Chapter 14

2107 Words
Nang tuluyang gumaling at umuwi na sa kanilang mansion si Alex ay umuwi na rin sa mansion ng mga Chavez si Violet. Hindi pumayag si Donya Eloisa na hindi siya nito ma-uwi sa kanilang tahanan. Sabik na sabik ang Donya na makasama ang kaniyang anak na nawalay ng napakatagal. "Mama ang itawag mo sa akin," nakangiting wika ni Eloisa sa anak nang mapansing asiwa pa rin ito at minsan ay tinatawag pa siyang 'maam'. "Masanay ka na iha," anito at saka hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyan itong nasa silid niya. Naka-upo siya sa harap ng salamin habang dahan dahang sinusuklay ng kaniyang ina ang kaniyang buhok. "Oho, M-mama," tugon ng dalaga kahit naninibago pa. Napakasarap pala ng pakiramdam nang mayroon kang matatawag na Mama, sa loob-loob ng dalaga. "Darating sa susunod na linggo ang kapatid mo, excited na siyang makita ka anak," balita ng butihing ginang sa dalaga. Kahit paano ay natutuwa siya, hindi lang pala magulang ang mayroon siya. May kapatid din siya. Tila unti-unting lumalambot ang puso niyang pinatigas ng panahon. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina at pinisil iyon. "Maraming salamat po at hindi kayo sumuko sa paghahanap sa akin," aniya. "Anak, ano ka ba? Kahit pa tumanda at hanggang sa hindi ako mamatay hahanapin pa rin kita," tugon ng ginang na niyakap siya mula sa likuran. "Mahal na mahal ka namin Ariah, kahit kailan hindi ka nawala sa isip at puso namin ng Daddy mo," aniya pa. "Salamat po," sabi niya saka ngumiti. "Sige na, matulog ka na at may pupuntahan tayo bukas, mamimili tayo ng mga gamit mo," anito sabay silyap sa maliit niyang maleta na nasa paanan pa rin ng kama niya. "Mag-uutos ako ng katulong bukas para ayusin ang mga gamit mo," dagdag pa niya. "Naku huwag na po. Kaunti lamang ito, aayusin ko na bago matulog," tanggi naman niya. Pero ang totoo marami siyang itinatago sa maletang iyon. Ang kaniyang mga alagang de kalibre ay naroon. Kaunti lamang ang dala niyang damit. "Ikaw ang bahala," hindi na niya pinilit ang anak. Baka ayaw nito nang may ibang humahawak sa mga gamit. Hindi pa niya alam ang ayaw at gusto nito kaya hinayaan na lamang niya. "Goodnight iha, feel at home," aniya saka hinalikan ito sa noo. "G-good night Mama," tugon naman ng dalaga. Nang makalabas ang kaniyang Ina ay mabilis niyang ini-lock ang pinto saka binuksan ang kaniyan maleta. Inilabas ang ilang pirasong pistol at ang kaniyang assault rifle na hindi pa na-assemble. Ilalagay niya ito sa vault na nakita niya sa loob ng kaniyang closet. Malaki naman iyon kaya siguradong kasya ang mga ito. Wala pa siyang permiso para magdala ng baril sa bahay na ito lalo na at nandito ang kaniyang Ina. Hindi pa niya naisasara ang vault ay may kumatok muli sa kaniyang pinto. Mabilis na tinulak lang ang pinto ng closet para matakpan ang nakabukas pang vault. Binuksan niya ang pinto, si Don Arthur iyon, ang kaniyang ama. "Come in Sir!" bigla niyang nasabi saka niluwagan ang bukas ng pinto. Nangingiti ang Don. Huli na nang mapagtanto ang nasabi. "Violet, gusto kong makausap ka tungkol sa Alpha. Huwag mo sanang sasabihin sa Mama mo ang tungkol dito, ayaw ko siyang magkaroon pa ng ibang alalahanin," mahabang pahayag ng Don. "Remove me from the list!" diretsong tugon niya sa Ama. "But of course, gagawin ko ang makakaya ko para maalis ka sa listahan. Tinutukoy ay ang mga personalidad na markado ng Alpha. "Good, we're good then," aniyang tumingin sa bahagyang naka awang na closet, naka tingin rin doon ang kaniyang Ama. "Hindi ito ang pinangarap kong buhay para sa iyo anak, but I want you to know that I'm so proud of you," aniya sa dalaga. "Come on, huwag na tayong maglokohan. Paano mo maipagmamalaki ang anak na mamamatay tao?" mapait ang tinig na tugon niya sa ama. "We know why are we doing it! Marami pang biktima ang umaasa sa atin," giit naman nito. "Hindi ligtas ang mga iyan d'yan," aniya na tinutukoy ang mga armas na inilagay niya sa vault. "Halika," aya niya sa dalaga. Lumapit sila sa malapad painting na nakasabit sa pader ng kaniyang silid. Bhagya iyong ginalaw ng Don. Unti-unting lumihis iyon at tumambad ang pinto na kasinlaki lamang ng pinto ng kaniyang closet. Napanganga siya sa nakita, isang makitid na silid iyon na puno ng iba't ibang kalibre ng baril. Naroon rin ang paborito niyang set of rambo knife. "Mula noong mawala ka ay wala nang gumamit sa silid na ito kaya ipinagawa ko ang silid na iyan ng lihim," kuwento ng matanda. "Diyan ko nilalagay ang mga paborito kong koleksyon," patuloy nito. "Wow!" hindi mapigilang bulalas ng dalaga. "Napakarami!" hindi pa rin makapaniwala. Tumingin siya sa ama na tila humihingi ng permiso na hawakan ang mga ito. Tumango naman ang nasisiyahang matanda. Alam agad niya ang gusto ng anak. "Ang lahat ng iyan ay koleksyon ko mula pa noong nakahiligan ko ang pagtarget shooting. Inipon ko ang mga iyan. Ibinibigay ko na ngayon sa pangangalaga mo Violet," pahayag ni Don Arthur. "Talaga?" namilog ang mga mata niya sa tuwa. Dati ay pangarap lang niya ito, pero ngayon ay abot kamay na niya!" Kung tutuusin ay kaya rin niyang bumili nito, pero ang mag-ipon ng ganito karami ay siguradong magiging delikado para sa kaniya. Una ay wala naman siyang mansion para paglagyan ng secret room. Pangalawa, wala siyang kilalang mga personalidad na magbebenta ng ganito kamamahaling mga armas. Siguro ay sa ibang bansa pa ito binili ng kaniyang ama. "Oo," maikling tugon ng nakangiting Don. Saglit na nawala ang ngiti ni Violet nang maalala ang kasalukuyang sitwasyon. "Sinusuhulan mo ba ako?" tanong niya rito. "Of course not!" bakit naman kita susuhulan? "Para hindi ako magsumbong kay Mama?" aniya. "Violet anak, nasasayo na kung bibigyan mo pa ng alalahanin ang Mama mo," sagot nito saka tinapik tapik ang kaniyang balikat. "Sige na, magpahinga ka na. May lakad pa raw kayo ng Mama mo bukas," anito saka siya tuluyang iniwan. Napapailing na lamang ang dalaga nang isara ang maliit na silid na iyon. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ibang iba na ang buhay niya ngayon, bilog talaga ang mundo. She's been struggling since childhood pero heto siya ngayon, sa isang iglap ay nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Pero nagbago man ang lahat ay hindi na nito mabubura ang kaniyang mga lihim na nakaraan. Na kahit kailan ay hindi mauunawaan ng lipunan kaya mas mabuting panatilihing lihim na lamang. "Parang awa mo na, magbabago na ako!" halos gumapang ang matandang kongresista sa paanan niya. Kapuwa sila hubad dahil nagpanggap siyang p********e para mapalapit dito. Sadista ang matanda, halos ipakaladkad siya nito sa mga tauhan at hinubaran sa harap nila. Matikas pa ang matanda pero dahil sa kaalaman sa martial arts at baril ay mabilis na naagaw ni Violet ang baril ng isa sa mga tauhan nito at pinagbabaril ang mga iyon. Ngayon ay tanging ang matandang kongresista na lamang ang natira, halos gumapang at magmaka-awa sa kaniya."Ilang babae rin ang binaboy mo Congressman, ilang pamilya ang ninakawan mo ina ng tahanan, ilang kabataan ang inalisan mo ng pangarap, hah! Hindi na mabilang, hindi ba?" aniyang tumawa ng pagak. "Parang awa mo na! Ibibigay ko kahit magkano, huwag mo lang akong patayin!" pakiusap pa nito. "Pasensya ka na, huli na ang lahat," aniyang itinutok ang baril sa noo nito pero hindi iyon pinutok bagkus dineretso iyon sa hinaharap nito at doon pinaputok. Napaigik sa sakit ang matanda at tuluyang humdusay sa sahig. Naabot nito ang baril ng isa sa mga tauhang wala nang buhay sa tabi niya at mabilis iyong kinuha. Pero bago pa man maiputok iyon ay kinalabit na ni Violet ang gatilyo. Diretso ang bala sa noo nito. Nakadilat pa ito nang tuluyang mawalan ng buhay. Pawis na pawis si Violet nang biglang bumalikwas sa higaan. Hanggang sa panaginip ay dinadalaw siya ng mga ala-ala ng kaniyang nakaraan. Bumangon siya at nagsuot ng roba. Bumaba sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Akmang aakyat na siya pabalik sa silid nang maulinigan niya ang pag-uusap sa loob ng library ng kaniyang ama. into rin kasi ang nagsisilbing opisina nito. Bahagyang naka-awang ang pinto. "Sigurado akong may kinalaman sila sa pagka-wala ni Ariah noon," ani Don Arthur. Dinig iyon ni Violet kaya lalo siyang naging interesado. "Of course aware ako sa mga negosyo nila pero hindi ko alam na mayroon silang ganoon," muling sabi nito. Mataman lamang nakikinig sa usapan si Violet. Medyo kinabahan siya sa narinig. "Siguraduhin mo muna ang mga impormasyon mo." "Ayaw ko ng tinatraydor ako. Pinagkatiwalaan ko sila pagkatapos sila pala ang tumangay sa anak ko?" narinig ni Violet ang galit ng ama sa kung sino mang pinag-uusapan ng mga ito. Nang marinig niyang ibinaba nito ang telepono ay nagtago siya sa likod ng makapal na kurtina. Narinig kasi niya ang palapit na mga yabag nito. Nang masigurong naka-akyat na ang ama sa silid ng mga ito ay dahan dahan siyang pumasok sa library. Hindi niya alam pero parang may nag-uudyok sa kaniyang gawin iyon. Nakita niya ang isang folder sa ibabaw ng mesa ng kaniyang ama, may naka lagay na 'CONFIDENTIAL' sa unang pahina nito. Binuksan niya iyon. Naroon ang larawan ng dalawang lalaki, Jaguar at Leo ang pangalan ng mga ito ayon sa nakasulat sa ibaba ng kanilang larawan. Napa-isip siya, si Jaguar at Leo ang co-founder nito sa Alpha. Hindi kaya ito ang tumatraydor sa kaniyang ama? Tinitigan niyang maigi ang litrato ng dalawa, tila may kung anong kumislap sa ala-ala niya. Bigla siyang natakot at muntikan nang mahulog ang hawak na baso. Mabilis siyang umakyat sa kaniyang silid. Iniisip pa rin ang mukha ng kasosyo ng ama. Halos madaling-araw na nang makatulog siya. "Huwag po maawa na kayo sa kuya ko!" iyak ng batang babae. Nagmamakaawa sa dalawang lalaking naka suot ng gloves at may hawak na matatalas na bagay. Nakahiga sa isang makitid na papag na tila katayan ng hayop ang isang batang lalaki habang yakap ni Ariah ang batang babae na patuloy sa pag-iyak. Nanginginig sa takot si Ariah. Ginuhitan na ng dalawang lalaki ang bandang tiyan ng batang lalaki at akmang hihiwain na ng mga ito nang bigla itong nagising. Hindi gaanong tumalab ang pampatulog na pina-inom nila rito. Nagulat ito at biglang bumangon, bahagya siyang nasugatan sa tiyan dahil sa gulat rin ng dalawang lalaki. Patuloy sa pag-iyak si Ariah at ang kasamang bata nang hilahin sila ng nakatatandang batang lalaki palabas ng bodegang iyon. "Ariah! Anak," bahagyang tinapik ni Donya Eloisa ang mukha ng tila umuungol o umiiyak na si Violet. Nag-mulat siya ng mata at tila takot na takot. Bigla niyang niyakap ang Donya. "Mommy!" aniyang nanginginig pa rin sa takot. "What happened? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ng Donya habang sinasalat ang kaniyang noo. "W-wala ho, nananaginip lang ako," aniya nang mahimasmasan. "Ganoon ba iha, sige maghanda ka na, hinhintayin kita sa baba," anito saka tumayo na at nilisan ang kaniyang silid. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga, nakatingin lamang sa kisame. Ang kaniyang mga panaginip parang totoong totoo. Napatingin siya sa orasan sa kaniyang side table, alas nuwebe na pala! Mabilis siyang nagbihis at saka bumaba. Nadatnan niyang nag-aagahan na ang mga magulang. "Good morning Mom, Dad," aniya. Tila natural lamang na lumabas sa kaniyang bibig ang mga katagang iyon. Maging siya ay nagulat din. Ngumiti at tumango naman ang mga ito. "Umupo ka na at kumain," anang kaniyang ina at ipinagsalin siya ng gatas sa kaniyang baso. Pagkatapos ng kanilang agahan ay umalis na sila, tulad ng sinabi ng kaniyang ina ay namili sila ng mga gamit niya. Mula sapatos at mga damit hanggang sa mga alahas ay ibinili siya ng kaniyang ina. Pagkatapos ay kumain sila sa isang mamahaling restaurant na noon lamang niya napuntahan. Pagsapit ng hapon ay sa spa naman sila. Nagpamasahe ang kaniyang ina habang ginagawa ang iba't ibang treatment sa kamay at paa at sa mukha niya. Paglabas nila roon ay tila kakaiba ang pakiramdam niya. Napaka kinis ng dating magaspang niyang palad. Ang matitigas na kalyo niya sa paa ay wala na. Napaka komportable ng kaniyang pakiramdam. Tingin niya ay hindi na bagay humawak ng baril ang magaganda niyang mga kamay. Nag-enjoy silang mag-ina sa maghapong iyon. Pero pagdating nila sa bahay ay nadatnan nila ang amang balisa. "What's wrong honey?" tanong ng donya sa asawa. "Nothing, may kaunting problema lang sa kumpanya,"anito. Alam ni Violet na hindi lang ganoon kasimple ang problema ng ama. Kahit na sandali pa lamang niyang nakakasama ang mga ito ay alam niyang may pinagdadaanan ang ama at nag-aalala siya para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD