Chapter 2 - First day, new friends.
Pauline Brix's POV
"Pau! Gising na! Tatanghaliin ka niyan." Sabi ni Lola habang inaalog ako, sarap ng tulog ko 'e.
Bumangon naman na ako dahil nga Mabait akong apo. Haha! Lumabas naman na si Lola para ayusin 'yung kakainin ko. Naligo naman na ako. Pagtapos 'kong maligo nagsuot na ako ng Skinny at Polo shirt tinernuhan ko na rin ng Converse na black.
Pagkatapos 'kong ayusin 'yung sarili ko bumaba na ako para kumain. Pagkakain ko, nagpaalam naman na ako kay Lola syempre nagpahatid ako kay manong driver dahil nalaman ni Lola na hindi ako nagpahatid nung saturday. Haha! Buti nga at hindi ako pinagalitan.
Habang nagdridrive si manong driver ako naman nakasandal yung ulo ko sa bintana habang nagsousoundtrip.
gusto ko, gusto ko
gusto ko sanang sabihin sayo
pero paano, paano
pag lumalapit kay nauutal ako
nahihiya, tumitiklop
nawawala bigla
ang sasabihin ko
ang nakikita ko lang
ay ang mukha mo
lahat sa paligid ko ay
naglalaho..
*Saint Harvest Academy*
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa school napasarap ata ang pag sousoundtrip ko, bumaba na ako sa kotse nung nakaparada na sa tapat ng campus, pagbaba ko ang daming student yung nakatingin sa akin, anong problema nila at makatingin wagas?
Naglakad na ako papasok sa campus, hindi ko na lang pinapansin 'yung mga nakatingin. Habang naglalakad ako may humarap sa akin na magandang babae.
"Hello!" Bati niya sa akin. Mukhang nice naman siya. Maliwanag pa sa araw ang kaniyang ngiti. I smiled at her too.
"Hi." Bati ko rin sa kaniya.
"Uhm. Pwede sabay na tayo? Saan ka ba pupunta?" Tanong nya. Taga-campus rin kaya siya o transferee rin siya tulad ko?
"Hindi ko kase alam eh, hindi ko kase alam 'tong buong school. I'm a transferee here." Sabi ko sa kaniya.
"Ah. Tara samahan na kita. Tutal matagal na akong estudyante rito." Sabi niya. Ang bait naman niya. Mukhang makakasundo ko ito. I hope. Saka, grabe ang friendly ng mga tao dito. Hamakin mo 'yon, naglalakad lang ako dito nilapitan agad ako.
Naglakad na kami ni Cleofe sinabi kase nya name niya kaya alam ko na syempre pati ako sinabi ko habang naglalakad kami papuntang bulletin board daw, habang naglalakad ay may naririnig kaming bulungan or should I say usapan.
"Wow naman! Ang bilis nilang magkasundo, masiyado talagang friendly si Ate Cleofe 'no?" Tanong nung isang girl sa kasama niya. Tingin ko sophomore pa lang.
"Oo nga eh. Bagay talaga silang maging isang Campus Princesses ng school na ito ano? Ang ganda nilang parehas." Sabi naman nung isang girl.
Pero ano daw? CAMPUS PRINCESSES?
Ayon ba ang sinasabi ng lahat ng teachers dito na surprise daw nila kapag nakapasa ka kase nung nagentrance exam ako dito may surprise daw sila kapag nakapasa ka. Eh hindi ko naman talaga interest na pumasa, sagot lang naman ako ng sagot sa test nun eh. Hindi ko nga alam na nakapasa pa ako. Gosh! Ang pangit ng surprise. Ginagawa nilang Kingdom 'yung campus, may mga ka-ek-ekan pa kase.
"Hayaan mo na lang sila, masanay ka na." Sabi ni Cleofe habang naglalakad pa rin kami. Pagkarating namin sa bulletin board lahat ng estudyante nagsihawian para lang makadaan kami, ano 'to? Kami ang bida sa school na ito?
Tsk. Hindi ko mawari kung anong trip ng school na ito. Medyo weird. Tinignan ko naman 'yung mga nakasulat sa bulletin board pero isang paper lang ang natuon ang atensyon ko.
Campus PRINCESSES
Cassandra Brei Kang
Pauline Brix Smith (ako yan)
Cleofe Jessica Seo
Abigail Ruth Perez
Sino naman kaya 'yung iba at aba si Cleofe isa rin pala sa 'Princess thingy' na yan. Tsk. Tiningnan ko pa 'yung ibang nakapaskil at aba meron rin pa lang campus prince thingy. Napabuntong hininga ako sa nakita, pati pala lalake nagkakaroon ng 'Prince thingy'. Halos matawa ako sa naisip. Sino naman kaya itong mga ito?
Campus PRINCES
Jin Hirushi
Justin Ryan Scott
Alexander Luke Salvador
Jousha Cureil Lee
Mga prince kaya ito? O mga prince ek-ek lang. Tsk. Lumingon naman ako kay Cleofe na ngayon ay busying busy sa pagtingin ng mga section namin maniwala man kayo o hindi pero close na kami hehe. Friendly rin naman kase ako kahit medyo maangas ako. Haha!
Nung napansin niya na nakatingin ako sa kanya ay tumingin rin siya sa akin tapos ngumiti ng wagas-wagasan. Haha! Pasaway talaga to.
"Nakangiti ka diyan." Sabi ko sa kaniya with pang-asar voice.
"Wala. Hehe! Magkaklase kase tayo, kaklase ko rin iyong iba ko pang friends, ipapakilala kita dali." Sabi niya sabay hatak sa akin palayo sa bulletin board.
Grabe talaga 'tong babaeng 'to, kakakilala ko pa lang lumalabas ang pagiging sadista, ang sakit kase ng hawak niya sa wrist ko hindi man lang ako makapagreklamo dahil ang bilis niyang maglakad. Nung nasa tapat na kami ng isang malaking classroom huminto na kami at binuksan 'yung pinto.
Pagpasok namin may rambol na nagaganap, 'yung iba naghihiyawan pa at 'yung iba naman nag-aasaran pa. Tsk! Parang hindi higher section itong mga to.
"Aminin mo na Abigail ruth, okay lang naman sa akin eh." Sabi nung lalake with pang-asar voice rin.
Ano kaya 'yung aaminin nung girl? Teka, bakit ba ako nangingielam diyan? Hindi ko naman sila kilala at kaclose?
"Tsk! Makapal talaga mukha mo Jin Hirushi." Sabi nung babae.
So Jin pala 'yung pangalan nung boy ibig sabihin 'yung boy na iyon ay ang campus prince top 1. Tsk! Gwapo nga kaya lang may utak ba?
"Lahat ng tao makapal mukha." Sabi ni Jin ulit.
Ano kaya ang meron dito. Tiningnan ko muna si Cleofe na ngayon ay nakangiti ng wagas, ano ba naman 'to? May nag-aaway na nga ganyan pa rin reaksyon nya.
"Ngiti mo diyan?" Tanong ko sa kaniya, siya naman tumingin lang sa akin sabay hatak sa isang upuan. Anong gagawin namin dito?
"Diyan ka na umupo para tabi tayo habang hindi pa nagstastart ang klase." Sabi niya tsaka umupo. So? Wala talagang pipigil sa mga nagrarambol dito? Umupo na lang ako 'tsaka inayos ang bag ko, mukha namang walang mag-aawat diyan eh.
"Tama nga naman si Jin, lahat ng tao makapal mukha paano na lang kung natusok ang mukha mo edi butas." Nagtawanan sila sa sinabi 'nong singit na lalake. Tsk! Sisingit na lang 'yung nakakabadtrip pa ata dun sa babaeng maliit.
"Huwag ka nga makeelam dito Alexander." Sabi 'nong babaeng maliit.
Ewan ko kung anong pinagaawayan nitong mga 'to at bakit ganito pa rin umasta kahit gragraduate na ng highschool. Napailing na lamang ako.
"Bakit?" Tanong naman niya.
Napasapo ako ng noo habang pinapnuod itong mga 'to. Imbis na si Jin at iyong girl lang ang nag-aaway nadagdagan pa.
"Tumahimik na nga kayo Jin, Alex at Jousha, Pucha hindi ako makatulog sa inyo!" Sigaw naman ng isang lalake.
Teka He's look familiar. Saan ko nga ba siya nakita?
Nananatili ang tingin ko sa lalaki habang ramdam na ramdam ang mabilis na t***k ng puso. Ayan nanaman si heartbeat. Magpapasama nga ako mamaya kay Lola sa clinic.
"Hoy! Miss makatingin ka wagas ha? Transferee ka lang dito." Sabi niya kaya naman napatingin sa akin lahat ng kaklase ko.
Si Cleofe naman tiningnan lang ako ng bakit-mo-tiningnan-look. Bakit ba tumingin lang ako masama na. Tsk! Ang yabang pala nitong lalake na to?
"Ano na miss? Diba transferee ka lang dito?" Tanong niya ulet.
Tagal naman ng prof namin baka hindi na ako makapagpigil at bigwasan ko pa to.
"Baka naman dre may gusto sayo." Sabi naman ni Jin, aba isa rin to?
"Excuse me." Sabi ko 'tsaka ako tumayo. Lahat naman sila ay napatingin ulit sa akin.
"Dumaan ka na miss." Sabi naman 'nong Jousha. Tsk! Pilosopo pala to.
"Ano ba naman yan nakakahiya naman pala 'tong campus princess na to, tsk! Maganda lang pala." Rinig 'kong sabi 'nong kaklase 'kong babae masyado pala ang mga estudyante rito.
Attitude kayo sis.
"Walang binatbat." Sabi naman 'nong kasama nya. Hmp! Pag-untugin ko kayo eh.
"FYI. Wala akong gusto diyan sa mokong na 'yan ha?" Sabi ko.
"Hala! Grabe siya lang ang unang tumawag kay Prince Justine ng mokong." Sabi ng iba 'kong kaklase.
Anong pake ko kung ako ang una? Nakakabwisit ang kayabangan eh at ako pa ang walang binatbat?
"Grabe! Maligawan nga to." Sabi naman ng ibang boys. Tsk!
"You're so interesting huh?" Sabi nung Justine ba yun. Ibig sabihin sya yung Cp (campus prince) top 2, gwapo nga mahangin naman. Pero ano daw ako I'm so interesting? Uh-oh! Wrong move ang peg ko don, hindi ko gusto ng jowa.
"What's your name Miss?" Tanong 'nong Alexander.
"Why?" Tanong ko naman sa kanya.
"I'm just asking." Sabi naman nya. Tsk! Scared ba masyado ang awra ko?
"Okay! Why are you all standing?"
Mabilis naman umayos ang lahat dahil nandyan na 'yung prof namin, ano ba naman yan panira ng moment 'tong kalbong 'to. Tsk! Papalagan ko naman 'yung Justine na 'yon 'e.
Umupo naman na kami dahil nga masiyado atang terror 'to. Noong naka-upo na ako tumabi naman sa akin yung kaninang nakikipag-away na babae.
"Hello." Bati nitong maliit na babae.
"Hello." Bati ko rin.
"Can you be my friend?" Tanong nya, hmm! Wala namang problem tutal friend rin naman sya ni Cleofe eh. Inferness, friendly sila huh.
"Okay." Sabi ko 'tsaka ako humarap sa Prof. namin.
"Me too?" Napatingin naman ako dun sa Abigail ba yun.
Iyong campus princess na top 4, medyo masungit ang mukha niya pero siguro pati ugali medyo.
"Okay." Sabi ko na lang.
Ngumiti naman siya. So far, first day of school I made friends.
"Class dahil first day niyo pa lang siyempre introduce yourself in front." Sabi ni Sr. Habang nakapatong ang dalawang kamay niya sa teachers' table.
"Oo nga pala. Im Sr. Bruce Caga your physics teacher and your adviser."
Tsk! Physics pa talaga ang unang subject namin. Medyo mahina pa naman ako dito.
"Okay! We will start our introduction in row 1." Sabi ni Sr. Tumayo naman ang kaklase ko na naka-upo sa unahan habang nagpapakilala ng sarili nila. Habang kami namang apat ay nagdadal-dalan. Haha! Buti at busy si Sr. sa harapan.
'Nong nasa row nanamin ang mga magpapakilala unting-unti kaming tumahimik. Dahil baka mapagalitan na kami Friends na nga kami nila Abby at Cassandra, nalaman ko rin na may clash pala sila ng mga Prince dahil sa kayabangan nito. So ibig sabihin kaaway ko na rin sila pero may side ako na ayaw ko dahil wala naman silang ginagawang mali sa akin may side naman ako na go lang.
Ano ba naman 'tong school na 'to. Bat may clash pa? Kaonting usap lang naman ay okay na, bakit pinapatagal pa?
"Next!" Sigaw ni Sr. Tumayo naman si Cassandra dahil siya ang mauuna sa aming apat.
"Hello! My name is Cassandra Brei Kang, Half filipino and Half Korean. Im 17 years old. Thank you." Sabi niya 'tsaka na siya bumalik sa seat nya, nginitian naman namin siya pagka-upo. Tumayo naman na si Abby dahil ito na ang susunod.
"Yeah! Ang baliw kay Jin Hirushi." Sigaw 'nong Jousha. Tsk! Pasaway, walang galang sa teacher sa harapan.
"Quiet!" Patahimik ni Sr. Tumahimik naman siya at ang mga kasama niya ay tawa lang.
Psh! Hindi nirespeto 'yung teacher sa harap.
"I'm Abigail Ruth Perez. Half japanese and half filipino. 18 years old." Sabi niya tsaka umalis na sa harap. Pagka-upo niya namumula na sa inis dahil kay Jin. Masiyado na kasing feeler. Tumayo naman na ako at naglakad papuntang harapan.
"Ate anong pangalan mo?" Tanong 'ning Alexander. Yan nanaman. Sasabihin ko na eepal naman sya. Tsk!
"Wait lang ha? Mag-antay ka, nagmamadali?" Sabi ko sabay irap.
"Woooh!" Sabi ng mga kaklase namin.
Tsk! Igno?
"Are you a transferee?" Tanong ni Sr. Nag-nod naman ako.
"My name is Pauline Brix Smith. Fil-am. 17 years old. A transferee from East Ville International Academy." Sabi ko tsaka ako naglakad papuntang seat ko. Pero bago pa ako maka-upo may sumigaw muna.
"Hey! Pauline sa East Ville ka nag-aaral dati?" Sigaw 'nonv guy who's name. Uhm Kevin ata? Mahina ako sa mga name eh.
"Yeah, why?" Sabi ko 'tsaka ako tuluyan umupo.
"Nothing." Sabi nya.
Tumayo naman na si Cleofe dahil siya na raw ang susunod.
"Hey! Cleofe umupo ka na kilala ka na namin!" Sigaw ni Jousha. Psh! Epal talaga.
"Can you please shut up!" sigaw ni Cleofe. Si Sr naman walang pakielam sa mundong ibabaw. Dahil busy ito sa kaniyang phone. Hays.
"I'm Cleofe Jessica Seo. Korean and Filipino. 18 years old." Sabi niya 'tsaka umupo.
Natapos naman na ang introduce yourself portion namin at ngayon naman ay sitting arragement. Psh! Sana naman matino makatabi ko. Tinatawag na ni Sr. isa-isa ang mga classmate ko habang kami naman nakatayo sa labas at buti na lang transparent ang mga window kaya makikita niyo 'yung nangyayari sa loob. Sana naman sa aircon ako malapit.
"Smith, Scott, Perez, Hirushi." Sabi ni Sr.
Pero ano? Katabi ko si kumag! Anak ng!Malapit nga ako sa aircon may katabi naman akong buang! Lord naman..
Sa hindi malamang dahilan ay bumilis nanaman ang t***k ng puso ko. Tila naghuhumerentado. Akala mo nakikipag-unahan. Taena na talagang heartbeat 'to. Nahawa na rin kay kumag sa hindi pagtino. Pumasok na ako sa loob ng classroom at umupo sa seat ko tumabi naman siya sa akin siyempre ako usog konti baka kase manununo ako. Char! Nakita ko naman sila Abby at Cleofe na nakabusangot ang mukha. Paano ba namang hindi? Ganito ang seat namin.
Aircon/ako/kumag/abby/feeler
cleofe/epal/cassandra/alex
Matino ang pangalan ni Alex no? Tsk! wala kase akong maisip na nickname niya para sa akin.
Nagsimula naman ng magdiscuss ng kung ano-anu si Sr. S'yempre sa grupo namin si Cleofe lang ang nakikinig dahil siya ang bookworm naming kaibigan. Itong katabi ko namang si kumag ayun tulog. Porket siya ang may-ari ng school na 'to pwede na niyang gawin ang lahat ng gusto nya. Tsk! Pinagyayabang niya pa talaga!
"Okay! Pwede na kayong magbreak" Sabi ni Sr. Saka lumabas ng room. Napabuntong hininga ako nang malalim. Tae! Mahigit dalawang oras din 'yon. Tumayo na ako tapos nag-ayos. Ang katabi ko tulog pa rin. Tsk! Kala niya gigisingin ko siya. Nah! Never!
Naglakad naman na kami papuntang cafeteria nang may humarang sa amin. Tsk! Kailangan nila?
Unang araw ay napaka-daming epal sa escuelahan.
"What?" Iritang tanong ni Abby. Masungit nga to.
"Nothing." Maarteng sabi 'nong babae.
Tsk! Bigwasan ko 'to eh. Napaka-papansin.
"Excuse us." Sabi naman ni Cassandra. Pinadaan naman kami, anong problema ng mga 'yon? Mental ba 'tong school na to? Ang daming baliw eh. Nang marating namin ang cafeteria ay bumili na lang kami ng junk food dahil medyo busog pa kami. Umupo naman na kami sa mga chairs dun para dun na lang kumain. Medyo marami rin pala ang nag-aaral sa school na 'to.
"Nandyan na ang mga Campus Prince!" Sigaw ng mga babae. Tsk! Buti nagising pa yung isa, sana natuluyan na lang. Joke!
"Mga babae.. Magpaganda na tayo!" Sigaw nang bakla. Mga gwapo nga mayayabang naman. Hay nako!
Kumain na lang kami at hindi na namin pinansin ang mga papansin.
"Bakit ka nga pala lumipat dito?" Tanong ni Cassandra.
"Uhmm. Palipat-lipat kase kami ng house dahil dati sila Mom at Dad medyo ano pa sa trabaho pero simula ng mamatay yung Lolo ko sa side ni Mom, binigay na ni Lolo yung company nya kay Mom kaya they manage na nila yun. Tapos ang huli naming lipat ay itong tinitirhan namin ngayon." Paliwanag ko naman.
"Ah! Ganun ba? Dati ka pa lang nag-aaral sa East Ville."
Ano bang meron sa dati 'kong school?
"Bakit ba medyo kilala ang East Ville dito?" Tanong ko. Medyo curious na ako eh.
"May clash kase kami dati dun sa school na 'yon, gawa nila Justine." Paliwanag naman ni Cleofe. Ah! Oo nga pala itong school pala na 'to ang ka-clash ng school namin dati medyo hindi ko alam yun dahil 2 months lang tinagal ko dun dahil lumipat din agad ako.
"Hi girls" Sabi ni Jin sabay kindat. Grr! Magka-kuliti ka sana kakakindat mo.
"What are you doing here?" Tanong ni Abby.
"Tsk! I'm visiting you. Ano pa ba?" Sabi naman ni Jin. Argh! Ito nanaman sila.
"Hey! You?" Sabi ni Justine sabay turo sa akin. Tsk! Agaw pansin naman 'to masyado.
"Wae?" Sabi ko.
Napatingin naman sila Jousha, Cleofe, Abby, at Cassandra sa akin. Bakit nagkorean lang ako. Big deal na yun? Nag-aral ako sa korea 'no? 4 months din yun.
(Wae-Why)
"Wag mo akong i-wae-wae diyan. Talaga bang gusto mo akong kalabanin?" Tanong nya. Tsk! If I scared? Nyenye.
"Baka desu ka?" Sabi ko kaya naman tumingin sila ulit sa akin. Nge!
Nag-japanese lang big deal nanaman. Kung sabagay nag-aral rin ako sa Japan ng 8 months 'no? Paputol-putol pag-aaral ko 'e. Kung saan kase sila Mom dati dun din ako. Pero ngayon? Hindi na.
(Baka desu ka- Are you stupid?)
"Argh!" Sabi niya 'tsaka umalis. Tsk! Suko agad? Ano ba naman iyan? Umalis na rin 'yung mga kasama niya. Tsk! Kung saan ang isa dun din sila. Haha! Parang kami lang.
Teka, Moody ko bigla.
"Girl nagkokorean ka?" Tanong ni Cleofe.
"Oo naman 'no! Nag-aral ako sa korea ng 4 months." Sabi ko naman. Ang mga estudyante naman hindi pa rin makapaniwala na ginanun-ganun ko lang yung Prince nila. Prince ek-ek kamo.
"Nagjajapanese ka rin?" Tanong naman ni Abby. Nga pala may mga half nga pala itong mga 'to.
"Oo, nag-aral ako dun for 8 months." Sabi ko naman.
"Grabe palipat-lipat." Sabi naman ni Cassandra.
Natapos na ang break namin. S'yempre ito nanaman agaw pansin nanaman, buti na lang first day at half day lang kami. Bumalik na kami sa classroom para ipagpatuloy ang iba pa naming subject. Habang wala pang Prof. ang iba nagbabatuhan ng papel, yung iba naman nagmamake-up. Tsk! Daig pa teacher sa kapal na mukha este make-up.
Habang wala pa nga'ng Prof. ito nanaman sila Jin nang-aasar kaya ayan lumabas nanaman ang pagkapikon ni Cassandra. Hehe! Ang cute nga niya eh.
"Tumigil ka na diyan Jin!" Sigaw ni Abby dahil nga pulang-pula na si Cassandra ang puti pa naman.
"Okay! Hahaha!" Sabi ni Jin sabay tawa ng malakas. Nabaliw na talaga 'to.
Pumasok naman na ang Prof. namin at pinagdismiss na kami. Inayos ko naman na ang gamit ko para yung iba idadaan ko na lang sa locker.
"Tara na!" Sigaw ni Cleofe sa labas.
"Wait!" Sigaw naman ni Cassandra. Ang kupad kumilos. Palibhasa maliit ang bias. Haha. Joke.
Lumabas naman na kami ng classroom at dumiretso na sa locker room. Pagkadaan namin ng gamit namin sa locker. Nagsiuwian na rin kami dahil may mga pupuntahan pa daw sila. Sinundo naman ako ni Mang Ronald dahil hindi ako pwede magcommute, pagkarating ko sa bahay sinalubong agad ako ni Lola.
"Ano apo musta?" Bungad niya.
"Okay lang po, may mga friends po akong bago 'tsaka Lola isa ako sa campus princess." Balita ko naman.
"Mabuti naman 'kung ganun. Congrats apo dahil isa ka dun." Sabi ni Lola 'tsaka pumunta sa kusina.
Ano bang maganda sa pagiging Campus Princess? Sila Cleofe naman kasi nasanay na, eh ako? First timer pa lang sa ganiyan. Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Mamaya pa naman ang dinner eh. Tatawagin naman ako ni Lola. Nahiga muna ako sa kama at umiglip. Sleep is life.