“Sana gumaling kana, Brent nasasaktan ako sa pinapakita mong trato sa akin. Mahal na mahal kita kahit tinataboy mo ako.” Mahinang saad ni Amelia.
Maramahang hinaplos ni Amelia ang mukha ng asawa na mahimbing narin ang tulog. Halos hating gabi na ngunit siya na na lang ang gising ng mga oras na yon. Gustuhin man niyang matulog pero mariin ang pagpipigil ng antok.
Dahil Ngayon lang ang oras kung saan malaya niyang nalalapitan at nahahawakan ang asawa.
“Miss na miss kana ni Karina. Gusto ka na niyang makita. Wala siyang alam na ganito Ang sitwasyon mo. Hindi ko sinabi Baka mag alala ang anak natin.”
“Umaasa akong gagaling ka, Brent. At sana kami parin ni Karina ang nasa puso mo.”
Pinahid ni Amelia ang mga Luhang nalaglag sa kanyang pisngi. Bahagya siyang tumayo at inayos ang kumot ng asawa.
“Ang kulit mo talaga! Nandito kana naman!” Pagalit na saad ni Brent ng bumungad si Amelia na may dalang pagkain ng umagang yon.
“Pinagdala kita ng pagkain, katulad ng sinabi ng mama mo, ako Ang bagong katulong ninyo kaya narito ako.” Tugon nalang ni Amelia upang Hindi siya ipagtabuyan ng lalaki.
“So, katulong ka pala dito,,? Ang taas naman ng ambisyon mong sabihin asawa mo ako.! Sa susunod wag mo na uulitin, dahil ayaw kong marinig ni Ivy ang salitang yan. Nagkakaintindihan ba Tayo.,!?”
“Kung alam mo lang ang Totoo, Brent” Malungkot na saad ng isip ni Amelia.
“Opo sir, kumain na po kayo para Makainom kayo ng gamot.”Pagkatapos sabihin yon, tila gustong lumabas ng mga luha pero pinipigilan niya.
Tahimik na sinunod ng lalaki ang sinabi nito. Pagkatapos nitong ilapag ang bowl sa harap ng lalaki agad itong nagsimulang kumain.
Nasa gilid lang si Amelia habang pinagmamasdan ang Asawa. Naalala niya noong mga nakaraang araw, buo sila at larawan ng masayang pamilya. Sabay kumain habang kwentuhan.
“You can go out now!” Taboy ng lalaki.
“Hhmm_Baka may kailangan pa po kayo, Sir”
“Ilang beses ko bang kailangan banggitin ang sinasabi ko bago mo maintindihan.!”
“Okay po, lalabas na ako” Agad tumalikod si Amelia paglabas niya ng pinto bumuhos ang mga luhang kanina pa pinipigilan sa harap ng asawa.
“Manang saan po pupunta sila Brent,,?” May pagtatakang Tanong ni Amelia sa katulong na abala sa kusina.
“Dadalhin ni Donya Cynthia Si sir Brent papuntang hospital, para sa check up niya ngayon araw.”
“Salamat po manang, punta lang ako ng taas may lilinisin pa akong banyo utos ni Donya Cynthia.” Agad nitong Paalam.
Naabutan ni Amelia ang tatlo sa sala. Mama ni Brent at si Ivy katabi ng asawa paalis na ang mga Ito.
May pumasok na lalaki at tinulak ang wheelchair ng Asawa.
“Sasama ako”Suhestyon ni Amelia.
“Hindi na kailangan wala karin maitutulong sa paggaling ng anak ko, baka lalo lang lumala ang sakit nito.”
“Let’s go, Dear Ivy_
“Asawa ko si Brent kaya may karapatan akong sumama at malaman ang kondisyon niya” Matigas na saad ni Amelia.
“Really?” Nang uuyam na wika ng ginang.
“Ben,Saglit” Tawag ng Ginang sa lalaking nagtutulak ng wheelchair ng asawa malapit na ito sa main door.”
Bumalik ang lalaki tulak ang wheelchair.
“Iho , gusto mo bang sumama ang maid na ito.? Tanong ng ginang kay Brent.
“No,! ayaw Kong sumama siya, sapat na sa tabi ko si Ivy, let’s go now!”
“Narinig mo iha,? Hindi galing sa bibig ko” Oh, siya aalis na Kami mabuti pa umakyat ka sa taas upang linisin ang kuwarto ni Brent pati narin ang banyo.” Aniya na may kasamang ngisi.
Malungkot na hinatid ng tanaw ni Amelia ang tatlo ng makasakay ang mga ito sa sasakyan.
Pagkatapos maglinis ni Amelia ng kuwarto ni Brent nagpaalam siya na pupunta ng labas. Nakausap niya si Mark bago lang iniinmbitahan siya nitong kumain sa labas. Agad siyang pumayag baka sakaling mabawasan ang bigat sa kanyang dibdib.
“Manang kapag hanapin ako ni Donya Cynthia pakisabi ho, may bibilhin lang ako sa labas.” Paalam ni Amelia sa katulong.
“Segi iha, mag iingat ka”
“Salamat po”
Simpleng blouse at Jeans ang suot ni Amelia. Tatlong pares lamang ng damit ang dala nito kaya kailangan niyang bumili ng extra. Akala niya makakabalik siya agad sa probinsya. Kumusta na Kaya ang anak nila.? Missing na miss na niya. Gustuhin man niyang papuntahin sa maynila ngunit wala siyang mag pag iwanan dito, Walang mag aalaga Hindi katulad sa probinsya natin Ang kanyang Ina.
“Mark,”umiiyak na sinalubong ni Amelia ng yakap ang lalaki. Tila nahanap niya ang kapayapaan sa mga bisig nito.
“Iyak mo lang, Amelia” May pang unawang wika ng lalaki habang marahang hinahaplos ang likod nito.
Akala ni Amelia wala ng luhang ilalabas pa, magmula kasing nong dumating siya sa bahay Nila Brent walang oras na Hindi tumutulo ang kanyang luha. This time, MAs malakas na may kasamang sinok.
“I’m sorry, Brent kung iyak ang salubong ko sayo lumayo ng bahagya si Amelia sabay pahid ng luha gamit ang kamay nito.
“No worries, look at your eyes, Amelia. Anong nangyari, namamaga ang mga mata mo.,,?” Inurong ng lalaki ang upuan para kay Amelia.
“Alam kong tatanungin mo ako, and there is no way, I can hide my problem. Pero salamat Mark at naisipan mo akong imbitahan. Gusto ko ng may mapagsabihan tila sasabog sa bigat ang puso ko.!”
“Naaksidente si Brent, at may amnesia. Hindi niya ako maalala. Pinagtatabuyan ako sa tuwing lumalapit ako sa kanya.”
“At Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa akin? Si Ivy, na pinsan mo, siya lamang ang naalala ni Brent.”
Pagkukuwento ni Amelia sa kalagitnaan ng iyak nito.
Tahimik lamang ang lalaki habang pinapakinggan ang kuwento ni Amelia. Pag alala at lungkot ang nakaukit sa mukha nito.
“I’m sorry to hear that” at para sa pinsan ko”
“Hindi mo kailangan sabihin yan, Mark. Si Ivy, Hindi ako galit sa kanya dahil Hindi niya kasalanan kung bakit siya lang ang nasa isip ni Brent.”
Halos maubos ang tissue sa harap ko, nagrequest pa muli si Mark ng panibagong tissue ng mapansin paubos na. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Amelia ng masabi ang lahat kay Mark.
“Saan ka tumutuloy ngayon?”
“Sa bahay nila , Brent bilang katulong kasi yon ang pakilala sa akin ng mama ni Brent sa kanya, at yon lamang ang paraan para makalapit ako sa asawa ko”
“Hindi madali ang sitwasyon mo, Amelia. Pero kung kailangan mo ng tulong, kung Hindi mo na Kaya ang bigat, maari kang magpahinga, kumuha ng lakas saka lalaban ulit. Huwag mo kalimutan nandito lamang ako sa likod mo”
“Maraming salamat, Mark Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabaitan mo sa akin.”
“Be strong , Amelia. Maging okay kalang sa paningin ko. Masaya na ako”
“Ano nga pala ang dahilan ng aksedente ni Brent? Pag iiba ng lalaki sa usapan.
“Car accident daw sabi ni Ivy. Hindi ako makapag tanong ng maayos dahil kay Donya Cynthia, maski pagsama sa hospital ayaw akong pasamahin” hanggang ngayo'y gulong-gulo ang isip ko, gustuhin ko mang tulungan si Brent para sa paggaling nito, pero wala akong magawa. Hindi ko alam saan ako magsisimula.”
“Alam mo ba kung Saan hospital sila pumunta?”
“Hindi ko alam,”
“Pwede mong alamin ang hospital at sasamahan kita”
“Talaga, Mark? Lumukob ang tuwa sa mukha ni Amelia ng marinig ang sinabi ng lalaki.
“Of course, Amelia. Importanteng bagay ito, Kaya marapat lang na may alam ka sa kondisyon ng asawa mo”
“Maraming salamat ulit, Mark. Hindi ako nagkamali sa kabutihang pinapakita mo.”Natutuwang saad ni Amelia.
Ng matapos silang kumain nagpaalam narin si Amelia na babalik na sa bahay nila Brent baka hinahanap na siya. Pero sino naman maghahanap sa kanya, kahit Hindi na bumalik walang may pakialam sa kanyang presensya.
Pero pinapangako niya sa sarili, Hindi siya susuko kay Brent, kahit paulit-ulit siyang pinagtatabuyan nito.!