Chapter 10

1230 Words
Chapter 10 The Secret Wife “Anong ibig sabihin nito, Doña Cynthia?” may pagtatakang tanong ni Amelia habang sinusuri ang papel na inabot ng ginang. “Aba! Nakapag-aral ka naman, iha. Bakit hindi mo basahin? Kailangan ko pa bang ako ang bumasa at ipaliwanag sayo?” sarkastikong tugon ng Doña, na may kasamang pang-iinsulto. Dahan-dahang binuklat ni Amelia ang nakatuping puting papel. Unti-unting lumabo ang paningin niya nang makita ang salitang dahilan ng pagbigat ng kanyang dibdib. “Annulment…?” “Oo. At pipirmahan mo ‘yan, gusto mo man o hindi.” Malamig at ma awtoridad na saad ng ginang. “No.! Hindi po ako papayag, Doña Cynthia!” mariing pagtanggi ni Amelia. “Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo, Amelia? Ayaw ka nang makita ni Brent, hindi ba? Gusto mo ba ng pera? Magkano? Para mawala ka na sa landas ng anak ko?” “Lumabas din ang totoo,” nanginginig na wika ni Amelia. “Iniisip n’yong pera ang habol ko kay Brent. Nagkakamali kayo, Doña Cynthia. Maaring wala akong maipagmamalaki, pero kahit kailan, hindi ko hahayaang masilaw ako sa pera—” “Tita! Tita!” Biglang sumulpot si Ivy, tila hindi maipinta ang mukha. “Iha, anong nangyari?” “Si Brent!” Agad sumunod si Amelia sa dalawa papunta kay Brent. “No! No!” Malakas ang sigaw ng lalaki, hawak-hawak ang ulo habang pawis na pawis at tila nahihirapan huminga. “Brent…” Aakma sanang lalapitan ni Amelia ang asawa ngunit mabilis siyang pinigilan ni Doña Cynthia. “Huwag na huwag kang lalapit!” “Iho, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?” alalang tanong ng ginang. “Ma… hindi ko maintindihan. Parang may gumugulo sa utak ko pero… hindi malinaw…” hirap na saad ni Brent, litong-lito ang mga mata. Napatigil si Amelia sa kinatatayuan, ang kamay niya ay nanginginig sa pagnanais na hawakan ang asawa. Naiiyak siya. Kung maaari lamang, yayakapin niya ito,… ngunit wala siyang magawa. “Baka epekto ng gamot ‘yan, iho. Magpahinga ka muna,” sabi ng ginang. Naiwan si Amelia na mag-isa. Tinulak ng Doña ang wheelchair papalayo, kasama si Ivy. Mula nang dumating si Amelia sa Maynila, hindi pa niya nakakausap si Ivy. Umaasa siyang matutulungan siya nito… kung sakaling may alam ito tungkol sa tunay na kondisyon ng kanyang asawa. “Please…” “Brent… okay ka lang ba?” mahinang bulong ni Amelia nang bigla itong magsalita habang nakapikit. Hinihintay niya ang susunod na sasabihin ng lalaki—ngunit walang kasunod. Tahimik siyang humikbi habang hinahaplos ang buhok ni Brent. “Alam kong nahihirapan ka, Brent,” bulong niya. “Kahit nabura ako sa alaala mo, tandaan mong nandito lang ako. Handa akong tiisin ang galit ng mama mo… makasama ka at maalagaan lang. Sana bumalik na ang alaala mo. Sana makauwi na tayo sa probinsya… at mamuhay nang tahimik.” “I’m sorry… thank you for always being beside me…” Napasinghap si Amelia. Muling nagsalita ang lalaki—pero nakapikit pa rin. Pinunasan niya ang luha at mahinang tinawag ang pangalan ng asawa. “Brent…? Naririnig mo ba ako?” Walang tugon. Tanging mahihinang hilik lang ang sumagot sa kanya. Marahil nananaginip, sabi niya sa sarili. Dahan-dahan niyang inayos ang kumot, umupo sa silya, at hinawakan ang kamay ng asawa. Napahikab siya sa antok ngunit nagpasyang manatili pa—kahit isang oras pa—para mabantayan ito. “Bakit dito ka natulog?” Napabalikwas si Amelia nang maramdaman ang bahagyang tapik sa balikat at marinig ang mababang tinig ng lalaki. “I—I’m sorry po… hindi ko namalayang nakatulog ako,” aniya, halatang inaantok pa. Tiningnan niya ang orasan—alas-kuwatro pa lamang ng madaling araw. “Binantayan mo ba ako kaya ka nakatulog dito?” tanong ni Brent, walang emosyon ngunit wala ring galit. Hindi agad nakasagot si Amelia. “Bakit hindi ka makapagsalita?” ulit ni Brent. “Kasi… binabantayan po kita. Baka sakaling may kailangan kayo. Pasensya na po, hindi ko intensyon na makatulog dito sa loob ng kuwarto.” “Salamat sa pag-aalala, Amelia.” Parang tumigil sandali ang mundo ni Amelia. Nang banggitin ni Brent ang pangalan niya—at normal ang tono nito. Tulad ng dati. Tulad ng Brent na kilala niya. “Ibig sabihin… hindi ka galit sa akin?”May galak sa puso ni Amelia. “Hindi. Nagpapasalamat ako. At… I’m sorry kung nasigawan kita recently.” “Oh, Brent… kung alam mo lang…” bulong niya sa isip. “How I wish bumalik na lahat ng alaala mo…” “Okay lang ‘yon, sir,” mahinahong tugon ni Amelia. “Naiintindihan ko po kayo. May kailangan po ba kayo? O may gusto kayong kainin?” “Don’t bother, Amelia. Maaga pa.” “Bakit po maaga kayong nagising?” “Hindi ko alam. Ang bigat ng utak ko… parang may gumugulo pero hindi malinaw. Kapag pinipilit ko, sumasakit ang ulo ko.” Gustong-gusto nang sabihin ni Amelia ang totoo: asawa mo ako, Brent. Pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang muling itaboy ng lalaki. Mas pinili niyang manahimik. Ang mahalaga—hindi na galit si Brent. “Iho, kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Doña Cynthia kinaumagahan. “I’m fine, Ma. Minsan may gumugulo sa isip ko, pero tama kayo… kailangan ko lang ipahinga.” “I’m glad to hear that, iho. May gusto ka bang kainin?” “I’m still full, Ma. Pero… pwede ko bang isama si Amelia sa labas? Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin sa garden.” Halatang nag-iba ang ekspresyon ng ginang, ngunit mabilis din itong bumalik sa maamong mukha ng humarap sa lalaki. “Iho… bakit hindi na lang si Ben ang sumama sa’yo?” “I want Amelia. Tila… gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa paligid ko siya” and I’m thankful for her kasi kahit pinagtatabuyan ko siya palagi naron parin ang pag aalaga niya sa akin.” What the h**ll! Halos mabilaukan ang Doña sa inis. Hindi siya papayag na muling mapalapit si Brent sa babaeng yon! “Sure, iho. Hintayin mo ako rito. Tatawagin ko si Amelia.” Mabilis na tumalikod ang ginang na tila ba bombang sasabog ang galit nito.! Kakatapos lang ni Amelia maglinis ng kuwarto nang bumukas ang pinto. At bumungad si Doña Cynthia—na galit na galit. “Doña Cynthia—?” Malakas siyang hinila ng ginang sa braso, halos mapasubsob pabalik sa loob. “Aray! Nasasaktan po ako!” daing niya habang halos matumba kung hindi siya nasalo ng kama. Matalim na tumingin sa kanya ang ginang. “Mula ngayon, bawal na bawal kang magsalita kay Brent tungkol sa walang kwentang pinagsamahan n’yo. Ayaw kong lalong gumulo ang isip niya, naiintindihan mo?” “O-opo, Doña Cynthia.”Napipilitang sagot ni Amelia habang marahang haplos ang braso nito. “At tungkol sa annulment—wag kang pakampante. Hindi pa tayo tapos doon. Kapag may ginawa ka pang isang bagay na hindi ko nagustuhan… ako mismo ang kakaladkad sayo palabas ng pamamahay na ‘to!” Malakas na sigaw ng ginang. Napasinghap si Amelia sa takot. “Ayusin mo ang sarili mo. Samahan mo si Brent sa garden. At tandaan mo ang sinabi ko!” Pagkatapos sabihin yon, iniwan siya ng ginang sa loob. Tuluyan siyang napaupo sa kama. At doon na tuluyang bumuhos ang iyak—malalim, masakit,!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD