Chapter 1 - Mr. Handkerchief.
Pauline Brix's POV
"Lola labas lang po ako!" Sigaw ko kay Lola na ngayon ay nasa kusina.
"Osige apo! Nga pala kay Mang Ronald ka na lang magpahatid baka mamaya 'eh mapano ka." Sigaw nya rin. Ito naman si Lola masiyadong nag-aalala.
Lumabas na ako pero dahil ako si pasaway hindi ako nagpahatid kay Mang Ronald. Haha! Gusto ko kase mapag-isa muna, pumunta muna ako ngayon sa park tutal sabado naman ngayon at wala pa kaming klase at magsisimula ito sa lunes.
Malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Pasukan nanaman, umupo muna ako ngayon sa mga bench at tumingin sa mga masasayang kumakain at nagtatawanan na pamilya.
I miss my family now kundi lang dahil sa business hindi sila aalis ng bansa, minsan na lang sila tumatawag sa akin minsan naman pagkailangan ko sila busy naman buti na lang nandyan si Lola pero kulang pa rin, nakakainggit sila kahit may problema sama-sama pa rin hindi tulad ko inu-una pa ang business, alam ko naman na para sa akin 'yung ginagawa nila pero hindi 'eh. Halos hindi ko na sila nakakausap araw-araw parang hindi na ako nag-eexist sa mundo nila, pagtatawag ako pera agad ang bungad nila, wala man lang kumusta?
"Miss! Panyo?" Sabi nung lalake. Hindi ko makita yung mukha nya dahil naka-yuko ako. Hindi ko nga napansin na umiiyak na pala ako.
"Hi-hindi n-na." Sabi ko habang naka-yuko pa rin.
"Miss? Okay lang." Sabi nya habang nakatayo pa rin sa harap ko, kinuha ko naman yung panyo nya habang naka-yuko, nakakahiya na kase ang ginagawa 'kong pag-iyak.
Naisip ko masiyado na akong nagiging madrama dito sa park at s**t na malagkit. Nakakahiya!
"Sa-salamat." Sabi ko pero hindi ko man lang napansin na umalis na pala sya. Hindi ko man lang napagpasalamatan.
Umuwi na ako nung magagabi na hawak-hawak ko pa rin yung panyo, napangiti na lang ako pagdating ko sa bahay sinalubong agad ako ni Lola.
"Oh! Umiyak ka ba?" Tanong agad nya. Kilala na ako ni Lola sa tagal ba naman ng taon na siya lang ang kasama ko.
"Lola!" Sabi ko tsaka ko sya niyakap, hinahagod lang ni Lola yung likod ko.
Alam na ni Lola kung bakit ako umiiyak ngayon, nung kumalma na ako kumain na ako, pinipilit ako ni Lola patawanin pero hindi ko talaga kaya. Nung natapos na ako sa pagkain umakyat na agad ako sa kwarto para makapagpahinga, nang nakita ko 'yung picture ng family ko. Hindi ko nanaman napigilan 'yung luha ko, umiyak lang ako ng umiyak kahit kinakatok na ako ni Lola nung napagod na ako kakaiyak, nakatulog na rin ako.
Kinabukasan. Sunday ngayon at bukas na ang pasukan, bumangon na ako at naligo sabi kase ni Lola magsisimba daw kami ngayon. Simple lang suot ko jeans tapos t-shirt na floral at nagconverse na lang ako.
Hindi kase ako yung tao na mahilig sa mga dress kahit marami akong branded na dress, hindi ko yun sinusuot minsan lang kapag may formal party akong pinupuntahan grabe na kasi ang yaman namin papera ng papera ang mga magulang ko nga diba? Puro business lang kase sila. Kaya ang pera mabilis pumapasok sa bahay na ito kahit si Lola nalulula na sa sobrang daming pera ang pinapadala ni Mommy at Daddy sa akin at kay Lola.
Tsk! Huwag na nga muna nating pag-usapan sila Mommy, naalala ko nanaman 'yung kahapon eh. Bumaba na ako at sakto naman na nakita ko na si Lola sumakay na kami ni Lola sa kotse namin. Pinaandar naman na ni Mang Ronald yung kotse.
Pagdating namin sa church. Pumasok na agad kami sabi kase ni Lola bago daw dapat magsimula ang misa dapat nandun ka na sa loob kaya pumasok na kami, nagsign of the cross naman na ako pagtapos kong ilubog yung kamay ko sa holy water na nakalagay pagpasok sa simbahan, nagsimula naman na yung misa habang nagmimisa parang bumibilis yung t***k ng puso ko kaya naman napatingin sa akin si Lola.
"Okay ka lang?" Bulong nya syempre bawal ang masyadong malakas na pag-uusap dahil nasa simbahan kami. Nag-nod na lang ako kay Lola, tumingin-tingin naman ako sa buong simbahan hanggang may nakita akong lalake na may kasamang barkada na naka-upo.
Huh? Bakit ganon heartbeat ko? May sakit na kaya ako? Nako! Lord sorry for all my sins ayoko pang mamatay! Ipapacheck-up ko na ba ito Lord? Lalala ba ito?
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader sa pagiging OA mag-isip. Ewan ko ba ba't ako kinakabahan na hindi mapakali. Napatingin lang naman ako doon sa grupo ng lalaki. Nge, simpleng landi din ako 'e. Char. S'yempre bawal. Nagdasal na lang ako hindi ko na pinansin yung papansin kong heartbeat.
Nung natapos na yung misa lumabas na agad kami ni Lola at hindi pa kaya kami kumakain ng almusal. Nagpunta na lang kami ni Lola sa Mcdo umorder na lang kami ng pancakes at coffee tapos kumain habang kumakain kami naguusap rin kami ni Lola.
"Apo? May binili ka na bang bagong sapatos?" Tanong sa akin ni Lola. Nako! Bibili pa ako 'eh halos buong walk in closet ko puno na ng sapatos.
"La naman, ang dami ko ng sapatos kaya." Sabi ko tsaka ako sumubo ng pancake ko.
Habang kumakain kami nakita ko nanaman yung lalake na papasok rin dito sa mcdo.
Naging mabilis nanaman ang t***k ng puso ko. Ang kaniyang bad-boy look ay nangingibabaw sa loob ng Mcdo. Gosh! Sound weird na talaga. May sakit na kaya ako sa puso? Cancer ba ito?
"Anong nangyayari sayo?" Napatingin naman agad ako kay Lola 'tsaka umiling pagtapos naming kumain nagpunta pa kami ng mall grabe Lola ko eh ang lakas pa feeling dalaga pa nga eh. Paano ba naman sya lahat gumastos para sa akin kung ano-anu binili-bili para sa akin.
Bumuntong hininga ako. Ang bait talaga ni Lola. Nung napagod na kami sa pagmamall dahil tatlong oras kami mahigit nag-mall napagdesisyunan na ni Lola umuwi. Haha! Pagdating namin sa bahay umakyat agad ako sa kwarto dala-dala 'yung pinamili namin inayos ko naman ito at sinampay ko naman 'yung mga damit sa walk in closet ko yung mga sandals naman na binili namin nilagay ko muna sa kahon at saka tinago sa mga cabinet pagtapos non ay bumaba muna ako para kumain.
Nang mga past 7:00 pm na ng gabi umakyat na ako dahil maaga pa pala ang klase ko tsk. First day ko na bukas ano kaya ang mangyayari? Sana naman maganda. Natulog na ako para hindi na mahirapan si Lola sa pagising sa akin bukas. Mabait kase akong apo! Hihi.