Chapter 11
The Secret Wife
Wala pang limang minuto matapos lumabas si Doña Cynthia, pilit na pinunasan ni Amelia ang luha sa pisngi. Kaya niya ’to. Kailangan kayanin—para kay Brent. Para sa i-ilang pag-asang baka bumalik pa ang lahat.
Huminga siya ng malalim at maingat na inayos ang gusot ng kanyang blouse bago lumabas ng kwarto. Ngunit pagkalabas niya’y sinalubong agad siya ng malamig na titig ng ginang na tila nagbabantang sisigawan siya muli oras na may nagawang pagkakamali muli.
“Pupunta na po ako kay sir Brent, Doña Cynthia,” mahina na niyang wika.
“Good. Sumunod ka.! Naghihintay si Brent.”
Magkasunod silang naglakad pababa ng hagdan. Sa bawat hakbang, ramdam ni Amelia ang panlalamig ng kamay niya, ang nanginginig na hininga na pilit niyang pinipigil. Para siyang papunta sa isang lugar na hindi niya alam kung ano ang naghihintay—pag-asa ba, o panibagong sakit?
Pagdating nila sa garden, tanaw agad niya si Brent. Nakaupo ito sa wheelchair, nakatingala sa kalangitan, tila may sinusubukang alalahanin na pilit tumatakas sa kanyang isip.
Ang asawa ko.
Pero hindi na niya ako kilala.
Sumakit ang dibdib niya sa pag-iisip na iyon.
Naunang lumapit ang ginang, nakangiti ngunit halatang pilit.
“Iho, nandito na si Amelia.”
Dahan-dahang tumingin si Brent sa direksyon niya. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata—at sa saglit na iyon, parang huminto ang mundo ni Amelia.
May kung anong kirot sa mata ni Brent, hindi man niya maipaliwanag. Hindi niya kilala si Amelia… pero may kung anong pamilyar na piraso ng damdamin ang gumuhit sa mukha niya.
“Amelia…” mahina nitong sambit.
Sunod-sunod ang t***k sa dibdib niya. “Opo, sir…?.”
“Can you… stay with me a bit? Gusto ko lang… may kasama.”
Natigilan si Doña Cynthia. Halatang napa kuyom ang kamao nito sa gilid.
Ngunit walang magawa ang ginang nang mag-utos si Brent, “Leave us, Ma. I want to talk to her alone.”
Halos hindi makagalaw ang ginang. Ngunit sa huli, ngumiti ito ng pekeng ngiti, yumuko, at tumalikod… sabay bitaw ng nakakapasong tingin kay Amelia—isang tingin na may kasamang pagbabanta.
Nang makalayo na ang ginang, lumapit si Amelia sa tabi ni Brent. Kagat-labi, pilit pinatatag ang sarili.
“Kamusta… ang pakiramdam n’yo, sir?”
Hindi sumagot si Brent agad. Huminga muna ito nang malalim, bahagyang napapikit sa sakit ng ulo.
“Amelia… may itatanong ako.”I noticed this recently, pero Hindi ko sinabi ang bagay na ito kay Mama, maging si Ivy.”
“Po?”
“Kapag tinitingnan kita…” dahan-dahan nitong sabi, nakatutok ang tingin sa kanya na para bang sinusuri siya mula sa loob, “bakit parang… may kulang? May dapat akong maalala, pero hindi ko maabot.”
Nalaglag ang puso ni Amelia.
Ito na ba ’yon?
Ito na ba ang simula ng pagbalik?
“Sir… kasi…” Nanginginig ang boses niya. “Marami po tayong pinagdaanan noon. Pero okay lang po kung hindi niyo maaalala agad.”
“Ano’ng napagdaanan natin… Amelia?” Mahina pero puno ng bigat ang tanong ni Brent. “Why do I feel… safe with you? Why do I feel like… I lost something important?”
Nangingilid ang luha ni Amelia, ngunit pinilit niyang ngumiti.
“Siguro po… dahil mabait kayo. At marunong kayong magmahal.”
Nag-angat ng kilay si Brent, halatang litong-lito pero pilit nauunawaan ang pakiramdam na bumabagabag sa kaniya.
“Amelia…”
“Po?”
Tumingin ito nang diretso sa mata niya—walang galit, walang takot, walang pagdududa. Tanging pagkalito… at isang damdaming tila gusto niyang abutin.
“Talaga bang may nakaraan tayo…?”
Parang piniga ang puso ni Amelia. Umangat ang luha sa gilid ng kanyang mata, pero mabilis niya itong pinunasan bago mapansin.
Nagbukas siya ng bibig—pero walang lumabas na salita.
Kung sasabihin niya ang totoo… baka muling magalit si Brent. Baka tuluyan siyang itaboy. Baka lumala ang kondisyon nito.
Pero kung hindi niya sasabihin… hanggang kailan siya magtatago?
“Sir…” bulong niya, nanginginig ang boses. “Si—”
Hindi na niya na ituloy.
Dahil mula sa veranda ay sumabog ang malakas na boses ni Doña Cynthia.
“BRENT! Iho, kailangan mo nang magpahinga!”
At mabilis itong lumapit, nakangiti kay Brent ngunit matalim ang tingin kay Amelia—tila nagsasabing subukan mo lang sagutin, sisirain kita.
Napa Atras si Amelia. Parang may malamig na kamay na humawak sa puso niya at piniga.
At habang tinutulak ang wheelchair ni Brent pabalik ng loob ng mansyon, hindi nito binitawan ang tingin kay Amelia—
isang tingin na puno ng katanungan…
at isang lihim na pagnanais na maalala ang babaeng tila minahal niya noon.
—-
Hapong-hapo si Amelia ng makababa sa hardin. Kailangan niyang huminga. Kailangan niya ng lumayo. Pero kahit anong layo niya, umaabot pa rin ang sakit.
Lumanghap siya ng sariwang hangin, pinilit maging matatag habang nakaupo sa lumang wooden bench na madalas tambayan ni Brent noon… noong mahal niya pa siya. Noong kilala siya nito. Noong siya ang asawa nito.
Pero ngayon… parang multo lang siyang nakatingin mula sa malayo.
Habang pinipilit pakalmahin ang sarili, narinig niya ang tunog ng wheelchair sa likod niya.
“Amelia.”
Napalingon siya.
Si Brent.
Kinabahan siya. Ayaw na niyang masaktan. Pero hindi siya pwedeng tumakbo. Hindi siya pwedeng tumanggi.
“O-o, sir?”
Kahit pilit, pinilit niyang maging matatag ang boses. Humarap sa lalaki na may ngiting pilit sa labi.
Huminto si Brent sa harap niya, nakatingala sa kanya. Banayad ang hangin, hinahaplos ang buhok nilang pareho. Pero sa halip na ginhawa, dumagdag lang iyon sa bigat ng nararamdaman ni Amelia..
“Kanina kapa ba dito…?” panimula ni Brent, “parang may hindi ka sinasabi.”
Napapikit si Amelia. Wala kang alam, Brent… wala kang idea kung gaano mo ako sinasaktan.
“Wala naman po,” sagot niya, pilit na kalmado.
Pero hindi kumbinsido si Brent. Tumitig ito sa kanya, malalim, sinusuri ang mukha niya tila bang may hinahanap.
“Amelia,” wika nito, “ayoko ng may tinatago ka. Gusto ko… gusto ko lagi kang honest sa akin.”
Kung alam mo lang kung gaano ako naging honest sayo noon…
Kung alam mo lang… asawa mo ako…
Pero hindi niya pwedeng sabihin.
Tumingin ulit si Brent sa hardin, halos nakangiti ng bahagya habang hinahaplos ang dahon ng halaman sa gilid.
“I was thinking about Ivy again.”
Parang sinakal si Amelia.
Hindi siya makahinga.
“Ganoon po ba…?”
“Yeah.”
Tumango si Brent, huminga ng malalim. “The more I see her… the more I feel na siya ang tamang tao para sa akin.”
Napakagat si Amelia sa labi, pinipigilan ang pag-igting ng luha.
“She’s… gentle. She’s patient. She’s the type of woman any man would want beside him.”
Ako rin naman, Brent… dati… ako ‘yon sa’yo.
Gusto niyang sumigaw.
Pero hindi puwede.
Humigpit ang hawak ni Brent sa armrest ng wheelchair.
“I can imagine her,” patuloy niya, “walking down the aisle. Wearing a white dress. Smiling at me.”
Bumagsak ang luha ni Amelia bago pa niya mapigilan.
Mabilis niyang pinunasan.
Hindi nakaligtas kay Brent.
“Hey…” umangat ang kamay nito, parang gusto siyang abutin. “Bakit ka umiiyak?”
“Hindi po, sir,” tango niya agad, kahit nanginginig. “Napasukan ng alikabok ang mata ko dahil sa hangin.
“Amelia…” he whispered.
May kakaiba sa tono.
Para bang… nasasaktan din siya.
Pero mas lalo siyang nasugatan nang sumunod nitong sinabi:
“I want Ivy to be my wife someday… if she’ll have me.”
Sumabog ang puso ni Amelia.
Hindi lang punit.
Hindi lang basag.
Kundi parang dinurog sa harap niya.
Hindi siya nakasagot.
Hindi niya kaya.
Pero nagpatuloy si Brent.
“What do you think?”
Sincere. Honest. Walang kamalay-malay sa sugat na dulot nito sa puso ni Amelia.
“Bagay ba kami ni Ivy?” tanong niya, may bahid ng pag-asa sa tono.
Dahan-dahan tumayo si Amelia, takot na baka bumigay siya sa harap nito.
“Sir…” halos pabulong, namamanhid ang dibdib, “kung yan po ang gusto ninyo… sana po maging masaya kayo.”
“Why do you sound like you’re breaking?”
Mahinang tanong ni Brent, may kunot sa noo.
Hindi na niya kaya.
Hindi na niya kayang tumingin sa mata nito.
“Kailangan ko na pong bumalik,” sabi niya, pilit na nakangiti pero nanginginig, “may aasikasuhin pa po ako.”
“Amelia—”
Pero hindi niya na hinayaang matapos ang sasabihin ni Brent.
Lumakad siya palayo, mabilis, halos nag tatakbo, habang pumapatak ang luha sa magkabilang pisngi nito.
luha na hindi kailanman malalaman ni Brent kung para saan.
At sa likod niya, nanatiling nakaupo si Brent—nakatingin sa kanya, hawak ang dibdib na parang may kumikirot.
“Bakit…” bulong niya sa sarili, “bakit kapag nasasaktan siya… parang mas masakit sa akin?”