Chapter 3

2008 Words
Chapter 3: Boys plan, Justine, girl! Justine's POV "Anong plano mo Dre?" Tanong ni Alexander habang nakapatong ang paa niya sa lamesa. Nandito kase kami ngayon sa band room. May banda kase kami s'yempre kami ang representative ng school. Sikat rin 'yung banda namin sa mga clubs or bars. "Wala pa akong plano sa babaeng 'yun." Sagot ko naman sabay kuha ng magazines. "Ganito na lang hilahin mo siya tapos ipagsigawan mo na girlfriend mo siya, tingnan lang natin kung makikisakay 'yon." Suggest naman ni Jousha. Hmm. Pwede rin pero paano kapag ipinahiya ako 'nong babaeng 'yun? "Tama! Hahaha! Dadami rumors niya diba?" Pagsang-ayon naman ni Jin. "Sige! Kakausapin ko rin 'yung Principal na Campus Prince and Princess na lang ang magorganize para sa Acquaintance Party." Sabi ko naman. "Ikaw?" Tanong naman ni Jin kay alex. "Anong ako? Plano ko kay Cassandra?" Sabi ni Alex habang tinuturo pa ang sarili nya. "Oo, ano plano mo?" Tanong ko sa kaniya. "Asarin lang nang asarin para laging pikon, hahaha!" Sabi niya 'tsaka umupo ng maayos. "Adik ka talaga. Ako? Aawayin ko lang si Cleofe, ang saya eh" Sabi naman ni Jousha at ngumiti pa. "Ikaw Jin?" Tanong ko naman kay Jin. Mukhang magiging masaya ang 4th year ko ha! Hindi na ako mabobored araw-araw 'tsaka baka lagi na akong pumasok ng school. Nangiti naman ako sa naisip. "Ako? Ito mangchiks tapos pagtripan si Abby." Sabi naman ni Jin atsaka tumawa. Tsk! If I know type mo lang si Abigail. Tumunog ang school bell hudyat na pasukan na. Umalis na kami sa band room at pumunta na ng room, pagdating namin syempre tilian to the max nanaman. Mga gwapo eh, mahangin ba? Hindi naman totoo lang talaga. Umupo na ako sa upuan ko. Tiningnan ko ang bakanteng upuan. Late ang katabi ko. "LATE NA BA AKO?" Sigaw ni Pauline sa pintuan habang hingal na hingal. And speaking of.. Gulat ang reaksyon ng mga kaklase namin, Paano ba namang hindi? Ang lakas ng sigaw niya. Interesting talaga 'tong babaeng 'to. "Sorry." Sabi nya sabay peace sign 'tsaka umupo sa tabi ko, inurong naman niya konti 'yung upuan nya palayo sa upuan ko. Tsk! Parang may germs naman ako. Nagsimula naman na ang klase na ginagawa na nila Jin 'yung plano nila. Sinisimulan na rin nilang kulitin 'yung mga Campus Princess. Ako? Ito nakatungo nag-iisip kung paano gagawin ang akin. Masiyadong maangas 'tong babaeng 'to eh. Takot ko na lang na masira ang image ko sa campus at sa labas. "Hoy! Nakikinig ka ba?"Sabi ni Jin. Tsk! Hindi ko nga alam kung paano sirain image nitong babaeng to eh 'tsska simula palang interesado na ako dito. "Bakit ba?" Tanong ko naman sa kaniya at saka inangat ang ulo ko. "Anong sagot sa number 2?" Tsk! Yun lang pala. Bakit kaya naging isang campus prince to? Wala ring palang utak. Paano laging laman puro babae. "Hindi naman ako gumagawa." Sabi ko. Tiningnan ko naman 'yung katabi ko na busy sa pagsusulat ng sagot. Makopyahan nga. "Hoy! Makakopya ka ha?" Sigaw niya, kaya naman lahat napatingin sa amin. Tsk! As if naman na may pakeelam sila sa akin eh. Lagi ko namang ginagawa to sa seatmate ko. Nagpoker face na lang ako. "Tsk!" Yun na lang sinabi ko at pumikit. Gusto ko na lang matulog tutal papasa naman ako dahil ako ang owner ng school na 'to. Jin's POV Nakakainis talaga 'tong si Justine. Ang damot! Magpakopya lang ayaw pa. Haha! Oo nga pala, kumopya lang rin pala siya kay Pauline. Haha!Si Pauline lang unang sumigaw ng kumokopya sya. Ang lakas talaga ng loob ng babaeng 'yun. Pero hindi ko pa rin ipagpapalit si Abby sa kanya. Haha! "Ano ba?" Speaking of the devil. Ayan nanaman sya. "Bakit?" Pang-aasar ko. Ngumiti naman ako ng wagasan. "Anong bakit? Sapakin kaya kita?" Sabi niya at akmang sasapakin ako. Tsk! Alam ko naman na hindi nya magagawa yan, lagot na lang siya sa fans ko. "Grr." Sabi niya 'tsaka naglakad palayo sa akin. Sumunod naman 'yung mga kaibigan niya. Vacant hours kase namin. Walang teacher dahil may sakit daw. Tsk if I know mga tinatamad. "Ano bang ginawa mo dun?" Tanong ni Alexander sa akin. "Wala." Sabi ko naman. "Tsk! Alam kong ginawa mo dun." Sabi naman ni Justine. Ano ba naman 'to? Panira ng moment 'tong ungas na to. "Hahaha!" Tawa naman ni Jousha. Ibig sabihin alam na nila. "Nagawa niyo na ba plano niyo?" Tanong ni Justine. Dont tell me gagawin niya talaga 'yung request ni Jousha kanina. "Ginagawa nanamin. Tsk! Kaya nga nagsiwalk-out eh." Ngising sabi ni Jousha. "Oo nga." Pagsang-ayon naman ni Alexander. "Wag kang mag-oo-nga para kang kalabaw." Sabi naman ni Justine. Haha! Nag sibalikan naman 'yung mga babae. I'm sure nagpahangin 'yang mga yan dahil sa init ng ulo sa amin. Haha! Ang sarap talagang pagtripan. Cleofe's POV Taena talaga Jousha na yan eh. Grr! Nakakabwisit sabihan ka ba naman ng bansot. Tsk! Hindi naman ako maliit ha? Mas maliit naman si Cassandra kesa sa akin nuh?. Humanda ka sa akin Jousha Cureil Lee. Gagawin kitang bansot, tandaan mo yan. "Parang may binabalak ka ha?" Sabi ni Cassandra. Nandito kami ngayon sa cr para mag-ayos at para maglabas na rin ng kalikasan. Haha! "Bakit?" Tanong ko naman. "Halata sa face mo eh." Sabi naman ni Pauline. Galing talaga bumasa nito. "Haha! Alam ko na balak mo girl." Singit naman ni Abby kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Gagantihan mo si cureil, ano?" Pahabol niya pa. Cureil ang tawag niya kay Jousha dahil hindi daw sila close. Haha! Adik talaga 'to. "Oo ganon na nga." Sabi ko naman. Sila naman nagevil smile lang. May mga balak rin naman sila eh. Haha! Nagpunta na lang kami sa garden masyadong madami ang tao sa cafeteria eh. Dito medyo peaceful ang buhay namin. Haha! Walang asungot, walang mokong. Naglabas ng laptop si Cassandra para daw bisitahin yung forums namin. Buti na lang wifi dito sa garden dahil malapit 'to sa band room. "Anong email ng forum natin?" Tanong ni Cassandra. "saintharvestacademyforum.com." Sabi naman ni Abby. Binuksan naman ni cassandra. Binasa naman namin yung mga chismis na nagkalat sa forum ng school. - One of the campus princess called prince Justine "mokong" who's that princess? - Tsk! Ano ba naman yan. Ginagawa nilang big dea 'yung pagtawag ni Pauline kay Justine ng "mokong" eh totoo naman. "Grabe! Kabwisit ha?" Iritang sabi ni Cassandra. "Tama." Malanding sabi naman ni Pauline. Haha! May side pala siya non. Akala ko tahimik lang 'e. "Hello girls." Bati nino pa edi ni Jin. Tsk! Kakasabi ko lang na walang asungot at mokong. Ano 'to? "Tara na nga." Sabi ni Abby 'tsaka tumayo. Sumunod naman na kami, hindi ko nga alam kung saan papunta 'to eh. "San tayo?" Tanong ni Pauline dahil hindi nga niya kabisado ang daan dito. "Oo nga san tayo?" Tanong naman ni Abby. Baliw na 'to, nagwalk-out tapos hindi alam kung saan pupunta. "Nadala ka ng walk-out mo. Sa Susunod kase wag kang maging walk-out queen hane?" Pang-aasar naman ni Cassandra. Pumunta na lang kami ng mga clubs balak namin sumali eh. Pumasok na ako sa journalism club, si Pauline naman sa volleyball club, si Abby sa volleyball rin at si Cassandra sa dancetroupe club. Matapos mag-auditon at magtry-out nila, nagkita-kita na lang kami sa cafeteria. Mabilis lang naman eh, nakapasa nga agad kami. Haha! "Grabe! Ang pogi nung taga dancetroupe." Ayan nanaman si Cassandra sa poging lalake na yan. "Adik ka na sa kaniya?" Sarkastik na sabi naman ni Abby. Bitter te? Haha. "Grabe naman. Hindi naman." Deny naman ni Cassandra. "Hi girls!" Nandito nanaman sila. Anak ng! Tae naman talaga. Justine's POV Adik na mga kasama ko. Maging stalker ba naman ng mga babaeng 'yun. Nag-iisip na nga ako ng paraan para gawin 'yung sinabi nila eh. Nandito kami ngayon sa cafeteria, kakatapos lang namin magtry-out para sa basketball, s'yempre pasado kami. Haha! Sa gwapo ba naman namin. Kumindat ako. Kilig ka no? Pakamatay ka na, haha! Joke! Baka mawalan ka ng hininga. Ha Ha! "Hi girls!" Bati nino pa edi ni Jin. Yan naman lagi niyang dialogue eh. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Pauline, aba sya na ang nagtanong. "Masama ba?" Ngising tanong ko, Tsk! "Hindi naman! Baka kase mahawa kami sa mga kayabangan nyo." Sagot naman niya. Tsk! Lakas ng loob ng babaeng 'to. "Ganun? Ang alam ko hindi nakakahawa ang kayabangan." Sabi ko naman 'tsaka nilapit yung mukha ko sa kanya. Tsk! Nakita ko naman napalunok siya sa ginawa ko. "Nagmouth wash kaba?" Tanong niya. Tsk! Anong pinapalabas niya mabaho hininga ko. Tsk! Papatunayan ko sa kaniyang bago ang mouthwash ko. Hinatak ko yung katabing babae sa kabilang table atsaka hinalikan. (smack lang) Gulat ang reaksyon nilang lahat pati buong cafeteria, ang swerte ng babaeng 'to. Nahalikan ko siya. Binitawan ko na 'yung babae at saka nagsalita. "Mabango ba bagong brand ng mouthwash ko?" Tanong ko sa kaniya, napatawa na lang sila Jin. Tsk! "o-oo." Sagot naman niya. Tsk! Bisugo ka? Maganda ka hindi ka naman seksi. "Ano?" Ngising tanong ko kay Pauline. Humanda ka sa akin. Kung hindi dahil sayo hindi ako manghahalik, gagawin kitang girlfriend ko. Evil laugh. Naglakad na ako palayo sa kanila s'yempre sumunod naman sila jin. Tsk! Sunod-sunuran talaga. Naglakad na lang ako papuntang field para manuod ng practice. "Ayos ka Pre ha?" Sabi ni Jin sabay tapik sa balikat ko. "Makahalik wagas." Singit naman ni Jousha. "Gusto mo gawin ko sayo?" Pang-aasar naman ni Alex. Haha! "Yuck! Gusto ko kay Justine. Good kisser. Mwaps." Sabi naman ni Jousha with bakla bakla voice. Kadiri! "Mag sitigil nga kayo, gusto mo Jousha sa akin?" Pang-aasar rin nitong si Jin. Tsk! Paano ko ba naging kaibigan 'tong mga ungas na to? "Kadiri kayo." Ayun lang nasabi ko sa kanila. Yung ibang kasama namin sa field tawa ng tawa sa kanila. Tsk! Mga baliw. Dismissal na s'yempre nauna ng umuwi 'yung mga babae, nagpunta pa kami ng band room para magpalipas ng oras, kakaboring eh. Pauline Brix's POV Pagkadismiss nagsilabasan na kami ng room. Kapag hindi ka pa kase lumabas magkakaroon nanaman ng rambol between Prince and Princess. Pero I can't believe na hinalikan ni Justine 'yung hipon na yun. Tsk! Niloloko ko lang kung nagmouthwash ba siya? O hindi? Nanghalik naman. Malala na sakit ng Justine  na 'yun. Kung ako sa sakit sa puso. Siya naman sa utak? Haha!Kilig to the bone nga 'yung girl. Tsk! Oo na pouty lips si Justine pero hindi na v ang lips nya, Aish! Ano ba 'tong pinagiisip ko. "Punta muna tayo sa library." Yaya sa amin ni Cleofe, syempre siya. Magulat na lang kayo kung si Abby ang nag-yaya. Ang pinaka tamad sa aming mag-aral. Haha! Naglakad naman na kami papuntang library, 2 days na nga pala akong transferee dito hindi ko pa rin kabisado 'tong campus, bobo kase ako sa direction eh. Pagpasok namin sa library walang katao-tao. Syempre dismissal na nga. Umupo naman kami sa mga upuan dun pagtapos naming kumuha ng mga libro sa physics. Sabi kase ni Cleofe dito na daw kami gumagawa ng assignment. Panay ang sulat namin. Nang matapos na kami,lumabas naman na kami sa library. Mga past 6:15 na rin pala, nagtext naman ako kay Lola na dito na ako gagawa ng homework, okay lang naman. Dumaan kami sa may band room daw, hindi ko alam pero nadaanan namin yun. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggat nagkahiwa-hiwalay na kami, sinundo naman ako ni Mang Ronald. Pagdating ko sa bahay, kumakain na si Lola kaya nakisabay na rin ako kahit hindi pa ako nagbibihis. Pagtapos naming kumain umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga. 1 message received From: Cleofe Jessica |Pauline pasok ka ng maaga hane? Kita na lang tayo sa garden.. Good night ♥| - END - Tsk! Bakit naman kaya? Nagulat ba kayo na may number agad nila ako? Haha. Bilis noh! Tinext ko na lang siya ng okay. Tapos pumikit na ako. Hindi ako patay ha? Matutulog lang ako? Ayokong mamatay ng walang lovelife. Kaya wag kayong maglumpasay diyan. Hihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD