni Brent ng makita siya.
Habang si Ivy tinapunan lamang siya ng tinging pagkatapos binalik ang atensyon sa asawa sabay subo ng pagkain.
Ayaw gumana ng utak ni Amelia ng mga sandaling yon, pagkalito ang lumukob sa kanyang utak. Ng makahuma siya umiiyak na lumapit sa Asawa.
“Brent, nag aalala ako sayo, anong nangyari sayo,? Aakmang yayakapin ang asawa ngunit nagulat siya sa sinabi nito.
“Who the h*ll are you,!?”
“Ha,_? Parang natuklaw ng ahas si Amelia. Bakit Hindi siya kilala na asawa.
“Brent , ako ito si Amelia Asawa mo. Anong nangyari sayo? Bakit nagkaganyan ka,, ? Sunod-sunod na wika ni Amelia habang umiiyak sa harap ng lalaki. Tinabig ng lalaki ang kamay nito ng akmang hahawakan.
“Umalis ka sa harap ko.!” Hindi kita kilala.” Taboy ng lalaki sa kanya.
Hindi ko maintindihan Bakit nagkaganyan ka, pero asawa mo ako Brent, naparito ako dahil sobrang pag alala ang nararamdaman ko, dalawang araw ka nang Hindi makontak” please Brent paniwalaan mo ako.” Pagsusumamo ni Amelia lumuhod siya sa harap ng wheelchair ng lalaki.
“Amelia huwag ka muna magpakita sa kanya.” Si Ivy.
Sinulyapan ko si Ivy.
“Naaksidente si Brent kaya wala siyang maalaala tungkol sayo, may amnesia siya__”
Bumuhos muli ang mga luha ni Amelia habang pinagmamasdan ang asawa nito. Tahimik at nakatingin lamang sa paligid. Walang Baka ng pagmamahal at pag alala kay Amelia. Pero bakit ako nakalimutan.? Malaking katanungan sa isip ni Amelia.
“Anong ginagawa ng hamapaslupang Babaeng yan dito,!” Dumadagundong ang boses ng mama ni Brent habang pababa sa hagdan. Nilingon ni Amelia ang ginang ngunit Hindi ito kakitaan na galing sa hospital bagkos ang lakas ng awra nito.
“Please, maawa kayo sa akin, anong nangyari sa asawa ko,,?”Umiiyak na pagmamakaawa ni Amelia sa harap ng mama ni Brent ng tuluyan itong makababa at lumapit sa kinaroroonan namin.
“Kung Hindi dahil sayo Hindi ma aaksendenti ang anak ko! Kasalanan mo ang lahat! Ngayon masaya kana! sinira mo ang career ng anak ko.! Hindi ako nagkamali isa kang malas sa buhay ng anak ko.!” Nang-uuyam na wika ng ginang. Tiningnan siya mula ulo hanggang baba.
“Hindi,” umiiling na wika ni Amelia.
Brent, please kausapin mo ako, Ako ito si Amelia asawa mo, namimiss kana ng anak natin diba sabi mo kapag matagal kang makakabalik sa amin, susunod ako sayo, ito na ako . Nag aalala ako sayo. Pagsusumamo muli ni Amelia ngunit walang tugon ang lalaki.
Babe, sino ba ang Babaeng yan paalisin mo sa harap ko.”!
Lalong bumuhos ng malakas ang mga luha ni Amelia ng sabihin yon ng asawa.
“Kung ako sayo Amelia umalis kana dahil wala kang mapapala sa pagpunta dito. Hindi kana kilala ng anak ko. Si Ivy na ang bagong babae nito. Walang naging reaksyon si Ivy ng lingunin ito ni Amelia.
“Hindi ako makakapayag na iiwan si Brent ng ganyang sitwasyon kasal kami, asawa ko siya kaya may karapatan akong nandito. Matigas na wika ni Amelia.
Humalakhak sabay palakpak ng ginang.
Well,, kung yan ang gusto mo, then go! Ewan ko nalang kung hanggang saan ang kaya mo upang pakisamahan si Brent habang tinataboy ka niya. Good luck! Nakangising wika ng ginang bago tumalikod.
“Get the hell out of here.!” Muntik ng tumama ang bowl sa mukha ni Amelia mabuti nalang agad niyang naiwasan.
“Kumain kana kailangan mong uminom ng gamot.” Sa mahabang tono na saad ni Amelia habang isa isang pinupulot ang bitak ng bowl sa sahig.
“Sino ka para utusan ako,,!?” Sigaw nito.
“Asawa mo Brent, ako si Amelia at meron tayong anak si Karina ang pangalan.”
“Huwag kang ilusyonada, Hindi pa ako kasal at si Ivy lamang ang babaeng papakasalan ko, not you!”
Maraming pasensya pa kailangan sa isip ni Amelia. Lihim na nagdurugo ang kanyang puso ngunit wala siyang magawa kundi intindihin ang sitwasyon nito.
“Please kumain kana para makainom ka ng gamot”
“I said go away! Sa malakas na Boses ng lalaki kaya nag unahan sa pagpasok sila Ivy at mommy ni Brent sa loob ng kwarto.
“Hindi kaba nakakaintindi? Umalis ka sa harap ng anak ko!” Sigaw ng ginang sa kanya.
“Amelia doon kana muna sa labas Hindi nakakabuti Kay Brent kung mat-trigger ang utak niya.” Malumanay na wika ni Ivy.
“Mom, sino ang nagsabi sa kanya na basta na lang papasok sa kuwarto ko? Babe im sorry Hindi ko siya napigilan. Tumingin ang lalaki kay Ivy sabay kuha ng isang kamay nito.
“She’s our maid, iho kaya pagpasensyahan mo na.”
“Bakit lagi niyang sinasabi na asawa daw niya ako at may anak kami,,? I’m so confused!”
“Wag mong paniwalaan ang sinasabi niya gumagawa lang ng kwento.”
“I know, Ma.”
“Mabuti pa iha ikaw na ang magpakain sa kanya” Utos ng ginang kay Ivy.
“Segi po tita”
Habang si Amelia Umiiyak na pumunta sa likod ng bahay habang kausap ang anak nito pero Hindi niya pinapahalatang Umiiyak siya.
Mommy, Kailan po kayo babalik ni Daddy dito? Namimiss ko na po kayo,,?
Halos walang lumalabas na salita sa bibig ni Amelia para siyang sinasakal habang pinipigilan ang iyak sa harap ng anak.
“Soon, baby kapag matapos na ang trabaho namin ng daddy mo.” Pero wala siyang kasiguraduhan kung hanggang Kailan ang sitwasyon ni Brent kung babalik paba sa normal ang isip nito. Or Baka sila na ni Ivy hanggang sa gumaling ito. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya habang iniisip masaya sa piling ng Iba ang asawa. Pero kung yon lang ang paraan upang gumaling si Brent magpaparaya siya. Ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang asawa.