HINDI ko magawang makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking baywang. Hindi ko man lang napansin na bumubunot pala siya ng baril habang magkahalikan kami. Masyadong mabilis ang pangyayari.
"Ano ba?! Bitawan mo 'ko!" angal ko, halos umangat na ang paa ko sa sahig sa higpit ng pagkakakapit niya sa akin.
"Hindi ka puwedeng umalis!" sambit niya.
Bakit hindi ko man lang natunugan na pulis pala ang isang 'to. Kaya siguro hindi ko magawang kuhanin ang atensyon niya kanina ay dahil naka-focus siya sa trabahong gagawin.
Matapos ang pagpapaputok niya ng baril ay sumunod na ang mga lalaking unipormado na pumasok sa loon ng bar na pinapasukan ko. Lima hanggang pitong pulis ang tingin kong naroon. Lahat sila, natutok ang baril sa kung saan.
"Dumapa kayong lahat!" utos ng isa niyang kasama.
Lumingon sa akin ang pulis na nakahawak sa baywang ko. "Nasaan ang manager ninyo?" tanong niya.
Oras na malaman niya kung sino ang taong nagpapatakbo ng bar na ito, siguradong mawawalan na ako ng trabaho.
"H-Hindi ko alam," pagsisinungaling ko.
"Kung hindi mo sasabihin kung nasaan ang manager ninyo, ikaw ang ikukulong ko."
Teka! Police-brutality 'yon, ah? Pero mas malala pa ang aabutin ko kung hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan ang manager namin. Ayaw kong mawalan ng trabaho pero mas lalong ayaw kong makulong.
Inikot ko ang mata ko sa paligid. Kunwaring naghahanap pero ang totoo ay nag-iisip ako kung paano makakatakas sa lalaking ito. Haggang sa may naisip akong ideya.
"D-Doon!" Itinuro ko ang staff room.
"Sumama ka sa 'kin."
Braso ko naman ang hawak niya habang hinihila ako patungo sa lugar na aking itinuro. Halatang wala siyang balak na pakawalan ako. Sanay naman akong hinihila na lang sa kung saan ng mga lalaking nagiging costumer ko pero iba ang pakiramdam ngayon, sa halip na pagkasabik ay takot ang nangibabaw sa akin.
Hindi ko alam kung gagana ang plano kong pagtakas pero kung sakali mang hindi ko siya magawang takasan, wala akong ibang magagawa kundi ang sumuko na lang. Bahala na.
Nang nasa harap na kami ng pinto ng staff room ay pinuwersa kong kunin ang braso ko sa kanya at kinagat ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Aray!" daing niya, sa wakas ay tuluyan na akong nakawala sa kanya.
Nang tuluyan ko nang mabawi ang aking braso sa kanya ay kaagad kong binuksan ang pinto ng banyo ng mga babae. Katapat lamang iyon ng staff room kaya madali lang para sa akin ang makapasok doon. Sa tagal ko nang nagtatrabaho sa bar na ito bilang entertainer, alam ko na ang pasikot-sikot ng lugar na ito.
Agad kong kinandado ang pinto ng banyo. Dinig ko pa kung paano niya piliting buksan ang seradura ng pinto. Halos mawasak na rin niya iyon sa paulit-ulit na pagkatok. Kailangan ko nang magmadali dahil kung hindi, sa kulungan ang diretso ko.
"Buksan mo 'to!" sigaw niya, paulit-ulit na hinahampas ang pinto.
Mabilis na dumako ang paningin ko sa maliit na siwang ng banyo. Tingin ko ay kasya naman ako roon. Patakbo kong tinungo ang pinakadulong cubicle kung saan naroon anh maliit na butas. Inakyat ko ang inidoro pagkatapos ay pinilit abutin ang butas kung saan ako lulusot para makatakas.
Para akong nakikipagtunggali makalusot lamang sa maliit na butas na iyon at matakasan ang pulis na gusto akong hulihin. Nang mapagtagumpayan ko namang makalusot ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag.
"Kailangan kong makaalis dito," bulong ko sa sarili.
Nagawa ko mang makalusot ay hindi pa roon nagtatapos ang lahat. I need to escape. But it wouldn'r be that easy if I still wearing this high-heeled shoes. Paano ako makakatakbo suot ang stilleto na ito? Luma na pero mahal ang bili ko rito kaya hindi ko puwedeng basta na lang iwan. Kaya kahit labag sa kalooban ko, hinubad ko ang sapatos na ginagamit ko para lang makaakit ng custumer.
Hindi lang lamig ng sementadong kalsadang inaapakan ko ang sumalubong sa akin nang hubarin ko ang aking sapatos. Nanuot din sa buong katawan ko ang simoy ng gabi. Paano'y tanging lingerie lang ang saplot sa aking katawan. Buong akala ko'y magiging mainit ang gabing ito para sa akin. Mali pala ako — malamig na bala ng baril, gulat na dala ng mga nangyari, at lamig ng hangin ngayong gabi ang sumalubong sa akin.
Pero kahit ganoon ang kinahinatnan, nagawa ko pa ring makatakbo bitbit ang sapatos ko, suot ang kapirasong tela sa katawan ko, at tapang ng kalooban makalayo lamang sa lugar na muntik nang magpahamak sa akin.
Nagulat nga lang ako nang biglang dumaan ang police mobile sakay ang mga kasamahan ko sa trabaho. Mabuti na nga lang at hindi nipa ako nakita, dahil nagtago agad ako sa masukal na halaman ng isang gusali. Wala na akong pakialam kung magkasugat-sugat man ang aking balat makatakas lang sa taong humahabol sa akin.
Pinilit kong iyupyop ang sarili sa likod ng isang halaman ng Santan para lang magkubli. Hinintay kong makalayo ang mga sasakyan ng pulis. Nang mawala na ang liwanag at tunog na dulot ng sirena ng kanilang sasakayan, saka ko nagawang umalis sa kinatatayuan ko.
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay maisip na nagawa ko silang takasan. "Buti naman."
Laglag ang balikat ko sa pagod. Pero napangisi ako nang maisip ang nagawa ko. I feel proud of myself. Hindi ko akalaing magagawa kong takasan ang mga pulis na iyon lalo na 'yong nakahalikan ko lamang kanina.
Aalis na sana ako pero nang tumalikod ako ay bigla ko na lang naramdaman ang malamig na bakal na dumampi sa sentido ko.
"Huwag mong tanggkaing tumakas kung ayaw mong sumabog ang bungo mo." Pamilyar sa akin ang nagbabantang boses. Sigurado akong siya 'yong pulis na gustong humuli sa akin kanina.
Itinaas ko ang kamay ko sa takot na baka totohanin niya ang banta. Pulis siya kaya maaari niyang magawa ang anumang gustuhin niyang gawin sa akin.
"Sir, maawa po kayo. Mag-isa na lang ako sa buhay, gagawin ko po lahat ang gusto ninyo, huwag n'yo lang akong ikulong," pakiusap ko.
"Kahit ano?" tanong niya. Napaisip ako sa sinabi niya, kung katawan ko lang ang magiging kapalit ng kalayaan ko, madali na iyon para sa akin. Mukhang hindi ako mahihirapan sa pagkakataong ito.
"O-Opo. Kahit ano po."