Chapter 13

2170 Words
THIRD PERSON POV "Are you sure about this?" hindi pa rin makapaniwala ang Don sa ibinalita ng asawa. "Yes, of course! My private detective finally found our daughter!" bakas sa tinig ng Donya ang tuwa at excitement. "I know you have not given up sa anak natin, ako man ay umaasa pa rin na mahanap s'ya," tugon naman ng Don sa asawa. Hindi nga ba't itinayo pa niya ang Alpha para pagbayarin ang mga kumidnap sa anak nila? Nang mahuli ang mga kidnapers ay ibang mga bata ang hawak ng mga ito. Hindi rin nila sigurado kung isa nga si Ariah sa mga batang kinuha nila. Hanggang sa unti-unting naglalaho ang mga nahuhuling miyembro ng sindikatong iyon, para bang mayroon talagang humahadlang para mahuli ang pinuno nito. Wala ring nagawa ang mga awtoridad nang mga panahong iyon kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para magbayad ang mga taong iyon. Maagang dumating and mag-asawang Arthur at Eloisa Chavez sa bahay ampunan ng San Juaquin. Kapwa sabik mayakap ang matagal na nawalay na anak. Dala ang larawang kuha sa pagtitipon sa bahay ampunan Sixteen years ago ay nilapitan ni Sister Julie ang naghihintay na mag-asawa sa maliit na tanggapang iyon ng ampunan. "Heto, tatlo silang dumating nang araw na iyon, nakita sila ng mga tao na palakadlakad lang sa bayan kaya nagpasya silang dalhin sila rito," mahabang kuwento ng butihing Sister. Marahang inabot ni Donya Eloisa ang naka-laminate na larawan. Masusi iyong pinagmasdan. Naroon ang may tatlumpong mga bata na maayos na nakahanay. Iba't ibang edad mayroon pang sanggol na hawak ang isa sa mga Sisters. Kahit medyo malabo dahil kupas na ang larawan ay nakilala pa rin ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak. Ang kanilang si Ariah ay naroon! "Oh! My daughter!" madamdamin at halos maiyak na sambit ni Eloisa habang hinahaplos ang mukha ng isang bata sa larawan. Hindi man umimik ang Don ay bakas ang tuwa sa kaniyang mukha. Hinawakan niya sa balikat ang asawa saka marahang pinisil iyon. "Mamaya ay narito na s'ya," nakangiting pahayag ni Sister Julie. "Natutuwa akong malaman na may pamilya pa pala siya, hindi man niya nababanggit ay alam kong pangarap din ng batang iyon na mabuo ang kaniyang pamilya," dagdag pa niyang medyo naiiyak na rin. "Do you need me to go with you?" tanong ni Alex habang pinapanood si Violet na nagpapalit ng damit. "I'll be fine, thanks!" tugon naman niya. "Magpahinga ka na lang muna, siguradong makirot pa iyang sugat mo. Isa pa, baka kung ano pa ang isipin ni Sister kapag nalamang magkasama tayo buong gabi. Alam mo na-" aniya pa. "I understand," maagap namang tugon ni Alex. Naunwaan naman agad niya ang ibig sabihin ng nobya. "I'll be back," nakangiting wika ng dalaga habang yumuko at hinalikan sa noo ang nobyo na noon ay naka higa pa lamang sa kama. "Take care," habol ni Alex bago tuluyang nawala sa paningin ang nobya. "You too!" aniya at tuluyan nang lumabas ng apartment. Hindi maiwasang mag-isip ng dalaga habang naglalakad papunta sa simbahan. Ang totoo hindi pa rin siya naniniwalang buhay pa ang pamilya niya. Kung totoo man, bakit hindi man lamang siya hinanap ng mga ito? Bakit ngayon lang? Marami pang katanungan ang nais niyang masagot kaya gusto na rin niyang makaharap ang sinasabi ni Sister Julie sa mga magulang niya. Mabilis ang lakad niya habang palinga-linga, sinisiguradong walang naka sunod sa kaniya. Kahit na nakasuot siya ng sumbrero ay inilugay pa rin niya ang kaniyang mahabang buhok para tumakip ng bahagya sa kaniyang mukha. Dumiretso siya sa munting tanggapan ng ampunan. Kumatok muna siya sa pinto. Naulinigan niya ang mga pag-uusap sa loob. Mabilis namanng bumukas ang pinto at sumalubong sa kaniya ang nakangiting mukha ng butihing Sister. "Iha, nar'yan ka na pala. Tuloy ka," aniyang niluwangan ang bukas ng pinto. Pumasok siya, isang sopistikadang ginang na nasa katanghalian na ang edad ang mabilis na tumayo at sumalubong sa kaniya ng mahigpit na yakap. Lumuluha ito at halos ayaw na siyang bitawan. Wala siyang nagawa kung hindi yumakap rin at haplusin ito sa likod dahil halos umuga ang balikat nito sa pinipigil na emosyon. "Anak ko!" anito habang yakap pa rin siya. Natigilan naman siya nang mapatingin sa kasama nito. Ganoon din ang matandang lalaki, halos namutla pa nga ang Don nang makita ang mukha ng dalaga. Maging si Violet ay hindi alam ang magiging reaksyon sa kaharap pero wala na siyang nagawa nang inilahad nito ang kamay para sa isang yakap. Mabilis lang ang ginawa niyang pagyakap rito. "Iha, sila ang tunay mong mga magulang. Si Mr. and Mrs. Chavez. Ikaw ang nawawala nilang anak," marahang paliwanag ni Sister Julie. "Mababaliw ako nang araw na mawala ka anak! Alam ng Diyos kung paano ka namin hinanap," madamdaming paliwanag ni Donya Eloisa. "Anak, sana mapatawad mo kami kung ngayon ka lamang namin nahanap. Pangako, babawi kami sa lahat ng pagkukulang namin sa iyo," si Don Arthur na hindi gaanong makatingin ng diretso kay Violet. Paano ba naman, kahapon ay kulang na lang ipapatay siya nito. Napakalupit talagang maglaro ng tadhana. Ang mga taong hindi mo inaasahang maging bahagi ng personal na buhay mo ay sila pala ang bubuo at sasagot sa mga katanungan sa pagkatao mo. "Heto anak," anang donya habang inaabot ang mga larawan ng buong pamilya noong bago siya mawala. Kung ikukumpara ito sa mga larawang kuha sa ampunan noong bata pa siya ay talagang sasabihin mong iisa ang batang iyon. "Pero para makasiguro ay magpa pa-DNA test pa rin tayo," sabat naman ni Don Arthur. "Mas mabuti nga 'yang naisip mo Mr. Chavez," si Sister Julie. Mamaya pa ay may tinawagan ito sa kaniyang telepono at ilang minuto lamang ay nariyan na ang mga taong kukuha ng kanilang DNA samples. Napapailing na lamang si Violet. Hindi talaga lumalakad ang Don nang hindi kumpleto ang dalang armas. Pilit niyang hinuhuli ang tingin nito pero sadyang mailap. Alam ng dalaga na lingid sa Donya ang tungkol sa Alpha kaya naintindihan niya ang ikinikilos ng matandang Chavez. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari. Literal na umikot talaga ang mundo niya. Biruin mo, tatay pala niya ang kaniyang boss na muntik nang magpatahimik sa kanila ni Alex. Well atleast ngayon ay hindi na nila kailangang magtago. "Iha anak, kumusta ka. Kaytagal kong pinangarap ang sandaling ito, ang makasama at makita kang muli," hindi pa rin makabawi sa emosyon ang donya dahil sa sobrang tuwa. "A-ang totoo ho hindi ko pa rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman," tapat na wika niya sa ginang. Sa wakas ay nahanap rin niya ang boses na nalunok yata niya kanina pagkakita kay Don Arthur. "Huwag kang mag-alala hindi ka namin bibiglain, hintayin muna natin ang resulta ng DNA test. Pero sigurado akong ikaw si Ariah," wika ng butihing Donya habang hinahaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyang naka-upo na sila sa sofang naroon. Abala naman ang Don sa pakikipag-usap kay Sister Julie. Balak nitong gawing bago ang mga lumang gusali ng ampunan bilang pasasalamat na rin sa pag-aalaga sa ank nito. "Napakanda mo, sigurado akong matutuwa ang kapatid mo kapag nalaman ito. Alam mo bang kahawig na kahawig mo s'ya," patuloy ni Donya Eloisa habang nakatuon pa rin ang buong atensyon sa dalaga. Na-excite si Violet nang malamang mayroon siyang kapatid. Bahagyang kumislap ang mga mata niya pero maya-maya lang ay nawala rin iyon. Nagpa-DNA test nga pala sila. Paano kung nagkamali pala ang mag-asawang ito? "Talaga ho?" tanging sagot na lamang niya. "Oo iha, siguradong magkakasundo kayo ng kapatid mo. Miss na miss ka na rin niya," dagdag pa ng Donya. "Ito oh, birthday mo ito noong limang taong gulang ka. Ipinagbubuntis ko pa lamang ang kapatid mo rito," inisa-isang binuklat ng Donya ang photo album. Kitang kita ang pagiging ina nito sa matiyagang pagkukuwento sa mga larawan habang binubuklat ang album. Hindi man maamin ng dalaga ay palagay na palagay ang loob niya kay Mrs. Chavez. Iyon na ba ang lukso ng dugo? Tanging tanong niya sa isip. Damang dama niya ang presensya ng isang Ina sa tabi ng Donya. Lalo na ang paghaplos at paghawak hawak niyo sa kamay niya. Si Violet na ni minsan ay hindi namulatan ang magkaroon ng magulang ay mabilis na natunaw ang puso sa inang hindi pa man sigurado kung siya ba ang nawawala nitong anak. Walang imik ang dalaga nang bumalik sa kaniyang apartment. Nagtataka man ay hinyaan na lamang ni Alex ang pananahimik ng kaniyang nobya. Kanina ay nagpaalam na ang mag-asawang Chavez at nangakong babalik ilang araw mula ngayon sa oras na lumabas ang resulta ng DNA test ano man ang maging resulta nito. "Are you okay?" maya maya ay tanong ni Alex sa tahimik pa ring dalaga. Hindi na siya makatiis sa pananahimik ng nobya. "I'm fine, medyo nabigla lang ako," aniya. Sa lahat ng tao ay si Arthur Chavez pa talaga ang tatay niya. Hindi niya alam kung matutuwa, maiinis o matatakot ba siya. "What happened?" usisa ng binata. "Arthur Chavez, one of the founder of Alpha turns out to be my father," mahinang pahayag niya. Pero kung gaano kahina ang boses niya ay ganoon naman ang lakas ng sagot ni Alex. Maging siya ay nabigla rin. "What!?" medyo napalakas ang boses niya habang napatayo sa kinauupuan. Napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa binti kaya bumalik din sa pagkaka-upo. Magpapalit sana siya ng benda ng sugat niya. "Of all the people!" bulalas niyang hindi pa rin makapaniwala. "Yeah, hindi rin ako makapaniwala," aniya habang umiiling. "Hindi biro maglaro ang tadhana," dagdag pa niya. "Kumusta na 'yang sugat mo? Makirot pa ba?" mayamaya ay tanong ng dalaga. Halos ngumiwi pa kasi ito kapag nagagalaw ang binting may sugat. "Wala ito, malayo sa bituka," sagot naman niyang pilit na ngumiti kahit naka ngiwi. "May restaurant d'yan sa malapit, gutom ka na ba? Mag-take out na lang ako sandali," sabi ng dalaga at naghanda para lumabas at bumili ng pagkain para sa kanila. "Ingat ka," si Alex na bumalik sa kama para magpahinga. "Sige d'yan ka na muna," aniya saka tuluyang lumabas ng apartment. Nag-take out lamang siya ng dalawang set breakfast meal sa isang malapit na fast food. Nang bumalik siya ay nadatnan niyang nilalamig at tila nilalagnat si Alex. Mainit ang temperatura ng kaniyang katawan at halos manginig sa lamig. "Oh my God! Napakainit mo!" aniya nang hawakan sa noo ang kasintahan. "We need to go to hospital! Alex, bakit hindi mo sinabing masama ang pakiramdam mo?" nag-aalalang patuloy niya habang inalalayang bumangon ang binata. "I'm fine, huwag kang mag-alala," tugon nito. "Diyos ko! Hayan nga at halos hindi ka na makagalaw, fine ka pa rin?" aligaga pa ring sabi niya. "Heto, kumain ka muna at tatawag ako sa ospital para masundo tayo ng ambulansya," aniya habang tinungo ang telepono sa sala. Pagkatapos tumawag ay sinubuan niya ang binata para makakain nang maayos. Hindi naman nagtagal ay nariyan na ang ambulansya ng munisipyo ng San Juaquin. Mabilis na nadala sa ospital si Alex. Agad siyang binigyan ng dosage ng anti tetanus dahil na impeksyon na pala ang kaniyang sugat. Nanatili sila sa hospital hanggang kinabukasan. Dumating rin kinabukasan ang isa sa mga tauhan ni Alex dala ang kaniyang sasakyan para sunduin sila. Hindi iniwan ni Violet si Alex hanggang sa makabalik sa Maynila. Hanlos nawala na rin sa isip niya ang kasalukuyang sitwasyon niya dahil sa pag-aalala sa kasintahan. Kahit na nasa ospital sa Maynila si Alex at mayroon nang pribadong nurse nag-aasikaso rito ay palagi pa rin si Violet sa tabi nito. Mahihinang katok sa pinto ng silid ni Alex sa ospital ang pumukaw sa naiidlip na dalaga, naka higa siya sa sofa na naroon. Pupungas pungas at kunot ang noong binuksan niya ito. "Ariah anak!" si Eloisa Chavez ang nabungaran niya at mahigpit siya nitong niyakap. "Violet," si Arthur Chavez na nasa bandang likuran lamang pala ng Donya. "H-ha? Paanong-" "Ikaw si Ariah ang nawawala naming anak. Violet anak, nag-match ang DNA test natin," halos maiyak na pahayag ng Donya. Hindi pa rin makabawi sa pagkabigla ang dalaga nang bigla siyang yakapin ni Arthur. "Violet, forgive me," madamdamin at makahulugang bulong niya. Sa wakas ay nag-sink in din sa isip ni Violet ang mga pangyayari. Biglang tumulo ang masaganang luha sa kaniyang mga mata. Ang bigat ng kaniyang dibdib na naipon pa yata mula pagkabata ay tuluyang umalpas sa pamamagitan ng mahihinang hikbi habang yakap ang ama. "Patawarin mo ako anak!" hindi na rin mapigilan ng Don ang maluha. Walang salita ang namutawi sa kaniyang mga labi habang lumuluha, kaytagal niyang pinangarap ang magkaroon rin ng pamilyang masasandalan katulad ng iba. Kahit alam niyang imposible ay ito ang lihim niyang dinadalangin kaya noong mawala si Eric na unang nagparamdam sa kaniya ng pagiging pamilya ay wala siyang ginawa kung hindi hanapin at tugisin ang mga pumatay dito at sampu ng kaniyang mga kasamahan. At heto ngayon natupad na ang kaniyang dalangin. Kahit pa si Arthur Chavez ang huli sa kaniyang listahan para maging pamilya ay hindi nito mababago ang katotohanang ito ang kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD