What,?” “You can't do that brent,! anong gagawin mo sa probinsya?”
“This is my chance to see my family ma,,,”
“Sinasayang mo lang araw mo brent, sa halip na ipahinga mo ang sarili mo dito sa bahay, have fun with ivy or kahit sinong babae.”
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo ma,? Kasal ako at may anak.”
“Which is not valid dahil wala ako sa kasal niyo even your dad. Hindi ko tanggap ang babaeng yon dahil isa lamang siyang hampaslupa.!”
“Iho, makinig ka sa akin hindi siya nakakabuti sayo,masyadong ng mataas ang kinaroroonan mo, ang career mo, sisirain lang ng babaeng iyon, maniwala ka sa akin. Alam kong pinaghirapan mo ang lahat ng kung meron ka ngayon, diba ito naman talaga ang pangarap mo kahit na tutol kami ng daddy mo, pero sa huli tinanggap parin namin dahil nakita namin ang pagpursigi mo upang makamit ng lahat ng ito, at sa isang higlap masisira lang ng babaeng iyon.” Mahabang litanya ng mama ni Brent na siyang lalong nagpagulo sa kanyang isipan.
Mahalaga sa kanya ang kanyang mag ina ,ngunit mahalaga rin sa kanya ang career, ayaw niyang masira lamang ito ng kahit sino.
“I Don't know ma,,,!” tanging wika ni Brent. Litong- litong tumalikod sa kanyang mama.
Samantalang ang ina ni brent nakangisi ito at tila nanalo ng loto. Mukhang unti unti na niyang nailalayo ang loob ng anak sa kanyang mag ina. Gagawin niya ang lahat para hindi makabalik si amelia at anak nito sa buhay ni brent. Sagabal ito sa career ng lalaki.
Pagkatapos ng klase nila amelia pinasyal niya ang anak sa mall upang ipalaro ito. Gusto niyang e treat ang anak sa pagiging masunurin nito. Nagpapasalamat siya, dahil sa murang edad ng anak marunong na itong umintindi ng sitwasyon. Nalulungkot siya para sa anak ngunit wala siyang magawa.
“Hi amelia,”Hindi nga ako nagkakamali ikaw yan,”
“Yes,?” Nagtatakang wika ni amelia sa taong tumawag sa kanyang pangalan. Pamilyar siya ng kunti ngunit hindi niya maalala kung saan sila nagkita.
“Hahaha,,you didn't remember me, I'm mark classmate tayo nong highschool.”
“Oh,,ikaw pala yan pasensya na hindi kita namukhaan kaagad ang laki na kasi ng pinagbago mo.” Natatawang wika ni amelia. Kaya pala medyo pamilyar sa kanya ang lalaki dahil classmate niya ito. Naging masugid niyang manliligaw noon si mark ngunit maayos niya itong tinanggihan sa kadahilanang pag-aaral muna ang inatupag niya nong highschool siya. At pagka graduate niya ng highschool wala na siyang naging balita sa lalaki.
“Its Fine, I understand,,lalo kang gumanda.”
“Ikaw rin ah, kaya hindi kita namukhaan agad dahil lalo kang gumwapo.”
“Oh, who's that young lady with u,? Kinasal kana pala.,,.” Baling ng lalaki sa anak ni amelia. Abala ito sa pagkain.
“Yeah,she's Karina my baby girl.”
“Say hi to tito Mark.,,”
“Hi po tito mark.,,”. Masunurin na wika ng bata.
“Saan pala ang asawa mo,?”
“He's not here, nasa malayo.”
“Kung Ganon maari ba akong sumama sa inyo, since I'm alone. If you don't mind?”
“Sure, no problem.,,But we will go inside the playground gustong maglaro ng anak ko.,,”
“No problem.,,”
Pumunta ang tatlo sa palaruan upang ipalaro ang anak ni Amelia.
Pagpasok nila nagatatakbo ang kanyang anak sa may pool area puro bola ang nasa loob. Kahit hindi na bantayan ni amelia ang anak okay lang dahil may nag assist sa mga bata habang naglalaro. Kaya tumayo nalang sila sa gilid habang pinapanood ang anak.
“So ,Kumusta ang life,,? Tanong ni amelia sa lalaki.
“Well,,it's pretty normal, ito single parin but sayang dahil kasal na pala ang babaeng gusto ko.” Ani ng lalaki na tila may pinapahiwatig ang tingin kay amelia. Alam ni amelia niya na siya ang pinapatamaan ng lalaki base sa titig nito.
“Common.” Mark,it's been a long time, sa gwapo mong yan, I'm sure madami naghahabol sayo.” Tumatawang wika ni amelia upang pagtakpan ang kakaibang atmosphere sa pagitan nila. Siguro kung nakilala lang niya ng tamang panahon si mark baka nga hindi ganito ang kahihinatnan ng kanyang buhay, tahimik at masaya. Pero masaya parin siya na nakilala si mark at naging kaibigan ito.
“Yeah, but it's not easy to choose.”
“Anong giangawa mo dito sa probinsya,,?” Pag iiba ni amelia ng usapan.
“I'm just here for a short vacation. Napunta lang ako dito sa mall upang ibili ng laruan ang pamangkin ko, by next week babalik din ako ng manila.”
“Saan pala ang baby ng anak mo bakit hindi niyo siya kasama.,?”
Biglang Natigilan si amelia sa tanong ng lalaki. Tama bang ikuwento niya sa lalaki ang buhay nito
“I'm sorry to asking again, Don't answer, if you are not comfortable.” Hinging paumanhin ng lalaki ng mapansin ang naging reaksyon ng babae.
“It's fine, kaibigan naman kita basta huwag mo lang e chismis sa iba haha.” Sa tingin niya okay lang na magkuwento kay mark dahil magaan ang loob niya sa lalaki as a friend.
“Of course, I'm your friend, just relax, I won't tell to anyone.”
And she tells everything to mark. Nakita niya sa mukha ng lalaki ang pag alala. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ni amelia sa pakikinig ni Mark sa kanyang suliranin.
Tila mag ama ang dalawa habang pinagmamasadan ni amelia kung paano pagsilbihan ng lalaki ang anak nito. Nakakataba ng puso. Maswerte ang magiging pamilya ni Mark sa kanya dahil halatang maalaga ito.
Alas syete narin ng gabi kaya napagpasyahan nilang umuwe na, masyado silang nawili kaya hindi nila namalayan ang oras. Nagpresenta rin na hinatid ni Mark sila amelia upang hindi na sila mag commute pa. Dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila amelia sa Town. Sampong minuto lang ang biyahe.
“Mabuti naman at Dumating na kayo kanina pa naghihintay si brent.” Salubong ng ina ni amelia, saka kinuha ang anak nito sa kanyang bisig dahil nakatulog na ito. Napasulyap din ang kanyang ina sa lalaking kasama nila.
“Nay, si Mark po kaibigan ko, nagpresenta siyang ihatid kami.”
“Segi na harapin mo na si Brent kanina pa yan dumating.”
“Segi po nay.,,”
“Maraming salamat sa paghatid mark. Good night, mag iingat ka,”
“No worries,,goodnight too.”
Pagkaraan ng ilang sandali binalingan ni amelia si Brent. Seryso ang mukha habang nakatanaw sa papalayong sasakyan.
Namiss ni amelia ang asawa at gusto niyang yakapin ngunit mariin ang kanyang pagpipigil dahil naiinis parin siya ,bakit ngayon lang dumating kung kailan medyo nawawala na sa isip ng anak nito ang presensya ng lalaki.
“Kung kailan hindi kana hinahanap ni karina ngayon kapa dumating, sana hindi kana lang pumunta dito brent.”
Yan lang ba ang isasalubong mo sa akin,galing pa ako ng malayo Amelia.,. And don't tell Me, pinagpalit mo na ako agad sa lalaking yon kahit kasal pa tayo,,!?”
“Napakarumi ng utak mo Brent, hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina, kaibigan ko lang si Mark wala kaming ginagawang masama. Kung makikipag away kalang sa akin mabuti pa umalis kana wala akong pakialam kung nanggaling kapa sa malayo, hindI kita pinilit na pumunta dito,!”
“Wala kang karapatan na husgahan ako brent dahil unang una, hindi ko gawain iyon at pangalawa sa papel lamang tayo kasal ,never kong naramdaman na maging masaya at buo ang pamilya natin kahit para nalang kay karina, dahil masyado kang abala sa pag abot ng pangarap mo, nakalimutan mo na kaming pamilya mo.”
“Huwag mong ibalik sa akin sisi dahil unang una alam mo ang sitwasyon ko at pinaliwanag ko sayo ang lahat, I'm supporting both of you, financially, kahit ganon ako kabusy.”
“Okay fine, salamat kung ganon pero hindi lahat ng bagay nabibili ng pera, hindi ang kasiyahan ng anak mo.,,siguro nga tama lang na umalis kami sa buhay mo. Kung andito ka para kay karina, your welcome hindi ko ipagkakait sayo si karina dahil hindi ako ganon kasama. Pero siguradohin mo lang na mabibigyan mo siya ng oras dahil kung hindi, mas mabuting huwag kana lang magpakita sa kanya ayaw kong habang lumalaki ang bata pinupuno ko ng kasinungalingan ang isip niya, ng dahil sayo.”
“Please forgive me, you and karina, I'm sorry for everything, patawarin mo ako sa nasabi ko kanina, im frustrated, dahil hindi ko kayang tanggapin na ipagpapalit mo na ako sa iba, kaya ako nandito upang ayusin ang lahat sa pagitan natin,mabuo muli ang pamilya natin. Alam kong madami akong pagkukulang sa inyong mag ina ko.”
“Sumama na kayo sa akin pabalik ng maynila babe. Ayaw kong malayo sa inyo. Pagmamakaawa ni Brent. Lumapit ito kay amelia yinakap siya.”
I'm sorry Brent,”pero hindi na kami sasama sayo sa maynila, kung gusto mo talaga mabuo ang pamilya natin stay here and leave your work.. but of course hindi mo magagawa yon dahil mas mahalaga sayo ang career mo.”
Please umaalis kana huwag mo na kaming guluhin pa ni karina okay na kami dito may trabaho na ako. Kaya ko ng supurtahan si karina.” Bumitaw sa pagkakayakap si amelia mula sa bisig ng lalaki at iniwan niya ito sa labas. Hindi niya hinayaan na makapagsalita ang lalaki dahil nasisiguro niyang iisa lamang ang linya nito. She want to cry ngunit hanggat maari mariin niyang pinigilan ang mga luha ayaw niyang ipakita kay brent na mahina siya. Mahal niya ang lalaki, sino ba naman ang may ayaw na mabuo ang kanilang pamilya, ngunit kapag pinayagan niya ang lalaki baka babalik na naman sila sa dati, mamalimos ulit ng atensyon silang mag ina kay brent.
“Anak tapos naba kayo mag usap ni Brent.?”
“Opo nay,pakisabi nalang sa kanya umaalis na dahil hindi kami sasama ni karina pabalik ng maynila.”
“Kung maayos naman ang intensyon ni Brent bakit hindi mo pakinggan.,? Anak naawa ako sa apo ko dahil lalaking hindi kompleto ang pamilya.”
“Iniisip ko po rin yan nay, pero lalo lamang masasaktan si Karina kapag sumama kami, alam kong darating ang panahon magiging okay rin kami ni karina. Hindi ko siya pinagbabawalan makita ang anak namin basta siguradohin lang niya na may oras siya kay karina dahil pagod na akong magsinungaling sa anak namin.”
Segi anak, ikaw ang bahala kung sa tingin mo yon ang nakakabuti,ikaw parin ang masusunod. Pero lagi niyo parin iisipin ang kapakanan ng apo ko dahil siya ang pinaka apektado sa pagitan niyong mag asawa.”
“Salamat po inay, mauuna na ako sa loob.” Walang lingon likod na pumasok si amelia sa loob naawa man siya sa lalaki ngunit mas tinapangan niya ang damdamin. Ayaw na niyang makaramdam muli ng sakit.
“Pasensya na iho talagang matigas ang ulo ng anak ko,hindi makuha sa pakiusap. Bumalik kana lang sa sunod kung hindi lang may matutuluyan kana sa bayan dito kana lang sana magpaabot ng umaga.”
“Maraming salamat po Inay. Babalik nalang po ako bukas.”
“Segi anak,.mag iingat ka.”
Lihim na nakasilip si amelia sa maliit na siwang ng bintana upang panoorin ang pag alis ni brent. She's crying habang tinataw ang lalaki palayo sa kanilang bahay. Mabuti nalang tulog na ang kanyang anak ng dumating ito.
Ng wala na ang taxing sinakyan ng lalaki agad umalis sa may bentana si amelia. Tumabi sa kanyang anak,.hinalikan ang noo at niyakap sabay pikit ng kanyang mga mata.